Chapter 30

390 21 0
                                    

Today is the last day ng school festival kaya mas lalo kaming busy dahil nga huling araw na. Ang team ni Dante ang nanalo sa final ng laro sa baskeball kaya sobrang saya ko. Para akong girlfriend na suportado ang boyfriend sa pagkapanalo sa laro.

Pero asa naman.

Gabi na kaya nandito na kaming lahat sa garden. Nagtipon tipon para sa awarding dahil mamaya ang bonfire dance party pero uuwi na rin maman ako ng maaga pagkatapos ng awarding ceremony.

"Good evening, everyone. First all of I wound like to congratulate all of you for the successful event. Ngayon ay hawak ko na kung kaninong booth ang mananalo ngayong taon." Sabi ng school director namin. Todo kaba ng dibdib ko ngayon dahil hinihiling ko sana manalo naman kami. Sayang effort ng ginawa namin sa butler-maid cafe. "Ang nanalo ay walang iba kundi ang..."

Shocks naman! Pabitin pa si sir. Hindi na lang kasi sabihin ng deretso na lang, hindi iyon bibitinin kami.

"Ang nanalo ay ang 3rd year-class A. Butler-maid cafe." Anunsyo niya.

Narinig ko ang sigawanan ng mga kaklase ko sa anunsyo ng school director namin.

For real? Nanalo kami?

"Bes, nanalo ang cafe natin!" Sabi ni Mich. Hindi ako makapaniwalang mananalo kami ngayon.

"Congrats sa atin." Nakangiting sabi ni Dante. Tumango lang ako sa kanya dahil maiiyak na ako sa tuwa ngayon. "You really did as our class president, Faye."

"Congratulations 3rd year-class A. And now for final program." Sabi ng school director bago pa siya umalis sa harapan naming lahat.

Nakita ko kung paano nila sinindihan ang malaking bonfite sa gitna ng school garden. Ito na kasi ang last program para sa school festival namin.

Thank you, everyone!

Hindi ko makakalimutan ang araw na ito dahil para sa akin ito ang memorable moment ng high school life ko.

Hinanap ko na ang mga kaibigan ko pero nakita ko si Nathalie kasayaw si Eren. I smell something fishy between those two, huh? Hindi ko na kasi nakikitang nagbubugbog ng estudyante ngayon si Eren. Kaya lumapit na lang ako kina Angel at Mich.

"Girls." Lumingon naman sila sa akin. "I have to go."

"Ang aga mo naman umalis, Faye. Hindi ka na ba sasayaw?" Tanong sa akin ni Angel.

"Hindi na. Kailangan ko na rin kasi umuwi sa amin baka hanapin na ako."

"Ingat ka, bes." Sabi ni Mich.

"Okay. Ingat ka na lang, Faye."

Naglakad na ako palayo sa school garden pero biglang may boses akong narinig magpahinto sa paglalakad.

"Faye, wait!" Huminto ako sa paglalakad para tingnan ang tumawag sa akin. Dahil madilim ang paligid at tanging ilaw lang namin ay ang malaking bonfire.

"May kailanga ka pa ba sa akin, Dante?" Tanong ko sa kanya pero lumapit naman siya sa akin.

"Let's enjoy the night. At mamaya ka na umuwi sa inyo, ako na ang maghahatid sayo pagkatapos nitong party." Nilahad niya ang kanyang palad sa harapan ko. "May I dance with you?"

Wala na ako magagawa dahil tinanggap ko na rin ang kanyang kamay at pumunta na kami sa iba kung saan nagsasayaw.

Nilagay ni Dante ang isang kamay ko sa balikat niya habang ang isa naman ay hawak niya at ang isang kamay niya ay nakahawak sa beywang ko.

"Maybe this is not our last dance together dahil may prom night pang parating para sa mga senior high school." Sabi niya habang sumasayaw kami.

"Pero hindi pa naman tayo senior high school. Masyado ka yatang excited grumaduate na tayo dahil paalala ko sayo 3rd year pa lang tayo. And you promised me na lalagpasan mo ko ngayong final exams. Gawin mo muna iyon."

"Para naman ganahan ako diyan. Kapag nilagpasan kita sa top this coming final examination ay magiging slave kita for the whole Summer vacation. Deal?" Nagulat ako sa sinabi niya. Me? As his slave? No way!

"Masyado ka naman confident sa sarili mo, Dante. Paano kung hindi mo ko malagpasan?"

"I will be your slave for the whole Summer vacation." Napangiti ako. Parang ayaw ko magpatalo kay Dante ah.

"Okay. Deal."

"Pumayag ka na ah. Wala ng bawian diyan, Faye."

"Wala pa nga pero masyado ka talagang confident na matatalo mo ko. Tandaan mo, Dante simulang 1st year tayo ay ako madalas ang nasa top 1."

"Huwag ka magsalita ng tapos, Faye because you don't know me yet. Ang kilala mo lang ay yung tamad ako magaral pero papakita ko sayo kung paano ako magseryoso sa pagaaral."

Masyado talagang confident si Dante na matatalo niya ako sa final exams. Tingnan na lang natin kung magagawa niya at siyempre hindi naman ako papayag na maging slave niya, no!

Ineenjoy lang namin ang music habang sumasayaw pero kumunot ang noo ko sa biglang palit ng tugtog. Isang romantic slow dance ang pinapatugtog ngayon. Tinalo pa ang prom night.

"Faye." Tumingin ako kay Dante pero nagulat ako dahil ang lapit ng mga labi namin sa isa't isa. Konti na lang ay mahahalikan na niya ako. "Hindi ko alam kung naalala mo pa ang sinabi ko sayo noong bagong taon. Alam kong aalis ka dahil sa US ka magaral ng college pero ang sabi ko nga sayo maghihintay ako sa pagbalik mo."

"Tanda ko pa iyan hanggang ngayon."

"Kung ayos lang sayo ay simula bukas mangliligaw na ako. Hindi mo naman kailangan sagutin ako agad, Faye. Naiintindihan ko naman pagaaral ang priority mo at nangako ka sa papa mo makakapagtapos ka sa pagaaral. Hindi naman ako nagmamadali. Mangliligaw lang ako sayo."

Hindi ko alam kung ano ang sasagutin kay Dante ngayon. Alam ko naman isang araw ay magsasawa na rin naman siya sa akin, eh pero ang sabi ni mr. Martinez kapag tinamaan si Dante sa isang babae ay magiging seryoso siya.

Sana nga. Sana nga maging seryoso ka sa akin dahil sa pagkakataon ay ikaw ang first boyfriend ko.

Pero sa isang iglap ay dumampi ang labi niya sa labi ko. Ano nangyari? Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko sa nangyari ngayong gabi dahil bigla na lang akong hinalikan ni Dante.

Ang first kiss ko kinuha ng isang playboy!

When A Playboy Fell In Love With An OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon