Epilogue

999 26 7
                                    

Ngayon ang araw ng kasal namin ni Dante. Masaya ako dahil natupad na rin ang pangarap kong maikasal sa lalaking mahal ko.

"Mommy." Huminto ang baklang make-up artist naglalagay ng make-up sa akin. Humarap naman ako kay Dale. "Ang ganda niyo po."

Napangiti na lang ako dahil nagawa pa niyang mangbola sa akin. Manang mana sa ama at sana nga lang hindi lumaki ang batang ito isang playboy katulad ni Dante.

"Bolero ka talagang bata ka. Manang mana ka talaga sa daddy mo." Pinisil ko ang ilong ni Dale.

"Mommy, masakit po." Pagmumuktol niya kaya binitawan ko na ang ilong niya.

"Sige na. Balik ka na sa daddy mo dahil hindi ako matatapos dito, baby." Hinalikan ko siya sa pisngi at lumabas na rin sa kwarto si Dale.

Tinuloy na ng make-up artist ang kanyang ginagawa. Hindi naman kailangan lagyan masyado ng make-up dahil marami nagsasabing natural beauty daw ang ganda ko kaya hindi na ako naglalagay masyado ng make-up.

"Perfect, girl. Ang ganda mo sa araw ng kasal niyo at panigurado akong matulala sayo ang pogi." Natatawa na lang ako sa sinabi ng baklang make-up artist. "Magbihis ka na at gora na baka kabahan na si pogi kapag hindi ka sumipot sa altar."

Napailing na lang ako bago pumasok sa loob ng banyo at sinamahan pa ako ng isa niyang assistant para tulungan ako magsuot ng wedding gown.

Pagtapos ko magbihis ay napatingin silang lahat sa akin at may kumatok sa pinto.

"Bes-- Oh my! Ang ganda mo!" Sigaw ni Mich pagkakita sa akin at hindi lang iyon dahil kasama niya si Louie.

"Yes, you're so pretty, Faye. Kaya siguro nagkagusto sayo ni Dante kahit isang babaero iyon ay nakita kong seryoso siya sayo."

"Thank you, Louie."

"No, I should say thank you. You changed my best friend. From playboy to lover boy." Nagtawanan lang kami ni Mich dahil kay Louie. Saan naman kaya niya natutunan ang salitang iyon?

"Hindi na pala makakapunta si Nath ngayon, bes kasi pumapasaway na naman daw si Melody ngayon. Si Angel naman ay binabantayan si Shawn dahil maraming kababaihan ang umaaligid sa asawa niya." I chuckled. Hindi ko alam chick magnet na pala si Shawn ngayon. Noong mga high school pa lang kami ay wala naman lumalapit sa kanyang kababaihan maliban sa aming apat.

"Mich, let's go. Malapit na magsimula ang kasal nila Faye." Sabi ni Louie.

"At kailan ka naman naging wedding planner sa kasal nila ah?" Pagtataray ni Mich kay Louie. Halata ngang naiinis si Mich sa kanya dahil sa kanya sinisi ni Mich kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siya naging boyfriend. Ang kwento sa akin ni Mich noon sinisiraan daw siya ni Louie sa mga lalaking may gustong mangligaw sa kanya at ang pagkaalam ko ay umamin na sa kanya si Louie kaso wala pa akong balita kung sila na ba.

"Hindi ako ang wedding planner but you look at the time." Tinatapik niya ang kanyang relos.

Aso't pusa naman ang dalawang ito.

"Sige, Faye. Kita na lang tayo sa garden ah." Nagpaalam na silang dalawa sa akin at lumabas na ng kwarto.

Nang dumating na ang wedding planner ay lumabas na rin ako para sumakay sa sundo ko papunta sa garden kung saan gaganapin ang kasal namin ni Dante.

Pagkarating ko ay bumaba na ako kaya bumalik na sa pwesto ang best man ni Dante si Louie, groomsmen sina Eren at Shawn. Ang bridesmaid ay wala ng iba kundi si Mich. Ang ringbearer naman ay si Dale at ang flower girl si Melody dahil request ng gwapo naming anak, pumayag naman sila Nathalie maging flower girl ang anak nila sa kasal namin.

Hinatid na ako ni papa sa aisle papuntang altar kung saan naghihintay ang mapapangasawa ko. Ang altar namin ay may design na cherry blossoms at hindi ko alam kung paano nakakuha ng cherry blossoms si Dante dahil wala namang cherry blossoms dito sa Pilipinas. At ang paligid namin ay puno ng iba't ibang klase ng flowers.

"Dante, there is only one I want to tell you. Please take care of my daughter. Kapag nakita kong umiyak si Faye ay ilalayo ko siya sayo kasama ang anak niyo." Pagbanta ni papa. Paano pa kaya gagawin ni Dante iyon kung pinagbanta na siya na ilalayo kami ni Dale sa kanya. Si papa talaga.

"Huwag po kayo magaalala. Aalagaan ko po ng maigi sina Faye at Dale." Nakangiting sagot ni Dante kay papa.

Nang nasa harapan na kami ng altar kung saan ang isang pari ang magpapakasal sa aming dalawa.

"Do you Dante Gonzales take Eugene Faye Silva as your wedded wife?"

"I do."

"Do you Eugene Faye Silva take Dante Gonzales as your wedded husband?"

Hindi ako nakasagot agad kaya pinisil ni Dante ang kamay ko para dahilan lumingon ako sa kanya.

I'm sorry, Dante.

Joke lang. Hindi ko iyon gagawin, no? Alam ko naman handa na akong makasama ang lalaking ito.

Humarap na ulit ako sa pari na may ngiti sa mga labi ko.

"I do, Father."

"And now I pronounce you husband and wife. You may kiss the bride."

Pumalakpak ang mga bisita namin nang halikan na ako ni Dante sa mga labi ko.

"Pinakaba mo ko kanina kaya humanda ka sa akin mamaya." Bulong niya sa aking tenga at ngumiti na lang ako sa kanya.

I started to hate this guy because he is a certified playboy in our campus but I never expected, when a playboy fell in love with an otaku like me. I'm just a normal student before Dante came to my life. He is a playboy and I am an otaku.

I, Eugene Faye Silva-Gonzales and I am married with a man named Dante Gonzales. The father of my son.

At dito na nagtatapos ang aming kwento.

-----THE END-----

~~~

Phew~ sawakas tapos na rin ang story kong ito. Ilang buwan din ah. 😂

Ito lang ang story ko umabot ng maraming chapters. Nagulat nga ako noong malaman kong maraming chapters pala nagawa ko dito haha.

Thank you, guys. 😘

Copyright © skyepine
2018-2019

When A Playboy Fell In Love With An OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon