Chapter 64

401 17 0
                                    

Nandito ako ngayon sa conference room ng kumpanya namin dahil ang sabi ng sikretarya ko kanina ay gusto akong kausapin ni papa. Pagkapasok ko sa loob ay may nakita akong projector.

"Hello, Faye." Bati ni papa habang kumakain ito ng dinner. Gabi na kasi sa US ngayon.

"Hello, papa. Gusto niyo raw ako makausap?"

"Yes. Nakikita mo ba yung folder nasa tabi mo?" Binaling ko naman ang aking tingin sa isang blue folder nakapatanong sa table.

"Ano po ito?"

"Open it para malaman mo ang laman ng folder na iyan."

Kinuha ko yung folder para makita ang malaman. Kumunot ang noo ko dahil isa itong merge contract at may pirma na ni papa ito.

"A merge contract?"

"Yes. Ang gusto ko ay ibigay mo iyan kay Dante."

"Teka, papa! Bakit naman biglaan ang merging ng dalawang kumpanya?" Medyong naguguluhan pa ako sa pangyayari. Biglaan naman kasi ito at wala man lang sinabi sa akin si papa o Dante noon tungkol sa merging ng kumpanya namin.

Bago pa sumagot si papa ay bumukas ang pinto sa conference room at niluwa noon ang gwapo kong anak. Kasama ko si Dale ngayon dahil wala si mama sa bahay. Wala rin pagiwanan sa anak ko dahil busy ang daddy niya sa work kaya sinama ko na lang siya dito.

"Lolo!" Binuhat ko ang anak ko at pinaupo sa kandungan ko.

"Hi, apo ko. Ang laki mo na ah." Tumingin na ulit sa akin si papa. "Okay, back to our topic. Wala bang sinabi sayo si Dante ang tungkol sa merging ng dalawang kumpanya?"

"Wala po."

"Last month tinawagan niya ako tungkol sa merging ng kumpanya natin sa kanila dahil kailangan din niya ng tulong natin. Nakapag isip na rin naman ako bakit hindi kung magpapakasal rin naman kayong dalawa."

"What?!" Nagulat ako sa sinabi ni papa. Inaanin ko last year pa nagpropose si Dante sa akin.

"Yes, Faye. Kasal na lang naman ang kulang sa inyong dalawa at may anak na rin kayo."

Hindi naman sa ayaw ko magpakasal kay Dante pero hindi pa talaga ako handa sa ganoong bagay. Kahit sabihin may anak na nga kaming dalawa ngayon.

"Okay. Ibibigay ko po itong merge contract kay Dante."

"Thank you, Faye." Nakangiting sabi ni papa bago naputol ang paguusap namin.

Bumuntong hininga ako. Biglaan ang pangyayari ngayon. Kainis naman.

"Mommy, pupuntahan po ba natin si daddy ngayon?"

"Yes, baby."

"Yaay!" Masayang bumaba si Dale sa akin. Alam ko naman gusto niyang nakasama ang daddy niya kumpara sa akin. Ang unfair, no? Gusto ko naman bumawi sa anak ko dahil apat na taon akong wala sa tabi niya pero ang daddy niya palagi ang hinahanap.

Pagkarating namin ni Dale sa 20th floor kung saan ang opisina ni Dante ay lumapit na muna ako kay ate Karen para iwanan na muna sa kanya si Dale kung hindi siya busy.

"Hello po." Inangat naman niya ang kanyang tingin sa akin.

"Faye, si Dante ba ang pinunta mo rito? Sige, pwede kang pumunta sa opisina niya."

"Salamat. Pwede ko na muna iiwan dito si Dale habang kausap ko si Dante?"

"Oo naman."

"Baby, huwag kang makulit habang kausap ni mommy si daddy ah."

When A Playboy Fell In Love With An OtakuWhere stories live. Discover now