Save The Best For Last [Publi...

By asherinakenza

4.7M 100K 9.4K

Friend zoned. Hindi na bago kay Tom Andres Santos ang salitang yan, sa dalawang beses na nagmahal siya ng tot... More

Save The Best For Last
STBFL: Prologue
STBFL: Chapter 1
STBFL: Chapter 2
STBFL: Chapter 3
STBFL: Chapter 4
STBFL: Chapter 5
STBFL: Chapter 6
STBFL: Chapter 7
STBFL: Chapter 9
STBFL: Chapter 10
STBFL: Chapter 11
STBFL: Chapter 12
STBFL: Chapter 13
STBFL: Chapter 14
STBFL: Chapter 15
STBFL: Chapter 16
STBFL: Chapter 17
STBFL: Chapter 18
STBFL: Chapter 19
STBFL: Chapter 20
STBFL: Chapter 21
STBFL: Chapter 22
STBFL: Chapter 23
STBFL: Chapter 24
STBFL: Chapter 25
STBFL: Chapter 26
STBFL: Chapter 27
STBFL: Chapter 28
STBFL: Chapter 29
STBFL: Chapter 30
STBFL: Chapter 31
STBFL: Chapter 32
STBFL: Chapter 33
STBFL: Chapter 34
STBFL: Chapter 35
Save The Best For Last: Finale
Save The Best For Last: Epilogue
STBFL: SELF PUBLISH!

STBFL: Chapter 8

123K 2.6K 466
By asherinakenza

STBFL: Chapter 8

Vanalein Rhyme Romeo

"Rule number one, you have to love yourself first bago ang ibang tao." Mariin na pahayag ni Andres habang mahigpit na itinatali niya ang tali sa baywang ko para sa zipline.

Nandito kami ngayon sa Picnic Grove Tagaytay Zipline and Cable Car, pagkagising niya kaninang umaga niyaya na kaagad niya ako dito.

Hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa pag aakalang baka gapangin ako nitong si Andres, pero halos matawa ako sa sarili ko nang makita kong himbing na himbing siya sa pagtulog doon sa kabilang kama.

Lumunok ako ng sunod sunod at tumangl tango ako. Pagkatapos ay tumalikod siya at napapitlag ako nang hilahin niya ang mahabang tali mula sa harapan ko at ibinuhol niya iyon sa baywang niya kasama ang bakal na pinagkakapitan ng lubid.

"Brad pakihigpit sa binti." Utos ni Andres doon sa isang nagbabantay, "Closer my love." Nanlaki ang mata ko sa ibinulong ni Andres lalong lalo na sa paraan ng pagtawag niya saakin at mas hinila niya ako para dumikit sa likod niya, amoy na amoy ko ang mabangong pangangatawan niya.

"M-masyado kang malapit Andres." Nauutal na sagot ko sakanya, "Gusto mo bang mahulog?" Pagsusungit niya, sasagot pa sana ako sakanya pero mabilis niyang ipinulupot sa katawan niya ang dalawang kamay ko.

"Just hold me tight, at ipinapangako kong hindi ka magsisisi." Ewan ko,hindi ko alam kung ano bang nangyayari dito kay Andres, masyado na siyang touchy simula nang dumating kami kahapon dito sa Tagaytay ganyan na siyang magsalita, o baka ako lang ang nagbibigay ng malisya? Siguro ganyan lang talaga siya sa mga nagiging kaibigan niya.

"Yumakap ka, nasa kabilang side sila Stephen." Narinig kong bulong niya, marahan akong bumaling sa kanan ko at halos kabahan ako nang magtama ang mata naming dalawa ni Stephen, kinakabitan ng isang lalaki ng tali si Lexi, habang si Stephen naman ay nakaalalay sakanya.

"Come on Love!" Sigaw ni Andres at hindi pa man lang ako nakakabuwelo ay mabilis na dumapa sa ere si Andres at itinulak ng lalaki ang paa namin ni Andres.

Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko at alam kong gusot gusot na ang suot niyang tshirt dahil sa higpit ng yakap ko sakanya! Nakadapa ako sa ibabaw ni Andres habang sinasalubong ang malakas na hangin na dulot ng zipline!

Panay ang halakhak ni Andres na para bang tagumpay na tagumpay siya.

"Nagyayaya kang magzipline tapos papalirit ka sa sobrang takot?! What the hell Vana!" Tumatawa na hiyaw niya!

"I hate you Andres!!!" Hiyaw ko sakanya at pinaghahampas ko ang dibdib niya mula sa pagkakayakap ko sakanya, pero panay lang ang tawa niya.

"H'wag kang malikot pareho tayong mamamatay sa ginagawa mo!" Sigaw niya.

"Napaka mo! Nakakabwisit ka!"

Sa totoo lang, isa sa mga dahilan kung bakit gusto kong bumalik dito sa Tagaytay ay para alalahanin ang nakaraan namin ni Stephen, dito niya ako unang dinala nung nag date kami, isinama ko si Lexi dahil alam kong gusto niya rin makapunta noon dito sa Tagaytay. Niyaya niya akong magzipline pero hindi ko nagawa dahil takot ako sa matataas na lugar, pero si Lexi, nagawa niya at higit sa lahat magkahawak kamay pa silang pumunta sa kabilang way ng zipline.

Pero ngayon, hindi ko maramdaman ang takot sa ere, hindi ko alam kung bakit o paano? Dahil siguro alam kong nanonood siya, gusto kong ipakita sakanya na kaya kong gawin ang inaakala niyang hindi ko kaya.

Naramdaman kong pinagsalikop ni Andres ang kamay naming dalawa. "Malapit na tayo!" Sigaw niya.

At nang makarating na kami sa dulo, doon ko naramdaman ang panginginig ng binti ko. Natatakot nanaman ako, para nanamang hinahalukay ang sikmura ko dahil nalulula ako. Panay ang sigaw ko at ramdam ko ang pagtulo ng luha ko, "Sht! H'wag kang malikot Vana! Mahuhulog ka!" Suway saakin ni Andres pero panay ang hampas ko sa likod niya, hinila ng isang lalaki ang tali papalapit sakanila at mabilis na kinalas ang pagkakakabit saamin, nanginginig ang binti ko patungo doon sa ladder pero napahinto ako nang mapansin ko ang ilalim noon, napakataas at sobrang nanginginig talaga ang binti ko.

"Hey!" Bulyaw saakin ni Andres at hinawakan niya ang braso ko. "A-Andres na-natatakot ako!" Sigaw ko sakanya, nanlaki ang mata niya nang makita ang luha sa mga mata ko.

"Tangina." Narinig kong bulong niya at mabilis niyang pinunasan ang luha ko na ngayon ay walang tigil sa pagtulo.

"Stop crying." Suway niya saakin. "A-Andres, hindi ako makakababa dito. Hindi ko kaya." Humihikbing pagsusumbong ko sakanya.

Kumunot ang noo niya, magsasalita na sana siya pero biglang nagsalita ang lalaking nagbabantay sa zipline.

"Fear of height siguro yan boss, may mga naging customer kami dito na pagkatapos magzipline atsaka nararamdaman yung takot." Ani ng isang lalaki.

Bumaling saakin si Andres, kumapit ako sakanya ng sobrang higpit.

"Bababa tayo Vana.." Bulong niya saakin, umiling iling ako. "Hindi ko kaya." Humihikbing sagot ko sakanya.

"Kaya mo, mauuna akong bumaba, sumunod ka saakin, hahawakan ko ang binti mo." Aniya, nakaramdam ako ng takot nang bitawan niya ako.

"Andres.." Tawag ko sakanya.

"You can do it love, just trust me. Hindi kita pababayaan, nasa may binti mo lang ako." Paninigurado niya, "Pero Andres.."

"Alright," Hinubad ni Andres ang suot niyang tshirt at pinaikot iyon sa kamay niya atsaka itinali sa braso niya, tumungo naman siya at tinalian ang binti ko gamit ang kabilang dulo ng tshirt niya.

"You can trust me Vana, pareho tayong mahuhulog kapag kumalas ang buhol nito." Aniya.

Nakatingala siya saakin at panay naman ang punas ko sa luha ko, sobra sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon. Marahan niya akong tinanguan, nauna na siyang tumapak sa ladder at nanginginig akong sumunod sakanya.

Sobra sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon, yung kamay ko ayaw tumigil sa panginginig. "A-Andres.." Bulong ko na mukha namang hindi niya narinig, nagpatuloy ako sa pagkapa ng hagdan gamit ang paa ko.

"One more step Vana!" Hiyaw ni Andres mula sa ilalim, sumilip ako doon at hanggang ngayon nalulula pa rin ako! Nasa pinakababa na si Andres at feeling ko mahuhulog na ako, "Come on." Nakangiting sabi niya saakin.

Umiling iling ako, "Natatakot ako Andres." Nauutal na sagot ko sakanya.

"Vana, paano maaalis ang takot mo kung hindi mo lalabanan?" Sermon niya saakin. "Isang hakbang nalang Vana." Aniya, mataas kasi ang bawat baitang ng hagdan kaya ganito nalang ang kaba ko.

"Close your eyes, isipin mong kaya mo." Sabi niya, napapitlag ako nang alisin niya ang tshirt na nakatali sa may paanan ko. "You can do it." Patuloy niya.

Huminga ako ng malalim at buong kaba kong iniabot ang paa ko doon sa nag iisang natitirang baitang ng hagdan at pagkatapos mabilis akong nawalan ng lakas. Muntik na akong matumba dahil sa panghihina ng binti ko pero mabilis akong nahapit ni Andres sa baywang ko!

"Are you okay?" Pag aalala niya, "N-nanghihina ako Andres." Bulong ko, "Tapang tapangan ka kasi, takot ka naman pala sa height." Bulyaw niya saakin at napapikit ako nang buhatin niya ako na parang isang bagong kasal! Isinabit ko ang dalawang kamay ko sa leeg niya, "Nalulula ako!" Sigaw ko habang nakapikit, itinungo ko ang mukha ko sa dibdib ni Andres at doon nalang nagtigil. Amoy na amoy ko ang mabangong pangangatawan niya.

"Wala ka namang dapat ikatakot na baka mahulog ka mula sa taas Vana, dahil sasaluhin kita sa kahit anong paraan." Bulong niya, napalunok ako ng sunod sunod dahil sa sinabi niya, kung iisipin kong mabuti ang nga pinagsasasabi ni Andres parang may kung anong ibang mensahe iyon, pero hindi naman ako tanga para bigyang malisya iyon.

Maingat akong pinaupo ni Andres sa isang bench, isinuot niya muna ang tshirt na ginamit niya kanina para itali sa paa ko. "Bibili lang ako ng tubig sandali." Paalam niya saakin atsaka tumawid siya sa kabilang kalsada para pumunta doon sa isang maliit na tindahan.

Pinagmasdan ko lang siya, may mga kababaihan doon na talaga namang pinagpapantasyahan siya kahit na ngayon pa lang siya nakita ng mga ito.

Napanguso ako, may dating din pala sa kababaihan itong si Andres. Kung sabagay gwapo naman siya, masungit nga lang. Kawawa naman ang mapapang asawa nito.

Maya maya pa ay bumalik na siya dala dala ang mineral water na binili niya, binuksan niya muna ang isa bago niya ibinigay saakin iyon.

"Uminom ka muna para maalis ang kaba mo." Sabi niya saakin, "Thanks."

"Hindi mo manlang sinabi na takot ka pala sa mataas, edi sana hindi na tayo tumuloy kanina." Sabi niya, tumingin ako sa malayo kung saan may mga turistang naglalakad, malamig pa rin dito sa Tagaytay kahit pa Pebrero na.

"Gusto ko kasing gawin." Sagot ko sakanya, naramdaman kong tinitigan niya ako ng matagal. "Alam mo na, mahina daw ako sabi ni Stephen. Hindi ko daw kayang gawin yung mga bagay na gusto niya." Kwento ko sakanya, huminga ako ng malalim dahil naramdaman ko nanaman ang kirot sa kaliwang bahagi ng dibdib ko.

"Gusto niya the best ang magiging girlfriend niya, higit sa lahat gusto niya matapang at maganda." Bulong ko, "At hindi ako yun, hindi ako matapang, hindi rin ako maganda at hindi rin ako magiging the best. Si Lexi lang naman ang nakaabot sa ideal girl niya." Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko, ang tanga tanga ko, bakit ba hindi ko magawang kalimutan si Stephen? At bakit hanggang ngayon naunuot pa rin ang galit ko sa best friend ko.

Bumaling ako kay Andres na ngayon ay titig na titig saakin, nginitian ko siya dahil sobrang seryoso ng itsura niya. "Diba tama naman ako?" Ngumingising sabi ko sakanya.

Napansin ko ang paglunok niya ng sunod sunod.

"Siguro nga hindi ka matapang, pero hindi ibig sabihin non hindi ka na the best." Mungkahi niya na nagpabilog sa mata ko, "Seryoso?" Humahalakhak na tanong ko sakanya.

Mas lalo niyang pinalalim ang titig saakin at nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Saka isa pa, hindi ka panget. Maganda ka naman ah? Ilang beses ko bang sasabihin na lamang ka ng kalahating paligo doon sa best friend mo." Panunuya niya saakin, pabiro ko siyang sinampal habang tumatawa ako.

Ngumisi si Andres at hinuli niya ang kamay ko, "Napaka lamig nanaman ng kamay mo, kailangan mo nanaman ng ka-holding hands." Aniya atsaka pinagsalikop niya ang kamay naming dalawa.

"Sus, gusto mo lang mahawakan ang kamay ko." Ngumingising sabi ko sakanya.

"Di siguro, bumalik na nga tayo sa hotel, baka maging yelo ka pa sa lamig." Tumatawang tanggi niya, ngumiti nalang ako at magkasabay kaming naglakad ni Andres patungo sa kotse niya, ang lamig lamig kasi sobra.

"The best ba talaga ako Andres?" Hindi mapakaling tanong ko sakanya nang sa wakas ay nakarating kami ng maayos sa hotel room namin.

Ibinagsak niya ang katawan niya doon sa kama at pumikit. "Andres!" Pangungulit ko sakanya, "Vana, 30 minutes sleep please? Inaantok ako." Reklamo niya.

"Kadiri ka, maligo ka kaya muna, galing tayo sa labas." Bulyaw ko sakanya, "Mamaya na pagka gising ko." Aniya.

Ngumuso ako at umupo ako sa single sofa atsaka pinagmasdan ko siya, "Sabi mo the best ako." Bulong ko.

Sandaling natahimik sa hotel room pero kaagad nagsalita si Andres na talaga namang nagpangiti saakin ng wagas, "You don't have to be the best girl for him, dahil para saakin at sa Daddy mo the best ka na." Bulong niya habang nakapikit pa rin.

Para akong batang binigyan ng candy, kahit kailan hindi ko narinig ang salitang the best mula kay Daddy, hindi ko naman inaasahan na kay Andres ko pa maririnig ang bagay na iyon.

Halos mag iisang oras na siyang tulog nang mapagpasiyahan kong lumabas muna ng hotel room namin, may voucher kasi kami ni Andres mula sa hotel na ito kaya naman gagamitin ko ito ngayon para sa eat all you can.

Pagkababa ko palang ng elevator nakasalubong ko na kaagad si Stephen, nagsimula sa pagwawala ang puso ko at para akong natutuliro dahil nakatitig siya saakin. "H-hi." Bati niya saakin na talaga namang hindi ko inaasahan.

"Hello." Ganti ko, nakapamulsa na siya ngayon sa harap ko habang titig na titig sa mga mata ko, para kaming baliw na nagngitian sa isa't isa.

Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko ito ngayon, siguro dahil ang lakas pa rin ng tama ko sa lalaking ito.

"Hindi mo kasama ang boyfriend mo?" Nahihiyang tanong niya saakin, napaawang ang bibig ko dahil doon, pero kaagad sumagi sa isipan ko na si Andres ang tinutukoy niya.

"Hi-hindi ko siya boyfriend." Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil parang sinabi ko pa rin na hindi pa rin ako nakakamove on sakanya.

"Really? S-saan naman ang lakad mo?" Usisa niya saakin, "Hmm?" Pinakita ko sakanya ang voucher na hawak ko, ngumisi siya at umiling iling.

"Don't tell me gagamitin mo yang voucher?" Natatawang tanong niya saakin, tumango ako bilang sagot.

"Come on Rhyme, hindi masarap ang pagkain dito. Ang mabuti pa sumama ka saakin, may alam akong masarap kainan dito." Anyaya niya, napalunok ako ng sunod sunod. Niyayaya niya ako right? Hindi ako nag iilusyon.

"Let's go!" Masiglang sabi niya at napatingin ako sa kamay naming dalawa nang hilahin niya ako palabas ng hotel, pinagbuksan niya pa ako ng pinto ng kotse niya at inalalayan niya akong makasakay, umikot siya sa harap para sumakay sa driver seat.

Hindi ako mapakali, para may kung anong kumikiliti saakin dahil sa sayang nararamdaman ko. Ewan ko, alam ko namang hindi ko dapat ito ginagawa pero hindi ko magawang tanggihan si Stephen.

Hila hila niya pa rin ako sa kamay ko nang makarating kami sa sinasabi niyang reataurant. "Masarap ang lomi dito, tamang tama sa taglamig." Aniya atsaka siya na ang nagsabi sa isang waitress na oorder siya ng dalawang large lomi.

"S-si Lexi?" Nauutal na tanong ko sakanya, "I don't know." Bulong niya.

"D-diba magkasama kayo kanina?" Usisa ko sakanya.

"Yeah, pero hindi kami maayos, mag iisang buwan na rin." Mungkahi niya, napakunot naman ang noo ko.

"Mag iisang buwan? Eh diba palagi nga kayong magkasama." Naiinis na sagot ko sakanya, bakit ganito? Bakit may pakiramdam ako na may mali?

"Marami kaming hindi napag kakasunduan ni Lexi." Aniya, tumingin muna siya doon sa waitress na nagserve ng pagkain namin bago pa siya nagpatuloy, "Mahirap din pala kapag ipinilit mo ang isang bagay na alam mong wala namang patutunguhan." Patuloy niya atsaka kumain na siya.

"Kain na, baka lumamig yan, hindi na masarap iyan." Pag aalala niya, marahan kong hinipan ang lomi at sumubo non, tama nga siya masarap ang lomi dito.

Natapos kaming kumain nang hindi nag uusap, panay lang ang ngitian naming dalawa, ang awkward din pala kapag matagal mo nang hindi nakakausap ang isang tao tapos bigla kayong magkikita ulit.

"Akala ko boyfriend mo yung kasama mo kanina." Aniya, tumawa ako at umiling iling, naglalakad na kami ngayon sa park habang kumakain ng ice cream.

"Fiance ko siya." Bulong ko, napatigil siya sa paglalakad at naramdaman ko ang pagtitig niya saakin ng matagal.

Humarap ako sakanya at binigyan ko siya ng mapait na ngiti, "Matigas daw kasi ang ulo ko, kaya heto, binigyan ako ni Dad ng mapapang asawa. Pero binigyan naman niya kami ng 2 months, at kapag hindi nagwork out yung plano in two months, hindi tuloy ang kasal." Paliwanag ko sakanya, napansin ko ang panginginig ng mata niya, napalunok siya ng sunod sunod.

"Sa tingin mo ba magwowork out ang plano ng Daddy mo sa loob ng dalawang buwan?" Nasa boses niya ang pag aalala, na naging dahilan para kumalabog ang puso ko.

"H-hindi.." Nauutal na sagot ko, "Magkaibigan lang kami, maski naman siya ayaw niya saakin. Pero kailangan niya raw akong patinuin bago ako bumalik sa Daddy ko." Tumatawang kwento ko sakanya.

"Nakakatawa ano? Pinatapon ako ni Dad dahil napaka childish ko, kung sa bagay, twenty five years old na ako pero ganito pa rin ang ugali ko, isip bata." Nangingiting sabi ko sakanya, nagsimula na ulit kaming maglakad, nanigas ang puso ko nang maramdaman kong hinawakan ni Stephen ang kamay ko!

"Kaya nga kita nagustuhan noon, dahil sa pagla childish mo." Natatawang sabi niya, napalunok ako ng sunod sunod.

"Kagusto gusto ba yun?!" Pinilit kong tumawa sa pagtatanong ko kahit pa nanginginig ang binti ko sa kaba, ano ba itong nararamdaman ko para kay Stephen nakakabaliw.

"Siguro para sa iba pangit ang pagka childish mo, pero doon mo kasi ako napapangiti." Lumundag ang puso ko sa isiping nagiging dahilan ako ng pagngiti niya, "Hindi ba si Lexi?" Panunuya ko sakanya.

"Rhyme.." Untag niya sa pang aasar ko sakanya.

"Hindi ba't iniwan mo nga ako sa ere dahil kay Lexi?" Natatawang sambit ko. Naihilamos niya ang palad niya sa mukha niya.

"And that was the biggest mistakes I've ever made." Bulong niya, humarap siya saakin at hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

"Nang makita kita kanina sa zipline, hindi ko alam pero bumalik yung nararamdaman ko para sayo. Ewan ko, oo si Lexi ang palagi kong kasama noon, pero hindi ko maiwasang pagkumparahin kayo. Na mas higit ka kaysa sakanya." Para akong lumulutang sa ere dahil sa mga naririnig ko mula kay Stephen, tama ba ito? Mas higit ako kay Lexi?

"Ikaw lang yung palaging pinag aawayan namin, kaya hindi ko masabi sayong maayos kaming dalawa. I..I miss you Rhyme, namimiss ko yung mga panahong ikaw yung palagi kong kakulitan sa mga kalokohan." Seryosong sabi niya, sobrang lalim ng titig niya saakin na para bang nakikiusap siya.

"Kaya kung manarapatin mo, liligawan kita ulit." Patuloy niya na nagpabilog sa mga mata ko, napaawang ang bibig ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Stephen, s..si Lexi."

"Hindi ko naman talaga siya kasama dito Rhyme, sinundan niya lang ako nang malaman niyang nandito pala ako. Nung gabing nagkita tayo sa bar, nakipag hiwalay na ako sakanya. Pumunta ako dito sa Tagaytay para alalahanin yung mga panahong magkasama tayo dito." Paliwanag niya, hindi ko malaman kung anong isasagot ko sakanya, parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko dahil sa mga sinasabi niya.

"Can you give me another chance Rhyme?" Bulong niya, nanginginig ang mga mata niya at nangungusap ang mga iyon.

"I'm really sorry, I'm sorry for hurting you." Paumanhin niya, parang may nabunot na tinik mula sa dibdib ko nang marinig ko mula sakanya ang mga salitang iyon.

___

Inihatid ako ni Stephen hanggang sa pintuan ng hotel room namin ni Andres, hindi ko pa siya nabibigyan ng sagot dahil masyado akong nagulantang sa mga inamin niya saakin. Hihintayin niya daw ang desisyon ko.

"Where have you been?" Halos mapalundag ako sa gulat nang sumulpot si Andres sa harapan ko, nakahalukipkip siya at titig na titig siya sa mga mata ko na para bang may malaki akong kasalanan sakanya, amoy bagong paligo na rin siya.

"Ah, eh diyan lang nagpahangin." Pagsisinungaling ko sakanya, maglalakad na sana ako patungo sa kama ko pero hinarang niya ako.

Tumingala ako para matignan siya ng maayos, hindi ko kinakaya ang mga titig niyang parang humuhukay ng kung ano sa mga mata ko.

"Are you kidding me Vana? Wala kang pera, wala kang sasakyan." Sermon niya saakin, gusto yata nitong Andres na ito na tumaas ang altapresyon ko sakanya!

"Bakit? Kapag magpapahangin ba kailangan may pera at sasakyan? Mayayaman lang ba ang pwedeng magpahangin?!" Sigaw ko sakanya, oo naghihirap na ako ngayon dahil wala na talaga akong kapera pera.

"Vanalein." Nanggigigil na tawag niya sa pangalan ko, itinulak ko siya paalis sa harapan ko at nagmadali akong humiga sa kama ko at nagtalukbong.

"Tinatanong ko lang kung saan ka nanggaling! Baka mamaya kung anong mangyari sayo malalagot ako sa Daddy mo." Sermon niya saakin, panay naman ang make face ko sa ilalim ng blanket ko.

"Kung makaasta kala mo Tatay ko siya." Bulong ko at sinigurado kong hindi niya maririnig iyon pero natigilan ako sa sumunod na sinabi niya.

"Nag alala ako sayo."

Marahan kong ibinaba ang blanket mula sa ulo at tinignan ko siya na ngayon ay nakatitig pa rin saakin, para bang hinihintay niya kung sasabihin ko sakanya kung saan ako galing. Umupo ako sa gitna ng kama ko at saka ginusot gusot ko ang blanket sa kamay ko.

"Ma..magkasama kami ni Stephen." Nahihiyang bulong ko sakanya, tumingin ako sakanya at nakita ko ang pagkakasalubong ng kilay niya.

"A..ano, humihingi siya ng chance." Dagdag ko, tumayo ako at lumapit sakanya.

"Andres! Ito na yung hinihintay ko, umepekto kaagad yung ginawa mo para magselos siya!" Pinilit kong ngumiti sakanya pero nanatili lang siyang nakatitig saakin.

"Sa ngayon, kakailanganin ko pa rin ang tulong mo para mapatunayan kong seryoso na siya saakin ngayon." Pakiusap ko sakanya, pero medyo naiilang na ako sa ibinibigay niyang tingin saakin, para bang may mali sa mga sinasabi ko sakanya ngayon.

"Andres.." Untag ko sakanya, pero imbis na sagutin niya ako ay tinalikuran niya ako, tumungo siya sa mini kitchen.

"Kumain ka na ba?" Pag iiba niya ng usapan. "O-oo!" Sagot ko sakanya, sinundan ko siya sa kitchen at nakita kong may nililigpit siyang pagkain doon.

"Nagluto ka?" Usisa ko sakanya, pero hindi siya sumagot, sa halip ay inilagay niya sa ref ang mga pagkain.

"Hindi ako nagluto, inorder ko yan sa restaurant sa baba, naisip ko kasing baka hindi ka pa kumakain." Aniya, nanlaki ang mata ko at nakaramdam ako ng kunsensya, mabilis ko siyang itinulak at binuksan ang ref saka kinuha ko ang mga pagkain na pinasok niya doon.

"Kakain ulit ako! Nagugutom pa ako eh!" Pagsisinungaling ko sakanya kahit pa ang totoo ay busog pa ako.

"H'wag mong pilitin kung busog ka na." Pagsusungit niya saakin, "Aysus, nagtatampo ka pa, gutom nga ako." Pang aasar ko sakanya atsaka tumungo ako sa maliit na lamesa doon sa labas ng kitchen, sumunod naman siya saakin at inagaw niya saakin ang isa pang tinidor na hawak ko.

"Hindi ka pa kumakain ano?!" Panunuya ko sakanya, pero sumubo lang siya ng pasta atsaka tinignan ulit ako, hindi man niya aminin, nararamdaman ko ang pagtatampo niya, hindi kasi ako nagpaalam sakanya nang maayos kanina.

Tahimik kaming kumain, at kagaya ng dati isang plato lang ang gamit namin.

"Anong desisyon mo?" Biglang basag niya sa katahimikan naming dalawa.

Tinignan ko siya, "Bibigyan ko siya ng chance, pero syempre hindi na ganun kadali noh. Pahihirapan ko muna siya." Natatawang sabi ko atsaka sumubo ulit ako ng pasta, grabe busog naman ako pero ganado akong kumain.

"Huy, tulungan mo pa rin ako ha? H'wag kang mag alala tutulungan din kita kay Mela." Pang aasar ko sakanya, naubo siya dahil sa sinabi ko kaya naman humalakhak ako ng malakas.

"Vanalein! Mela is my friend." Pagtatama niya saakin, "Ano ka ba, kung may babaeng babagay sayo, sa tingin ko si Mela yun. Biruin mo eight years na kayong magkakilala! Ang haba na ng pinagsamahan niyong dalawa, hindi ka na mahihirapan na kilalanin pa siya dahil kilalang kilala mo na siya." Masiglang paliwanag ko sakanya.

"Vana--"

"Hep! Subukan mo muna bago mo tanggihan! May kasabihan tayo na, paano mo malalaman ang resulta kung hindi mo susubukan! Nararamdaman ko Andres, meant to be kayo ni Mela!" Nakangiting sabi ko sakanya, natutuwa ako dahil ngayon alam ko nang kahit lumipas ang dalawang buwan may makakasama na sa buhay si Andres at si Mela iyon.

Magsasalita pa sana ako pero natigilan ako sa muling pagtawag niya saakin sa ganung paraa, "Shut up, Love." Bulyaw niya saakin, tinignan ko siya sa mata at nabasa ko ang iritasyon doon.

"Are you pushing me away? At sa taong itinuturi ko pang kapatid." Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.

"May usapan tayo, two months Vanalein, hindi ako pwedeng manligaw sa iba hangga't hindi natatapos ang two months." Patuloy niya.

"Pero Andres, usapan lang naman yon ng mga matatanda. Hindi ba't ayaw mo din namang makasal saakin? Oh hindi na tayo mahihirapan! The feeling is mutual!" Sigaw ko habang tinataas taas ko pa ang tinidor na hawak ko.

Isang malalim na pagtitig ang ibinigay niya saakin, "Andres, hindi ba't ikaw na rin ang nagsabi saakin kahapon, naranasan mo na ang maiwan, dalawang beses pa nga hindi ba?" Paliwanag ko sakanya.

"Naiintindihan mo naman siguro ako kung bakit ganito nalang ako kasaya nang humingi ng second chance saakin si Stephen, ikaw ba Andres hindi ka ba magiging masaya kapag yung taong mahal na mahal mo humingi ulit ng pangalawang pagkakataon? Hindi ba masarap sa pakiramdam iyon?" Mahinahon na sabi ko sakanya, hindi siya nagbitiw ng titig saakin, gumalaw ang adams apple niya dahil sa sunod sunod na paglunok niya.

Pero hindi ko inaasahan ang isinagot saakin ni Andres na nagpaawang sa bibig ko.

"Hindi. Bakit ako magiging masaya? Iniwanan niya nga ako para sa ibang tao, tapos babalik siya saakin para sa pangalawang pagkakataon? Anong magiging tawag sayo kapag ganoon? Second choice Vanalein, isa kang second choice sa paningin ng taong mahal mo."

****

Continue Reading

You'll Also Like

14.6M 50.2K 10
#StanfieldBook2: ZekeSteele (#Wattys2016Winner Collector's Edition) "I've made mistakes out of my rebellion. But I embrace t...
5.1M 102K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
800K 15.3K 43
Nang malaman ni Aly ang dahilan nang pagpapanggap ni Gideon ay tinanggap niya pa rin ito ng buong puso at walang pag-aalinlangan. She loves Gideon mo...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

80K 2.3K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]