Chapter 59

368 16 0
                                    

Heto na nga ang araw ang hinihintay naming lahat. Ang anime event plus ang meet and greet ni Nathalie sa mga fans niya. Of course, I'm one of her fans pero kaibigan ko siya and I don't want to waste my time sa autograph and picture kung kahit kailan pwede ko naman gawin iyon.

Pagkatapos namin magpalit ng costume ay lumabas na kami sa CR at nandoon na rin ang mga boys.

Partner by partner nga, eh.

Pero si Eren lang ang walang partner dahil nasa loob ng function room ang girlfriend niya. Naiintindihan naman niyang busy si Nathalie at hindi pwede sumali sa amin baka mainggit ang ibang fans.

"You look cute." Napatingin ako sa tao nasa harapan ko and he's smiling at me.

"Bolero ka talaga kahit kailan." Hinawakan ko na ang kamay niya para pumasyal na kami sa loob. Tagal na rin yung huling punta ko sa ganito. Miss ko tuloy. Iniwanan na nga namin ang iba pa naming kaibigan. Bahala na sila. Malalaki na rin naman sila, eh. "Pero gwapo ka naman."

"Kahit namumukha na akong espasol? Kailangan pa kasi whole white ang costume." Pagrereklamo niya sa kanyang costume.

"Wala ka na magagawa. Ganyan naman talaga si WBC. Kaya nga WBC ang ginaya mo."

Ginala ko ang paningin ko baka kasi meron ring platelet. Sana yung kasing cute ni platelet sa Hataraku Saibo.

"Ano ang hinahanap mo?" Humarap ako kay Dante noong tanungin niya ako.

"Um, platelet." Nakita ko ang pagkurap niya. "I mean, character din siya sa Hataraku Saibo. Baka kasi may may cosplayer na platelet dito."

"Ah. Ang akala ko pa naman yung platelet talaga ang hinahanap mo." Natawa na lang ako ng mahina. Bakit naman ako maghahanap ng literal na platelet? Ano naman ang gagawin ko doon?

Habang naglalakad kami ni Dante ay ang daming nagpapicture sa amin. Ang dami nga ring dumalo ngayong anime event, dahil siguro kay Nathalie.

"Nagugutom ka na ba?" Tumingin ako sa katabi ko habang nakatayo kami sa isang tabi. "Ayaw ko lang naman kayo magutom ng baby natin."

Natouch ako sa huli niyang sinabi. Iniisip lang niya ang kalusugan namin ni baby.

"Dahil binanggit mo kanina ang espasol, para tuloy gusto kong kumain noon."

"Ang layo, Faye. Mahirap makahanap ng espasol dito at saka sa Laguna pa iyon." Lumabi ako. Sa gusto ko kumain noon, eh. Kasalanan niya.

"Hotdog na nga lang." Sabi ko. Kaysa naman wala akong makain.

Pumunta na rin kami malapit sa entrance dahil nandito lahat na stall ng pagkain. Actually, snacks lang naman ang nandito. Kung gusto talaga ng heavy foods sa food court.

"Ate, dalawa nga pong hotdog with sandwich." Sabi ni Dante sa nagtitinda bago humarap sa akin. "Gusto mo rin ba ng drinks?"

"Hm." Tumango ako sa kanya. "Water na lang yung drinks."

"Dalawang tubig na rin."

Binigay na ni Dante ang bayad kaya kinuha na niya ang pagkain at binigay sa akin ang isang hotdog with sandwich. Nagsimula na kami kumain.

"Nandito lang pala kayong dalawa." Nilingon ko ang nagsalita hanggang nakita ko si Mich kasama si Louie. Nagkaayos na ang dalawang ito ngayon. Mabuti nga naging okay na sila. "Kung saan-saan na nga kami naghahanap para hanapin kayong dalawa."

"Bakit niyo naman kami hinahanap?" Tanong ni Dante.

"Kasi hinihintay na tayo nila Angel sa food court para doon kumain."

Ang ginaya ng dalawang ito ay sina Natsu at Lucy ng Fairy Tail. Nilagyan pa nga nila ng abs si Louie dahil wala masyadong abs kaya nga gusto ko matawa sa tuwing nakikita ko si Louie. Drawing lang kasi ang abs kuno niya. Pero hindi naman halatang drawing lang.

