Chapter 69

534 16 0
                                    

Dahil maaga pa naman at tirik na tirik ang araw ngayon kaya nagpasya kami ni Dante ipasyal namin si Dale ngayon sa mall.

Sobrang saya nga ng bata noong pumapasyal kami sa mall. Ayaw ko naman mawala ang ngiti sa mga labi nito at alam ko naman hindi mangyayari iyon. Malapit na kami ikasal ni Dante. Paguusapan na lang kami ang tungkol sa kasal at aayusin na kung saan kami kakasal.

Pumunta kami sa palaruan kung saan naglalaro ang mga bata at kami naman ni Dante ay umupo sa isang bench malapit sa palaruan para mabantayan namin ni Dale.

"Saan mo pala gusto magpakasal?"

"Gusto ko sana garden wedding dahil may magandang memories kasi ang mga garden sa love story natin."

"Huh? Ano naman iyon?"

"You stole my first kiss noong sumasayaw tayo sa bonfire dance party. Remember that?" Tanong ko sa kanya.

"Of course. Tumakbo ka pa naman noon dahil hinalikan kita."

"Isa ba talaga iyong aksidente? Dahil iyon ang sinabi mo sa mga estudyante."

"Iyon ang unang lumabas sa isip ko dahil ayaw ko naman saktan ka nila kasi wala naman tayong relasyon noon tapos hinalikan kita. Maniwala ka sa akin matagal ko ng gustong halikan ka kaya ko iyon nagawa kaso tinulak mo ko noon."

"It was my first kiss. Alam mo naman ang pangarap namin mga babae na magiging unang halik namin sa lalaking mamahalin namin habang buhay."

"And that guy is me, Faye."

"And second one noong nasa garden niyo tayo. Yung panahong nagpapanggap akong girlfriend mo and you asked me to kiss you. Wala na akong magawa dahil ayaw ko sawayin ang utos ng amo ko kaya hinalikan na lang kita."

"Kaya naman pala memorable sayo ang garden dahil doon pala kung saan tayo nag-kiss." Tumango ako sa kanya. "Let's tell the other about our plan. Sigurado ako mamaya ay pagaawayan nila kung saan nila gusto tayo magpakasal."

"Ang gusto ko sana punong puno ng flowers ang garden para maganda tingnan."

"Iba't ibang klase ba ng flowers ang gusto mo?" Tumango ako ulit sa kanya. "Okay. Masusunod ang gusto mo mangyari."

Nakita ko na si Dale papalapit sa akin kaso basang basa ng pawis. Kumuha na ako ng pamunas sa bag para punasin ang kanyang pawis.

"Baby, magpapalit ka ng damit mo ah." Humarap ako kay Dante. "Punta lang kami ng CR para magpalit si Dale ng damit niya."

"Samahan ko na kayo-- I mean sa labas lang ako maghihintay sa inyo."

Kung hindi nilinaw ni Dante ang gusto niyang sabihin ay baka iba ang lumabas sa isipan ko. Gusto niya pumasok sa female rest room.

Pagtapos kong palitan ng damit si Dale ay kumain na kami sa food court dahil nagutom na daw ang anak namin. Para tuloy kaming one big happy family na matagal ng pangarap ni Dale kaso hindi pa naman kami kasal ni Dante.

"Daddy, makikita ko po ba mamaya si tita Kelly?" Tanong ni Dale habang kumakain ng chicken.

"Yes. At hindi lang iyon dahil makikilala mo rin ang kuya Kotaro mo." Naguguluhan ang bata sa sinabi ni Dante. Hindi pa niya kilala si Kotaro.

"Sino po iyon?"

"Siya ang anak ng kuya ko. Mabait rin siya katulad mo."

"Baby, mamaya makikilala mo rin ang ate Aisha mo. Anak naman siya ng tito Peter mo." Kita naman sa mukha ni Dale ang saya dahil makikilala niya ang mga pinsan niya.

Ang tungkol kay ate Kath at kuya Steve, kahit 4 years na silang kasal ay wala pa rin sila naging anak.

Kinagabihan ay sinundo na namin ang mga magulang ko sa bahay para pumunta na sa bahay nila Dante. Ang ingay ni Dale dahil ang dami niyang kinukwento kila mama at papa. Kaya itong mga magulang ko ay tuwang tuwa sa kakulitan ni Dale.

Dahil automatic ang gate nila kaya pinasok na ni Dante ang kotse niya sa loob. Wala pa rin nagbago ang labas ng bahay nila. Bumalik ang lahat na memories noong unang punta ko rito.

Pagpasok namin sa loob ng bahay ay nakita namin ang mama ni Dante.

"Mama, ang mga magulang po ni Faye." Pagpakilala ni Dante.

"Hello."

Pinatuloy na kami sa kusina at dumating na rin ang papa ni Dante may kasama batang babae. Siya na siguro si Kelly.

"Faye, this is Kelly. Kelly, this is your ate Faye." Pagpakilala sa amin ni Dante.

"Hello po, ate Faye."

"Ang cute mo naman." Hindi ako makapigil kaya kinurot ko siya sa pisngi. Hindi na ganoon kasakit.

"Thank you po."

Dumating na ang mga nilutong pagkain kaya nagsimula na kami kumain. Ang papa namin ni Dante ay abalang paguusap tungkol sa kumpanya, business at marami pa. Ang mama namin ay tungkol sa kasal namin ni Dante at hindi nga nagkamali ang fiance ko paguusapan ang tungkol sa kasal namin.

"Faye, Dante, saan niyo balak magpakasal? If church wedding ay may alam ako." Sabi ni mama sa amin.

"Mama, hayaan niyo na po sila Faye ang magdesisyon kung saan nila gusto magpakasal." Saway ni ate Kath.

"Actually, nagusap na po kami ni Faye kung saan gaganapin ang kasal namin. Ang plano namin ay isang garden wedding."

"Maganda nga iyan tapos punong puno ng iba't ibang klase ng bulaklak ang paligid, right, babe?" Pagsasang ayon ni ate Rian.

"Umoo ka, kuya. Ang bunso nating kapatid ang ikakasal kaya mala fairy tale ang wedding theme nila."

"Of course, kung saan gusto ni Faye magpakasal. Kasal naman nila iyon." Sagot naman ni kuya Peter kaya pinalo siya ni ate Rian sa braso. "Ouch, babe."

"Umayos ka, Peter."

"Kung ganoon pala ay may nahanap na ba kayo kung saang garden?" Tanong naman ng papa ni Dante.

Kami lang ang maguusap dahil busy ang mga bata sa paglalaro sa may sala. Si Dale nga ang pinakabata sa kanilang lahat.

"Maghahanap pa lang po kami ni Faye kung saan maganda. Maybe tomorrow."

"How about wedding reception?" Tanong naman ng mama ni Dante.

"Baka po doon na rin. Para malapit lang ang wedding reception, tita."

"That's nice. How about your honeymoon? Saan niyo balak pumunta?"

Napatingin kami ni Dante sa isa't isa dahil hindi namin napagusapan ang tungkol sa honeymoon.

"We never talked about honeymoon yet."

"Ako na ang bahala sa honeymoon niyong dalawa. Sagot ko na ang lahat na gastusin at iyon na rin ang wedding gift ko sa inyo." Sabi naman ni papa.

"Kailan niyo naman balak magpakasal?" Tanong ni mama sa amin.

"All set na po, tita. Naasikaso na po namin ni Faye kung kailan ang kasal at ang susuotin nating lahat."

Hindi naman kami nagmamadali ni Dante dahil next year pa naman kami magpapakasal na dalawa. Ayaw ko this year dahil alam kong full booked na ang schedule namin para ayusin ang kasal.

When A Playboy Fell In Love With An OtakuWhere stories live. Discover now