Chapter 37

363 15 0
                                    

Bandang hapon na kaya hinanap na namin ang dalawa pa naming kaibigan at mukhang kami pa ni Dante ang nawawala ngayon dahil hindi namin alam kung saan kami magsisimula maghanap. Panigurado akong sermon ang matitikman ko nito kay Mich hindi pagkain.

Habang hinahanap namin sila ay may nakita akong familiar na dalawang tao nakaupo sa upuan. Mukhang sina Mich at Louie na iyon kaya hinila ko na ang kamay ni Dante para puntahan na namin sila.

"Saan kayo galing na dalawa ah? Alam niyo ba muntik na kami magtawag ng security para tulungan kaming hanapin kayo." At heto na nga ang sermon ng aking tunay na ina na si Mich. Kulang na nga lang may usok na lumabas sa ilong ni Mich sa sobrang galit sa pagkaalis namin ni Dante kanina.

"Don't worry about us. Bumalik naman kaming buhay. Tara kain na tayo." Sabi ko sabay upo namin ni Dante sa bakanteng upuan.

"Ano ang gusto mo? Ang sabi kasi sa akin ni Dante na sinisingil mo na daw ako sa utang kaya pinapasama niyo rin ako. Ililibre na rin kita, Faye."

Utang talaga?

"Huwag na, Louie. Kaya ko lang naman iyon pinagawa kay Dante para sumama ka rin dito, sayang kasi yung ticket na binigay ng papa ni Dante."

"Double date, pre."

"Double date?" Takang tanong ni Louie.

"Kaya niyo ba kami niyaya sumama rin dito para sa tinatawag mong double date ah, Dante?" Without any hesitation he just nod his head to Mich. "Kaloka. Kung alam ko lang ganito pala ang binabalak niyong dalawa, sana hindi na lang ako sumama. Nanood na lang sana ako ng anime sa bahay."

"Hindi ka ba nagenjoy kanina?" Tanong ni Louie. Sa totoo lang hindi pa kami bumibili ng makakain namin.

"Inaamin kong nagenjoy naman ako para ngang may walking encyclopedia akong kasama kanina dahil sa sobra dami mong alam sa mga nakikita nating kanina. Tinalo mo na nga ang google. Baka nga gusto mo na palitan ang google ngayon."

Hindi na nga makasagot si Louie sa pinagsasabi ni Mich ngayon at tumingin ako kay Dante dahil tumayo na siya sa kanyang kinauupuan.

"Ano ang gusto niyong kainin? Ako na ang bibili pero bigyan niyo ko ng pera pang bili ng makakain niyo."

"Gusto ko ng burger." Sabi ni Mich sabay abot ng pera kay Dante.

"Ganoon din sa akin pero may fries na kasama ah." Binigay ko na rin ng pera si Dante pero tinanggi naman niya.

"Keep it. Libre na kita." Nakangiting sabi niya sa akin.

"Dude, unfair naman. Hindi mo man lang kami ililibre sa pagkain."

"Tumigil ka, Louie. Nilibre ko na nga kayo ni Mich sa entrance kahit pa sa pagkain ay ililibre ko rin kayo."

"Damot. Ano na lang sa akin... Burger na rin siguro pero double cheese ah."

Umalis na si Dante para bumili ng makakain naming apat. Pakiramdam ko tuloy may something din ang dalawang ito kaya lang ayaw naman umamin.

"Louie, walang samaan ng loob ah. Curious lang talaga ako kasi naman wala kang interest sa mga babae, dahil ba lalaki ang gusto mo?" Deretsong tanong ko sa kanya kaya si Mich ay naubo na lang. Hindi niya siguro inaasahan tatanungin ko si Louie ng ganoon.

"Faye, kung lalaki ang hinahanap ko ay sana noon pa lang kalat na sa buong campus na bakla ako. Hindi lang ako handa makipagrelasyon na muna dahil mga bata pa naman tayo. If you are willing to wait until you're ready dadating rin naman diyan sa tamang panahon. Hindi naman ako nagmamadali magkaroon ng girlfriend o asawa. Bakit mo naman natanong kung lalaki ba talaga ang gusto ko?"

"Curiosity. Iyon kasi ang unang bagay na lumabas sa utak ko."

"Kakapanood mo ng anime kaya kung anu-ano na ang sinasabi mo."

"Hoy. Hindi naman ako si Mi--" Nakita kong pinandilatan ako ng mata ni Mich para bang sabihin huwag ko na lang ituloy ang gusto kong sabihin kay Louie. Wala kasi nakakaalam na isang BL fanatic itong si Mich maliban sa aming apat. Ayaw kasi ng kaibigan kong ma-turn off si Louie sa kanya kapag nalaman ang totoo.

"Mi?"

"Ah, wala. Kalimutan mo na lang iyon."

Dumating na si Dante dala ang mga pagkain namin. Tahimik nga lang kami kumakain hanggang sa nagpasya na kami umuwi dahil na rin siguro sa pagod.

Nang nakarating na kami ni Dante sa tapat ng bahay namin dahil nauna ng umalis si Louie kaya hinatid na rin namin si Mich sa kanila.

"Salamat dahil naenjoy ko talaga."

"I'm glad you enjoyed."

"Habang bakasyon tayo, saan ka pala umuuwi ngayon? Sa condo mo o sa bahay niyo?"

"Sa bahay muna ako ngayon dahil wala rin naman tayong pasok at tinutulungan rin ako si dad sa kumpanya."

Sobrang bata pa naman yata ni Dante para mag-train humawak ng kumpanya ng pamilya niya. Pero pwede rin para may experience na rin siya balang araw na pagtapos namin sa pagaaral.

"Sige, uwi ka na baka mahirapan ka pa sumakay niyan."

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay nakita ko si papa nakaupo lang sa sofa kaya tumabi na ako sa kanya sabay yakap.

"Nagenjoy ka ba sa pasyal niyo kanina?" Tanong ni papa.

"Sobra po. Ang daming isda kami nakita doon. Nakita ko pa nga po si Nemo doon." Natawa si papa dahil kilala niya si Nemo at alam niyang isa si Nemo ang favorite cartoon character ko noong bata pa ako.

"Mukhang nakukuha na ng batang iyon ang loob ko ah. Hindi ka niya hinahayaan na umuwi magisa kahit malapit lang ang school niyo sa bahay. Hinahatid ka pa talaga niya hanggang dito." Hindi na talaga ako nagulat dahil si mama naman kasi ang source ni papa tungkol diyan.

"Yes po. Gusto po kasi ni Dante na makauwi akong safe sa bahay."

"Mukhang hindi naman siya isang playboy katulad ng sinasabi ng kuya mo. Kaya boto na ako kay Dante pero huwag mo muna siya sasagutin ah." Tumango ako kay papa dahil wala pa naman akong balak, no. "May gusto ka na ba sa kanya?"

"Papa naman. Biglaan naman yata iyang tanong niyo sa akin."

"Kahit hindi tayo madalas magkasama ay kilala kita, Faye dahil ako ang ama mo."

"Hindi ko pa po alam. Naguguluhan pa kasi ako sa nararamdaman ko para kay Dante, papa. Natatakot lang siguro akong masaktan baka palitan niya ako sa mas sexy at magandang babae."

"Maganda ka naman pero hindi ko masasabihin sexy ka dahil sobrang dami mo kung kumain para bang wala ng bukas."

"Papa naman! Dapat pong suportahan niyo ko. Anak niyo ko." Pinagtatawanan lang ako ni papa. Ang bait sobra, no? Lakas trip rin kasi ni papa, eh.

Yes, siguro nga takot ako masaktan baka balang araw ay palitan ako ni Dante kapag may nakita siyang maganda at sexy. Kaya hahayaan ko na lang itago ang nararamdam ko para sa kanya. Okay na ako sa ganito kahit pa paano ay may nagmamahal sa akin maliban sa pamilya at mga kaibigan ko.

When A Playboy Fell In Love With An OtakuWhere stories live. Discover now