Sea You Again [COMPLETED]

Από LexInTheCity

12.5K 649 685

(R-18) May dahilan kung bakit gustong-gusto ni Sharla ang dagat kahit sa totoo naman takot na takot din siya... Περισσότερα

▪️Itineraria▪️
Hello
1. What's Up?
2. You Alright?
3. Not Too Bad
4. Happy Birthday!
5. Let's Go
6. Tata For Now
7. Where Is She?
7. Where Is She? (2)
8. Please Don't Fall
8. Please Don't Fall (2)
9. Get Lost
10. I'm Sorry
10. I'm Sorry (2)
11. Good Evening
12. Let's Have A Dip
12. Let's Have A Dip (2)
13. Let's Play!
13. Let's Play! (2)
14. Goodnight, Best Friend
14. Goodnight, Best Friend (2)
15. Sleep Tight (1)
15. Sleep Tight (2)
15. Sleep Tight (3)
16. No, I'm Not Sleepy
16. No, I'm Not Sleepy (2)
17. Call Me Maybe
17. Call Me Maybe (2)
18. Nice To See You Again
18. Nice To See You Again (2)
19. Back to the Future
19. Back to the Future (2)
20. The Past and the Precious
20. The Past and the Precious (2)
21. You Drive Me Crazy
22. Against All Odds
22. Against All Odds (2)
A Friendly Reminder
24. Goodbye To You
24. Goodbye To You (2)
▪️Save Our Ocean
Epilogue (Part 1)
Epilogue (Part 2)
Epilogue (Part 3)
Epilogue (Part 4)
▪️Acknowledgment
▪️R-D 4 UR NXT ADVENTURE?
▪️Want More?

23. Stay Strong

118 7 7
Από LexInTheCity

Nang tumaob ang bangkang sinasakyan, ang unang bagay na naisip ni Sharla ay ang maligtas ang sarili. Hindi maalis sa kanya ang mag-panic. 'Yung tipong dapat ay makalapit agad siya sa bangka na unti-unting lumalayo sa kanya.

Pero nang mapagtanto niyang hindi naman siya lulubog sa dagat dahil sa yapos-yapos na life vest, saka na niya naisip si Kren. Sa kanilang lima, si Kren lamang ang walang suot na life vest. Doon siya labis na nabahala. Isinuot niya ang hawak na life vest. Nilingon niya ang paligid pero hindi niya talaga masipat ang binata. Si Bindi ang malapit sa kanya na hanggang ngayon ay nagpa-panic pa rin. Mabibingi na siya sa boses nito. Kaya naman kahit may suot itong lifevest, bahagya pa rin itong lumulubog sa tubig. Hindi ba't ikaw naman ang may gusto na mag-sail tayo na hindi kasama si Alvin? Iyon ang naglalaro sa kanyang isip, pero iba ang lumabas sa kanyang bibig, "Bindi, relax. May suot kang life vest." Lalo siyang hindi makapag-pokus dahil sa ingay nito.

Nakita niya si Beej na malapit sa nakataob na bangka. Malakas ang alon at maari itong mahampas ng bangka kaya malakas din ang boses niya itong tinawag. Agad naman siyang napansin nito kaya agad din niyang tinuro ang papalapit na bangka habang lumalangoy ito papalapit sa kaibigan.

Nang makalapit kay Beej, itinanong niya rito kung nakita ba nito ang dalawang binata. At tulad niya hindi pa rin daw nito nakikita ang dalawa. Dahil walang makitang bakas ng mga ito sa ibabaw ng tubig bukod sa mga nakalutang nilang mga gamit l, sinubukan niya ring ilubog ang sarili sa dagat. Mabuti na lamang at malinaw ang tubig kaya kahit papa'no ay may naaninaw siyang pigura ng isang lalaki na nasa ilalim ng tumaob na bangka. Agad siyang lumangoy papalapit doon.

Nang makarating na malapit sa humahampas na bangka, muli siyang sumlip sa ilalim para matukoy kung bakit hindi makaalis ang lalaki sa ilalim ng bangka. Nakita niya ang suot nitong lifevest kaya natukoy niyang ito si Manzo na agad niyang nilapitan. Nakita niya ang tali na bahagyang nakapulupot sa katawan nito at ang nakapikit na mukha ni Manzo. Tinulangan siya ni Beej na tanggalin ang taling nakapulupot dito at nang makaalis sa ilalim ng dagat ay tuluyan na rin itong lumutang tulad nila. Bukod sa pagtapik sa mukha ni Manzo, wala siyang tigil sa pagtawag sa pangalan nito.

Nang lumuwa ng tubig at nagmulat ang mga mata ng binata, hindi lang nakahinga nang maluwag si Sharla abot tainga pa ang ngiting gumuhit sa mukha nito. Sa wakas, ligtas na ang dalawa niyang best friends. Nang makaayos ng puwesto si Manzo, luminga-linga muna sa ito paligid. Ngunit nang makitang may isang nawawala sa kanila, muli nitong ibinalik ang tingin kay Sharla. "Salamat, Shar. Pero nasan si Kren? Hindi nyo nakita?" tanong nito.

Sabay-sabay umiling ang tatlong babae. Kahit paulit-ulit ni Manzo na ikutan ng tingin ang paligid, hindi niya rin mahanap si Kren. Sinubukan din nitong silipin ang ilalim ng dagat.

Sa huli, napagdesisyunan nilang muling baligtarin ang bangka na palutang-lutang pa rin malapit sa kanila. Napagtulungan nilang tatlo na muling maisayos ang bangka. Nagawa rin nilang ubusin ang tubig sa loob nito. Swerte namang naroroon pa rin ang water pump at napatakbo pa rin nila ito. Hindi nawawala si Kren sa isip ni Sharla. Ang iniisip lang nito, posibleng naanod na ito ng dagat sa malayo kaya hindi na nila ito mahanap. At ang nasa isip lang niya, 'pag naayos nila ang bangka, maaari nila itong gamitin para hanapin ang binata.

Naayos naman nila ang bangka at si Sharla na rin muli ang naupo malapit sa makina. Kanina pa nilang hindi makausap si Bindi, at bakas sa mukha nito ang labis na takot na nararamdaman. Muling naalala ni Sharla ang nangyari sa kanila 9 years ago bago si Bindi nalunod sa dagat. Dahil dun, muli niya itong tinawag," Hey, Bindi. Stay strong...." Pinatatag niya ang boses at nagpatuloy sa pagsasalita," Hahanapin natin si Kren."

Pero sa halip na i-appreciate ang sinabi ni Sharla, sinamaan lang siya ng tingin ni Bindi.

"Anong problema mo?" hiyaw ni Sharla.

"Dapat kay Kren 'yang suot mong life vest," sagot nito. Hindi nakaligtas kay Sharla ang pagkagusot ng mukha nito.

"So kasalanan ko pa rin talaga na binalik niya sakin to kahit nabigay ko na sa kanya?"

"Bakit hindi niya ibibigay sa 'yo e kung magpaawa ka kanina, wagas."

"Bindi sa halip na sisihin mo ako, hanapin na lang natin siya."

Kita pa rin nila ang malakas na alon na humahampas sa bangka nila at anumang oras ay maaari na naman itong bumaliktad.

"Pano ba natin mahahanap si Kren? Sobrang lawak ng dagat. Hindi naman natin alam kung saan magsisimula. Kung humingi na lang kaya tayo ng tulong. Malapit na naman tayo sa Kota Kita. Nag-aalala lang ako sa atin," suhestiyon ni Manzo na bakas ang pagaalinlangan sa tono. Ngunit bigla na namang tumabingi ang bangka. Kaya kailangan na nilang magdesisyon. "Tingin mo, Shar?" patuloy nito.

Sinalubong ni Sharla ang titig ni Manzo. Sa isip-isip niya, bakit ba siya ang kailangang magdesisyon. Ang gusto lang naman niya ay mahanap si Kren at makaligtas silang lahat. Muling nagawi ang pangingin niya sa umiiyak na si Beej at sa seryosong mukha ni Manzo. "To be honest, wala rin akong confidence sa kakayahan nating mahanap si Kren, hindi rin natin sigurado kung tatagal pa ba itong bangka nating 'to. Ang hirap... but we have to choose the lesser evil. We can save ourselves first and ask for help, since natatanaw na naman natin ang Kota Kita. Malapit na tayo."

"That's so selfish of you, Sharla! Seryoso ba kayo na iiwan lang natin si Kren dito?" sigaw ni Bindi, mukha siyang baliw na kahit anong oras ay pedeng umamba kay Sharla para saktan ito. "The more the mag-stay ito sa dagat the lesser the chance na mabuhay siya."

