Chapter 24

395 16 1
                                    

Dahil ngayon ang first day ng school festival namin at fourth day hanggang sixth day ang labanan sa basketball. Sa last day ay may bonfire party pa kami. Anime lang ang peg. Siyempre dahil ako ang student council president kaya wala na sila magawa sa akin. They are my slaves.

Joke lang. Maka slave ako wagas.

Abala kaming lahat ngayon dahil ang daming pumupunta sa classroom namin. Kahit nga taga ibang school ay pumunta ngayon dito para sa school festival namin. Pwede naman ang outsider kapag school festival pero kapag ibang school event bawal.

"Faye." Napalingon ako noong tawagin ako ng isang kaklase ko. "Paubos na yung mga ingredients natin."

"Sige. Ako ang pupunta sa grocery para bumili ng mga kailangan. Ilista mo na lang ang lahat na kailangan." Sabi ko. Hindi ko naman kasi inaasahan dudumugin kami sa unang araw ng school festival. Binaba ko na rin ang hawak kong tray sa isang table at kinuha ko na ang wallet ko sa loob ng bag bago lumabas ng classroom namin pero may humawak sa braso ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Nakalimutan mo yung listahan ng mga kailangan bilihin at mukhang marami-rami itong bibilihin mo kaya sasama na ako sayo papuntang grocery." Sabi niya. No choice na ako kaya tumango na lang ako sa kanya.

Mabuti na nga lang ay may malapit na grocery store sa school namin kaya dito na lang kami pumunta ni Dante. Napapansin ko lahat na tao nakakasalubong namin ay napapatingin sa gawi namin para bang nakakita sila ng isang artista.

Nang turn na namin sa cashier ay hindi na maganda ang nangyayari dahil ang iba ay kinukuhanan na namin ng pictures.

"Ano ba meron kung bakit sila makatingin sa atin wagas?" Tanong ko kay Dante.

"Because we're wearing maid and butler outfit. Agaw atensyon kaya ang suot natin." Sagot niya. Napatingin ako sa suot ko at ngayon ko lang narealize hindi nga pala ako nagpalit ng damit bago kami umalis sa school.

Shocks, kakahiya! Kaya pala ang daming tao nakatingin sa amin pagkapasok namin ng grocery.

Pagkalabas namin sa grocery ay buhat ni Dante ang mga mabibigat habang ako naman yung kaya ko naman buhatin. Hindi ko alam kung bumabawi ba siya sa akin ngayon pagkatapos nangyari noon, ilang araw ko rin kaya siya hindi kinikibo kahit tinatawag pa niya ang pangalan ko pero para sa akin hindi siya nage-exist sa mundong ibabaw.

Pero in fairness ah, ang gwapo niya sa suot niyang butler outfit tapos ang ayos din ng kanyang buhok.

Pagbalik namin sa classroom ay inayos na agad namin ang mga pinamili. Bumalik na rin kami sa trabaho pagkatapos.

Lunch break na kaya umupo ako sa isang upuan dahil sobrang pagod ang araw na ito. Wala na rin yung mga kaklase ko kahit sina Mich, Angel at Nath. Si Mich kasi ang sabi niya gusto niyang puntahan ang ibang classroom pero yung dalawa kong kaibigan ay hindi ko alam kung saan pumunta.

"Faye, tara." Napatingin ako sa nagsalita. Magsasalita na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko at hinila palabas ng classroom namin.

"Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko habang sumusunod sa kanya.

"Tingnan natin yung ibang classroom. Let's enjoy our school festival dahil hindi natin alam kung ganito pa ba kasaya ang magiging school festival natin next year." Nakangiting turan niya sa akin.

Ang laki na talaga ng pinagbago niya simulang inamin niya sa aking may gusto siya sa akin. Wala na nga siya kasamang babae maliban sa akin.

Ang dami nga namin pinuntahan katulad ng horror house. Anak ng tokwa! Alam naman niyang ayaw ko sa ganitong lugar dahil matatakutin ako kaya yung lumabas kami ay naiiyak ako sa takot. Ang sunod naman ay kissing booth. Walang hiyang mga 4th year ito, kissing booth?! Seryoso?! Para lang naman iyan sa may jowa. As if naman papayag akong mawala ang first kiss ko kung sino man ang magtatangkang halikan ako.

"Tara. Doon tayo sa photo booth para may remembrance na magkasama tayo ngayon." Sabay hila sa akin papasok sa photo booth.

Hindi ko nga maiwanan ang tumitig sa kanya dahil ibang iba Dante ang kasama ko ngayon. Hindi na siya yung kilala kong playboy na maraming babaeng kasama araw-araw.

"Baka matunaw ako sa titig mong iyan, Faye." Sabi niya kaya umiwas na ako ng tingin. Nahalata pala niyang nakatitig ako sa kanya. Kakahiya. "Nagagwapuhan ka ba sa akin?"

"Asa ka naman. Saan banda ang sinasabi mong gwapo? Penge nga ng mapa baka makita ko."

Siguro nga gwapo ka pero isa ka namang babaero, Dante. Sana nga totoo ang lahat na ito at hindi mo ko pinaglalaruan katulad ng ginagawa mo sa ibang babae. Siguro nga tapos na ang mga kabaliwan ko kay mr. Martinez noon at move on na ako sa kanya dahil tanggap ko na hindi kami ang para sa isa't isa.

Nagsimula na mag-countdown sa screen ng photo booth kaya humarap na ako doon. Noong umabot na sa one ay nagulat ako ng halikan ako ni Dante sa pisngi. Ang second shot naman ay napatingin ako sa kanya na may pagkagulat pa rin sa mukha ko pero siya naman ay nakangiti.

Bakit ganito? Ang puso kong hindi matahimik.

Nagkakagusto na ba ako sa lalaking ito? Pero kahit anong gawin natin ay isa pa rin siyang playboy. Ayaw kong masaktan ulit kahit wala naman kaming relasyon ni mr. Martinez noon pero masakit ang pangyayari.

Pagkalabas namin sa photo booth ay binigay niya sa akin ang isang picture. Yung nakatingin kami sa isa't isa na para bang in love na in love kami.

Ano ba itong iniisip ko? Erase, erase...

Marami pa kaming pinuntahan na stall sa may garden dahil doon kami kumain ng lunch bago pa kami bumalik sa classroom dahil malapit na magbukas ulit ang cafe namin.

Kagulat gulat nga dahil ang daming nakapila na sa labas ng classroom namin at naghihintay sa pagbukas namin.

Kung ganito karami ang mga tao ngayong araw ay panigurado akong mas marami pa ang dadating bukas at sa susunod pang araw.

When A Playboy Fell In Love With An OtakuWhere stories live. Discover now