Save The Best For Last [Publi...

By asherinakenza

4.7M 100K 9.4K

Friend zoned. Hindi na bago kay Tom Andres Santos ang salitang yan, sa dalawang beses na nagmahal siya ng tot... More

Save The Best For Last
STBFL: Prologue
STBFL: Chapter 1
STBFL: Chapter 2
STBFL: Chapter 3
STBFL: Chapter 4
STBFL: Chapter 5
STBFL: Chapter 7
STBFL: Chapter 8
STBFL: Chapter 9
STBFL: Chapter 10
STBFL: Chapter 11
STBFL: Chapter 12
STBFL: Chapter 13
STBFL: Chapter 14
STBFL: Chapter 15
STBFL: Chapter 16
STBFL: Chapter 17
STBFL: Chapter 18
STBFL: Chapter 19
STBFL: Chapter 20
STBFL: Chapter 21
STBFL: Chapter 22
STBFL: Chapter 23
STBFL: Chapter 24
STBFL: Chapter 25
STBFL: Chapter 26
STBFL: Chapter 27
STBFL: Chapter 28
STBFL: Chapter 29
STBFL: Chapter 30
STBFL: Chapter 31
STBFL: Chapter 32
STBFL: Chapter 33
STBFL: Chapter 34
STBFL: Chapter 35
Save The Best For Last: Finale
Save The Best For Last: Epilogue
STBFL: SELF PUBLISH!

STBFL: Chapter 6

134K 2.4K 280
By asherinakenza


STBFL: Chapter 6

Vanalein Rhyme Romeo

Pilit kong iminulat ang mata ko kahit pa sobrang sakit ng ulo ko.

"Bwisit na alak." Naiinis na bulong ko atsaka bumangon na ako at dumiretso sa cr, marahan kong hinubad ang damit ko at tumayo doon sa tapat ng shower para maligo.

Dahan dahan bumalik sa alaala ko kung paano ko away awayin si Lexi kagabi habang katabi si Stephen, bakit ganon? Akala ko hindi ko na mahal si Stephen, pero bumabalik at bumabalik yung sakit sa tuwing nakikita ko silang magkasama ng best friend ko.

Hindi ko maipaliwanag yung bigat na dinadala ko sa dibdib ko dahil para akong unti unting nilulusaw ng sakit, mahal ko pa si Stephen at hindi ko alam kung paano ko maiiwasan ang katotohanan na iyon.

Kaagad akong bumaba nang matapos akong maligo, nakita ko si Andres na naka-lintik na fitted na sandong puti at nakapajamang itim habang nakasandal doon sa may gilid ng pintuan at nagkakape habang nagbabasa ng diyaryo. Naramdaman niya yata ang presensya ko dahil nagtaas siya ng tingin saakin.

"Gising ka na pala." Mahinahon na bati niya saakin, tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi Andres, tulog na tulog pa ako nitong lagay na 'to." Nakakabwisit, nakita na ngang nakatayo at mulat na mulat ako tapos sasabihin niya gising na pala ako, hindi obvious ano?

"Tss, kumain na tayo." Anyaya niya saakin atsaka naglakad siya patungo sa dining area, nakakabwisit yung lakad niya akala mo professional na professional ang dating.

Hinila niya yung isang upuan at sumenyas siya na maupo ako, mushroom soup at fried egg na may toasted bread ang nakahain.

"Para sa hang over mo." Aniya atsaka sinalinan ang isang tasa ng mushroom soup.

Nakakapanibago ang kilos niya, kahit pa pakiramdam ko eh naiinis pa rin siya sa ugali ko inaalagaan niya pa rin ako.

"Sa susunod h'wag kang mag iinom kung hindi mo kaya." Suway niya saakin atsaka magkasabay na kaming kumain.

"Wala ka namang pakialam kung mag inom ako, buhay ko 'to." Sagot ko sakanya, tumigil siya sa pagkain at tinignan niya ako ng sobrang lalim.

"What?! Kung makatingin ka aakalain kong pinagnanasaan mo ako." Pang aasar ko sakanya.

"Unbelievable." Nakangising sagot niya saakin.

"Talaga. Ganda ko kaya."