"Same for us, gurl. The more na mag-stay tayo sa gitna ng dagat na may malalakas na alon sakay sa malapit-nang-masirang bangka na hindi natin alam kung paano papatakbuhin nang tama, the greater the chance na hindi na rin tayo makaalis dito. We'll ask for help, for the rescue team who specializes in rescuing. That doesn't mean we're leaving Kren behind. We're leaving now kasi kailangan natin ng professional help from a specialized team, the soonest possible. Tumatakbo ang oras, the soonest we get there, the soonest someone can help us find Kren," paliwanag ni Sharla. Bakas pa rin sa tinig niya ang totoong pag-aalala.
"Remember this Sharla, kung ano mang mangyaring masama kay Kren, kasalanan mo yun," banta nito. Hindi nawawala ang gusot sa mukha nito.

Masakit man sa loob ni Sharla pero pinagsikapan niyang paandarin ang bangka patungo sa natatanaw nang isla. Hindi niya mapigilan ang pagtulo ng mga luhang pumapatak mula sa mga mata niya. Alam niya na maaaring hindi na nila mahanap si Kren, pero tahimik pa rin niyang pinagdadasal na sana'y makita agad ito. Alam na niya ang sasabihin niya rito pag muli niya itong nakita. Ipagtatapat na niya sa binata ang espesyal na nararamdaman para rito. Bigla niyang itinigil ang pagpapatakbo sa bangka. "Manzo, kaya mo pa bang patakbuhin ang bangka?

"Oo naman Shar tutulungan kita."

"No, I'll stay here. Iwan nyo ako rito sa dagat, baka bigla kong makita si Kren," sabi nito.

"Bes, wag na," iyak ni Beej. "Ang kailangan ni Kren ay 'yung mga taong trained sa pagrerescue."

"Sharla, listen to us. Tama si Beej. Alam mong hindi rin kami mapapakali 'pag ginawa mo 'yon, hindi ka namin pedeng iwan dito."

Pero hindi napigilan ni Manzo si Sharla na tumalon sa dagat.

"No!" sigaw ni Beej.

"Kala ko ba nagmamadali tayo?" hirit ni Bindi.

"Gusto mo ikaw na lang ang iwan namin dito?" bulyaw ni Manzo sa anak ng mayor. Muli nitong ibinaling ang tingin kay Sharla," Shar, please, bumalik ka na dito sa bangka. Pano kung pati ikaw ay..."

"Manzo," putol ni Shar sa kaibigan. "Okay lang ako. Please go. Leave without me. Kailangan n'yo nang magmadali."

"We can't leave without you," pikit-matang bulalas ni Manzo.

"Ang drama n'yo, Sharlita umakyat ka na sa bangka please, para makaalis na tayo. Ikaw na nga ang maysabing nagmamadali na tayo."

"Please, bes," hirit pa ni Beej. Kanina pa itong hindi tumitigil sa pag-iyak.
Hindi na alam ni Sharla kung ano ang gagawin niya. At sa mga sitwasyong ganito, nakikinig siya sa BFF niya. Mabilis siyang umakyat ng bangka at hinayaan nang si Manzo ang magpatakbo sa bangka.

Hindi naging madali ang pakikipagsapalaran nila sa mga alon. Ilang beses din na halos bumaliktad ang bangkang sinasakyan.

Nang sa wakas ay marating na ang isla pagkatapos ng halos dalawpung minuto, agad silang nakitawag sa isa sa mga turista na nadatangan sa beach para makontak ang mayor at para makahingi ng mabilisang tulong. Bindi did all the talking habang ang tatlong kasama ay nanlulumo sa kani-kanilang pagkakaupo.

***

Nang sumunod na araw, noon na nga muling nagkita sina Sharla at Jarvis sa Ken Port pagkatapos ng mga nangyari sa isla. Hanggang doon, patuloy ang naging pag-iyak ni Sharla. Sakto naman ang pagdating ni Beej na sinamahan ni Manzo sa CR kaya nang sabay makabalik narinig nilang dalawa ang naging usapan nina Jarvis at Sharla.

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

168K 4K 54
What will you do if you end up in someone else body?
16.9K 693 52
There is one woman who is very lucky. Yung tipong nasa taas na siya pero mas pinili niya paring bumaba para makahanap ng kaibigan. Yung akala niya na...
3.1K 86 22
"Hindi mo ako pwedeng makilala." - Denver Araneta (Araneta Series 2)
Jersey Number Nine Από em

Ρομαντική

246K 13.8K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.