Save The Best For Last [Publi...

By asherinakenza

4.7M 100K 9.4K

Friend zoned. Hindi na bago kay Tom Andres Santos ang salitang yan, sa dalawang beses na nagmahal siya ng tot... More

Save The Best For Last
STBFL: Prologue
STBFL: Chapter 1
STBFL: Chapter 2
STBFL: Chapter 3
STBFL: Chapter 4
STBFL: Chapter 5
STBFL: Chapter 6
STBFL: Chapter 8
STBFL: Chapter 9
STBFL: Chapter 10
STBFL: Chapter 11
STBFL: Chapter 12
STBFL: Chapter 13
STBFL: Chapter 14
STBFL: Chapter 15
STBFL: Chapter 16
STBFL: Chapter 17
STBFL: Chapter 18
STBFL: Chapter 19
STBFL: Chapter 20
STBFL: Chapter 21
STBFL: Chapter 22
STBFL: Chapter 23
STBFL: Chapter 24
STBFL: Chapter 25
STBFL: Chapter 26
STBFL: Chapter 27
STBFL: Chapter 28
STBFL: Chapter 29
STBFL: Chapter 30
STBFL: Chapter 31
STBFL: Chapter 32
STBFL: Chapter 33
STBFL: Chapter 34
STBFL: Chapter 35
Save The Best For Last: Finale
Save The Best For Last: Epilogue
STBFL: SELF PUBLISH!

STBFL: Chapter 7

131K 2.6K 274
By asherinakenza

STBFL: Chapter 7

Vanalein Rhyme Romeo

Alas singko palang ng madaling araw pero gising na gising na kaagad ako! Hindi ako makapaniwalang isang kuripot na Andres ang manlilibre saakin ng apat na araw na bakasyon sa Tagaytay, grabe excited na excited na ako dahil after 3 years matitikman ko na ulit ang napaka sarap na nilagang baka doon sa Tagaytay, maging yung sinigang na hipon at laing, yung ube tart, choco mousse tart. Isipin ko palang ang itsura ng mga pagkain doon ay naglalaway na ako.

Paikot ikot na ako dito sa sala nang marinig kong bumukas na ang pintuan ng kwarto ni Andres, napansin kong kagigising lang niya dahil gulo gulo pa ang buhok niya, napaka seksing nilalang lang nitong lalaking ito.

"Ang aga mo." Bati niya saakin, pero nginitian ko lang siya at sinigurado kong magandang ngiti ang ibinigay ko sakanya, mahirap na baka mamaya magbago pa ang isip niya na isama ako!

"Ready na ba ang mga gamit mo?" Aniya atsaka bumaba siya, tumango tango lang ako sakanya bilang sagot.

Sinuri niya ang back pack na nakapatong sa center table ng sala.

"Magdala ka ng gamot, baka mamaya magkasakit ka pa doon." Paalala niya.

"Hindi ko kailangan non Andres dahil malusog ako!" Masiglang sagot ko sakanya, humalukipkip siya at pinagmasdan niya akong mabuti.

"What?" Usisa ko sakanya.

Umiling iling siya, halatang inaantok pa siya. "Maliligo lang ako sandali, tapos aalis na tayo." Paalam niya saakin.

Pinagmasdan ko lang siya na umakyat, bakit ganon? Bakit parang wala siya sa mood? Pero bahala na, ang importante makapunta ako sa Tagaytay! Excited na ako sa normal na lamig doon.

"Okay ka lang?" Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko nang makasakay na ako sa kotse niya, ang tahimik pa rin kasi niya at mukhang hinang hina siya.

Tinanguan niya lang ako at nagsimula na siyang magmaneho, pinagmasdan ko siyang mabuti at halos mapasigaw ako nang mapansin kong napipikit siya!

"Andres! Ano ka ba?! Mababangga tayo!" Hiyaw ko sakanya, pumreno siya ng malakas at mariin niyang ipinikit ang mata niya.

"Marunong ka bang mag drive?" Nahihirapang tanong niya saakin, "O-of course." Walang atubiling sagot ko sakanya.

Napansin ko ang sunod sunod na paglunok niya, tinanggal niya ang seatbelt niya at sumandal ng maigi.

"Ikaw ang magdrive." Utos niya saakin na nagpalaki ng mata ko. Magrereklamo na sana ako pero napansin kong nakapikit pa rin siya at para bang may masakit sakanya.

Ipinatong ko ang palad ko sa ibabaw ng noo niya at nanlaki ang mata ko nang maramdaman kong nilalagnat siya!

"Gosh, may lagnat ka. H'wag na tayong tumuloy!" Pag aalala ko, napapitlag ako nang alisin niya ang kamay ko sa noo niya at marahan niyang pinisil iyon, grabe napaka init niya at para bang sobrang taas ng lagnat niya.

"No, tumuloy tayo. Ikaw nalang muna ang magdrive Vana, just be careful. Siguraduhin mong makakarating tayo ng buhay sa Tagaytay." Nakapikit na bulong niya, hinila ko ang kamay ko at hinampas ko ang dibdib niya.

"Napaka ano mo Andres! Anong tingin mo saakin reckless driver?! Tabi nga ako na ang magdadrive, pinagdadala mo ako ng gamot eh ikaw pala itong magkakasakit." Suway ko sakanya atsaka bumaba na ako para alalayan siyang lumipat sa passenger seat, ang init init ng katawan niya, para bang inaapoy siya ng lagnat magmula siguro kagabi.

"Ikabit ang seatbelt." Paalala ko sakanya, pero ako na mismo ang nagkabit non sakanya, pinagmasdan ko siya, mukhang hilong hilo siya dahil mas pinili niyang ipikit na lamang ang dalawang mata niya kaysa makipag talo pa saakin.

Puro trabaho kasi ang iniisip nitong si Andres, nabigla siguro yung katawan at isip niya nung bigla siyang magbakasyon.

Ilang oras na din ang lumipas at medyo malapit na kami sa Tagaytay, tulog na tulog lang si Andres sa biyahe. Pero syempre kahit na inaaway away ko itong lalaking walang sex life, chine-check ko pa rin kung may lagnat pa siya.

Maya maya lang ay nagmulat na siya ng mata nang masilaw siya sa liwanag.

"Buhay pa ako." Nakangising daldal niya.

"Wow ha! Anong akala mo papatayin kita?" Nakangusong sagot ko sakanya, pero tumawa lang siya. Sandali siyang uminom ng tubig.

"Ako na ang magdadrive, itigil mo sa gilid." Aniya, sandali akong bumaling sakanya, ang singkit singkit na lalo ng mata niya dahil sa pagkakatulog.

"No, baka mamaya mabangga pa tayo dahil diyan sa lagnat mo." Sagot ko sakanya.

"Magaling na ako, kailangan ko lang naman itulog ito. Kaya ko na." Suway niya saakin, "Vana.." Kinikilabutan talaga ako sa tuwing naririnig kong tinatawag niya ako sa pangalan ko.

"Andres manahimik ka nalang." Iritadong sagot ko sakanya, "Come on." Napapitlag ako nang ipatong niya ang mainit niyang kamay sa ibabaw ng kamay ko kung saan nakahawak sa manibela, at halos mapahiyaw ako sa nerbiyos nang muntikan na akong lumiko sa kabilang way!

"Damn it Andres mababangga tayo!" Sigaw ko sakanya, pero isang malakas na halakhak ang narinig ko mula sakanya na mas lalong nagpainis saakin!

"Ako na." Pangungulit niya.

"Bitiwan mo ako!" Naiinis na sigaw ko sakanya, "Bibitawan ko lang ang kamay mo kapag hininto mo na 'tong sasakyan." Pangungulit niya, bwisit na Andres ito, nagkasakit lang nagiging touchy na.

"Fine!" Hiyaw ko at isang malakas na preno ang ginawa ko sa gilid ng kalsada atsaka bumaba na ako, umikot ako sa harapan para lumipat sa passenger seat pero sinalubong niya ako at hindi ko talaga maiwasan ang humanga sa katangkaran niya, nakapamulsa ang kaliwang kamay niya nang lumapit siya saakin at halos mag init ang mukha ko sa kahihiyan nang guluhin ng kanang kamay niya ang buhok ko.

"Thank you Vana, binuhay mo pa rin ako." Pang aasar niya saakin, hinawi ko ang kamay niya at tinignan ko siya ng masama. "Sayang. Dapat pala hindi nalang." Naiiritang sagot ko sakanya bago ako dumiretso ng sakay sa passenger seat, habang ikinakabit ko ang seat belt ko pinapanood ko siyang maglakad patungo sa driver seat, nakakainis yung napaka manly niyang pagkilos.

"Ayoko!" Bulyaw ko sakanya dito sa. lobby ng isang hotel, "Wala na tayong choice Vana, napapagod na ako. Gusto ko na ring magpahinga, pangatlong hotel na itong napuntahan natin." Aniya, halata sa mukha niya na hinang hina pa rin siya dahil sa lagnat niya.

Totoong ito na ang pangatlong hotel na napuntahan namin, dahil peak season daw ngayon at walang bakante. Tanging itong pangatlong hotel na ito ang may bakante at kung talagang minamalas ka nga naman isang hotel room nalang ang natitira, pero dalawa naman daw ang bed. Pero kahit na! Paano na lang kung halayin ako nitong si Andres? Kahit sabihin nating walang sex life ang isang ito, lalaki pa rin siya!

"Vana.." Untag niya saakin nang mapansing nakatulala ako, umiling iling ako sakanya. "Fine, kung ayaw mo ako nalang!" Nanlaki ang mata ko sa naging desisyon niya, akmang magbabayad na siya doon sa receptionist pero pinigilan ko siya.

"Napapagod na ako." Ulit niya saakin, tinitigan niya ako sa mata ko at napansin ko ang pamumula non, halatang nilalagnat pa rin siya. Huminga ako ng malalim bago magsalita, "H'wag mo ako re-rapin." Bulong ko sakanya na nagpalaki ng mata niya.

"What the hell? Hindi ako rapist." Iritadong sagot niya saakin.

"Magpromise ka muna, kapag iniwan mo ako dito isusumbong kita kay Daddy." Pananakot ko sakanya, pero hindi niya ako pinansin. Nagbayad na siya at kinuha ang susi doon sa receptionist.

"Sumunod ka saakin kung gusto mo, kung ayaw mo naman bahala ka na sa buhay mo. Baka nakakalimutan mong pinagkatiwala saakin ng Daddy mo simula nang itinakwil ka niya." Napakagat ako sa ibabang labi ko nang sabihin niya iyon, naglakad na siya patungo sa elevator nang hindi ako nililingon, padabog naman akong sumunod sakanya at nang makasakay na rin ako ng elevator ay inilahad niya ang kamay niya sa harap ko.

"Ano yan?" Nakataas ang isang kilay ko sa pagtatanong sakanya. "Give me your bag, mukhang nabibigatan ka na." Aniya.

"Kaya ko naman 'to." Paismid na sagot ko sakanya, pero imbis na hindi na niya ako pansinin ay kinuha na niya ang bag ko.

Akala ko pa naman mag eenjoy ako dito sa Tagaytay, eh mukhang magkukulong lang pala kami sa hotel.

"Magpapahinga lang ako, pagkatapos kumain tayo sa labas mamayang gabi." Basag niya sa katahimikan nang bumukas ang elevator sa 5th floor, room 512 ang pinasukan niya kaya naman sinundan ko na lang siya, dalawang single bed nga ang mayroon sa kwarto, may carpet naman at malakas ang aircon, napaka simpleng hotel lang.

Kaagad siyang humiga doon sa isang kama at ipinikit ang mata, umupo naman ako sa isa pang kama at pinagmasdan siya.

"Stop staring Vana.." Anak ng pating ang boses ni Andres bakit napaka husky!

Marahan niyang iminulat ang mata niya at mabilis nagtama ang paningin naming dalawa. "Hindi ka ba inaantok?" Usisa niya saakin, wala sa sarili akong umiling iling sakanya.

"Uminom ka na ba ng gamot?" Tanong ko na nagpagulat sa sarili ko, tumango siya bilang sagot. "Nasobrahan lang ako sa pahinga nitong nakaraang araw." Sagot niya saakin, umupo nalang din siya sa gilid ng kama at pinagsalubong niya ang kamay niya, bakit ba ganyan siya kumilos? Napaka manly, nakakainis.

"Gusto mo bang mamasyal ngayon na?" Nanghihinang tanong niya saakin, "Eh paano tayo mamamasyal niyang lagay na yan, may sakit ka." Sagot ko sakanya.

Napapitlag ako nang tumayo siya at hinila niya ang kamay ko patayo din, "Tara na, ayokong makita yang nakabusangot mong mukha."

Bago pa man din ako makaimik sa sinabi niya mabilis niya akong inakbayan palabas ng kwarto namin! Pilit kong tinatanggal ang kamay niya pero panay lang ang halakhak niya.

"Ang harot harot mo Andres!" Hiyaw ko sakanya at itinutulak tulak ko pa siya palayo saakin, may sakit na nga siya at lahat pero ang lakas lakas pa rin niya.

"Bakit ba ayaw mong mag paakbay? Gusto ko lang ng makakapitan, nahihilo kasi ako." Tumatawang sabi niya, tumingala ako sakanya at tinignan ko siya ng masama.

"Kadiri kasi kapag ikaw ang umaakbay kala mo may pagnanasa." Naiinis na sagot ko sakanya, actually ilang na ilang ako sakanya, bakit ba siya nagkakaganyan? Nagkalagnat lang akala mo nagkaroon ng amnesia tungkol sa pagkainis niya sa ugali ko.

"Hindi kita pinagnanasaan, I'm just doing my part bilang fiance mo." Aniya at mas humigpit ang pagkakaakbay niya saakin, tatanggalin ko na sana ang akbay niya saakin pero natigilan ako nang bumukas ang elevator at halos manigas na ako sa kinatatayuan ko nang makita ko kung sino ang nasa loob non.

Ayaw kumalma ng puso ko sa pagwawala, magkahalong galit ang pagmamahal nanaman ang nararamdaman ko sa dalawang taong ito. Galit at pagmamahal para sa best friend kong si Lexi, at ganun din kay Stephen. Damn it, of all places bakit dito pa nila naisipang pumunta? Shit.

"Ah..g-going down?" Nauutal na tanong ni Lexi nang sa wakas ay maibuka niya ang bibig niya, nakahawak si Stephen sa baywang niya, isa sa mga pinangarap kong maranasan noon ay ang mahakan ni Stephen kahit manlang ang kamay ko, nakakatawa dahil napakababaw kong tao para pangarapin iyon.

"Vana?" Narinig kong untag saakin ni Andres, nagpatianod nalang ako sa pagpasok niya sa loob ng elevator at hinayaan ko na lamang ang akbay niya saakin.

Sunod sunod na paglunok ang ginawa ko at mariin kong ikinuyom ang kamao ko, hirap na hirap akong makahinga sa apat na sulok ng elevator dahil sa lintik na pagmamahal ko kay Stephen, gustong gusto ko ng ibaon iyon sa limot pero ayaw ng puso ko.

"Saan mo gustong kumain?" Basag ni Andres sa katahimikan, "K-kahit saan." Nauutal na sagot ko, naramdaman kong humaplos pababa ang kamay ni Andres, hinapit niya ako sa baywang ko at naramdaman ko ang pagtungo niya upang halikan ang buhok ko.

Napapikit ako ng mariin, ito..ito ang kailangan ko, kailangan ko ng kakampi.

Nakahinga ako ng maluwang nang sa wakas ay bumukas na ang elevator, kaagad kaming lumabas ni Andres doon, hinayaan ko na lamang ang paghawak niya sa baywang ko hanggang sa makalabas kami ng hotel, napagpasiyahan nalang naming magtaxi dahil parehas kaming pagod mula sa pagmamaneho kanina.

Narinig ko ang pagtikhim ni Andres, "Ayos ka lang?" Mahinang tanong niya saakin, tumingin lang ako sa bintana ng taxi at napapitlag ako nang pagsalikupin niya ang kamay naming dalawa.

"I've been there Vana, hindi mo na kailangang itago. Damahin mo lang yung sakit, bukas makalawa magugulat ka nalang wala na yan." Namilog ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"Kilala mo si Stephen?!" Hiyaw ko sakanya, ngumisi naman siya at umiling iling. "I have no idea kung sino man yung damuhong yon, but the way you act nung nakita mo sila, alam ko na kung sino siya. Hindi naman ako slow. I can read people, Vanalein." Lalaking lalaking sagot niya saakin.

"Bwisit ka Andres." Ewan ko, nabubwisit talaga ako sa mga kasabihan nitong si Andres!

