ITIM AT PULA [ ON HOLD]

By ClaraSaejo

39.6K 1K 86

Ito ay kwento ng isang lalaking tao na piniling kalabanin ang buong lahi ng mga halimaw para ipaglaban ang pa... More

Overview
Simula ng Lahat
Maia at Elyhenia
Si Lavender
Ang Mga Angkan
Messiah?
Trouble is a friend
Ang mga nilalang sa kapaligiran
Fateful Love
Pagkawala ng pag asa
Unang yugto ng umpisa
Ang nangyayari sa kapaligiran
Extra Chapter - Imahinasyon ni rhodney I
Sa loob ng kanyang munting mundo
Ang tunay na halimaw
Extra Chapter - Imahinasyon ni rhodney II
Ang tunay na halimaw II
Angelic Howl
Ang aming Unang Halik
Ang Pag-gising ng kanyang kapangyarihan
Inlove agad?
Ang Unang Ingkwentro pt.1
Ang Unang Ingkwentro pt.2
Ang Unang Ingkwentro pt.3
Ang Unang Ingkwentro End
Anong bago sa umpisa ng taon?
Tatlong Baliw
Sumalungat sa kapalaran
Kaibigan
Kalaban sa dilim I
Kalaban sa dilim II
Kalaban sa dilim III
kalaban sa dilim IV
Extra Chapter - Ala ala ng Isang Tao sa Nakaraan
kalaban sa dilim V
Kalaban sa dilim VI
Royal Rumble
" Pagod na Ako"
Extra Chapter - Ang bagay na binigay mo sa akin
Katangian ng isang pinuno
Hangang sa muling Pagbangon

Triple Treat

662 23 0
By ClaraSaejo


January 7 , 8:32PM.

"kaliwa o kanan?"
Sigaw ko kay sherly.

" kanan jonathan!, sa puno ng manga jan siya nagtatago"
wika ni sherly habang tumatakbo pasugod sa tiktik.

Isang nagliliwanag na patalim ang hawak ni sherly na kulay kahel may 13cm ang haba at may kakaibang disenyo.

Gamit ang singsing ay sinugat ko ang aking daliri at lumabas ang aking mga dugo,.sa aking isip ay hinulma ko ito na maging pana at nag hugis pana naman ito na naayon sa akin inisip.

Gamit pa din ang aking dugo ay humulma ako ng palaso at ihinanda itong ipana sa kalaban.

Itinutok ko ito sa lugar na sinabi ni sherly at buong lakas na pinakawalan ang palaso, tumagos ito sa puno ng manga at nakarinig ako ng sigaw.

"Arrrhg!"
isang itim na nilalang ang lumabas sa manga at bumagsak sa lupa.

nakabaon ang aking dugong hugis palaso sa kanyang kamay ay unti unti siya natunaw.

"wa...wah!, ganyan pala ang epekto ng sinumpaang dugo na sinasabi nila?!"
pagulat na wika ni sherly habang patuloy sa pagtakbo.

Sa itaas ni sherly ay may paparating na dalawang mananangal at nakahanda na ang matatalim na kuko nito.

"kapangyarihan ng tubig, lumabas ka sa lupa at maging armas!"
wika ni lee sa aking likoran at nagliwanag ang paligid, kasabay nito ay ang biglang paglabas ng tubig sa lupa sa ibaba ng mga lumilipad na mananangal na parang isang matalim na kahoy ay tumusok sa kanilang katawan at nagpabagsak sa kanila sa lupa.

Matapos makalapit sa tiktik ay agad niya pina ikutan ang tiktik, agad naman gumalaw ang tiktik at tinangkang kalmutin si sherly gamit ang matatalim nitong kuko ngunit agad tumalon si sherly pabaliktad na parang isang atleta sa olympics at muling nakatapak sa lupa sa harap ng nakatalikod na tiktik.

agad niya isinaksak ang kanyang sagradong armas sa tiktik.

"Uhg?,...hindi maari..,..anong pakay niyo?..i..isang mangangaso,..isang mataas na uri ng aswang at..isang t..taong may kakaibang kapangya-...anong klaseng grupo kayo.."
wika ng tiktik at kitang kita ng mata ko ng bigla siyang mag umpisang magliyab.

Umatras si sherly habang pinagmamasdang unti unting nasusunog ang tiktik.

kasalukuyan ako nakatingin kay sherly.

Sagradong armas, isang bagay na gawa sa liwanag na kaya lamang kontrolin at gamitin ng mga mangangaso.

.
.
.
********
.

Matapos magapi lahat ng kalaban ay biglang humarap si lee kay sherly na ikinagulat ko naman ng tila ba naghanda rin si sherly sa pag atake at ang kanyang target ay si lee.

" t..teka!, ano ginagawa niyo!"
bigla kong wika at pumaharap ako sa kanila.

"hindi ba halata?, isusunod ko siya"
wika ni lee ng may seryosong tono habang nakatingin ng masama kay sherly.

"Hah?,..te..teka?,..akala ko ba..a..ano?"
kasalukuyan akong litong lito nung mga oras na iyon.

A...anong nangyayari?.

Ang saya saya lang namin kanina ah.

***********************

*Earlier*

7:14AM.

Kasalukuyan ako naka upo sa aking upuan sa loob ng classroom kasama ang mangilan ngilan pa din na aking mga kaklase.

Kung lima kami kahapon ay kasalukuyan naman kaming 12 ngayon at siguro may parating pa.

"haaa!, mga traidor!, sabi nilang dalawa papasok na sila ngayon!"
Kasalukuyan ako nakatingin sa upuan ng aking dalawang traidor na best friends.

Haaa....ano naman kaya gagawin ko mamaya, nami miss ko na yung dalawang bugok ah.

rhodney..

danteee..

Ihiniga ko ang aking ulo sa armchair at pumikit.

Hindi naman ako naantok nung mga oras na yun, talagang wala lang ako magawa kaya nag tulog tulugan na lamang ako ngunit natuluyan ako at bigla na lang nakatulog.
.
.
.
.
.
Nagising nalang ako ng marinig na ang malalim at nakakalalakeng boses ni arnold swz~ este...sir rohelyo.

parang spring ay agad bumalik ang aking ulo at katawan sa tamang posisyon ng pag upo.

"Hmmm,...12 students "
wika ni sir rohelyo ng makita kami.

Nanahinik siya at binuklat ang kanyang notebook na sa tingin ko ay lesson plan.

Muli siyang tumingin sa amin bago nagsalita.

"ok class 12 kayo diba?, ..then divide yourself into 4, group 1,2,3, and 4, tag 3 persons isang group!, bilis"
agad niyang wika.

E..eh?!.

3 groups?.

Tumingin ako sa klase at parang sa isang saglit lamang ay nakita ko na tila ba nakabuo na agad sila ng grupo.

Naiwan ako at ang tatlo sa aking mga kaklaseng lalaki na hindi papular na nakatunganga at hindi napili.

Teka ibig sabihin hindi ako papular!.

isa ako sa mga rejected!, nakakasakit sa loob ah.

Tumingin ako sa isang grupo at andon si lee na mukang hinila lamang ng kasalukuyang dalawa niyang kasamang babae.

Haaa...ang sarap maging popular ah,..kung magandang lalaki lang sana ako katulad niya.

Nagkatinginan kami ni lee ng mapatingin siya sa akin.

Nakita ko na parang may sinabi siya sa mga kasama niyang babae, at pagkatapos niyon ay naglakad siya papalapit sa akin.

"gawa tayo ng grupo, hanap ka ng isa pang member natin"
wika ni lee sa akin.

No way.. realy?!.

T..tropa!.

Hindi hindi!.

Oppa!.

Tropa na talaga kita!, hindi na yung dalawang traidor!. maasahan ka!

" ok!, kailangan niyo pa ng isang member diba?, sali naman ako dyan!"
wika ng babae sa aming likoran.

Agad kami tumalikod ni lee at nakita namin si sherly na nakangiti.

Teka?. sigurado siya?.

Matapos mabuo ang mga grupo sa klase ay nag umpisa na nga ang aming aktibidad.

Isang normal na groupwork.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakasama ko si sherly sa isang groupo dahil maka ilang beses na din na nakakasama ko siya tuwing nagkakaroon ng groupwork ngunit kumpara sa mga nauna ay first time ko lang siya maka usap at makahakubilo ng malapit, i mean nagkakasama nga kami sa isang grupi dati ngunit hindi naman kami nag uusap.

Naging maayos ang teamwork naming tatlo at mukang ako ang useless dahil pawang sina lee at sherly ay mga henyo sa pag aaral.

Hindi ko na kailangan ipaliwanag ang tungkol kay lee dahil first of all malamang mas matanda siya sa amin at mas marami alam, maganda rin ang performance niya sa klase, at kay sherly naman..well,..rank 2 siya sa klase namin at siya ang class president, no need to explain.

"para akong pabigat lang ah"

"huh?, may sinasabi ka jonathan?"

" ah wala wala!, ang sabi ko lee, matatapos na sinusulat ko"

" ah..ganun ba?"
tumingin siya kay sherly na abala din.

"ok, malapit na tayo matapos"
wika ni sherly.

Taga sulat lang ata ako eh!.

Haaa..napapaligiran ako ng mga matatalinong tao kaya ako nagmumukang bobo.
.
.
.

Oo nga no?.

Bigla ko naalala ang dalawa kong traidor na kaibigan.

Si dante ay nasa top 10 din, si rhodney naman ay may kakaibang talent pagdating sa literature, isa siyang henyo sa pilipino at english, bobo nga lang sa math pero masasabing matalino kahit hindi nasa top 10.

Si elena ay na sa top 10 din, rank 5 siya sa ngayon at ganun din si maia na 9.

Oo nga no?,...halos lahat ata ng kaibigan ko sa klase matatalino.

Matapos maabot ang binigay na oras ay isa isa naming iprinisinta ang aming ginawa, isang group work report tungkol sa PE. isa isa kaming nag prisenta at ng matapos ay ang aming grupo ang tinanghal na kampion.

"yes!"
wika ni sherly.
"ayos!"
wika naman ni lee.

nag highfive ang dalawa at mukang ansaya saya nila dahil sa kanilang achivement samantalang ako.

Ako.

"oh, jonathan?, bakit ka nagmumokmok jan?, nanalo tayo oi!"
wika ni sherly.

"may masakit ba sayo jonathan?, bakit ka naka upo ng ganyan?"
wika ni lee sa akin.

Yung pride ko.

Nasaktan.

Nagbasa lang ng report ang ginawa ko.

" ok class return to your seat"
wika ng aming kasalukuyang guro.

nanumbalik kami sa aming mga upuan at nakinig sa kanyang sasabihin.

"ok class , napaka swerte niyo, wala si sir lito dahil nag request siya ng emergency leave at mukang hindi din pumasok si mam supersonic, este si mam-"

Hindi naituloy ng aming kasalukuyang guro ang kanyang biro ng magsigawan ang aking mga kaklase.

Para silang mga hayup na nakawala sa hawla dahil sa kanilang narinig. ang aming guro ay hindi na nakapagsalita at nag umpisa na magligpit ng kanyang gamit.

Oi kabastosan naman oh

"Yehey!!!"

"walang pasok!"

"Yes!, magco computer na ako, hindi ko na kailangan maG escape!"

"YeS!!"

"YooohooOo!"

"yes!, claudia date tayo ngayon!"

"sige ba babe!"

"wala pasok half day!, yehey!"

"Yes!""Yehey!"

"Half day!"

"Manunuod ako ng yorn!!"

"Yes wala pasok!"

Eh?, walang pasok?.

Ano gagawin ko?.

"Klass Quite!"
wika ni sir rohelyo at parang switch ay agad nanahimik ang klase.

woah..crowd controll.

Matapos lumabas ang aming guro sa classroom ay nag umpisa na din magsi alisan ang iba sa aking mga kaklase.

Haaa...ano gagawin ko?.

Booring sa bahay.

Wala ang dalawang kambal.

Hindi ko naman pwede istorbohin si lena, malamang nasa opisina yun.

Tumingin ako kay lee at nakitang naghahanda na siya sa pag alis.

Eto nalang yung bago kong tropa, mayaya nga na maglakwatsa.

Tumayo ako sa aking upuan ng makita kong biglang lumapit si sherly kay lee.

"huh?"

Hindi ko dinig ngunit tila ba ay nag uusap sila.

Woah!.

Aba!.

aba!.

Kaya pala.

Baka ganun na nga.

May gusto si sherly kay lee!.

Hmm,...Hmm.

Kaya pala,..kunwari lang siguro siyang nakikihalubilo sa amin ang totoo ay gusto niya lang makasama si lee.

Hmmm..

Nag co-connect lahat ng mysteryo simula nung kahapon ah.

henyo talaga ako! Ang galing ko mag solve ng mystery!

Haha at ikaw ang salarin!

Biglang tumingin si sherly sa akin at dahan dahan naglakad papalapit habang sumusunod si lee.

Kung hindi ako nagkakamali ay.

ay.

"oh, jonathan..may gagawin ka ba?, tara lakwatsa muna tayo.., tayo ni lee"
lumapit si sherly sa akin at ako ay kinausap.

sabi ko na nga ba!.

Alam ko na ata magbasa ng future ah!, ehehe.

Heheheh!.

eh?, pero teka?, ang lakas naman ng kanyang loob?.

Going for the kill na ata siya ah!.

Baka minamadali niya na ata makalapit kay lee habang wala pa ang mga potensial na karibal niya na kasalukuyang absent pa.

At wala din si maia, ang pinakamalaking pader ng mga babaeng gustong makalapit kay lee.

well wala naman paki si maia kay lee pero , alam ng lahat na may gusto si lee kay maia, parang invisible barrier ba.

"e..eh,..u..um,..k..kayo nalang dalawa"
wika ko.

Haha!, mag date nalang kayo!, total may gusto ka naman kay lee eh.

chansa mo na eto!.

pero teka?,.

Sigurado ba ako sa gagawin ko?, papabayaan ko si sherly sa kamay ni lee.

Dahil hindi ko naman alam ang totoong edad ni lee at ayon sa aking isip ay isa siyang matandang lalaki ay iba ang tumogtog sa aking isipan.

Noooo!, baka kung anong gawin niya kay sherly!.

Kahit oppa na kita kailangan ko pa rin masigurado na wala ka gagawin sa kaklase natin.

"ah!, i mean.. sige sige,..sama ako"
pahabol ko.

Biglang nakahinga ng maluwag si sherly matapos ko magsalita.

"buti naman kung ganun, hindi daw sasama si lee kapag di ka sumama eh"
wika ni sherly.

Eh?.

Bigla ako tumingin kay lee at nakita ang kanyang 'dissapointed face'

E..eh?, ano kasalanan ko?.

Matapos makalabas sa school campus ay napagpasyahan namin na mag window shopping muna sa kalapit na mall sa aming lugar.

Isang dambuhalang mall na may tatlong palapag.

Kasalukuyan kami nakatayo ni lee sa labas ng womens confort room habang hinihintay si sherly.

"akala ko tatangi ka kaya sinabi ko na hindi ako sasama kapag di ka sumama"
pagrereklamo ni lee.

sorry na sorry na.

"e..ehm...ayaw mo yun?, ma o obserbahan natin siya regarding sa insedente last time.."
palusot ko naman na bigla lamang pumasok sa isip ko.

"pwede naman natin obserbahan siya pagkatapos niya umuwi sa boarding house niya"
tugon naman ni lee.

"s..stalker ka ba!"
pabigla ko namang wika.

"anong stalker!, normal lang na gawain ang ganun kapag may iniimbistigahan k-"

"hehe, mukang friends na kayo katalaga ah"

Nabigla kami ng muli nanaman sumulpot si sherly sa aming tabi.

H..hindi nanaman namin naramdaman ang kanyang prisensiya.

"oh ano tinutunga nga niyo dyan...tra lakad lakad tayo sa mall"
pagyayaya ni sherly at nauna siya, sumunod naman kami ni lee.

Binagtas namin ang unang palapag ng mall sa lugar kung saan maraming gadget.

Tila ba naglalaway ang aking mata habang napapadaan sa mga bagong model ng cellphone.

"woah,...ang mahal!,"
wika ni sherly habang tila ba innosenteng nakatingin sa isa sa mga latest na model ng cellphone.

hmm....ang ganda ng specs ah.

