Chapter 41

291 16 0
                                    

Ilang buwan ang lumipas ay balik eskwela na ulit kaming lahat. Wala naman pinagbago. As usual, kapag may transferee ay iyon ang headline sa buong campus. Pero ayon sa naririnig ko senior year daw yung transferee, ibig sabihin noon pwede namin maging kaklase siya.

And yes, 4th year na kaming lahat at isang taon na lang ay graduate na kami. Sa susunod na final examination ay hindi ko na hahayaang matalo ako ni Dante. Grabe ang pinapagawa niya sa akin. Una maging pretend girlfriend niya tapos yung sunod ay halikan siya. Hindi naman ako nagsisi sa mga nangyari noong Summer vacation.

"Musta ang bakasyon niyo?" Tanong ni Nathalie. Dahil sa tabi ko naman talaga siya nakaupo simulang naging kaklase namin siya.

"Pumunta kami nina Dante, Louie at Mich sa Ocean Park dahil may apat na ticket ang papa ni Dante. Sayang din kung hindi gagamitin." Sagot ko sa kanya.

"Yup, ang saya ng Ocean Park adventure naming apat. Para ngang may walking encyclopedia kaming kasama dahil ang daming alam ni Louie sa mga isda. Kayo naman ni Gel?"

Napapansin kong namumula si Nathalie ngayon kaya hinawakan ko siya sa noo pero hindi naman siya mainit.

Blush?

"Wala ka naman lagnat. Baka naman labnat kaya ka namumula diyan." Tukso ko kay Nathalie. May nangyari siguro sa kanila ni Eren.

"Niyaya kasi ako ni Eren pumunta sa beach with his parents. Masayang kasama ang parents niya at nagpapasalamat pa nga sa akin dahil ang laki daw pinagbago ni Eren simulang nakilala ako. Hindi na daw siya nagiging black sheep sa family nila at matagal tagal na rin yung huling suspension niya."

"Tapos? Ano sunod nangyari?" Halatang excited si Mich sa love story nina Nathalie at Eren ah. Parang dati lang ay may galit rin siya kay Eren dahil tinulak niya ako noon.

"Sorry kung hindi ko sinabi sa inyo agad ito, sa totoo lang bago nangyari ang school festival natin ay tinanong ako ni Eren kung pwede daw ba siya mangligaw sa akin at pumayag naman ako. Habang nasa beach kaming dalawa ay sinagot ko na siya kaya official na ang relasyon naming dalawa."

"Congrats.." Sabay naming tatlo. Masaya ako para kay Nathalie dahil nahanap na niya si mr. Right. Sana nga hindi siya lokohin ni Eren dahil malalagot siya sa akin.

"Ikaw naman, Gel? Musta ang bakasyon?" Tanong ni Mich.

"Bumalik kami sa Japan para doon magbakasyon ng Summer. Sayang nga, eh. Gusto ko pa naman bumalik doon kapag Spring para sa cherry blossoms."

Pangarap ko rin pumunta sa Japan kapag Spring season dahil ang gaganda ng cherry blossoms or sakura viewing nila. Ang ganda pagmasdan kahit sa anime ko lang nakikita.

"Game ba kayo? Balang araw ay punta tayong apat sa Japan. Hindi lang ako sure kung kailan pero bahala na.."

"Game." Sabay nilang tatlo.

"Sabihan mo lang ako para makaipon ako ng pera pagpunta natin sa Japan." Sabi ni Nathalie.

"Hindi pa ngayon. Baka kapag may trabaho na tayong lahat para may sariling pera na tayo."

Nakita na namin pumasok sa loob ng classroom namin si ms. Morales kaya umayos na kami ng upo at tumahimik na buong classroom. Ganito kasi kaming lahat kapag may teacher na sa harapan unlike sa class F. Hirap na hirap na nga daw ang mga teacher sa kanila dahil wala naman daw nakikinig.

"Good morning, class." Bati ni ms. Morales sa amin.

"Good morning, ma'am." Bati naman namin sa kanya.

Nakita ko rin na may estudyante pumasok sa classroom namin. Nakasuot siya ng glasses, matangkad. Sa tingin ko nasa 5'9 feet ang height niya, may itsura rin siya at katulad ni Angel ay medyo singkit din.

"Okay, introduce yourself." Sabi ni ms. Morales doon sa transferee.

"Gwapo niya." Bulong ni Angel. Tutal nasa harapan lang niya ako kaya narinig ko iyon.

"Hi, everyone! My name is Nishan Matthew Mendoza but you can call me Shawn. Nice to meet you all." Nakangiting sabi niya habang pinapakilala ang sarili.

"You may sit next to--"

"Ma'am, pwede po bang doon na lang ako?" Napatingin ako sa tinuro niya. Ang upuan sa tabi ni Angel, wala na kasi nakaupo doon dahil lumipat na ang dating nakaupo sa pwestong iyon.

"Sige, doon ka na lang umupo."

Pumunta na nga si Shawn sa tabi ni Angel at nilagay na niya ang kanyang bag sa tabi.

"Hello, ladies. I'm Shawn." Pakilala niya sa amin.

"I'm Angel. Sila naman ang mga kaibigan ko sina Faye, Mich at Nath." Pakilala ni Angel sa amin dahil magkakatabi naman kaming apat na upuan.

Interview time sa transferee habang wala pa yung kapalit si mr. Martinez pero boring naman kung magturo. Matanda na kasi iyon.

"Hi, Shawn. Saan ka galing?"

"Galing ako sa Cebu. Doon ako nagaral hanggang 3rd year high school pero lumipat ang pamilya ko dito sa Manila."

Patango tango lang ako dahil ang layo din ng Cebu sa Manila ah.

"Dahil wala pa akong kilala dito, pwede niyo bang i-tour ako dito sa campus pagkatapos ng klase natin?"

"Oo naman. Kung gusto mo pakilala ka namin sa mga boys na kaibigan rin namin mamaya." Sagot ni Angel.

Come to think of it, hindi ko pa nakikita si Dante dapat kasi sa ganitong oras ay nandito na siya. Baka late lang.

"Sure, para naman marami akong kilala dito."

Dumating na ang matandang teacher namin sa English kaya umayos na kami ng upo dahil ayaw niya ng maingay sa klase, ang gusto niya focus sa lesson. Bawal nga din ang cellphone.

So boring. Mas gugustuhin ko pang si mr. Martinez ang teacher namin sa English. At least si mr. Martinez maiintindihan ang explaination niya pero ito parang kinakain ang sariling salita.

Naiintindihan ko naman kung bakit kailangan pumunta ni mr. Martinez sa Japan dahil natanggap siya sa inapplyan niyang trabaho at para na rin makita niya ang kanyang anak. Gusto ko tuloy makita ang itsura ng anak ni mr. Martinez. Message ko na nga lang siya mamaya sa messenger. Friends naman kami sa facebook ni mr. Martinez.

Tanda ko pa nga dati inadd ko si mr. Martinez noong nalaman kong may facebook account pala siya dahil friends sila ni kuya Peter.

Wait, first day of school pa lang bakit nagtuturo na siya ng lesson ngayon? Unang araw pa lang ng school year klase na agad. May lakad siguro ang teacher namin sa English o kaya excited magturo kaya nakalimutan niyang unang araw pa lang.

When A Playboy Fell In Love With An OtakuWo Geschichten leben. Entdecke jetzt