Hinila ko ang kamay ko pero hinila niya pabalik iyon at halos may kumiliti sa katawan ko nang pisilin niya ng marahan ang kamay ko. "Let me hold your hand Vana, para naman maramdaman mong hindi ka nag iisa, baka mamaya maisipan mong mag suicide because of that man." Humahalakhak na sabi niya, binigyan ko siya ng mahinang sampal gamit ang isang kamay ko.

"Bakit ba ayaw mo pang aminin na gusto mo lang akong hawak hawakan!" Pagyayabang ko sakanya na nagpangisi nanaman sakanya, nakakadala yung pagtawa niya, para bang kapag narinig mo iyon magiging maganda na ang buong araw mo.

"Ikain nalang natin yan ng nilagang baka, at pagkatapos may magandang deal ako nailalatag para sayo." Sabi niya na nagpatahimik na lamang saakin.

__

Amoy na amoy ko na ang napaka bangong nilagang baka sa harap ng hapag, grabe ang sarap sa pakiramdam nung lamig ngayong hapon habang umuusok usok yung nilaga.

"Parang gusto mong lapangin yung baka ah." Nakangiting sabi ni Andres, lumunok ako at pinaghampas hampas ko ang kutsara at tinidor ko.

"Paborito ko 'to Andres, lalo na kapag sinisipsip yung buto ng baka! Grabe panalo, kakamayin ko 'to." Sagot ko sakanya habang doon pa rin nakatitig sa baka, naglalaway na talaga ako, kailangan kong maalis ang pagka bad trip ko dahil sa nakita ko kanina.

"Galit galit na muna tayo ha!" Hiyaw ko sakanya at sinugod ko na ang nilagang baka, panay naman ang tawa ni Andres dahil sa malakas na tunog sa tuwing sinisipsip ko yung buto ng baka.

"Napaka takaw." Ngumingising sabi niya, maging siya ay nakakamay na sa pagkain, pero kahit ganon ay napaka pormal pa rin ng kilos niya.

Nanlaki ang mata ko nang mapansin kong kinuhanan niya ako ng picture gamit ang cellphone niya habang sinisipsip ko yung buto. "Andres!!" Hiyaw ko sakanya, "Magandang wallpaper ito." Pang aasar niya saakin.

"Ang pangit ko diyan!" Hiyaw ko sakanya, "Kailan ka ba gumanda?" Pang aasar niya saakin, binato ko siya ng maliit na buto na kinainis naman niya.

"H'wag mong pag laruan ang pagkain Vanalein." Suway niya saakin, heto nanaman siya mukha nanaman siyang Tatay ko sa tuwing sinusuway niya ako.

Ngumuso ako at kumain nalang ulit, pagkatapos naming kumain doon sa carinderia na iyon ay napagpasyahan naming maglakad lakad patungo sa Taal Volcano, medyo madilim na rin pero napaka rami paring turista sa paligid.

"Nilalagnag ka pa ba?" Tanong ko sakanya, "Hindi na,mukhang nawala nung kumain tayo kanina ng nilaga, nainitan na kasi ang tiyan ko." Matinong sagot saakin ni Andres.

"A-ano nga pala yung deal na sinasabi mo?" Kanina ko pa kasi gustong itanong sakanya iyon kaya lang nahihiya naman ako.

"Ah," Sandali siyang napatigil sa pagsasalita, para bang iniisip niya muna kung tama bang sabihin niya saakin iyon o hindi.

"D..do you really love that man?" Halos ibulong nalang niya iyon pero malinaw na malinaw sa pandinig ko iyon. Huminga ako ng malalim at tumingin sa malayo habang patuloy kaming naglalakad ni Andres.

"Magsisinungaling ako kapag itinanggi ko." Simula ko, naramdaman ko ang titig niya saakin pero kaagad din siyang nag iwas.

"Mahal ko siya, sobra. Ewan ko ba, napaka tanga nitong puso ko eh, umasa kasi sa wala."

"Pa-fall kasi yung gagong yun, ang sabi niya gusto niya ako. Yun pala mas gusto yata ang best friend ko." Natatawang kwento ko, pero ramdam ko yung pait sa pananalita ko.

"Yung kasama niya kanina?" Tanong niya, tinanguan ko naman siya bilang sagot.

"Eh mas maganda ka naman dun ah!" Tumatawang sabi niya, tumigil kami sa paglalakad at hinarap ko siya. "Talaga?" Mangiti ngiting tanong ko sakanya na mas nagpalapad ng ngiti niya.

"Lamang ka lang ng kalahating paligo." Pang aasar niya!

"Bwisit ka talaga." Bulyaw ko sakanya atsaka hinampas ko ang dibdib niya, pero hinuli niya ang kamay ko at muli niyang pinagsalubong iyon saka mahigpit na hinawakan saka nagsimula na ulit kaming maglakad.

"Ang lamig ng kamay mo." Bulong niya, ngumiti ako. "Wala kasing makaholding hands." Pagbibiro ko.

"Ganun ba?" Aniya, "Hayaan mo, simula ngayon hindi ko na hahayaan na manlamig yang kamay mo." Patuloy niya na nagpainit sa mukha ko, kabwisit na Andres ito marunong palang magpakilig ng babae.

"Matanong ko lang, anong nakain mo at biglang nagbago ang trato mo saakin?" Usisa ko sakanya.

"Kawawa ka naman kasi, wala kang kakampi." Panunuya niya, "Andres!" Hiyaw ko.

Humalakhak siya, "No, seriously Vanalein, naramdaman ko na din yang nararamdaman mo ngayon. Twice? At masasabi kong sobrang sakit." Simula niya, ramdam ko ang sensiridad sa boses niya.

Hindi namin namalayan na nasa tapat na kami ng Taal Volcano, maraming mga nagpipicture dahil malapit ng magdilim at hindi na makikita ang bulkan.

Napansin kong nakahawak pa rin siya sa kamay ko kaya naman nakaramdam nanaman ako ng pagka ilang.

"Twice?" Usisa ko sakanya, tumango lang siya. "Gusto mo bang mabigyan ng pagkakataon para makasama siya?" Biglang tanong niya saakin.

Humugot ako ng malalim na pag hinga, "Ayokong magsinungaling Andres, pero hanggang ngayon umaasa pa rin ako." Sagot ko sakanya, hinarap niya ako sakanya at binitawan niya ang kamay ko, bakit ganon? Bakit nung binitawan niya ang kamay ko bakit nakaramdam ako na parang biglang may kulang?

"If you want him back, matutulungan kita." Seryosong bulong niya habang nakatitig sa mga mata ko, nakaramdam ako ng pag asa dahil sa sinabi niya. Isang katangahan pero bakit naeexcite yung puso ko sa isiping mapapasaakin si Stephen sa pangalawang pagkakataon?

"P-paano?" Nauutal na tanong ko sakanya.

"Just promise me, that you'll never hurt yourself again."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.

"Dahil hindi mo dapat maramdaman yung ganyang sakit, lalo na at nagmahal ka lang naman." Patuloy niya.

"S-sa tingin mo ba karapat dapat ako?" Nauutal na tanong ko sakanya, huminga siya ng malalim at nakapamulsa niya akon sinagot.

"Kahit na ganyan ka, napaka spoiled brat mo, nararamdaman kong totoo kang magmahal." Nangingiting sabi niya,bakit ba pakiramdam ko isa na talaga si Andres sa magiging kakampi ko?

Sa hindi ko malaman na dahilan mabilis ko siyang niyakap, amoy na amoy ko ang mabangong katawan ni Andres, at ramdam na ramdam ko yung magandang hubog ng pangangatawan niya. Halos magkakasunod na pasasalamat ang lumabas sa bibig ko.

"Dito ka lang sa tabi ko..." Bulong niya, na nagpabilog sa mata ko at bago pa man ako makapagsalita, inunahan na niya ako.

"Dito ka lang sa tabi ko, hanggang sa bumalik na siya sayo."

****

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 27.8K 30
Air Alcantara, the most famous rockstar in today's generation. He has this voice to die for and the killer skills with his guitar. But he's not just...
14.6M 50.2K 10
#StanfieldBook2: ZekeSteele (#Wattys2016Winner Collector's Edition) "I've made mistakes out of my rebellion. But I embrace t...
Gorgeous By Cher

General Fiction

1.8M 86.1K 25
Cinderella Leona Escalona is the youngest of all Judas' children. She is very obedient and honest. Wala siyang hindi sinasabi sa kanyang mga magulang...
1M 54.4K 61
You Belong With Me by Taylor Swift. This is the song that best fits neighbors Caden and Thea. He's popular. She's not. He's the school famous Quarter...