ITIM AT PULA [ ON HOLD]

By ClaraSaejo

39.6K 1K 86

Ito ay kwento ng isang lalaking tao na piniling kalabanin ang buong lahi ng mga halimaw para ipaglaban ang pa... More

Overview
Simula ng Lahat
Maia at Elyhenia
Si Lavender
Ang Mga Angkan
Messiah?
Trouble is a friend
Ang mga nilalang sa kapaligiran
Fateful Love
Pagkawala ng pag asa
Unang yugto ng umpisa
Ang nangyayari sa kapaligiran
Extra Chapter - Imahinasyon ni rhodney I
Sa loob ng kanyang munting mundo
Ang tunay na halimaw
Extra Chapter - Imahinasyon ni rhodney II
Ang tunay na halimaw II
Angelic Howl
Ang aming Unang Halik
Ang Pag-gising ng kanyang kapangyarihan
Inlove agad?
Ang Unang Ingkwentro pt.1
Ang Unang Ingkwentro pt.2
Ang Unang Ingkwentro pt.3
Ang Unang Ingkwentro End
Anong bago sa umpisa ng taon?
Tatlong Baliw
Triple Treat
Sumalungat sa kapalaran
Kalaban sa dilim I
Kalaban sa dilim II
Kalaban sa dilim III
kalaban sa dilim IV
Extra Chapter - Ala ala ng Isang Tao sa Nakaraan
kalaban sa dilim V
Kalaban sa dilim VI
Royal Rumble
" Pagod na Ako"
Extra Chapter - Ang bagay na binigay mo sa akin
Katangian ng isang pinuno
Hangang sa muling Pagbangon

Kaibigan

535 22 0
By ClaraSaejo

"anong tingin mo sa arrange marriage?"
tanong ko kay rhodney.

"arrange marriage?"

Sabado at kasalukuyan kaming nagbabarkada bonding kasama sina dante at rhodney, naka flight mode ako para hindi magambala ng kahit sino man.

Paraan ko ito para kahit papaano ay maalis sa isipan ko ang nakaka stress na mga pangyayari sa panig ng mundong hiwaga.

Naglalakad kami sa tabi ng kalsada.

12: 24 PM ngunit hindi mainit dahil kasalukuyan kaming naglalakad sa kalsada kung saan ay maraming nakatanim na puno na nagsisilbing lilim sa sidewalk.

"tol?, why all of a sudden tol?, teka? wag mo sabihing ikakasal ka na?!"
pabigla niyang wika.

"Adik!, hindi ako!"

" sino?"

" si el-"
Bigla ko naalala na katabi ko pala si dante.

"el?"
halos sabay na wika ng dalawa.

" si elias...y..yung isa sa mga pinsan ko sa father side..Oo pinsan kong buo"
palusot ko sa dalawa.

Elias?, takte anong klasing pangalan yan?, parang aso lang ah!.

"pinsan mo huh?, Hmm"
wika ni dante.

"Pinsang buo?..ibig sabihin ba may pinsang durog?"
Pasingit ni rhodney.

"Gusto mo ikaw durugin ko?"

"Sorry po"

Anyway mukang nakumbinsi naman sila.

"Ah...pinsan mo,..well, goodluck sa mapapang asawa niya"

" ah?,goodluck?, ano ibig mo sabihin rhods?, bakit naman , inaano ka ba ni kuya elias?"

"pinsan mo eh,..malamang manyak rin katulad mo"

" hah?, pano mo nasabi?"

" eh..nasa dugo niyo na ang pagkamanyak eh!"

Kumunot ang noo ko at sinakal si rhodney.

" ackk!, archfkl!, to..tol!, joke langachk! aArck! j..jock!"

Tuloy tuloy sa paglalakad habang pabirong sinasakal si rhodney ngunit pansin ko na tila ba ay seryoso si dante habang sabay sabay kaming naglalakad.

"arrange marriage huh?,..ikakasal sa babae na hindi mo naman kilala dahil sa kagustuhan ng iyong mga magulang. ganun ba yun?."
wika ni dante na may kakaibang tono.

Bigla kami huminto ni rhodney sa pagbabaliwbaliwan at napatingin kay dante.

A..ano?,.

Bakit parang seryoso siya?.

"To..tol...wag mong sabihing naka arrange marriage ka?.."
bigla wika ni rhodney na hindi ko alam kung sinusubukan niya biruin si dante o kung totoo siyang nagtatanong.

"....."

Inilayo ni dante ang tingin niya samin ng saglit.

Sabay sabay kaming huminto sa paglalakad, napatingin kami ni rhodney sa aming kaibigan na si dante, kasalukuyan siya nakatingin sa lupa at walang imik.

No way..

Biglang ngumiti si dante na ikinagulat namin ni rhodney, dahil hindi normal na ngiti ang ginawa niya ngunit isang karumal dumal na ngiti.

I didn't hear about this ah?...seryoso?.

"kung ako gaganunin, ipapa asssasinate ko yung babaeng naka arrange sa akin."
nakangiti niyang wika.

Natulala kami sa sinabi ng aming kaibigan kasabay ng pag ihip ng malakas na hangin sa aming harapan.

E..Eh?.

A..assasinate?.

Ipapapatay niya?!.

Ah! Akala ko totoo na! Haha.

Sa di kalayuan ay nakita namin ang dalawang pamilyar na mukha.

" oh, sila anu yun ah"
pagulat na wika ni rhodney na nagpabago ng mood ni dante.

Agad napatingin si dante sa kanyang harapan at sa malayo ay nakita ang dalawa sa aming mga kaklase na hindi namin alam na close pala sa isat isa kung hindi namin nakita.

Si yuna na isang tahimik na estudyante at mona na kabaliktaran ni yuna, magkahawak ang kamay ay magkasama silag naglalakad papasok sa mall na amin din pupuntahang tatlo.

"Aba woah!."
naiwika ni dante

" ohoooo, ano to! ano to holding ha hands?"
wika ni rhodney sabay hawak sa baba.

Actualy normal lang sa babae mag holding hands...ngunit kapag lalaki na ang nag hoholding hands ay iba na.

" ano sa tingin mo jonats"
biglang tanong sa akin ni rhodney.

eh?.

"nakakabigla nga eh, naglalakwatsa din pala si yuna,"

"hindi yun tol! ang insensetive mo"
tumaas ang kaliwang kilay ni rhodney.

insensitive?.

"tol!, spyan natin,"
nakangiting pagyayaya ni dante.

oi oi oi!...ano namang magandang idudulot niyon?.

"Nakatingin kaming tatlo sa dalawa ng biglang halikan ni mona si yuna sa pisngi na agad naman naming ikinagulat.

" what the?"
pagulat kong wika.

" woah!"
wika ni dante.

"confirm!, Hiiiii!"
wika ng tila ba isang bading na si rhodney.

" T..tol!, espayan natin!"
muling pagyayaya ni dante.

" tara!, agad naman na pagsang ayon ni rhodney.

wala ba lumalabas sa bunganga mo kundi spyan spyan.

At teka para kayong mga baliw!.

Haa..kung kailang gusto ko ng normal na barkada bonding para makalayo naman ng kaunti sa stressfull aswang problems ay ma uunsyami pa!.

" oi wag, loko kayo ah, malay niyo pa secreto ang relasyon nila at ayaw nila ipaalam sa buong klase"

" haa.., ano problema mo jonats?, dinidepensahan mo sila?,"
pagtataka ni rhodney.

" hindi sa ganun..."

" hooo,..ano yun?, relate ka or something?"
pagtataka ni dante.

" relate...ano sinasabi mo tol,..may gf si jonats?, imposible not in a millenium!"
sarkastikong wika ni rhodney.

Habang nakikipag debate at napatingin ang dalawa sa akin ay sa kabilang panig naman ay nakita kong lumuhis na at nawala na sa paningin ng dalawa sina yuna at mona.

Haaa...buti na lang, safe!.

Tuloy na sa bonding.

" jonathan , jonathan, jonathan, masyado kang poetic, may girlfriend kana ba?"
biglang wika ni rhodney sabay tapik sa aking balikat para kunin ang aking atensyon.

poetic?,. gf?...teka!, oo meron!.

Tinaas ko ang kanan kong kilay bago magsalita.

"meron akong girlfriend bakit?"
taas noo kong wika at nagsitawanan ang dalawa.

"bwahahahah!,"

"Hahahah"

"nyahahah!"

" huh?, ano problema mga tol?, hindi ba kayo maniwala?"

" bwahah!, tol best joke ever!"
wika ni rhodney.

"Hahahah"
Mas natawa pa si dante sa sinabi ng loko lokong si rhodney.

Halos dumapa si rhodney sa kakatawa habang si dante naman ay nakatayo lamang ngunit tumatawa din dahil sa nakalatawang pagtawa ng aming kaibigang baliw.

Minamaliit niyo ako ah..Hmm.

Ipapakita ko sa inyo kung gaano ka cute ang aking girlfriend.

Gumalaw ang aking kamay at kinuha ang cellphone sa aking bulsa, habang patuloy sa pagtawa ang dalawang baliw ay hinalungkat ko ang mga litrato namin ni lena, mga letrato na magpapatunay na may relasyon kami.

Inabot ko sa tumatawang si rhodney ang aking cellphone, huminto siya at tinignan ang nilalaman nito.

Matapos mahawakan at mapatingin sa screen ay nakita ko na nanlaki ang kanyang mga mata at agad sinuri ang iba pang picture.

Nang mapansin na nanahimik na si rhodney ay lumapit si dante kay rhodney at nakitingin din.

Ha...hora miro!, ano kayo ngayon?

Mitte kudasai ne~ sige ibaon niyo mata niyo!!.

Patuloy sila sa pagtingin ng mga litrato.

Matapos ang ilang minutong pagsusuri ay nagsalita ang dalawa.

" J..jonathan?"
naiwika ni rhodney.

"Hmmm?, ano problema?"
wika ko sa talunan na kaibigan.

"a..a..ang g-"
hindi niya masabi ang kanyang gustong sabihin.

haha?, ano yun?, ang ganda niya?

Aba syempre!, girlfriend ko yan eh!.

"ang galing mong mag edit!, todo effort ah"
biglang wika ni rhodney.

" anong edit loko!, totoo yan!"
naiinis kong wika.

Lumapit si dante sa akin at tinapik ang aking balikat.

" ang ganda ng pinsan mo tol.."
bigla niyang wika sa akin.

Pi..pinsan!, loko! wag kayo denial! gf ko yan gF!.

" girlfriend ko yan loko kayo".

" emposible!, ganito ka ganda parang isang dyosa ng kagandahan!, pweh"
wika ni rhodney sabay balik sa akin ng cellphone.

" tol,...ligawan mo na si maia, bago ka pa mabaliw sa imaginary girlfriend mo..napaghahalo mo na ang fantasy sa reality ah."
wika naman ni dante.

"hahah, ikaw din tol dante, ligawan mo na si elena, "

" ano kamo rhodney!"

"Sabi ko si elena kailan mo liligawan!!"

"S...sa lunes"

"Sa lunes?, anong year next year ng lunes?."

"M..manahimik ka nga dyan!!"

Biglang nagkaroon ng sariling pag uusap ang dalawa at para akong hinagis sa malayo.

A..ayaw nila maniwala.
well...hindi ko naman gusto ipagmalaki sa kanila..pero sa kagandahan ni lena ay dapat talaga pinagmamalaki na naging gf ko siya eheheh.

"tol, espayan na natin sina yuna at mona baka may makita pa tayong exciting.."
wika ni rhodney.

"exciting?, heheh"
wika naman ni dante ng may karumal dumal na ngiti.

Nagtinginan ang dalawa at agad ako tinaasan ng balahibo dahil sa kanilang karumal dumal na ngiti.

A...anong iniisip nila.

" m..mga tol?, an..nong binabalak niyo?"

"mag espiya nga.."
wika ni dante.

"alam mo naman after ng isang date...may finale' tulad sa mga 18plus movies at novel.."
wika naman ni rhodney.

finale?,..

"finale?, nu yun?"
pagtataka ko naman.

" hooo,..kung totoong may gf ka alam mo dapat yun, halata naman na hindi mo alam eh..ibig sabihin wala ka gf"
nagmamagaling na wika ni rhodney.

Ano nga yun!?.

" ano ba yun tol, bago pa lamang kami ng gf ko eh"

"Haa..wag ka na mag imagine tol,...sasabihin ko nalang sayo"
at ulit ay nagmagaling nanaman si rhodney kahit wala pa siyang gf, lumapit siya sa akin at may ibinulong.

" segs tol segs,...susundan namin o natin sila hangang sa motel or hotel o kahit saan pa man yan, kasi surely after ng date..yun na yun"
wika ng demoyo kong kaibigan.

se.
se...se...Segs!.

B..bastos!.

Hoy! babae silang parehas!.

Manyak!.

"b..babae sila...a..ano sinasabi mo"
nauutal kong wika.

" mas maganda panoorin diba?, parehas din sila maitsura,..hehe"
wika ni rhodney na tila ba ay baliw na dahil sa pagiging excited.

Haaaa! Gahhhh!.

"tol?, namumula ka?"
pagtataka ni dante habang nakatingin sa akin.

Segs after ng date!.

Ginagawa ng magkasintahan!.

Gahhhj huaaaaaa!!!

Agad naimahe ng aking utak ang itsura ni lena na nakahubad.

Arrrchg!. wag!.

Wag mo sirain ang kanyang puri! jonathan!, wag!.

Mas lalong tumogtog sa aking utak ang imahe ni lena, ang kanyang maputing balat, makinis na kutis, cute na mukha, payat ngunit ka akit akit na katawan, at ang kanyang labi.

Ahhhaaaarg!.

Naimahe ko na nakahubad siya habang nakatayo sa aking harpan.

Arrrhg!. spirits be gone!, holy father of mercy help me!.

Mother Father!.

Sa taranta ay bigla ko nasuntok sa panga si rhodney at hindi ko nakontrol ang aking lakas.

Agad siya bumagsak sa damuhan at nawalan ng malay.

"r..rhoney!, rhodney!!!!!!!"
naisigaw naming dalawa ni dante.

*********** ** ****************

*Infirmary ng mall*

Dahil malapit na kami sa mall nung nawalan ng malay si rhodney ay naisipan nalang namin na dalhin ang aming kaibigan sa mall at doon hintayin na magkamalay.

Inasikaso naman siya ng medic volunteer ng naturang mall at sinabing nawalan lamang siya ng malay.

"grabe ka naman tol!, hindi mo naman ako kailangan suntukin!"
pagrereklamo ni rhodney habang hawak ang isang bag ng yelo na nakalagay sa kanyang panga.

" s..sorry"
naiwika ko na lang dahil wala ako masabi.

"takot na ako kay jonats..grabe"
biro ni dante sa akin.

Matapos ang insidente ay nilisan na namin ang infirmary at pinagpatuloy na ang aming gagawin.

ayun ay ang pag wiwindow shopping sa mall in a form of bonding.

Teka?, parang ginawa ko na ito nakaraang lingo lang ah?.

Bigla ko naalala na nag mall din pala kami nila lee at sherly.

Oo nga no?.

Nagpatuloy kami sa paglalakad sa loob ng dambuhalang mall, first floor at ng makarating sa second floor ay mas lalong bumagal ang aming paglalakad dahil ang ikalawang palapag ay ang gadget at gaming section, ang tinaguriang nirvana ng mga kabataang gamer at nerds katulad namin.

"Haaa....Heaven!"
wika ni rhodney habang sinisinghot ang sariwang alikabok galing sa mga naka display na gadget.

"Haa..heaven na heaven mga tol!"
pag sang ayon naman ni dante.

Anong heaven...hell ito para sa akin, kasi hangang tingin lang tayo sa mga gadget na naka display.

"Tol!, Night stalkers  may bagong release na!, at may cosplay maskot pa oh!, pa picture tayo!"
biglang wika ni rhodney sabay turo sa mga taong nagkukumpulan sa kabilang sulok.

"oh talaga?, pwede pa picture?"
biglang wika ni dante sabay takbo at pinuntahan ang lugar.

"tara tol!"
pagyayaya sa akin ni rhodney habang nakatingin kay dante na nauna ng pumunta.

"sunod na ako"
wika ko at nauna ng pumunta si rhodney patungo sa shop na pinipilahan.

Cosplay huh?.

Haaa...Oo nga no, hindi ko na nagagalaw yung Playstati*n 3 ko at N3DS.
Nakalimutan ko na pala maglaro laro ng video game sa mga gaming consoles ko.

i guese nawalan ako ng oras sa maraming bagay magmula ng na involve ako kila elena.

Yumuko ako at tinignan ko ang aking mga palad, palad na may bahid na ng mga dugo ng nabubuhay na nilalang.

Hindi na ako normal  na binata no?.

Nag umpisa akong maglakad para sumunod sa dalawa ngunit dahil nakayuko ako nung mga oras na yun ay may nabanga ako at agad naman ako bumagsak sa marmol na sahig ng mall.

Isang lalaki.

Kasalukuyang marumi ang kanyang suot suot na puting polo habang hawak ang sa tingin ko ay isang chocolateng inumin.

Geh!...

Doon ko nalaman na ako ang dahilan kaya may mantya ng chocolate ang kanyang polo.

Natapon yung iniinom niya sa dibdib niya nung nabanga ko siya...

Nakatayo siya sa aking harapan, isang matipuno at maitsura ngunit nakakatakot tignan na lalaki, nahahalintulad ang tangkad niya kay sir fiore at maging ang katawan niya, nagbibigay siya ng isang nakaka intimidate na dating.

Si..sisigawan niya ba ako?.

Nakatitig siya sakin ng bigla niya igalaw ang kanyang kaliwang kamay patungo sa akin.

Sa takot ay naipikit ko nalang ang aking mga mata.

"Ok ka lang brad?"
Isang tila ba malambing na boses ang aking nadinig mula sa kinatatayuan ng lalaki.

Dahan dahan ko iminulat ang aking mga mata at nakita ang lalaki habang inaabot niya ang kamay niya sa akin.

Kahit naiilang ay inabot ko ang aking kamay at agad niya naman ito hinila para ako'y makatayo sa aking pagkakadapa.

Kailangan ko humingi ng tawad!.

"So..sorry"

"sorry?"

"Huh?, Bakit sorry? Diba dapat salamat?...o sha~ diretso na ako sa confort room ah..."
Nakangiti niyang wika sabay naglakad na papa alis sa aking harapan at nagtungo siya sa pinakamalapit na cr ng mall na sa tingin ko ay para linisan ang damit niya o magpalit ng damit.

"A...anong nangyari?"
Nanatiling nag proproseso ang aking utak sa mga nangyari.

" toL, picute tayong tatlo kasama si morrigan"
biglang wika ni dante sabay turo sa cosplayer.

morrigan yung pangalan ng character na kino-cosplay niya.

Naglakad ako papunta sa aking mga kasama at nagpapicture kasama ang cosplayer matapos ay kinuha naman ang litrato at inilagay sa aming mga cellphone.

"Haaa!, magpapalit ako ng timeline sa facebook mamaya!"
wika ni dante sabay tingin sa aming picture kasama ang cosplayer.

Haa..fan na fan siya ng larong iyon ah.

Labis siguro ang saya na nararamdaman niya ngayon.

Matapos malibot ang second floor ay sinunod namin ang 3rd floor at saktong doon na din kami kumain dahil doon din sa palapag na iyon located ang foodcourt at matapos ay umakyat na kami sa fourt floor ang tinaguriang intertaiment floor ng mall kung saan nandoon ang sinehan, amusment center at iba pa.

Pumunta kami sa karaoke Center kung saan ay may maraming karaoke rooms na available, umarkila kami ng isang room at kasalukuyang kumakanta.

Kasalukuyang kumakanta si dante habang naguusap kami ni rhoney.

"tol duet tayo duet"
wika niya.

"duet? yak!, anong duet laseng ka ba sa ice tea or something?"

" hahah, try lang wala namang masama diba?,"

" pwede?, anong kanta pero?, wala akong alam na pang duet na kanta eh"

"total ecplise of the heart tol"

"rhodney!, gusto mo masuntok uli?"

" so..sorry"

Patuloy kami sa pag uusap ng biglang maagaw ang atensyon namin ni rhodney sa ganda ng boses ni dante.

Kasalukuyan niya kinakanta ang isang opm na hindi naman gaano kaluma ngunit kahit luma man ay maganda ang mensahing pinapahatid nito hindi tulad sa mga bagong kanta ngayon na puro kalandian lamang ang sinasabi.

Magsimula ng marinig naman hangang sa kahulihan ng liriko ay nakinig kami ni rhodney doon namin nalaman na maganda pala ang boses ng aming kaibigan.

Matapos ibaba ang mic ay napa palakpak nalang kami ng hindi namin maintindihan.

Ang galing...

" t..tol!, ang galing mo!"
wika ko.

" good choice ng kanta tol!, magandang mensahe plus magandang boses, its a yes for me,..kung may golden buzzer lang ay pipindutin ko na!,"
wika niya.

" tumahimik ka nga dyan david foster!,"
wika ni dante.

" anong david foster!,?, anggun anong masasabi mo?"
wika ni rhodney sabay tingin sa akin.

" takte anong anggun babae yun eh!, si jay nalang o si vannes"
wika ko naman.

" hah!, more like gay o panes!"
wika ni rhodney.

Nagpatunog ako ng mga buto sa palad.

" sorry sorry!, oo na ikaw na si jay at vanes "
wika ni rhondey.

Habang nag lolokohan ay tumogtog na ang intro ng susunod na kanta ng hindi namin alam.

" tol!, kanino to?"
biglang wika ni dante.

Binasa namin ang title.

Sa akin to ah!, teka!.

Agad ko hinablot kay dante ang mic at kinanta.

Tumugtog ang musika sa speaker ng karaoke ngunit hindi pamilyar ang musika nito sa akin.

"Huh? Ano to, till my heartaches end?"
Pagtataka ko.

"Jonathan....wag mong sabihing..bumibigay kana?"
Wika ni rhodney saba hawak ng kanyang bunganga na parang isang babaeng nagulat.

"Sige ka...isusubo ko sayo yang kamay mo!"

"Hah? Hindi ba sayo yan jonathan?, 2366? Diba?"
Pagtataka ni dante.

"Hindi! Sabi ko 4366!"

"Ay! 4366! Sorry sorry akala ko 2366"
Wika ni dante na tila ba wala sa sarili

"Suss~ si elena nanaman kasi nasa isip eh, ano yun?..magpaparaya kana kasi ikakasal kana sa iba? Hehhe till my hear- uguu~"
Wika ni rhodney at agad isinubo ni dante ang mic sa bunganga ng madaldal naming kaibigan.

.
.
.

Matapos nang kaunting kalokohan ay napilitang kantahin na lamang ni dante ang kanta na kasalukuyang tumutugtog.

Sa bawat chorus ay sinabayan namin ni rhodney si dante para hindi siya mahiya.

At kung papakingan ang boses naming tatlo kapag sabay sabay kumanta ay para kaming isang kulto na nagtatawag ng demonyo.

"Yan tol...ikaw na susunod...ano ba yang kakantahin mo ah?"
Wika ni dante sabay abot sakin ng mic.

"Ahh...ano lang..yung natripan ko lang nga-"

"Dying inside para kay maia"
Agad nanamang umepal si rhodney.

"Gusto mo uli isubo yung mic?"
Wika ko kay rhodney sabay tutok sa bunganga niya ng micropono.

"Gehh!, Wag na wag na....mapupunit na yung bunganga ko".
Pabiro niyang wika.

*

Nang mag umpisa tumugtog ang sumunod na kanta ay ihinanda ko na ang mic at ipwenesto sa aking labi.

"J-pop"
Wika ni dante.

"Oo nga no?....j-pop as expected ~"
Wika naman ni rhodney.

Teka! May problema ba kayo sa jpop!!.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Nagpatuloy kami sa aming weekend bonding hangang mag gabi na.

Matapos mag out sa karaoke station ay nagpasya muna kaming kumain uli ngunit light food lamang.

napagpasyahan namin kumain ng siomai at gulaman sa labas ng mall na located sa terminal ng mga sasakyan pauwi.

Madilim na ang paligid at naka sindi na lahat ng ilaw sa kalsada.

"Ah...linggo bukas.."
wika ni dante.

" tapos lunes nanaman pagkatapos nun.."
wika ko naman.

"Haaa...tapos sabado nanaman sa sususnod.."
wika ni rhodney.

"Haaa.. sana maging magkaibigan tayong tatlo forever"
wika ni dante at tila ba parang may umihip na malamig na hangin na dumampi sa aming mga balat.

Ang lamig!.

Ano yun event flag!.

" oi, nag dr-drama ka nanaman dante!"
biro ni rhodney.

" hmm,..oo nga,.."
wika naman ni dante.

oo nga?.

Matapos kumain ay nagpaalam na kami sa isat isa, unang sumakay at naka alis sa lugar ay si dante na mahigit 30 minutos pa ang byahe pauwi sa kanila sakay ng bus.

Sumunod naman si rhodney na sumakay sa jeep pauwi sa kanila.

"Haa salamat at kahit papaano ay ako pa rin ako..salamat mga tol"
Tumalikod ako at naglakad papunta sa bus kung saan ako sasakay.

.
.
.
.
.
.

.
.
..

**** ******** ******** ******

.
.
.
.
.


.
.
.
.
.
.
..

Hating gabi, Sa isang malaparaisong isla sa dulo ng palawan ay tila ba naging kulay pula ang tubig sa ilalim ng dilaw na buwan.

Nagkalat ang mga lumulutang na katawan ng mga aswang tubig tulad ng kataw serena at shokoy, kung hindi putol putol ang katawan ay malalaking hiwa naman ang ikinamatay nila.

Ang paraisong tanawin ng gabi ay nagmistulang impyerno dahil sa kulay pula dala ng dugo na humalo sa tubig.

Tahimik ang karagatan at walang alon ngunit isang sakuna ang nangyari.

" Nasan ang namumuno sa lugar na ito?,ang ikalawang prinsesa ng angkang silangan na namumuno sa mga aswang ng silangang tubig"
wika ng isang matipunong babae sa hawak hawak niyang serena sa leeg.

Nag uusok ang babae sa lamig at kasalukuyan siyang nakatapak sa yelo habang nasa kalagitnaan ng karagatan.

Bawat tapakan niyang tubig ay agad nagiging yelo kaya wala siyang problema sa kanyang kinatatayuan kahit nasa gitna pa man siya nh karagatan.

Nasa 5'7 ang kanyang tangkad ,ngunit ka aya aya ang itsura para sa isang babaeng may matipunong katawan.

"tama na muna yan muerte"
Wika ng isang babae na tila ba ay naglalalad sa tubig.

"masusunod po panginoon"
wika ng babaeng matipuno na nagngangalang muerte at agad ihinagis ang serena sa tubig.

Naglakad ang babaeng naglalakad sa tubig at lumapit sa naghihingalong serena.

"mabubuhay ka kung sasabihin mo ang lokasyon ng iyong prinsesa na nagngangalang yfhanalenaly "
nakangiting wika ng babae.

"Hindi ko sasabihin sa inyo!, kahit kahit buhay ko ang kapalit!"
wika ng serena.

"Ganun......"
Wika ng babae.

Tumingin ang babae kay muerte.

" Tara na muerte, pabayaan mo na siya dyan, total siya nalang naman ang natitirang buhay sa lugar na to"
wika ng babae at nagpatuloy siya sa palalakad.

" masusunod po, panginoong lavender"

Naglakad pa alis ang babae sa naturang lugar at sinundan naman siya ni muerte.

Naiwang nakalutang ang naghihingalong serena sa tubig.

"lavender..."

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

*********

Naka upo si rhodney sa pinaka dulo ng jeep na kanyang sinakyan pauwi sa kanila.

"Pssst!!"

"Pssssssstttr~"

Tila ba may isang lalaki ang pilit sumisitsit para mapansin ni rhodney ngunit hindi ito napansin ng bata dahil kasalukuyan itong abala sa kanyang cellphone kung saan nakasaksak pa ang kayang headset.

Tumayo ang lalaki habang umaandar ang jeep at dahan dahan nakayukong naglalad papalapit kay rhodney at nang makalapit ay tinabihan niya ang bata

"Si .sir nurse!!"
Pagulat na wika ni rhodney ng makitang nakatabi na sa kanya ang pamilyar na mukha.

