Save The Best For Last [Publi...

Od asherinakenza

4.7M 100K 9.4K

Friend zoned. Hindi na bago kay Tom Andres Santos ang salitang yan, sa dalawang beses na nagmahal siya ng tot... Více

Save The Best For Last
STBFL: Prologue
STBFL: Chapter 1
STBFL: Chapter 2
STBFL: Chapter 3
STBFL: Chapter 4
STBFL: Chapter 5
STBFL: Chapter 6
STBFL: Chapter 7
STBFL: Chapter 8
STBFL: Chapter 10
STBFL: Chapter 11
STBFL: Chapter 12
STBFL: Chapter 13
STBFL: Chapter 14
STBFL: Chapter 15
STBFL: Chapter 16
STBFL: Chapter 17
STBFL: Chapter 18
STBFL: Chapter 19
STBFL: Chapter 20
STBFL: Chapter 21
STBFL: Chapter 22
STBFL: Chapter 23
STBFL: Chapter 24
STBFL: Chapter 25
STBFL: Chapter 26
STBFL: Chapter 27
STBFL: Chapter 28
STBFL: Chapter 29
STBFL: Chapter 30
STBFL: Chapter 31
STBFL: Chapter 32
STBFL: Chapter 33
STBFL: Chapter 34
STBFL: Chapter 35
Save The Best For Last: Finale
Save The Best For Last: Epilogue
STBFL: SELF PUBLISH!

STBFL: Chapter 9

108K 2K 206
Od asherinakenza

STBFL: Chapter 9

Tom Andres Santos

"What?! Oh my god Kuya, pinapatawa mo talaga ako." Panay ang halakhak ng kapatid ko mula sa kabilang linya.

"Sinabi mo talaga sakanya yon? Wait, hindi ba Kuya ikaw itong nagsabi sabi na tutulungan mo siya para makabalik doon sa lalaking nanloko sakanya? Eh sa mga lumalabas diyan sa bibig mo parang ikaw ang nagiging kontrabida sa dalawa." Natatawang sabi niya, hindi ko alam kung ano bang lumalabas sa gago kong bibig,sa tuwing kaharap ko siya kusang magsasalita ang bibig ko ng mga mensaheng hindi ko naman pinag iisipang sabihin sakanya.

"Nagagago na ako dito Tammierey."

"Eh gago ka talaga Kuya! Umamin ka nga saakin, type mo na yang fiancee mo ano?"

"What the hell Tammierey?!" Bulyaw ko sa kapatid ko na mas lalong nagpahalakhak sakanya.

"Uh-oh Kuya, the more na ideny mo the more na mas titindi yang pagkagusto mo. Siguro ngayon nagugustuhan mo na siya, yun nga lang natatakot ka." Sabi niya na nagpakunot sa noo ko, I don't like Vana, I'm just starting to see myself into her.

"No, nakikita ko lang ang sarili ko sakanya Tammierey."

"Whatever you say Kuya, bahala ka mas lalo mong pigilan mas lalo kang manggigigil kay Ate Vanalein.." Pang aalaska niya saakin.

"Sht."

"Yes! Sht talaga Kuya! Napaka bilis mong ma-fall! At kapag nafall ka naman todo todo, bigay ng bigay hanggang sa mawarak na yang puso mo. Paalala lang Kuya ha? Hindi ka isang bayani na ibibigay ang buong buhay para sa babae. Maawa ka naman sa puso mo warak na warak na, maski siguro si kupido susukuan ang pag buo niyang warak mong puso." Sermon niya saakin na nagpapikit saakin ng mariin, ayoko lang makikitang umiiyak si Vana, that's all. Because the first time that I saw her crying, parang may kung anong kumalabit sa puso ko. Gusto ko siyang alagaan, pero para akong gago sa mga pinapahayag ng bibig ko, naguguluhan ako.

"Oh paano? Love....madami pa akong inaasikasong papers dito sa coffee shop ko Love!" Pang aasar niya.

"Van--"

Humalakhak ng pagkalakas lakas ang kapatid ko, "Gosh Kuya, I am Tammierey, hindi ako si Vanalein. Napag hahalataan, Love.."

Napalunok ako ng sunod sunod, ano bang kagaguhan ang nangyayari saakin? Why do I keep on saying her sweet name.

"Sige na, makipag bati ka na sa Love mo para naman gumanda na yang mood mo, tandaan mo ginusto mo yan, panindigan mo Kuya. Tulungan mo si Love mo, oh di kaya naman, tulungan mo siya habang hinuhulog mo siya sa patibong mo, it's your time to fall in love na ikaw naman ang magiging first choice Kuya."

___

Vanalein Rhyme Romeo

Panay ang pahid ko ngayon ng luha ko, nakakainis, sobrang naiinis talaga ako kay Andres, kung makapag salita siya akala niya kilala niya na si Stephen. Paano niya nasabing second choice ako kung sinabi naman ni Stephen na mas higit ako kay Lexi?

Lumabas na siya mula sa cr at titig na titig siya saakin, binato ko ang mukha niya ng tissueng hawak ko atsaka tinitigan ko siya ng masama.

"Stop looking me at that way Love.." Panay pa rin ang tawag niya saakin ng love, kinikilabutan ako sa pagtawag niya saakin sa ganung paraan.

"Hindi mo ako Love!!" Hiyaw ko sakanya, nagsalubong ang dalawang kilay niya ag napalunok siya ng sunod sunod.

"Sabi mo noon tutulungan mo ako kay Stephen, pero bakit tumututol ka na ngayon?" Umiiyak na tanong ko sakanya, lumapit siya saakin at napasinghap ako nang umupo siya sa tabi ko. Iniharap niya ako sakanya at siya na ang nagpunas ng luha sa pisngi ko.

"Para kang bata." Bulong niya, panay ang hikbi ko. "Ang sakit mo kasing magsalita, pakiramdam ko ako na yung pinaka tanga sa panangin mo." Humihikbing sabi ko sakanya, tinitigan niya ako sa mata ko.

"Ganun mo ba talaga siya kamahal?" Usisa niya saakin, hinampas ko ang dibdib niya pero ako pa talaga ang nasaktan dahil masyadong matigas ang abs nitong si Andres.

"Paulit ulit ka naman Andres, diba sinabi ko na nga sayo? Mahal ko si Stephen." Bulyaw ko sakanya, napansin ko ang paglunok niya ng sunod sunod, kasunod non ang paghugot niya ng napakalalim na paghinga.

"Alright, tutulungan kita, in one condition." Bulong niya, napapitlag ako nang hawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil iyon.

"Hahayaan mo akong gawin.ang gusto ko habang kasama mo ako sa bahay ko." Seryosong sabi niya na nagpabilog sa dalawang mata ko.

"Seriously Andres?!!" Hiyaw ko sakanya pero hindi manlang siya nagulat saakin, nakakainis, heto nanaman siya, nagpapakabosy nanaman.

"Yeah, seriously Vana, I really don't know kung anong nasa isip ko ngayon, nagagago na ako." Sabi niya kasabay non ang paghinga niya ng malalim, napaawang ang bibig ko dahil sobrang seryoso ng mukha niya. Anong nangyari kay Andres? Pumasok lang siya sandali sa cr para sagutin yung tumawag sakanya tapos ganyan na siya?

"You can't be serious!! I'm not going to marry you!" Bulyaw ko sakanya, never in my life na magpapakasal ako sa kagaya ng Daddy ko na puro trabaho ang nasa isip! As in never!

"The hell Vana? I am your fiance!"

"Oo! Pero two months lang tayong mag fiance!" Hiyaw ko sakanya atsaka lumayo ako sakanya, tumayo ako doon sa may glass window at humalukipkip habang titig na titig ako sakanya.

Napansin ko ang mariin na pagpikit ng mata niya, naihilamos niya ang palad niya sa mukha niya at para bang hinahabol niya ang paghinga niya sa sobrang kaba. Muli niyang hinuli ang mga mata ko at halos hindi ko makaya ang lalim ng pagtitig niya saakin.

"Dalawang buwan lang Vana, I'll help you with Stephen, pero hahayaan mo akong gawin ko ang gusto ko habang nakatira ka sa bahay ko." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at napahawak ako sa buong katawan ko! Lahat ng gusto niyang gawin?! Ibig sabihin pati yung virginity ko kukuhanin niya?! My god! Hindi ko pinangarap na ibigay ito sa lalaking walang sex life!

"Andres! Ang manyak mo." Kinakabahan na sagot ko sakanya, sa totoo lang sobrang seryoso ng mukha niya ngayon, para bang siguradong sigurado siya sa mga sinasabi niya.

"I'm not Vana." Diretsong sagot niya saakin. "I'm not going to rape you, bullsht." Matigas na patuloy niya, halata sa mga mata niya ang pagkainis saakin.

"Bakit ba biglang pumasok yan sa isip mo ha Andres?" Bulyaw ko sakanya, "Gusto kong mag work yung plano ng parents natin." Para akong kinurot ng kung ano sa puso ko.

"Papayag ka na sa kasunduan?" Halos ibulong ko nalang iyon sakanya.

Umiling iling siya, "Hindi ko kailangan ng kasunduan ng parents natin, susundin ko lang ang plano nila on my own way."

Tumayo siya at humalukipkip.

"I can be a better man for you Vana.." Aniya na nagpalundag sa puso ko sa hindi ko malamang dahilan.

"Alright, papayag akong makipag date kay Mela. Pero hahayaan mo akong makipag date sayo." Patuloy niya.

"No Andres!" Hiyaw ko sakanya.

"Are you afraid of falling in love with me, Vanalein?" Seryosong tanong niya saakin, lumunok ako ng sunod sunod.

"O-of course not! Hindi ako maiinlove sayo ano! Okay, sige. Makikipag date ka kay Mela para malaman mong siya talaga ang dapat mong makatuluyan." Suhestiyon ko sakanya.

"No problem my love.." Nakangiting sagot niya na nagpakaba saakin, nakakainis si Andres, bakit kailangang magbago ang isip niya? Kung kailan mapapalapit na ako kay Stephen at saka pa siya nag change plan.

Hating gabi na, tulog na tulog na si Andres kaya naman ginalaw ko ang cellphone niya, hinanap ko doon ang number ni Mela at tinext ko ito na pumunta siya sa hotel na pinagtutuluyan namin ni Andres. Kailangan nilang magdate bukas, dahil nakatanggap ako ng tawag kanina mula kay Stephen na mamamasyal daw kami sa may taal volcano.

"Kailangang matupad ko ang pagpapakasal ni Andres kay Mela." Bulong ko atsaka nagtalukbong na ako ng blanket.

Kinabukasan nagising kaming dalawa ni Andres sa malakas na ring ng telephone dito sa hotel room, napabalikwas pa nga si Andres para sagutin iyon, tinignan ko lang siya habang pupungay pungay pa ang mata ko.

"What?" Kunot noong hiyaw niya atsaka tumayo mula sa kama, nanlaki ang mata ko dahil nakaboxer shorts lang siyang kulay itim at naka-top less! Walangya ka Andres! Ang aga aga binubuksan mo yung heater ng katawan mo!

Sumunod na nagring ang cellphone niya,kaagad niyang sinagot iyon habang nagbibihis siya sa harapan ko ng pants niya, napalunok ako ng sunod sunod kaya naman nagtalukbong na ulit ako ng blanket!

"Oh my god! My virgin eyes, pikit Vana.. Palagi ka nalang pinagsasala ng lalaking iyan, ipikit mo ang mata mo." Bulong ko sa ilalim ng blanket pero natigilan ako nang marinig kong nagsalita si Andres.

"Hindi kita tinext Carmela." Paglilinaw niya na nagpalaki sa mata ko, napapatawa nalang ako dahil halatang naiinis siya.

"Nasa tapat ka na ng pinto? I'll open the door." Aniya at maya maya pa narinig ko na ang pagbukas ng pinto at ang boses ni Mela.

"Hi!" Masiglang bati ni Mela.

"Hindi kita tinext."

"Tom, ano ka ba, okay lang wala naman akong masyadong gagawin ngayon. Dala ko na yung mga pinadala mong gym materials." Sabi nito, nagkunyari akong bagong gising at umunat unat.

"Oh? Mela??" Pagkukunyari ko.

"Oh! Hi Rhyme? Kumusta ang Tagaytay?" Nakangiting tanong nito saakin at pumasok na siya sa loob ng hotel room.

"Eto sobrang lamig." Sagot ko sakanya, napansin ko naman ang malamig na titig saakin ni Andres, mukhang may idea na siya sa ginawa ko pero lakompake.

"Wow, edi todo honeymoon kayo?" Panunuya ni Mela na nagpaubo saakin ng sunod sunod.

"Yes of course." Natatawang sagot ni Andres na nagpabilog sa dalawang mata ko, ang sama ng ugali nitong lalaking ito!

"Wow, so okay lang bang maki join ako sa inyo mamaya sa pag gagala? Gusto ko kasing malibot ang Tagaytay." Sabi nito.

"Sure!!!" Inunahan ko na si Andres sa pagsagot dahil halatang tatanggi siya.

"Sasama si Stephen mamaya eh!" Sigaw ko, sumama nanaman ang tingin saakin ni Andres pero inirapan ko lang siya.

Alas diyes na ng umaga, hinihintay nanamin ngayon si Stephen dito mismo sa may taal volcano, grabe sobrang lamig. Panay na nga ang ihip ko sa kamay ko para mainitan pero malamig pa rin.

"Grabe, kulang yata ang dala kong jacket." Natatawang sabi ni Mela.

"Cold?" Usisa ni Andres.

"Obvious ba?!" Humahalakhak na sagot ni Mela, napatingin saakin si Andres pero pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Alright." Ani Andres at nanlaki ang mata ko nang hilahin niya ang kamay ni Mela at siya mismo ang humipan non, pilit inilalayo ni Mela iyon pero hindi siya pinakawalan ni Andres.

"Malamig hindi ba? Painitin natin." Bulong ni Andres, napanguso ako at dinilaan ko si Andres nang tumingin siya ulit saakin, kala niya naman ikinagwapo niya yon, nakakabwisit.

Maya maya pa dumating na si Stephen!

"I'm sorry, dumaan pa kasi ako sa isang botique oara bilhin 'to." Aniya at itinaas niya ang kulay pulang scarf at isinuot niya saakin yon, nakaramdam ako ng saya dahil doon.

"Salamat, nilalamig kasi talaga ako." Sabi ko kay Stephen, "Ganun ba." Aniya at hinawakan niya ang kamay ko atsaka isinilid iyon sa bulsa ng jacket niya.

"Pampabawas lamig." Nakangiting sabi niya saakin, ewan ko pero bakit natutuwa akong makitang ganito ulit siya saakin, parang katulad lang din nung dati.

"Tara na, masyado na tayong inabot ng tanghali dito." Bulyaw ni Andres, tinignan ko siya ng masama pero hindi siya nagpatalo saakin.

Naglakad lakad kami sa picnic grove, panay lang ang kwentuhan at kulitan namin ni Stephen.

"Parang nung unang punta natin dito nag uunahan pa tayong manakbo papunta dun sa kabilang cotage." Sabi ni Stephen, naalala ko nga yon, nagkaroon kami ng pustahan na kung sinong mahuhuli sa pagpunta sa cotage siya ang magbabayad ng bill sa kakainang restaurant.

"First time mo dito?" Narinig kong sabi ni Andres mula sa likod namin.

"Oo, wala kasi akong time para gumala. Mabuti nalang at tinext mo ako na dalhin yung mga mini gym materials." Masayang sabi ni Mela.

"Ganun ba? Kung first time mo pala dito kailangan mong masubukan ang zipline." Suhestiyon ni Andres.

"Zipline? Gusto ko yan!" Magiliw na sabi ni Mela, actually maganda si Mela, makinis din ang balat niya at palaging nakatali ang mahaba niyang buhok, maganda ang katawan dahil nga siguro trainor siya sa isang gym.

"Tara." Anyaya ni Andres.

Tinignan ko sila, "Dito lang ba kayo? Mag zizipline lang muna kami ni Mela, nakakaboring na dito." Sabi ni Andres.

"Oo naman noh! Go na kayo! Have fun!" Hiyaw ko sakanilang dalawa.

"Thanks Rhyme." Sabi ni Mela atsaka naglakad na sila patungo doon sa zipline.

Pinagmasdan ko lang silang dalawa, tinulungan pa ni Andres si Mela na makaakyat, hanggang sa paliit nalang silang ng paliit sa paningin ko. Kitang kita ko rin kung paano alalayan ni Andres si Mela habang inaayos ang pagkakatali.

"Closer my love.."

Para akong biglang nagising nang marinig ko ang boses ni Andres sa kawalan!

"Rhyme.."

Nakita ko ang malakas na paghalakhak ni Andres mula sa itaas habang hawak hawak sa baywang si Mela.

"Bagay sila.." Bulong ko sa sarili ko.

"Rhyme?"

"Sana ikasal sila.." Dagdag ko, pero bakit parang may pumipigil sa katawan ko na h'wag sabihin iyon. Hindi ko lang mapagtanto kung anong parte ng katawan ko ang pumipigil saakin na h'wag sabihin iyon.

"Rhyme!" Napapitlag ako nang marinig ko ang pagtawag saakin ni Stephen.

"Ha?" Wala sa sariling sagot ko sakanya.

"Sabi ko kung gusto mo din bang mag zipline?" Nakangiting tanong niya saakin, napaawang ang bibig ko at umiling iling ako.

"A-ayoko..natatakot ako." Sagot ko sakanya.

"Natatakot? Hindi ba nagawa mo na kahapon?" Natatawang aniya, napalunok ako ng sunod sunod. Hindi ko alam pero may parte saakin na hindi ako komportable gawin ulit ang zipline kung hindi si Andres ang kasama ko, alam ko kasi na hindi ako mahuhulog sa mga kamay niya.

"Ah..e--"

"Come on Rhyme, subukan ulit natin. Subukan natin na tayong dalawa naman ang magkasama." Nakangiting sabi ni Stephen at hinila niya ako patungo doon, nagsimulang manginig ang binti ko.

"Stephen ayoko, natatakot talaga ako." Nanginginig ang boses ko sa pagsasalita.

Tumigil siya sa paglalakad at tinitigan niya ako sa dalawang mata ko.

"Tatanggihan mo ba ako ngayon Rhyme? Second chance diba? Hayaan mong sa second chance na 'to, matulungan kitang alisin ang mga bagay na kinatatakutan mo. Gusto kong gawin yon kasama ka, para masabi ko naman na kahit papaano may nagawa ako para sayo." Litanya niya, punong puno ng sensiridad ang boses niya at nangungusap ang mga mata niya.

Napalunok ako ng sunod sunod, mahigpit na hinawakan ni Stephen ang kamay ko.

"Please Rhyme.." Bulong niya.

Sandali akong tumingin sa taas, at nakita kong nasa kalagitnaan na ng zipline sila Andres.

Muli kong tinignan si Stephen at kahit parang may batong nakabara sa lalamunan ko pinilit ko pa ring makapagsalita.

"Si..sige, Stephen. Para sa second chance."

****

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

10.3M 140K 81
Kung sa "My Boss is a Freak" ay napatunayan niyong posibleng magkaroon ng isang unbelievably handsome, smart, and mega-rich na freak, dito naman sa p...
453 86 43
Heyza Garcia hates all men because of what happened in the past. He despised and feared them at the same time. But one thing led to another, he met a...
800K 15.3K 43
Nang malaman ni Aly ang dahilan nang pagpapanggap ni Gideon ay tinanggap niya pa rin ito ng buong puso at walang pag-aalinlangan. She loves Gideon mo...
3.6M 3.9K 1
Now a published book under PSICOM Publishing Inc. Available in bookstores nationwide! Their whirlwind romance ended as fast as it began. When both...