"Hmmm,..aba siyempre!, tignan mo naman yung specs!, ang taas!,"
wika ko naman.

"hmm?, ganun ba?,..so kapag mataas ang specs mahal?"
wika naman ni lee na tila ba ay inosente rin tulad ni sherly pagdating sa gadget.

Haha!, mukang superior ako sa kanila pagdating sa ganitong bagay!,haha, mga inosente!.

"hmmm, so may specs specs pa ah,..eh tawag lang naman at txt ang mahala sa cellphone eh"
wika ni sherly.

yung games!, may games pa!, mahalaga rin ang games!.

Titingin sana ako kay lee ngunit nagsalita na siya.

"Hmm,..oo nga eh, at saka bakit ganun ka mahal pero mabenta?, hindi ba kaya mabuhay ng mga tao kapag walang cellphone?, ako kaya ko mabuhay ng walang cellphone."
wika ni lee.

Ack!, anong problema nitong dalawang to.

Ewan ko lang siguro mumurahin ang cellphone nila o old model.

Habang nag uusap ay may nag txt kay sherly, nilabas niya ang kanyang cellphone para replayan ang nag t..txt at agad naman ako napatingin sa kanyang cellphone.

Ha!,..Ha!!!!!!, yung cellphone niya!, ito yung brand new model ng Son* ,! na worth 2 times doon sa tinutukoy niyang mahal ang presyo!.

Matapos mag reply si sherly sa nag txt sa kanya ay napatingin siya sa nakanganga kong mukha.

" oh ano problema?"
napansin niya na nakatingin ako sa cellphone niya.

" ah. eto?, christmast gift to sa akin ng tita ko na nasa japan,..mura lang daw eto doon eh"
inosente niyang wika.

Nooooooo may tita ka din sa ibang bansa ngunit bakit ako walang gift na cellphone.

Halos maiyak na ako sa enget nung mga oras na yun.

"haa..ano problema jonathan?"
tanong naman ni lee.

"ah..napuwing lang ako.."
palusot ko.

" ah!, by the way, since magkakaibigan na tayo, exchange number tayong tatlo."
wika ni sherly.

"hmm..ok?"
wika ni lee na parang hindi sigurado.

Dahan dahan inilabas ni lee ang kanyang cellphone at halos masilaw ang aking mata ng mailabas niya ang kanyang cellphone.

Ayaw ko na sa earth.

HaaaaaaArrg!.

"HaaaaaaAaaaa!!!!!!!!"
wika ko habang nakaturo sa kanyang cellphone.

A..a..ang latest at kasalukuyang pinaka mahal na cellphone sa market!.

T..teka, sabi niya kanina kaya niya mabuhay ng walang cellphone.

Hypocrite!.

Hypocrite! ka lee!, akala ko pa naman ikaw na ang bago kong beshie!.

Paano ko maipapakita ang cellphone ko na mas antic pa sa lolo niyo!.

Jelly*ean pa ang operating system nitong sa akin!.

"jonathan?, namumula yang mata mo, ok ka lang"
wika ni lee.

" ok lang ako, sabog lang ng kaunti"

"s..sabog?"

.
.
**********

.
Matapos namin sa gadget corner ay umakyat kami sa second floor ng building at nagtungo sa department store kung saan ay para iso ng mga taong may credit card at hindi ako isa doon.

Ngunit ang aking mga kasama.

Pinagmasdan ko ang aking mga kasama para malaman kung branded warriors sila.

Tumingin ako sa ibaba at pinagmasdan ang sapatos ni lee.

Branded.

Ang suot niyang black pants.

branded.

Ang gamit niyang polo ay branded na idinikit tahi lamang ang logo ng school at ang t-shirt sa loob ng kanyang polo ay branded din.

Panyo niya branded din.

Haaa...ayaw ko na.

Tumingin ako kay sherly para alamin kung isa rin siya sa mga branded warrior ngunit ng makita ang kanyang ginagawa ay napagpasyahan na ang lahat.

Kasalukuyan siya nasa cashier habang hawak ang kanyang mastercard.

Haa...ako lang ata gumagamit ng wallet dito ah.

Bakit pa ako nandito...

Matapos mamili ni sherly ng damit na may nakakalulang halaga ay nagpasya kaming kumain, dahil pawang gutom na kami.

Bumalik kami sa unang palapag at pumunta sa foodcourt.

Haaa..foodcourt!, buti naman at hindi isang highclass restaurant.

potek, i injanin ko na tong mga to kapag doon nila napiling kumain.

Habang tumatagal ang pagsasama naming tatlo sa isat isa ay mas lalo nagiging close ang dalawa, kasalukuyan silag nagtatawanan sa aking harapan habang kumakain at mag kwe-kwentohan at oo hindi ako kasama sa kanilang usapan.

Haa.. extra nalang ba ako?, teka akala ko ako main character!.

"ah..so first love mo si maia"
parang isang bula ay biglang pumutok ang aking sariling mundo ng marinig ang tanong ni sherly kay lee.

"ah, yup..nung una ko siyang makilala, bumilis ang agad ang tibok ng aking puso"
wika naman ni lee.

Oi!, oi!, oi!, nandito pa ako! at teka, may gusto sayo si sherly sure ka na dapat Sinasabi mo ang bagay na yan sa harap niya?, in the face pa!.

"hmmm, ano naman ang rason, ano ang mga nagustuhan mo sa kanya"
mas lalo nag progress ang pag uusap ng dalawa.

"maraming bagay,.. pero unang una ay ang kanyang ngiti,"

"ngiti?"

ngiti?, ano daw?.

"kaya niyang ngumiti sa likod ng mga problema na dumating sa kanya, isa siyang kagalang galang na babae, maganda, matalino at mabait"

"e..eh?"
mejo naligaw kami ni sherly sa sinabi ni lee.

Hmm?,

"doon ko napagdesisyunan na gusto ko siya abutin, pero..paano ko kaya siya maabot eh napakataas niya"
Nakangiting wika ni lee.

maabot?,.

Kinakausap niya na ata sarili niya ah.

hindi ko na ma gets ah.

"more like,..you're idolizing her and not inlove with her"
biglang naiwika ni sherly.

oi!, why english all of a sudden!, dont speak english me, i'm blooding!.

Ngumiti si lee.

Eh?. bakit siya ngumiti?.

Sa aking likoran ay may dahan dahan akong naramdaman na maglalakad papalapit sa akin.

familiar ang kanyang aura, isa siyang aswang.

Huminto siya sa aking harapan , dahan dahan naman ako humarap sa kanya at nakita ang lalaki na nabanga ko last time sa CR.

May mga kasama siyang mga matatandang lalaki.

Dalawa na tila ba nasa edad 20-25 at isang nasa edad 30-33.

woah...

"eto ba yung bumanga sayo brader"
wika ng lalaki na nasa edad 30 sa nabanga ko sa CR.

"oh siya nga.."
nakangiti niyang wika.

Matao ang foodcourt kaya hindi alintana ang kasalukuyang nangyayari at malamang napagkakamalan lang na groupy meeting ang nangyayari.

"oy teka lang ano to?, kumakain kami"
wika ni lee.

"oo nga,"
pahabol ni sherly.

"manahimik kayong dalawa,"
wika ng isa sa mga 20-25 years old.

"humanda ka mamaya sa pag uwi mo.."
wika ng lalaki na nabanga ko at umalis na sila.

Nanahimik ang aming lamesa ng ilang segundo bago may magsalita sa aming tatlo.

"jonathan ano yun?, mukang taga school natin yung isa ah"
wika ni sherly.

"a..ae..eh.."
ano sasabihin ko.

Back up!, back up!.

Bigla ako tumingin kay lee sabay kindat, malamang ay alam niya na ang pagkakakipanlan ng mga kalalakihan kanina at ang kanilang pakay.

"ah..ehm...o!, oo b.basketball yung tinutukoy nila kanina, oo, tinalo sila ni jonathan last time eh, kaya nag hanap ata yung natalo niya ng new players para ru
..rumesbak"
nauutal na wila ni lee.

nice!,

Idol!.

" ah..ganun ba?, akala ko away ang habol eh, i re report ko sana sa school"
wika ni sherly at napalunok kami ni lee.

no no no!, madadamay ka pa!.

"a..anyway, si jonathan na bahala doon, tara, kain na tayo uli, mag sisine pa tayo"
wika ni lee habang tuluyang pinapalitan ang usapan.

Anong bahala?.

Ayaw ko maging aswang poop bukas!.

"ha!, oo nga magsisine pa tayo!, ano oras ba yun?,"
biglang tanong ni sherly.

"4:30 ata simula nun"
wika ni lee.

Tumingin si sherly sa kanyang relo.

"hah!, 4:23 na! 7 minutes nalang!"
wika niya.

"HAAA!, aba dalian na natin kung ganon!"
Wika ni lee.

***************

Matapos ay inubos na namin ang aming pagkain at pumunta na sa ticketing ng sinehan.

matapos bumili ng ticket ay pumasok na kami, sa gitna ako habang nasa kanan ko si lee at kaliwa naman si sherly.

Woah...awkard...

Ang plano ko ay pagtabihin ang dalawa eh bakit ako napunta sa gitna?.

At teka ano ba etong movie na papanoorin namin wala ako idea.

Wag naman sana romance.

Awkward kapag naging romance eto.

Nagdilim na ang paligid at nagliwanag na ang screen, unti unti nag play ang movie na isa palang horror.

"HYAAAAAA!!"

"ARRRRHGGG!!"

" SA LIKOD MO DALII!!"

" SA KOTSE SAKAY KA SA KOTSE!"

"WAG MO BUBUKSAN ANG PINTO NANJAN ANG MUMU!!"

Habang nanunuod sa kalagitnaan ng suspence ay panay ang sigaw ni lee at sherly na halos bumasag na sa kaliwa at kanan kong eardrum.

Malas!.

at teka!, aswang ka lee!, takot ka jan!.

Takot ka sa babaeng lumalabas sa balon habang parang isang palakang nabulunan kung makapag salita?.

.
.*********
.
.
.

"Haa...ayaw ko na.."
wika ko sa aking sarili habang nasa labas ng mall.

7:21 na ng makalabas kami sa mall dahil matapos namin nag sine ay namili pa muli ang dalawa.

Kasalukuyan kami nasa labas ng CR habang hinihintay si sherly.

Nakatayo kami ni lee sa likod ng mall kung saan ay terminal ng mga bus at jeep at iba pang pampublikong sasakyan.

"ano plano mo jonathan?"

"ah, yung mga aswang ba kanina?, ano pa nga ba eh di haharapin ko sila"

"hmm, baka pwede mo muna sila paki usapan o sumunod sa gusto nila para maka iwas sa gulo"

"ano! nababaliw ka na ba lee?"

" isipin mo jonathan, kapag tinuluyan mo sila at may naka alam, sa tingin mo magiging normal pa ba ang pang araw araw mong pag pasok sa eskwelahan at napapaligiran ka ng kanyang mga kasama na alam ang ginawa mo sa kanya o kanila?,"

Napa isip ako sa kanyang sinabi.

Oo nga no?.

"Wag ka mag alala nasa likod mo ako, kahit maging kalaban mo ang lahat, nandito lang ako"

O..oppa!.

Tropa!.

"s..salamat.."
wika ko.

Matapos namin mag usap , mga ilang segundo ay lumabas na din si sherly sa banyo.

Haaa...uuwi na nga lang nag retouch pa ata.

Nagpaalam siya sa amin ng nakangiti at dahil gabi ng mga oras na yun ay matapos namin hintayin umalis ang sinasakyan niya ay umuwi na din kami.

Naghiwalay kami ni lee at kasalukuyan ko binabagtas ang pauwi sa amin at oo sa paa, dahil wala nanamang sasakyan akong madatnan.

Ilang minuto pa lamang akong naglalakad ngunit mukang hindi nag aksaya ng sandali ang mga aswang na may pakay sa akin.

Dalawa ang kasalukuyang sumusunod sa akin ang lalaki na nabanga ko at ang kasama niyang 30 years old, nag kunwari akong walang alam kahit ramdam na ramdam ko ang kanilang prisensya.

Habang naglalakad ay napadpad ako sa lugar na madilim at walang tao at inaasahan ko nga doon na sila kumilos.

"hoy!"
sigaw ng lalaki na nabanga ko.

Huminto ako sa paglalakad at humarap at sinubukan ang advice ni lee.

"b..bakit?"
wika ko sa kanya habang naglalakad sila papalapit sa akin.

"kilala mo ba ako?"
wika niya ng may pagmamalaki.

"a..eah..ehm.."
hindi ako nagsalita at kunwaring nagtakot takotan.

"hmmp!, hindi mo ako kilala ah, ako si jonbhel ng IV-Alpha, ang top player ng badminton team"
wika niya.

Aba, may ipagmamalaki pala tong aswang na ito ah.

"alam mo ba kung ano mangyayari kung sakaling napilayan ako nung nabanga mo ako?"

Aba aba!, ewan, ang OA! mo naman!, napilayan agad ang lampa mo naman kapag ganun!.

naghahanap ka lang ata ng away eh.

"hindi ka naman napilayan diba?, so..ok na tayo?"

"ang arogante mo ah"
wika niya ng may pagka inis.

aba sino nagsalita?? mas arogante ka pa sa lagay mong yan!.

"tignan natin ang yabang mo.."
wika niya.

"huh?, ano ibig mong sabihin?"
pagtataka ko.

Ngumiti siya.

"kasalukuyang binubuntutan ng aking dalawang alalay ang kasama mong babae kanina"
wika niya sabay dila sa kanyang labi na parang manyakis.

Ano!.

"maganda yung babae kanina ah, ka ano ano mo siya?, girlfriend?, kaibigan?..."
pahabol niya.

Hindi maari...

Si sherly..

"a..anong gusto niyong gawin k..ko,..wag niyo siya sasaktan.."
wika ko.

"hmmp!, for starters.."
bigla siya lumapit sa akin at agad akong sinikmurahan, sa tingin ko ay buong lakas ang ginawa niyang suntok ngunit hindi ako bumagsak at ikinagulat niya iyon.

Inulit niya ang pagsapak sa akin at sinunod ang aking kanang braso ngunit hindi ako gaanong nasaktan.

"m..matigas ka ah,"
wika niya.

Sa kanyang likoran ay naglakad papalapit ang lalaking nasa 30 years old.

" brad mario, ikaw na bahala dyan.."
wika niya sa malaking lalaki na nasa edad 30s.

"Mario pala pangalan mo mahilig ka ba sa kabute-"
hindi ko naituloy ang aking biro ng bigla niya ako sikmurahan at ramdam na ramdam ko iyon.

Bumagsak ako sa lupa at nanigas.

a..ang lakas ni super*ario!.

Dahan dahan ko itinaas ang aking ulo at tinignan ang dalawa.

Kaya ito!, magpapabugbug nalang muna ako, para hindi madamay si sherly.

"jonathan!"
sa kawalan ay narinig ko ang boses ni sherly.

huh?.

Anong...

Agad ako lumingon sa pinangalingan ng boses at nakita si sherly na tila ba mabilis na tumatakbo papalapit sa amin.

Ba..bakit ka nandito?!.

Hindi maari kailangan ko siya iligtas!.

Agad ako tumayo at sabay sa aking pagbangon ay ginamit ko ang singsing na ibinigay sa akin ni lee para palabasin ang aking dugo sa aking daliri.

Nagulat ang nilalang sa aking harapan ng lumabas ang mga dugo sa aking kaliwang daliri at agad naghugis espada.

Kumuha ako ng bwelo at tinangkang hiwain ang nilalang sa aking harapan ngunit masyado siyang mabilis.

"A..anong!"
Agad niya kinuha si jonbehl at lumayo sa aking harap bago ko maitama sa kanya ang aking espada.

*Ting!*

Tunog ng dalawang bakal na nagbangaan at kasalukuyang magkalapat ang talim.

A..ano?!.

Kasalukuyan ko kaharap si sherly habang may hawak hawak siyang tila ba nagliliwanag na patalim na nasa 15cm ang haba.

"j..jonathan?"

"S..sherly?"

Kasalukuyan siyang gulat na nakatingin sa aking espadang dugo habang ako din ay gulat habang nakatingin sa kanyang hawak na armas na nagliliwanag.

Parang bula ay biglang sumulpot si lee sa aking tabi.

"jonathan anong nangyayari, naramdaman kong ginamit mo ang iyong-"
hindi naituloy ni lee ang kanyang sinasabi ng makita ang aming kalagayan ni sherly.

"s..sino kayong dalawa?"
wika ni sherly.

Agad ako hinawakan ni lee at bigla kaming nag teleport ng ilang metro palayo kay sherly.

"si sherly yun?"
pagtataka niya habang nakatingin kay sherly na kasalukuyan pa ding tulala at nakatingin sa amin sa malayo.

"o..oo."
tipid kong wika.

Nanatiling nakatayo si lee at mukang hindi rin makapag isip ng maayos.

"l..lee, kaibigan ba siya o kaaway,.."
nalilito kong wika.

Nagliliwanag na armas, isa lamang ang eskplenasyon.

Isa siyang mangangaso.

Habang nakatayo ay tila ba may naramdaman kaming papalapit na mga nilalang sa aming lokasyon, apat na nasa ere at tatlo sa lupa.

" l..lee naramdaman mo iyon?, mukang nagtawag na siya ng kasama,.."

"jonathan..pwede bang, tulungan muna natin si sherly bago natin alamin kung kalaban ba siya o kakampi?"

Agad ako tumango sa plano ni lee.

Sinenyasan niya si sherly na kasalukuyan pa nakatitig sa amin.

"kapangyarihan ng kalikasan, dahil mo siya dito!"
wika ni lee at biglang napunta si sherly sa aming tabi.

"K..kayong dalawa!, .!"
pabigla niyang wika.

"sherly, mamaya na kami magpapaliwanag ni jonathan.."
wika ni lee.

"sige nai-intindihan kita"
wika naman ni sherly.

******************** **************

Balik sa kasalukuyan*

Gahhh!, akala ko ba may mutual understanding na kayo!, sabi niyo kanina naintindihan niyo ang bawat isa!.

Not in a romantic way nga lang pero!

Anong ginagawa niyo!.

Agad kumilos si sherly at iniwasan ako sabay tumakbo papalapit kay lee sa sobrang bilis ni sherly ay hindi ko siya nagawang pigilan.

"matapang ka masyado.."
wika ni lee at inalis niya ang isa sa kanyang mga singsing, ang sing sing na kung hindi ako nagkakamali ay ang bagay na pumipigil sa paglabas ng kanyang kapangyarihan.

Matapos niya tangalin ang singsing ay agad ako nakaramdam ng lamig sa paligid na tila ba ay may biglang bumulusok na malakas na hangin ngunit wala naman.

Tumingin ako sa kanilang dalawa at nakita si sherly, nakatayo lamang habang nakatingin kay lee, na animo'y gulay na gulat.

"Teka lang muna...."
Biglang wika ni sherly kay lee at dahan dahan niya itinaas ang kanyang dalawang kamay, mula sa kanyang hawak hawak na armas ay bigla itong nagliwanag at unti-uniting nawala sa kanyang palad.

"....ang balak mong gawin?"
Tipid na wika ni lee sa ginawa ni sherly.

"Magiging problema sa ating lahat kung magpapatuloy ito, kaya....-"
Mas lalo pa niya itinaas ang kanyang dalawang kamay na parang may gustong sabihin.

"Sumusuko ka?"
Pagtataka ni lee at tumango naman si sherly.

"Ano pa ba...oh ano?...anong gagawin natin?..."
Wika ni sherly ng may pagtatanong.

"......"

"......"

"....."

Ginagawa ng dalawang ito? Magtititigan nalang ba sila?.

"Hmmmp....."
Nagkatitigan ang dalawa ng mahigit pitong sigundo bago inilayo ni lee ang kanyang tingin at inilipat sa akin.

Muling nawala ang malakas na enerhiya na lumalabas sa paligid ni lee.

Ang matinding pressure sa kapaligiran ay naglaho din

"sumunod ka sa sasabihin namin kung ayaw mo masaktan, jonathan ikaw ang bahala sa kanya"

Bahala saan?.

Tinignan ko si sherly at nakitang nakatitig din siya ng blanko sa akin.

"...?"

"???"

"Jonathan ano pa hinihintay mo?, Hindi ba at kaya mong gumawa ng lubid gamit ang iyong kapangyarihan?"
Wika ni lee sa akin.

Lubid?...gamit ang aking dugo?.

Kaya ko ba yun?.

"Ha? Teka anong lubid!"
Biglang kumunot ang noo ni sherly sa kanyang nadinig.

"Oo nga anong lubid? Para saan yung lubid?"
Pagtataka ko din.

Tumingin ako kay lee at nakitang napakamot siya ng ulo, sumunod kong tinignan si sherly at nakitang tila ba gusto niya akong batukan.

"Lubid pang gapos sa akin!, Gungong!"
Bigla namang wika ni sherly sa akin.

"Pang gapos sayo?, Balak ka naming igapos?"
Pagtataka ko naman.

Bigla na lamang sabay napahampas ng mukha ang dalawa na hindi ko naman alam kung bakit.

"Jonatha-"

Habang abala kami sa usapang kalokohan ay may tila ba mga tao na na nakapansin sa pangyayari.

"oh, ano yun, may naririnig ako banda doon ah"

"oo nga puntahan natin"

" may narinig ako kanina..:

" d..dugo!, may dugo dito !,"

" m..may bangkay!, .pu..pulis tumawag kayo ng pulis!"

Matapos marinig ang komosyon ay tatakbo na sana si sherly ng bigla magliwanag ang aming paligid.

*"kapangyarihan ng kalikasan, inuutusan itang ihatid mo kami sa lugar na gusto kong puntahan!"*

Wika ni lee.

"Teka anong ginagawa mo! Saan mo ano hinahawaka-"

Bago kami malipat ng lugar ay tila ba may dinukot si lee sa ilalim ng dibdib ni sherly.

"A..anong ginagawa m..mo!, m..manyak!"

Hindi nagsalita si lee at bigla niya pinigtas ang tila ba nakatagong kwintas sa leeg ni sherly ,pinagmasdan ito ni lee ng saglit bago niya itinapon sa lupa.

bigla kami nabalot ng isang bula.

Sumunod nalang na nalaman ko ay naka apak na pala ako sa isang sementadong lugar na parang pamilyar sa akin ang amoy.

" Na..nasaan tayo?, bakit ang dilim dito!, bakit mo tinapon ang pagkakakilanlan ko!."
pagrereklamo ni sherly.

Sa aming tabi ay may tila ba bumagsak na nilalang.

"Haa..anak ng pating..nanghihina nanaman ako"
Pagrereklamo ni lee bago muling nagsalita habang nakatingin kay sherly.

"Kulay kahel na pilak?...hindi ka opisyal na mangangaso huh?,."

"Aba, wag mo ano susubukan kaya ko tumalo ng mataas na uri ng mangangaso, pero bago iyon, bakit mo tinapon!!"

"itinapon ko iyon doon para ang mga tulad mong mangangaso ang masisi sa pagkamatay ng mga aswang na nandoon"
wika ni lee.

Si lee ba yung bumagsak sa sahig?.

"Maraming pwedeng gawing alibi eh...ang hirap kaya kumuha ng pagkakakilalan!"

Pagkakakilanlan?.

"aba aba,..ayon sa iyong pananalita at parang may problema ka sa iyong pagkakakilanlan ah..isa ka ba sa mga ligaw?.."
wika ni lee sa isang agresibong pananalita ngunit aa mahinang tono dahil siya'y kasalukuyang parang wala ng lakas para magsalita.

Ligaw? Ano nanamang pinag uusapan nila?.

Ayon sa kanya ay kapag gagamit siya ng malakas na salamanka tulad ng teleportasyon sa maraming nilalang ay dapat inaalis niya ang kanyang singsing kundi manghihina siya.

Dahan dahan ako naglakad at may inabot sa pader ng lugar, matapos iyong mahawakan ay bumukas ang ilaw ng lugar.

Pamilyar talaga ang amoy ng lugar na ito ah!.

Kasalukuyan kami nasa aking apartment.

"Sabi ko na nga ba eh!"
sigaw ko na tila ba naiinis.

" ano ba!, bakit sa apartment ko!"
pagrereklamo ko Kay lee.

Dahan dahan siya tumayo at tumingin sa akin.

"aba ewan ko, ito ang una ko naisip eh, nagpanik ako kanina"
pagpapaliwanag niya.

"ano ba yan!,akala ko ba kaibigan na tayo?, pinagtritripan mo pa ako eh,..paano naman kung may pumuntang tao dito?,"

"pumuntang tao?, ano naman masama?,"

"gabi na!, mapagkakamalan tayong may ginagawang kababalaghan!"
wika ko.

Habang nagtatalo kami ni lee ay nakakuha ng pagkakataon si sherly at tinangka niya tumakas.

Agad ko naman nahawakan ang kanyang kamay at nagulat ako dahil doon ko nalaman na sobrang lakas niya pala ng mahila ako kasama sa kanyang pagalaw.

Humarang si lee kay sherly na nagresulta sa pagbagsak namin sa sahig.

"Aray!"
pagrereklamo ni lee habang pilit pinipigilan sa pagalaw si sherly habang yakap ang beywang ng babae.

Huminga ng malalim si sherly at natunugan ko na sisigaw siya kaya agad ko hinawakan ang kanyang bunganga.

"Hmmhmmfu!,..Mhfu!"
wika niya habang pilit pumipiglas sa mga kamay namin ni lee.

"lee, i teleport mo!"

"wala akong lakas jonathan!, hindi ko nga siya mahawakan ng maayos!"

Habang abala ay tila ba may naramdaman kami papalapit ng pinto,isang tao at may kutob na ako kung sino iyon.

Huminto ang pagtibok ng puso naming tatlo ng marinig ang tunog ng pag unlock pinto.

May susi siya!.

Syempre!

Agad ito bumukas at bumungad sa amin ang landlord.

"May tao dyan? jonathan, nanjan ka ba?, hindi kita nakitang dumaan sa hara-"
Napanganga siyang tumingin sa aming tatlo.

Kasalukuyang nakadapa si sherly sa sahig habang pilit kong tinatakpan ang kanyang bunganga at habang nakayakap naman si lee sa kanya para manatiling nakadapa sa sahig.

Tumigil ang ikot ng mundo at nanahimik ang paligid.

"E..ehehe..w..wala ako nakita.."

Parang isang rewind button ay unti unting bumalik ang aking landlord palabas ng pinto at dahan dahan niya din itong isinara na parang walang nakita.

E..eh?...a..anong sabi niya?.

********* ********* *********

Continue Reading

You'll Also Like

265K 7.8K 55
What if a mafia queen got reincarnated as a weak? bitch?slut? princess....... and that body becomes her body??? will she accept the truth??or not?? S...
7.8M 249K 70
ʚ PUBLISHED UNDER PSICOM ɞ ʚ Wattys 2016 Winner: Writer's Debut ɞ [ Book 1 of Crewd Academy ] Crewd Academy, a mystifying school where Selendria had...
502K 35.3K 54
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...