Chapter 57

333 18 0
                                    

Dumating na ang order namin pero ang totoo niyan ay ako ang pumili ng mga kakainin namin dahil yung ibang gusto ni Dante ay hindi ko gustong kainin. Pihikan kasi ako ngayon at naiintindihan naman niya.

"Hanggang kailan ka dito sa US?" Tanong ko sa kanya habang sumusubo.

"Hanggang hindi ka pa nagsasawang makita ang pagmumukha ko." Napangiti ako sa sagot nito.

"Ibig sabihin hindi ka na babalik ng Japan?"

"Yes, gusto ko rin naman kasi makasama ka at kinausap na ako noon ni kuya na sumunod sayo dito pagkagraduate ko."

"Paano naman ang trabaho mo sa Pilipinas? I mean yung kumpanya niyo."

"Kinausap ko na rin si dad tungkol diyan. Pumayag naman siya na matatagalan ang balik ko. Gusto ka ulit makita ng mga magulang ko, Faye. Kaya ang plano ko magkaroon ulit tayo ng dinner kasama ang pamilya natin."

Biglang kumalabog ng malakas ang dibdib ko. Hindi ko pa kasi alam kung paano sasabihin sa iba ang sitwasyon namin ngayon ni Dante.

"At kailangan natin kausap si tito ngayon pagkatapos ng trabaho." Inangat ko ang tingin kay Dante. "Tutulungan kita sa trabaho mo mamaya para matapos agad."

Tumango na lang ako dahil ito naman ang kailangan gawin namin ni Dante. Ang sabihin sa kanila ang tungkol sa pagbubuntis ko.

Pagbalik namin sa kumpanya ay nakatingin sa amin ang ibang empleyado dahil hindi binibitawan ni Dante ang kamay ko. Katulad noon hinahawakan na niya ang kamay ko kahit hindi ko pa siya sinasagot pero hinahayaan ko lang siya.

Tinutulungan na nga ako ni Dante sa trabaho para mapadali ang gawain. Binibigay niya sa akin ang mga dokumento na kailangan pirmahan, hindi naman kasi siya pwede ang pumirma pero siya naman ang umaayos sa mga reports na pinapasa ng mga empleyado namin.

"Marami kang errors dito. Kung pwede palitan ang mga mali." Kalmadong tugon ni Dante habang binabalik niya ang isang report.

"Okay po, sir. Papalitan ko agad ang mga errors."

"You don't need to hurry. Take your time."

Tumango na ang empleyado namin bago pa siya lumabas ng opisina. Tumingin ako kay Dante dahil nagagawan niya maging kalmado lang.

"Mukhang sanay ka na sa ganitong bagay ah."

"I was trained by my father. Sa una sinisigawan ko rin ang mga empleyado namin pero kinausap ako ni dad huwag ko daw pairalin ang init ng ulo ko."

Maaga nga natapos ang trabaho ko sa tulong ni Dante kaya sabay na kami pumunta sa parking lot.

"Ako na ang magmamaneho." Binigay ko na sa kanya ang susi ng kotse ko.

Paguwi namin sa bahay ay nakita ko si papa lumabas galing sa kusina. Gulat pa nga siyang makita si Dante.

"Hindi ko alam nandito ka pala ngayon, Dante."

"Good afternoon po, tito. Pumunta ko po ako dito para kausapin kayo."

"Tungkol saan naman ang paguusap natin?" Tanong ni papa kaya mas lalong lumakas ang kalabog ng dibdib ko.

"Alam ko pong magagalit kayo sa akin pero handa naman akong tanggapin ang galit niyo sa akin." Sa nakikita ko ay kalmado lang si Dante ngayon. O kinakabahan din siya pero hindi niya pinapakita. "Buntis po si Faye. I'm sorry po. Alam ko pong wala pa kaming ipon ni Faye para sa bata pero gumagawa na rin ako ng paraan para sa mag-ina ko."

"Matagal ko ng alam ang tungkol diyan dahil nagkakaroon na ako ng pagduda noong may nakita akong pregnancy test sa banyo at pansin ko rin ang pagiging pahikan ni Faye sa pagkain. Hindi lang alo umiimik dahil ang gusto ko sa inyo manggaling."

"Papa, I'm sorry po kung binigo ko kayo." Kinagat ko ang labi ko para labanin ang pagluto ng luha ko.

"I'm so disappointed, Faye pero hindi naman akong masamang tao para sabihin sa inyo na ipalaglag ang isang inosenteng bata. Magulang din ako."

Niyakap ako ni Dante noong umiiyak na ako. Bigla na lang kasi pumatak ang luha ko at mukhang napansin ni Dante iyon.

"Ano ang plano niyong dalawa ngayon?" Tanong ni papa.

"Magiipon na po muna ng pera bago yayain si Faye magpakasal sa akin. Ayaw ko naman po humingi ng tulong kay dad. Ang gusto ko sariling pawis ko lahat na gagastusin namin." Tumingin ako kay Dante dahil ang seryoso ng kanyang mukha ngayon.

"Pero huwag na muna ngayong taon. Ang balita ko kasi next week magpapakasal si Kath kay Steve pero pwede ka naman magpropose kayong ngayon kung nakaipon ka na, Dante."

Pinunasan ko na ang luha ko dahil ayos na ang problema ko kay papa pero si mama na lang.

"Maraming salamat po, tito."

"Basta alagaan mo ng maigi ang sarili mo, Faye para maging malusog ang magiging apo ko."

"I will, papa."

Pagkatapos namin kausapin si papa ay dinala ko si Dante sa kwarto ko. Pinakita ko sa kanya ang mga regalo niya sa akin.

"Tingnan mo hindi na malulungkot si Conan dahil may kasama na siya ngayon." Sabi ko. Hinanap ko ulit noon si Conan kung saan ko tinago at mabuti na lang nahanap ko agad.

"May gusto pa akong ibigay sayo." Sabi nito kaya napatingin ako sa kanya. May inabot siya sa akin dalawang paper bag.

Excited akong malaman ang laman nitong paper bag. Nang makita ko anc laman ay laking tuwa ko dahil sina Red Blood Cell at White Blood Cell ng Hataraku Saibo o Cells at Work.

"Nagabala ka pa para bumili nito." Sabi ko habang hawak ang dalawang plushies. Tumabi na rin siya sa akin sa pagkaupo sa kama.

"I will do anything to make you happy." Pinalibot ko ang mga braso ko sa leeg niya at hinalikan ko siya sa mga labi nito.

Kahit simpleng bagay ay matutuwa na ako dahil bigay sa akin ng boyfriend ko.

"Thank you." Nakangiti ako sa kanya.

"Sabi ko nga sayo kahit ano gagawin ko para maging masaya ka. Ayaw kong makita kang umiiyak."

Maswerte ako na si Dante ang naging boyfriend ko. Kahit isa siyang certified playboy noon ay nagbago na siya. Matagal na siya walang babaeng kasama.

"Baka kahit kasal na tayo ay bibilihan mo pa rin ako ng anime ah."

"Why not? Ang balita ko nga may meet and greet si Nathalie sa gaganaping anime event next month. Baka gusto mo ulit bilihan kita ng ticket niya." Natatawamg turan nito.

"Hindi mo naman kailan gawin iyan. Kahit kailan ko gusto ay pwede naman ako humingi ng ticket kay Nath."

"Alam ko naman miss mo na ang mga kaibigan mo." Humiga ako sa mga binti ni Dante.

"Uuwi naman tayo ng Pilipinas dahil ikakasal na si ate Kath kaya pwede ko ulit makita sila."

"Sasabihin mo na rin ba sa kanila ang tungkol sa pagbubuntis mo? O alam na rin nila?"

"Wala pa ako pinagsabihan sa kanila. Kaya sasabihin ko na rin sa kanila baka may magtampo sa akin. You know si Mich at baka magulat na lang sila na nagkaroon ng inaanak na hindi nila alam." Humalakhak lang si Dante.

When A Playboy Fell In Love With An OtakuWhere stories live. Discover now