"Are you serious?" Hindi makapaniwalang tanong niya saakin na nagpakunot sa noo ko. "Kasi alam mo kung maganda ka hindi ka maghahabol sa isang lalaking matagal mo nang gusto." Aniya.

Nanlaki ang mata ko, p-paano niya nalaman yon? Gosh! Ano bang pinag sasasabi ko kagabi kay Andres? Napaawang ang bibig ko dahil hindi ko maalala kung paano ako nakauwi dito sa bahay niya! Ang huling natatandaan ko lang ay sumakay ako ng taxi at sinabi ko ang address ng bahay niya sa driver, pero paano ako napunta sa kwarto niya?

"My god Andres! You raped me!"Hiyaw ko sakanya at naibuga niya yung kinakain niya sa mukha ko nanaman! Nanlaki ang mata niya at mabilis siyang tumayo saka kumuha ng tissue at pinunasan ang mukha ko!

Nagsusumigaw ako na naging dahilan para takpan niya ang bibig ko. "Shut up Vanalein, napaka ingay ng bunganga mo." Suway niya saakin, itinulak ko siya sa dibdib niya para lumayo siya saakin at hinila ko yung tissueng hawak niya.

"Napaka balahura mo Andres! Dalawang beses mo na akong binubugahan! Bwisit kang hayop ka." Nakakainis, siya lang ang nakakagawa non saakin! Sisiguraduhin kong makakaganti rin ako sakanya sa tamang panahon.

"Nirape mo ako! Isusumbong kita kay Daddy!" Mangiyak ngiyak na sabi ko sakanya.

Ngumisi siya at umiling iling, bakit ba napaka sexy nitong ngumisi? Naiinis ako.

"Kung nirape kita hindi ka makakatayo sa higaan mo, baka pagsisihan mo rin na tinatawag mo akong lalaking walang sex life." Nakangising sagot niya saakin na nagpalaki sa mata ko, napaawang ang bibig ko dahil sa pinagsasasabi niya.

"Seriously Andres?!" Hiyaw ko sakanya.

"Yeah seriously, h'wag mo akong pagbibintangan na nirape kita. Ang halay ng pag iisip mo." Natatawang sabi niya saakin.

"Hoy! Hindi mahalay ang utak ko!" Sigaw ko sakanya.

"Really? Ano nga ulit ang eggplant Vanalein?" Seryosong tanong niya na mas lalong nagpabilog sa mata ko, napalunok ako ng sunod sunod at hindi ko magawang ibuka ang bibig ko, damn it! Naalala ko nanaman yung pang yayari na yon!Hindi ba dapat kalimutan na niya yon!

"See?, twenty five years old ka na hindi mo pa alam ang eggplant, vegetable ang eggplant Vanalein. Sa tagalog, gulay, talong." Mapang asar na aniya atsaka naglakad siya paalis ng dining area!

"Mahalay yang isip mo." Narinig ko pang bulong niya, halos mag init ang mukha ko sa kahihiyan! Nakakahiya!

"Gago ka Andres! Alam kong gulay yon! Hindi ako bobo!" Nanggigigil na hiyaw ko sakanya, pero narinig ko na lamang ang seksing halakhak niya mula sa sala. Ano ba kasing naiisip ko sa tuwing maaalala ko ang eggplant? Nakakainis na Andres, siya nga itong bastos.

Panay ang pindot ko ngayon sa cellphone ko nang mapansin ko ang text ni Jhomarie saakin.

From: Jhomarie

Haay, friend mabuti nalang at may sumagot ng phone mo.

Napakunot ang noo ko kaya naman tinawagan ko si Jhomarie, tatlong ring palang ay sinagot na niya iyon.

"Friend." Tawag niya saakin, "May sumagot ng phone ko?" Usisa ko sakanya.

"Ah! Oo, nag aalala kasi kami ni Bea sayo kagabi, paano ba naman bigla ka nalang umalis ng bar. Lasing ka na non, kaya lang hindi ka nanamin nasundan kasi nakasakay ka na kaagad ng taxi, kaya tinawagan kita ng tinawagan." Kwento niya.

"And then?" Usisa ko pa.

"May sumagot na napaka seksing boses na sa tingin ko ay galing langit." Humahagikhik na sabi niya.

