When A Playboy Fell In Love W...

By skyevanille

36.1K 1.3K 29

Once a playboy is always a playboy sabi nga ng iba. Si Dante Gonzales ay isang certified playboy sa campus n... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Epilogue

Chapter 2

1K 43 3
By skyevanille

Hindi mawala sa isipan ko yung picture nakita ko kanina sa desk ni mr. Martinez.

"Bes, napapansin ko na ang tahimik mo simula pinasa mo yung activity natin sa Math kanina." Rinig kong sabi ni Mich. Bumuntong hininga ako bago tumingin sa kanya.

"Ang totoo niyan, Mich noong pumunta ako kanina sa faculty ay wala si sir."

"Kaya naman pala ganyan ang itsura niya ngayon."

"Baliw. Hindi iyon. Makinig ka na muna sa akin."

"Okay. Ano ba iyon?"

"Habang ilalagay ko na yung activity natin sa desk niya ay may nakita akong picture."

"Picture? Kaninong picture naman iyon?"

"Akin." Mahinang sagot ko.

"What?! OMG! Hindi kaya may gusto rin pala siya sayo."

"Imposible naman iyan. Teacher natin siya, Mich. Bawal ang magkaroon ng isang relasyon ang estudyante at teacher."

"Sino ba kasi ang nagpabawal doon, eh? Nakakagigil. Ang dami naman gwapong teachers."

"Hindi ka pwede magkagusto sa mga teacher dahil may Louie ka, diba?"

"Tama ka diyan."

Pagkatapos ng klase namin ay sabay na kami ni Mich umuwi dahil malapit lang naman ang bahay namin.

Nakilala ko si Mich since pre-school pa kami at palagi na kami magkasama noon pa. Ngayong high school na kami tapos pareho pa kami ng hilig. Katulad ko ay isa ring anime lover si Mich pero mas baliw siya sa Boys Love. Ako nga noong unang beses ako nakapanood ng ganoong klaseng anime ay muntik ko na maibato ang monitor ng computer namin. Yung feeling na crush mo yung bidang lalaki tapos sa ending biglang... Alam niyo na iyon. Ayaw ko na kasi maalala iyon dahil ang sakit sa puso. Hindi ko tanggap.

Huminto kami sa paglalakad ng may humarang sa dinaanan namin.

"Ano ang kailangan mo sa amin, Dante?" Tanong ni Mich sa kanya. Yes, si Dante nga ang humarang sa amin.

"Sayo wala pero sa kaibigan mo meron." Kumunot bigla ang noo ko. Wala naman akong atraso sa kanya.

"Ano ang kailangan mo sa akin?"

"Para sayo." May inabot siyang cookies at juice sa akin. Ano tingin niya sa akin patay gutom?

"Hindi ko kailangan iyan. At saka uuwi na rin naman kami ni Mich para makakain na ako ng luto ng mama ko."

"Please, Faye. Kailangan ko kasi ng tulong mo. Ikaw lang ang kilala kong matalino sa klase."

"Hindi ba matalino ang kaibigan mo? Ang alam ko ay puro libro o sumusunod lang ang alam niya."

"Ayaw ni Louie." Napakamot siya ng kanyang batok parang nahihiya. Nahihiya? Seryoso, Faye? "Kahit kaibigan ko iyon ay masyadong madamot sa akin."

"Bakit ka ba humihingi ng tulong sa akin."

"Kinausap kasi ako ng kapatid ko kanina." Kumunot ang noo ko at napatingin kay Mich. Binigyan niya lang ako ng isang kibit balikat kaya tumingin ulit ako kay Dante. "Hindi mo pa ba alam ang teacher natin sa English ay half brother ko."

Napasamid ko bigla kahit hindi ako kumakain. Ang layo ng ugali nito kumpara kay mr. Martinez.

"Nice joke." Narinig ko pa ang pagtawa ni Mich. "Ang layo kaya ng ugali niyo kaya malabong magkapatid kayo."

"Ayaw mo maniwala, Mich? Bakit niyo tanungin si kuya para malaman niyo ang katotohanan? Kapag nalaman niyo na ang totoo ay sana pumayag ka na sa hinihiling ko, Faye. Sawa na kasi ako sa mga sermon niya sa akin,"

Pagkaalis ni Dante ay napatingin naman sa akin si Mich.