"Pero kumakain na kami." Sabi ko sa kanya.

"Faye, alam namin hindi ka mabubusog sa kinakain niyong hotdog. Kailangan mo rin kumain ng marami." Sabi naman ni Louie. Aba concern sa akin ito ah.

Wala na rin naman ako magagawa kaya sumama na kami sa kanila papuntang food court.

Nang makarating kami sa food court ang daming cosplayers dito at ang dami ding pares ng mga mata ang nakatingin sa amin ngayon.

"Ayun sila!" Turo ni Mich kung nasaan ang mga kaibigan namin. Pinuntahan na naman sila at mukhang napansin naman kami ni Eren.

"Tsk. Ang tagal niyong dumating. Nagmumukha na akong kawawa sa dalawang ito." Inis na tugon ni Eren sa amin. Pakiramdam siguro nito 3rd wheel siya sa dalawa niyang kasama. Sa tingin ko busy na si Nathalie sa ganitong oras.

Ang ginaya naman ni Eren ay si Syaoran at siyempre ang partner niya si Sakura ang ginaya naman ni Nathalie.

"Alam mo naman buntis ang girlfriend ko kaya hindi kailangan magmadali sa paglalakad." Sabi ni Dante kay Eren.

"Sorry, nakalimutan ko ang tungkol sa pagdadalang tao ni Faye."

Umupo na ako sa isang silya katabi ni Dante pero napansin kong nakatingin siya sa akin.

"What?"

"May gusto ka bang kainin ngayon?" Tanong nito sa akin.

"Espasol."

"Faye." Lumabi ako noong kumunot ang noo nito sa akin.

"Ano meron sa espasol?" Tanong ni Angel.

"Mukha daw espasol si Dante dahil whole white siya ngayon." Natatawang sagot ni Mich kaso hindi naman iyon ang dahilan kung bakit ko sinabing espasol.

"Tumigil ka, Mich. Naglilihi itong kaibigan mo at gusto kumain ng espasol kaso hindi ko alam kung saan makakabili. Wala naman tayo sa Laguna."

"Habang papunta kami ni Angel kanina dito ay may nakita akong store. Sa tingin ko meron silang espasol. Gusto mo bang samahan kita mamaya?" Tanong ni Shawn.

"Sige. Para naman tumigil na si Faye sa pangungulit sa akin ng espasol." Nakakatampo na ah. Ganoon pa ako kakulit? Iyon naman ang gusto ng anak niya ah.

"Gusto ko na lang kumain ng tempura habang wala pang espasol. Iyon na lang." Tumango na lang siya sa akin at tumayo sa kinauupuan niya.

Sumama na rin ang tatlong lalaki maliban kay Eren. Hindi ko alam kung bakit hindi siya sumama doon.

"Dadating ba mamaya si Nath?" Tanong ko kay Eren.

"Nagsimula na kanina ang meet and greet ni Nath. Kaya sa tingin ko malabo siya makapunta ngayon."

"Ang akala ko ba pupuntahan natin siya doon." Tumingin naman ako kay Angel.

"Later. Nasa akin naman yung mga ticket para makapasok tayo sa loob."

"Inaasahan mo bang magkakaroon ka ng girlfriend na isang celebrity katulad ni Nath?" Biglaang tanong ni Mich.

"Hindi. Sino ba naman ang magkakagusto sa katulad ko na isang black sheep at basagulero? Hindi ko rin nga inaasahan magkakagusto ako kay Nath."

"How did you find out that you have a crush on her?" Tanong ni Angel. Hotseat ngayon si Eren sa amin. Siyempre kaibigan namin iyong girlfriend niya tapos ngayon lang namin nakausap si Eren.

"Ewan ko. Bigla na lang umamin ako sa kanya noong bonfire dance party natin na may gusto ako sa kanya. Niligawan ko siya at pinakilala ko rin si Nath sa pamilya ko. Tinanggap naman nila si Nath at sinagot na rin naman niya ako."

"Basta ba huwag mong papaiyakin ang kaibigan namin ah. Kahit buntis ako aawayin kita."

When A Playboy Fell In Love With An OtakuWhere stories live. Discover now