Si yllis na kanilang school nurse at nagsisilbing guardian ng kanyang kaibigan na si jonathan.

"Kamusta? Hehe"

" Ah.! Kakatapos lang po gumala kasama si jonatha at dante"

" Ah! Ganun ba?"

" Nga po pala ser? Kelan pasok niyo sarado yung infirmary nung nakaraang araw ah?"

"Kami?...Next week pa kami ni prim, papasok"

" Aba sir ang haba ng bakasyon ah yahaha"

" Aba syempre, habang may pagkakataong magpahinga magpahinga!, Hindi naman tayo nabubuhay para mag traba-"

Habang nagsasalita ay biglang lumundag ang jeep na nagdulot sa pagkakakagat ni yllis sa kanyang dila.

" aRaY!!"
Agad niyang wika

" Hahahahhaa"
Natawa naman si rhodney sa nangyari.

Punong puno ang lulan ng jeep at mabilis itong humaharurot sa daan na parang wala nang bukas kung mag madali sa pagpatakbo ang driver.

Hindi alintana ang mga hump sa kalsada ay tila ba patalbog talbog ang mga lulan ng jeep habang naka upo sa hindi gaanong kumportableng upuan nito.

"Manong pwede po ba magdahan dahan tayo....may katabi ko akong buntis"
Wika ng isa sa mga lalaking lulan ng jeep na may katabing babaeng buntis.

"Oo nga po manong, baka kung ano pa po mangyari sa atin sa ginagawa niyo"
Pagrereklamo pa ng isang lalaki na nasa kanyang 50s.

"Nyagyagat kyo nga dila ko ey"
Wika naman ni yllis habang tila ba hindi makapagsalita ng maayos.

Nagkaroon ng kumosyon sa mga pasahero dahil sa bilis ng pagpapatakbo ng driver nang may mapansin silang kakaiba.

"H..hindi gumagana yung preno....hindi na ako nakatapak sa gas ngunit diretso pa din ang pag abante ng sasakyan!,"
Pasigaw ng driver habang pilit minamani ubra ang sasakyan patungo sa libreng daan kung saan walang nakaharang.

"...."

"...."

"...."

"..."

Mula sa harapan kung saan naka upo ang isa sa mga pasahero sa tabi ng driver ay bigla na lamang may tumalon at nagtangkang tumakas sa sasakyan na ayaw huminto.

Tumalon ang isang pasahero na naka upo sa drivers seat.

Kitang kita ng mga tao sa lugar kung maano siya bumagsak sa matigas na simento habang katatalon pa lamang sa rumaragasang sasakyan, sa kasamaang palad ay hindi niya nakontrol ang pagbagsak niya at  naunang ang kanyang ulo sa simento at nabiyak ito.

Nagkaroon ng maikling katahimikan sa loob ng jeep bago pumutok ang taranta at takot sa mga lulan nito.

"ahhhrhhRrr!!"

"Sir nurse! A..anong gagawin natin!"

"Wag ka mataranta...kalma ka lang ...walang mangyayari kung matataranta ka"
Makalmang wika ni yllis kay rhodney.

"HaaaaaaAaaa!!"

"Haaa...Hanong nangyayari!!!!"

"M..may tumalon!!!"

"P...patay patay na siya!!!"

"Manong ihinto niyo na ang sasakyan parang awa niyo na!!"

"Hindi ko makontrol ang takbo!, "

"Humawak kayo ng magigpit sa mahahawakan susubukan ko lahat ng makakaya ko!"

"Tulong!!"

"Tulong!!"

"Tulungan niyo kami"

Bata matanda nag umpisang magsigawan at himingi ng tulong sa mga taong nasa daan habang sila naman ay nakalulan sa jeep na patuloy sa pag andar ng mabilis.

"Ano na gagawin natin!"

",Diyos ko po tulungan niyo kami!!"

"Tatalon nalang ako!"
Wika ng isa sa mga lalaki at agad siya tumayo sa kanyang inuupuan.

Hindi alintana ang bilis ng pag abante ng jeep ay naglakad siya papalapit sa dulo ng jeep kung saan nandoon ang labasan.

Napa daan ang jeep sa isang hump habang mabilis ang takbo nito na nagdulot sa paglundag ng jeep, ang lalaking balak tumalon ay nawalan ng balanse at nadapa sa sahig ng jeep saka nahulog sa labas nito, nagpagulong gulong ang lalaki hangang magulungan din siya ng kasunudang sasakyan na isang trailer truck.

"HAAAAAAAA!!!"

"ARRRRHGGGG"

"DIYOS KO PO!!!!"

"Rhodney humawak ka sa akin!!",
Agad na wika ni yllis at bigla niya niyakap ang bata.

Nag umpisang magkagulo ang mga tao sa jeep habang pilit pa din pinapahinto ng driver ang naglolokong sasakyan.

Hindi na alam ang gagawin ay humawak na lamang ng mahigpit si rhodney kay yllis at niyakap ni yllis si rhodney ng buong buo at naghanda sa maaring mangyari.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

*************

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Fernandez Ancestral Residence.

Isang makalumang mansion na may disenyong kastila na nagsisilbing tirahan ng mga pamilya fernandez sa lumipas na mga dekada.

8:35PM

Dinig ang boses ng mga taong nagsasalita sa tv matapos lumabas ni sherly mula sa banyo.

Kakatapos lamang mag shower ng babae at kasalukuyang naka tuwalya lamang habang nagpapatuyo ng buhok at naka dungaw sa bintanang kahoy at nakatitig sa buwan na nagliliwanag sa  kapaligiran ng gabi.

Sa kanyang kanang kamay ay hawak hawak ang mug na may lamang gatas na umuusok pa sa init.

** Breaking news **

Isang aksidente ang nangyari malapit sa intersection ng -

Habang nagsasalita ang reporter sa tv kung saan ay may sumingit na local news ay kasalukuyang may kausap sa cellphone ang kasama ni sherly sa loob, tila ba seryoso ang pinag uusapan sa cellphone ay naagaw ang atensyon ni sherly at dahan dahan siya lumapit sa lalaki.

Tila ba ay nagkaroon ng kutob na may kakaibang nangyayari ay agad niya kinausap ang lalaki na si rohelyo, ang kanilang adviser adviser at isang PE teacher.

"Anong nangyari"
Wika niya kay rohelyo na kasalukuyang abala sa pakikipag usap sa cellphone.

Humigop si sherly ng gatas.

Hindi siya pinansin ng lalaki at nagpatuloy ito sa pakikipag usap sa cellphone, kumunot ang noo ni sherly sa ginawa ng lalaki at nagpalobo siya ng pisngi sa sobrang inis sa hindi pagpansin sa kanya.

"Masusunod po mam, naiintindihan ko po, sige po mam may emergency meeting bukas ng maaga bago mag umpisa ang klase...sige po mam.."
Wika ng lalaki sa kausap niya sa cellphone.

"Emergency?"
Pagtataka naman ni sherly sabay higop uli ng gatas.

Umihip ang malakas na hangin sa labas at pumasok ito sa bintanang nakabukas sa loob ng bahay at dumampi sa balat ni sherly.

"*aChi!*"
Nilamig ay bigla siyang nabahing, umalog ang kanyang kamay na muntik nang makatapon sa iniinom niyang gatas.

"Sherly....isa sa mga kaklase mo....."
Wika ng lalaki habang nakatingin kay sherly.

Huminto sa pagsasalita ang lalaki na tila ba nag iisip ng sasabihin, naging tahimik ang lugar at tanging ang boses ng nagbabalita sa tv ang nadinig sa kapaligiran.

Humigop ng gatas si sherly habang tila ba hinihintay muli magsalita si rohelyo.

*Local news*

"Isang pampasaherong jeep ang nawalan ng kontrol ngayong gabi lamang sa Bemarc Street at bumanga sa makapal na pader ng isang establishinento, kilalang ang road na ito sa pagiging madilim dahil sa kakulangan ng ilaw sa paligid, wasak ang harapan ng naturang sasakyan, sa ngayon ay inaalam pa ang naging degree ng insidente at kung may mga nakaligtas ba sa nangyaring trahed.."

"Aba..... Malapit lang dito ya ah! ang sama naman ng nangayari!...rohelyo tignan mo to oh!"
Pagulat na wika ni sherly sabay turo sa TV.

"Sherly.....lalabas ako saglit"
Wika ni rohelyo na kanilang PE teacher.

"Hah? Bakit?"
Tanong niya sabay higop ng gatas.

Nagpatuloy sa pagsasalita ang reporter sa local news at ibinigay ang mga listahan ng lulan ng jeep na naaksidente.

Ang listahan ay nakabase sa listahan sa terminal kung saan nakasulat sa logbook ang mga pangalan ng pasaherong sumasakay sa bawat oras na alis ng jeep.

Lumabas ang listahan sa screen ng tv at may pangalang nabasa si sherly na pamilyar sa kanya.

-rhodney prado-

Nanlaki ang mata ni sherly at agad niya nailuwa ang iniinom niyang gatas.

"Rohelyo!..rhod..rhodney Y...yung pangala-"

"Kaya nga, si Dean suarez ang kausap ko  kanina, kailangan ko daw puntahan ang pinangyarihan...."

Dumapa si sherly habang may hawak na basahan at inumpisahang linisan ang gatas sa sahig.

"Pasensya na sherly pero mukang next time nalang tayo mag usap emergency ito"

"Sige naiintindihan ko....."
Wika naman ni sherly.

Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 435K 114
Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademi...
1.6M 64.7K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
30K 1.2K 42
[COMPLETED] Following the broken engagement with the Crown Prince while struggling to adapt to her new environment, Myrtle Edelwyse now needs to marr...