"Ano ang balak mo? Kakausapin mo ba si mr. Martinez?"

"Gusto ko rin malaman kung nagsasabi ba ng totoo si Dante o hindi."

"Paano kung nagsasabi siya ng totoo? Tuturuan mo ba siya?"

"Wala naman mawawala sa akin kung tuturuan ko siya, diba? As long as gusto niya pumasa sa mga subject natin."

Pagkarating ko sa tapat ng bahay namin ay tiningnan ko na muna ang bahay ni mr. Martnez. Bukas na ang mga ilaw, ibig sabihin nandito na siya ngayon.

Papasok na sana ako nang may tumawag sa pangalan ko.

"Faye." Lumingon ako sa likuran and I saw mr. Martinez o palagi ko siyang tinatawag na kuya Paul kapag wala kami sa school.

"Bakit po, kuya Paul?"

"Gusto ko lang sana ibalik kay Peter itong hiniram kong USB sa kanya noong isang araw." May inabot siyang USB sa akin. Kay kuya Peter nga ito. "Hindi ko nga lang alam kung nandiyan na ba siya o wala pa. Kaya sayo ko na lang ibibigay."

"Sige po. Ibabalik ko na lang ito kay kuya kapag nakita ko siya mamaya." Ngumiti ako sa kanya pero bigla ko naalala ang sinabi ni Dante kanina. "Sir-- I mean kuya Paul, may gusto lang po ako tanungin sa inyo. Kung ayos lang."

"Sige, ano iyon?"

"Totoo po bang kapatid niyo si Dante?" Walang pagdadalawang isip ay tinanong ko na sa kanya ang gusto kong malaman pero ilang sekundo ay wala akong nakukuha pang sagot mula sa kanya.

"Yes, he is my brother. Siya ang dahilan ko kaya pumasok ako sa paaralan niyo. Inutusan kasi ako ng mama namin na bantayan ko si Dante."

Totoo nga ang sinabi ni Dante kanina na magkapatid silang dalawa. Gosh, ang malas ko naman.

"Half brother?"

"Yes, dahil namatay sa isang aksidente ang daddy ko kaya isang taon lumipas ay nagpakasal ulit si mama."

"Ang layo po kasi ng ugali niyong dalawa kaya hirap paniwalaan ang sinabi sa amin ni Dante kanina."

"Ano naman ang sinabi niya sayo kanina?"

"Humihingi ng tulong sa akin para turuan sa mga lesson namin."

"I see... Isa ka sa mga matatalinong estudyante, Faye."

Ano ba iyan. Pinupuri naman ako masyado ni mr. Martinez, eh.

"Sige po, kuya Paul pasok na ako sa loob para makapagpahinga na muna ako."

Pagkarating ko sa kwarto ko ay nilagay ko lang sa lapag ang bag ko at tumalon sa kama para magpahinga. Tintamad pa ako magpalit ng damit dahil pagod ako ngayon.

Sana bukas ay maging seryoso si Dante kung desidido nga siya matuto sa mga lesson namin.

Nagising na ako ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Hindi naman ako tulog mantika kaya onting ingay lang ay magigising na agad ako.

"Faye, kain na." Sabi ni mama sa labas ng kwarto ko."

"Sige po, mama. Susunod na po ako sa ibaba." Bumangon na ako para magpalit na muna ng damit bago bumaba sa hagdanan.

Continue Reading

You'll Also Like

47.5K 1.5K 58
COMPLETEDβœ”οΈ Siya si Janah o mas kilala bilang OBENG, na naninirahan sa probensya ng compostella valley. si Obeng ay simpleng babae lamang. >morena...
49.4K 1.8K 109
When the protector of the law became the protector of the lawless. --- Gian Villareal, a PDEA agent, became a valiant protector of the law after com...
169K 3.5K 36
Unedited Story Rank: top 2 in hyuna's stories Ayaw niya sa akin dahil ako ang dahilan kung bakit hindi niya makakasama ang babaeng minahal niya.Nap...
3.1M 131K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...