"Jhomarie h'wag ka ngang malandi jan." Naiiritang suway ko sakanya.

"Ito naman, natutuwa lang ako para sayo. Oh my god, bakit hindi mo sinasabing may fiance ka na? Gosh talaga, alam mo bang boses palang niya ulam na, teka teka gwapo ba? Yummy ba?" Sunod sunod na tanong niya saakin, sa sobrang inis ko pinatayan ko na siya ng cellphone, malinaw na malinaw na si Andres ang nakausap niya, umakyat ako sa taas para sana komprontahin siya pero biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at nakasuot siya ng pang gym at may dala siyang bag, nakasabit din ang puting towel sa balikat niya, kitang kita ko ang pag galaw ng biceps niya nang isara niya ang pinto.

"A-ano, bakit mo pinapakialamanan ang cellphone ko?" Pumipikit pikit na tanong ko sakanya, nakakainis hindi ako makapag concentrate.

"Kagabi? Maingay, mabuti nga sinagot ko dahil muntik na niyang tawagan ang Daddy mo sa pag aalala sayo. Ayoko namang mapagalitan ka nanaman ng Daddy mo." Aniya, napaawang na ang bibig ko sa sinagot niya.

"W-wala kang pasok?" Pag iiba ko ng usap sakanya. "One week holiday ako Vana, kailangan ko rin ng pahinga and besides si Kiel nalang muna ang pinagkatiwalaan ko sa office ko ngayon para naman makapag practice na siyang humawak ng malalaking deal." Aniya, sumasakit talaga ang ulo ko sa tuwing naririnig ko ang mga business nila ni Dad.

Mag isa nanaman ako dito sa bahay, wala na akong pera para mamasyal.

"P-pwede bang sumama?" Tanong ko sakanya, bahala na. Ayoko namang maiwan mag isa dito sa bahay.

"Alright, I'll wait for you outside." Seryosong sagot niya na nagpalaki sa mata ko, hindi ako makapaniwala! Pumayag si Andres! Mabilis akong tumakbo sa kwarto ko para magpalit, simpleng black leggings at hanging shirt ang sinuot ko, nagdala na rin ako ng pampalit at towel.

Pagkalabas na pagkalabas ko napansin ko ang pamunula ng mukha ni Andres nang mapatingin siya saakin.

"You're blushing Andres..." Panunuya ko sakanya, "Bullsht Vana." Bulalas niya sa sobrang pagkaasar saakin, ang cute talaga niyang magmura damang dama ko!

Sumakay na kami sa kotse niya, sobrang tahimik lang naming dalawa kaya naman sinaksak ko yung nakita kong usb doon sa ibabaw at pinatugtog iyon, napakunot ang noo ko dahil panay pang emote ang tugtog nitong si Andres.

"Yuck Andres ha? Ang korni ng mga tugtog mo, wala ba manlang pang party dito?" Puna ko habang palipat lipat ako ng pindot doon sa player niya, "Mukha bang bar ang kotse ko Vana." Sagot niya saakin nang hindi inaalis ang tingin sa kalsada.

"Hindi ka lang marunong maka-appreciate ng totoong kanta Vana, let me do it." Marahan niyang hinawi ang kamay ko na nagpapitlag saakin, napaka init ng katawan nitong lalaking ito.

Napalunok ako ng sunod sunod kaya naman pinanuod ko nalang siya na maglipat nung kanta. "Minsan kasi sa lyrics ng kanta, matatamaan ka." Seryosong sabi niya, napaka korni nitong si Andres pero bakit parang pakiramdam ko may tama rin sa sinabi niya, hindi naman sa ayaw ko sa mga love songs, ayoko lang siguro maramdaman yung katotohanan na nagiging hatid saakin ng isang kanta.

Bago pa magsimula ang isang napaka dramang kanta ni Andres na On Bended Knees ng Boyz2Men mabilis ko ng pinatay iyon.

"Manahimik na nga lang tayo." Sabi ko pagkapatay na pagkapatay ko ng player niya, naramdaman ko ang malalim na titig saakin ni Andres pero pinagwalang bahala ko iyon.

Twenty minutes lang ang layo ng gym kaya naman mabilis kaming nakarating. Kaagad akong nakarinig ng bulungan ng mga kababaihan nang makapasok na kami sa loob.

"Nandito na si Tom. Grabe, 2 days lang siyang nawala pero namiss ko siya." Bulong nung babae na ngayon ay nagpupunas ng pawis, "Haay, kung yan ang mapapang asawa ko sigurado akong napakaswerte ko."

Mga itsusera, suswertihin daw kay Andres, naku naku kung alam niyo lang ang pagka kuripot nitong lalaking ito baka hindi niyo matawag ang sarili niyo na swerte kayo.

Sumunod lang ako kay Andres, nakita kong nagfi-fill up siya ng form kaya naman binasa ko iyon, nanlaki ang mata ko nang makita ang pangalan ko sa form.

"Sasama ka na saakin palagi kapag mag-gy-gym ako." Aniya.

"Ayoko! Sexy na ako Andres! Hindi ko na kailangan yan!" Naiinis na hiyaw ko sakanya, napansin kong nagtinginan ang mga tao sa paligid namin. Nagtaas ng kilay si Andres, sinuri niya ako mula ulo hanggang paa. Tumigil ang titig niya sa tiyan ko, flat na flat kasi ito at walang kabilbil bilbil, hindi ko alam kung bakit pero kahit ano kasing gawin kong lamon hindi ako tumataba.

Hinarap ako ni Andres nang matapos siya sa pag fill up ng form.

"You don't need to shout Vana, hindi purket ubod ng ganda niyang katawan mo, hindi mo na kailangang mag exercise." Aniya na nagpainit ng mukha ko, ang ganda daw ng katawan ko? Wow it's a compliment from Andres.

"Kailangan mo pa ring maging healthy, follow me." Ma-awtoridad na pahayag niya na nagpanguso saakin, para talaga siyang si Daddy, napaka bossy nakakainis.

Sumunod nalang ako sakanya at binigyan niya ako ng trainor na babae na mag ga-guide saakin sa pag gy-gym.

"I can help you Mela!" Hiyaw ng isang lalaking mukhang trainor pa din, ngumisi si Mela at umiling iling.

"Ikaw talaga Jeff, lahat nalang ng babae gusto mo tulungan." Natatawang sabi nito.

"Hindi naman lahat, para lang sa mga special na tao." Pagbibida nito, tinignan ko siya at halos matawa ako dahil sa itsura niya, mukha siyang bulldog, alam niyo yung ang liit liit niya pero ang laki laki ng katawan niya.

"Mela." Narinig ko ang ma-awtoridad na tawag ni Andres kay Mela, kaagad siyang bumaling dito at napansin ko ang pagtaas ng kilay ni Andres kay Mela na naging dahilan ng pag ngisi nito.

"Alright Tom, let's go Vana, may private room kami dito, exclusive for the girls only." Aniya at pinasunod ako nito sakanya, tumingin naman ako kay Andres na ngayon ay naka earphone na at nagsisimula nang mag work out, grabe kasisimula pa lang niya pero yung pawis niya sa leeg tumutulo na patungo sa dibdib niya, napalunok ako ng sunod sunod pero napapitlag ako nang tawagin ako ni Mela.

"Ms.Rhyme!"

Kaagad ko siyang sinundan at pumasok kami sa isang parang studio na puro babae lang ang nag wowork out. Sinimulan na niya akong turuan sa pagwowork out, pati yung mga parts ng muscle natin inexplain niya saakin ng maayos.

"Matagal na bang nag gy-gym dito si Andres?" Usisa ko kay Mela, tumawa siya. Maganda si Mela actually mas maganda siya saakin, maging yung pangangatawan niya napaka ganda ng korte.

"Sorry, hindi lang ako sanay na tinatawag siyang Andres. Hmm, actually almost four years na rin, classmate kami ni Tom since high school, and then nung maka graduate kami ng college nagpatayo yung brother ko nitong gym, so ininvite ko siya na mag join, nagustuhan naman niya." Kwento niya saakin.

"Classmate kayo?!" Hiyaw ko na nagpagulat sakanya.

"Yeah, almost 8 years."

"Edi alam mong kuripot siya?" Natatawang sabi ko.

Humalakhak siya at tumango, "Importante kay Tom ang pera, mahirap lang kasi sila noon, nagsikap siya, sadiyang ubod lang ng talino niyang ni Tom, at team leader na talaga siya magmula palang noon, sinuwerte siya sa trabaho kaya ayon, wala siyang ginawa kundi mag ipon ng mag ipon, and puro raket ang ginagawa niya, nagtatrabaho sa school bilang taga linis ng library at computer lab, at pag uwian nagtatrabaho pa siya sa isang fast food restaurant, pati nga networking pinatos na niyang lalaking yan." Natatawang litanya ni Mela na nagpaawang sa bibig ko, grabe kilalang kilala na niya si Andres.

"May tanong ako, bakit hindi mo siyang naging boyfriend?" Diretsang tanong ko sakanya, pero tumawa lang siya at umiling iling.

"Magkaibigan lang kami ni Tom, atsaka naikwento ka na saakin ni Tom last last night, nung nag inuman kami." Namilog ang mata ko sa sinabi niya binitawan ko ang hawak kong dumbbell at tinitigan ko siyang mabuti.

"Kinuwento niya ako sayo? Umamin ka siniraan niya ako sayo ano?! Naku, naku lagot talaga saakin yang Andres na yan kapag may nalaman akong sinasabi siyang kalokohan tungkol saakin." Napahiyaw ako nang pwersahin ni Mela ang hita ko sa pagkakabuka sa sahig, tinakpan ko ang bibig ko at umiling iling ako.

"Ganyan talaga Rhyme, kailangan mo g mastretch yan." Aniya atsaka pinagbilang niya ako ng one to fifty.

"Woo! Hindi mo pa ako sinasagot Mela." Hinihingal na sabi ko sakanya.

"Alright, hindi ka naman niya siniraan Rhyme. Hindi ko naman pupwedeng ikwento sayo ang lahat." Panunuya saakin ni Mela, naiinis ako baka siniraan ako ni Andres nakakahiya.

Mahigit dalawang oras din kaming nag gym ni Andres, nakapag palit na rin ako ng damit, hinihintay ko nalang siya dito sa labas ng gym, nakita ko namang nagpaalam na siya kay Mela at hinalikan niya ang pisngi nito.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong saakin ni Andres nang makasakay na kami sa kotse niya.

Isang himala na gagastos si Andres, "Lilibre mo ako?"

Tumawa siya at nagsimula nang magmaneho. "Saan?"

"Okay, gusto ko ng ice cream. Ang init kasi." Sabi ko sakanya, tumango siya at tahimik nanaman kaming nakarating sa isang ice cream parlor.

Siya ang pinaorder ko ng strawberry ice cream na may choco ganache sa ilalim at sa ibabaw. Sobrang naglalaway na ako dahil paborito ko talaga ito simula bata palang ako, sa tuwing may bagay akong hindi nakukuha, ito ang ibinibili saakin ni Daddy noon pa.

Tinignan ko si Andres na ngayon ay may kausap na sa cellphone at parang tungkol sa business nanaman yon, hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng pagkainis sakanya. Unang una kaya ako sumama sakanya dahil kailangan ko ng kausap, hindi ko na kasi pwedeng istorbohin sila Jhom dahil alam kong may trabaho sila ni Bea. Mukhang napansin niya ang hindi ko pag galaw sa ice cream ko dahil nagpaalam na siya doon sa kausap niya sa phone.

"Bakit hindi mo na ginagalaw yang ice cream mo?" Usisa niya saakin.

Huminga ako ng malalim at tinitigan ko siya sa mata, "Magiging honest ako sayo Andres." Simula ko, bahala na, pero sa ngayon kasi alam kong siya at siya lang ang pagtitiyagaan kong makausap sa loob ng dalawang buwan, dahil alam kong magiging sunod sunuran na rin sila Kuya Kiel at Kuya Diel kay Dad.

Sumandal si Andres sa upuan at hindi ko kinaya ang napakalalim na titig niya saakin, para bang nakikipag usap ako sa isang job interview dahil sa lalim ng pakikipag eye contact niya, lumunok ako at nag iwas ako ng tingin sakanya.

"Akala ko ba magiging honest ka saakin? Tignan mo ako ng diretso sa mata Vana." Aniya, ano bang mayroon sa boses nitong si Andres at bigla biglang tumataas ang balahibo ko? God! Horror ba 'to?

Tumikhim muna ako at kahit nanginginig ang tuhod ko sa mga titig niya ay ginawa ko ang lahat ng makakaya ko. "Okay..magiging honest ako sayo, k-kailangan ko talaga ng makakausap. Ayokong nag iisa ako sa bahay Andres, mababaliw ako kapag nag isa ako. Nasanay akong kausap lagi ang mga Kuya ko kahit pa ganito ang ugali ko napagtitiisan nila ako." Dire diretsong sabi ko sakanya.

"Ano bang ugali mo?" Usisa niya na mukhang nang aasar lang naman.

Tinignan ko siya ng masama pero hindi manlang siya natinag. "Oo na, tamad ako. Pasaway, spoiled brat, masaya ka na? Immature!" Hiyaw ko sakanya na nagpangisi nanaman sakanya.

Hindi siya umimik nanatili lang siyang nakangiti at titig na titig saakin, konting konti nalang talaga iisipin ko nakikipag landian saakin 'tong si Andres eh.

"Huy Andres!" Hinihintay ko pa rin kasi ang magiging sagot niya. Itinuro niya ang ice cream at halos mapaawang ang bibig ko dahil halos matunaw na iyon. "Ubusin mo na yan, masasayang." Aniya.

Kinain ko na ulit yon pero natigilan nanaman ako sa pagkain nang magsalita nanaman siya. "Hayaan mo, pagtitiisan ko rin yang ugali mo. Matatanggap ko rin na ganyan ka talaga." Bulong niya, sinulyapan ko siya at nakita kong titig na titig pa rin siya saakin.

What the hell is happening to him? Nakakailang na yung malambing niyang pananalita na may halong pagka awtoridad.

"I'm planning to have a vacation, sa Tagaytay." Pagbabago niya ng usapan.

"Since ayaw mong mag isa sa bahay, sumama ka saakin bukas. 4 days vacation Vana." Nanlaki ang mata ko at hindi ko alam kung bakit naexcite nanaman ako!

"Seryoso?! Libre mo lahat?" Paninigurado ko, kasi alam niyo na kuripot talaga siya. Pero kagaya ng sabi ni Mateong bakla galante itong si Andres sa mga nakakadate niya, syempre hindi naman ako kadate nitong lalaking ito noh baka mamaya kanya kanya bayad pala ang mangyayari sa bakasyon na yon, eh namumulubi na nga ako!

"Yes." Matipid niyang sagot.

"Talagang talaga? Pati mga souvenirs? Pati pagkain? Pati zip line?!"

Humalakhak siya at hindi ko maiwasang hindi mapansin ang pag galaw ng adams apple niya dahil sa paghalakhak, ang pormal pormal niyang kumilos na nagiging dahilan para masabi kong lalaking lalaki siya.

"Para kang bata, oo nga libre ko lahat Vana. Don't worry, hindi kita tatakbuhan." Paninigurado niya, naningkit ang mata ko at itinaas ko ang hinliliit kong daliri sa harap niya nagpakunot sa noo niya.

"Pinky swear?" Bulong ko sakanya, napatawa nanaman siya pero mabilis niyang pinagtagpo ang hinliliit naming dalawa at halos manlaki ang mata ko nang hinalahin niya ang kamay ko at hinalikan ang ibabaw non.

"Cross my heart and pinky swear Vanalein."

__

Tom Andres Santos

"What? Gagawin mo talaga yon Kuya?" Kanina pa ako kinukulit nitong si Tammie tungkol sa mga plano ko, wala naman akong ibang mapagkakatiwalaan kundi siya at si Mela.

Pagkauwing pagkauwi ko kasi tinawagan ko na kaagad siya.

"Mukha bang hindi?" Natatawang tanong ko.

"Ayan ka nanaman Kuya, nagpapakatanga ka nanaman."

"Tammierey!" Bulyaw ko sa kapatid ko.

"Okay, Kuya pa rin kita. Pero Kuya tanga ka naman talaga, sinong lalaki ang magbabalak manligaw? Pero ang gagawin ay tutulungan yung babae na mapalapit doon sa mahal niya. Napakatanga mo Kuya."

"Bullsht Tammierey."

"Lutong mo talagang magmura Kuya, h'wag ka nang magalit saakin nagsasabi lang ako ng totoo. Atsaka isa pa Kuya hindi ba nagpromise ka kay Ate Rhyme na siya na yung magiging last?" Tanong niya saakin. Lumunok ako, kagaguhan na pangako yon, I promise that she will be the last pero wala naman siya sa wisyo nung gabing yon, kaya alam kong hindi pormal na pangako iyon na kailangan kong tuparin sakanya.

I just wanna help her, wala siyang ibang bukambibig kundi ang pangalan nung lalaking nanakit sakanya hanggang sa makatulog nalang siya sa yakap ko kagabi. Damn it, oo na niyakap ko siya kagabi dahil panay ang hila niya saakin at panay ang sabi niya na h'wag ko siyang iiwan, that's why I decided na samahan nalang siya at humingi ng isang linggong bakasyon. Para siyang isang bata na kailangang kailangan ng makakasama, kagaguhan man marinig pero nararamdaman ko yung lintik na sakit na nararamdaman niya, I've been there, dalawang beses pa, at halos hindi ko kayanin yung sakit. Paano pa kaya siya? Na walang ibang matatakbuhan kundi ako, dahil alam kong ipinagkatiwala siya saakin ng Daddy niya sa loob ng dalawang buwan.

Isang linggong bakasyon para mas makilala ko siya, para maging mas open siya saakin. Para matulungan ko siyang mahilom yung sakit na nararamdaman niya, and for the next days alam kong mas magiging malapit siya saakin dahil tutulungan ko siyang bumalik sakanya yung putanginang lalaking yon.

Hindi ko man alam kung paano o bakit siya nasasaktan, but I know, nararamdaman ko, mahal na mahal niya yung lalaki na yon. Kaya naman alam ko na kung saan ko ilulugar ang sarili ko, hindi ko naman kailangang mangako sakanya na hindi ko siya iiwanan, pero kaya kong manatili sa tabi niya hangga't kailangan niya ako, hanggang sa sabihin na niyang tama na.

"Kuya! Nanggigigil talaga ako sayo! Hindi mo ba talaga gusto si Ate Rhyme? I mean wala ba talagang spark?" Tanong niya.

Mariin kong ipinikit ang mata ko at para akong gago na ngumiti at umiiling iling. Lumunok ako bago nagsalita, "She's really beautiful Tammie, but she's like a sister to me." Bulong ko, magkakasunod na mura ang natanggap ko mula sa madaldal kong kapatid.

"Bwisit ka Kuya, nakakainis ka. Tatandang binata ka niyang ginagawa mo! Wala kang kwenta kausap, siguraduhin mo lang na hindi ka maiinlove diyan kay Ate Rhyme, dahil malakas ang radar ko na kapag nainlove ka sakanya uuwi ka nanamang luhaan at sugatan Kuya!" Hiyaw niya saakin na nagpangisi saakin ng todo.

"Not again Tammierey, not again."

****

A/N: So tuloy na tuloy na si Tom Andres! :) Sana suportahan niyo pa rin. ;) Salamat! :* Happy birthday Janell Mazo! Thank you sa effort! ♡♡♡

Published na po ang Akin Ka! Thank you so much guys sa mga sumusuporta! :* ♡♡♡

Love,

Ate Ash.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 54.4K 61
You Belong With Me by Taylor Swift. This is the song that best fits neighbors Caden and Thea. He's popular. She's not. He's the school famous Quarter...
10.3M 140K 81
Kung sa "My Boss is a Freak" ay napatunayan niyong posibleng magkaroon ng isang unbelievably handsome, smart, and mega-rich na freak, dito naman sa p...
453 86 43
Heyza Garcia hates all men because of what happened in the past. He despised and feared them at the same time. But one thing led to another, he met a...
14.6M 50.2K 10
#StanfieldBook2: ZekeSteele (#Wattys2016Winner Collector's Edition) "I've made mistakes out of my rebellion. But I embrace t...