Chapter 42

311 14 0
                                    

Lunch break na kaya pumunta na muna kami sa canteen para kumain. Kahit kailan ay ang daming estudyante dito sa canteen namin.

"Ate, isa pong bur--" Hindi natapos ang sasabihin ko dahil may humawak sa balikat ko kaya napatingin ako sa kanya. I saw Dante. Si Dante ang nakatayo ngayon sa tabi.

"Did I told you I am going to treat you for a year?" Bulong niya sa aking tenga. Kinausap ko kasi siya na huwag ipagsabi sa iba tungkol sa kaganapang deal namin at mabuti na lang pumayag siya. Nakita ko rin may tinuro siya. "Umupo ka na kung saan nakaupo si Louie ngayon."

Sumunod lang ako sa kanya pero pakiramdam ko ay alipin pa rin ako ni Dante hanggang ngayon. Umupo na ako sa harapan ni Louie na abalang magbabasa ng libro. Ano pa nga ba ang maasahan sa lalaking ito? Libro lang naman ang mahal niya.

"Oh?" Bakas sa mukha ni Louie ang pagkagulat pagkakita niya sa akin. Binaba na rin niya ang librong binabasa. "Nandito ka pala, Faye. Nasaan si Dante?"

"Bumili ng makakain. Ang sabi kasi niya ililibre daw niya ako." Tumango lang sa akin si Louie at nagsimula na rin siyang kumain.

Napansin ko na naglalakad na sa table namin si Dante kasama ang iba pa naming kaibigan. Nilagay na rin ni Dante ang burger at fries sa harapan ko kaya nagsimula na akong kumain ng burger.

"Shawn, ito nga pala si Dante at Louie." Pakilala ko kay Shawn ang dalawang lalaki.

"Yes, pinakilala sa akin ni Angel kanina si Dante habang bumibili kami ng makakain." Tumingin naman si Shawn sa gawi ni Louie. "Nice to meet you, bro."

"Likewise." Sagot naman ni Louie sabay subo sa isang shanghai roll.

Nakita kong naglalakad rin sa direksyon namin sina Nathalie at Eren pero nakaramdam na naman akong hindi maganda mangyayari ngayon. Alam kong hindi magkasundo sina Dante at Eren.

"Dante, alam kong hindi maganda ang samahan niyo ni Eren." Sabi ni Nathalie.

"No, it's okay. Sinabi na rin sa akin nila Mich na boyfriend mo na si Eren ngayon at matagal na nangyari noong huling beses ko siyang sinuntok. Sana kalimutan na lang niya iyon."

"Eren, sabay na tayo sa kanila." Alok ni Nathalie sa kanyang boyfriend.

Umupo naman si Eren sa tabi ni Nathalie. Mabuti na lang walang kaganapan nangyayari ngayon pero yung ibang estudyante ay napapatingin sa table namin. Halatang nagulat sila dahil magkasama sa isang table sina Dante at Eren.

"Hi." Pagbasag ni Shawn sa awkward moment dito sa table namin. "Ako nga pala si Shawn."

"Eren. Eren Gonzaga."

Pagkatapos namin kumain ay wala naman naging problema pero wala namang imikan sina Dante at Eren para bang hindi sila exist sa mundong ibabaw sa isa't isa. Okay na rin siguro yun kaysa naman magbangayan ang dalawang iyon.

Wala rin kaming klase sa hapon dahil balak ng ibang teacher namin next week na sila magsisimula magturo. Ang English teacher lang talaga namin ang excited magturo sa amin ng lesson.

Kaya ito tinour na namin si Shawn sa campus. Ang unang pinuntahan namin ay ang gym at nanood kami saglit sa naglalaro ng basketball. Sayang nga lang hindi member ng basketball team si Dante dahil magaling rin sa basketball ang lalaking iyon. Ang sunod namin pinuntahan ay ang music room, computer laboratory, infirmary, science laborary, art room at ang huli ay ang garden.

"Ang ganda pala dito sa garden. Ang daming magagandang bulaklak."

"Mahilig ka ba sa mga bulaklak?" Biglang tanong ni Angel.

"Hindi naman pero nahawa na rin siguro ako sa hilig ni mama sa mga bulaklak. May tanim kasi siyang orchid at daisies sa bahay."

Ang akala ko pa naman nababakla na si Shawn.

Grabe ka talaga, Faye. Ngayon mo pa lang nakilala yung tao pinagiisipan mo na agad na isa siyang bakla.

"Ano pala ang hilig mo, Shawn?" Paniguradong hindi na maiwasan ni Mich ang hindi magtanong.

Sabi ko nga kanina may interview na magaganap sa mga transferee.

"I can dance, sing and drawing. Pero hindi ako masyadong magaling sa drawing hindi katulad ni Miss Official Otaku." Napakurap ako sa aking narinig. Nakita ko ang pagngiti ni Mich dahil kilala niya iyon sa personal.

"Sino iyon?" Tanong ni Angel. Tinuro ako ni Mich kaya napatingin silang dalawa sa akin.

"Ikaw si Miss Official Otaku?" Tumango ako kay Shawn. "Nice, hindi ko inaasahan makikita kita sa personal. Isa ako sa mga fan ko."

"Naks, bes. May fan ka na. Ibang klase rin kasi ang iyong masterpiece."

"Hindi naman ako ganoon kagaling sa drawing. Inspired lang ako."

"Kanino? Kay Dante?" Pang aasar sa akin ni Angel.

"Tumigil ka, Angel. Hindi ah!" Napataas ang boses ko at mabuti na nga lang hindi namin kasama sina Dante at Louie.

"You're blushing."

"May labnat ka rin, bes katulad ni Nath?" Sumali na rin si Mich sa kalokohan ni Angel. My god!

"May crush ka kay Dante, Faye?" Tanong naman sa akin ni Shawn.

"Wala. Huwag ka maniwala sa dalawang iyan. Kaibigan ko lang si Dante pero nangliligaw naman siya sa akin."

Bigla ko tuloy naalala ang kissing scene namin sa may garden nila Dante. At ano ba ang meron sa garden dahil doon nagaganap ang kissing scene naming dalawa? Ang una kasi dito sa school garden, dito ninakaw ni Dante ang first kiss ko tapos ang sumunod na kissing scene namin sa kanila naman.

Ang tahimik kong buhay biglang ginulo ng lalaking iyon.

"Ikaw nga Mich may gusto ka pa rin kay Louie. Hindi mo iyon matatago sa akin."

"Ay, aba! Gumaganti sa akin. Inaamin ko naman hanggang ngayon may gusto pa ako kay Louie pero hindi katulad noon na umaasa akong magiging kami balang araw. Alam ko naman tatanggihan niya ulit ako katulad noon kaya ayos na rin friends muna kami. Maghihintay na rin siguro ako kung kailan siya maging handa."

"Paano kung wala pa lang balak pumasok sa isang relasyon si Louie? Maghihintay ka pa rin sa kanya?" Tanong ni Angel.

"Ano siya siopao? Kailangan maging special. Maghahanap na ako ng iba na pwedeng magmahal rin sa akin. May pabulaklak pa kasi nalalaman noong Valentines."

"At least kinilig ka naman sa ginawa niya."

"Okay na sana yung ginawa niya noong Valentines pero bigla niyang sinabi ayaw kong paasahin ka kaya itong bulaklak is the sign of our friendship. Sino ba ang hindi maiinis doon? Grrr..."

When A Playboy Fell In Love With An OtakuWhere stories live. Discover now