Chapter 26

379 14 0
                                    

Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon pagkatapos ko marinig ang pinaguusapan nina kuya Peter at mr. Martinez.

Si sir may balak mangligaw sa akin pagkagraduate ko.

Habang naglalakad ako sa hallway ay nagulat ako ng makita ko si mr. Martinez naglalakad sa direksyon ko. Hala, hindi pa ako handa makausap siya o ano pa.

Ano ang gagawin ko?

"Faye." Tawag niya sa akin dahil nakita na niya ako. "Bakit nandito ka pa?"

"Hinintay ko pong matapos ang practice ni Dante sa basketball." Sagot ko. Iyon naman kasi ang sabi ni Dante sa akin kanina na sabay kami umuwi.

"Aminin mo nga sa akin sinagot mo na ba ang kapatid ko?" Napatingin ako kay mr. Martinez dahil sa tanong nito sa akin.

"Si sir talaga patawa. Kilala niyo po ako simulang bata pa lang at wala pa akong balak pumasok sa isang relasyon hanggang hindi pa ako tapos sa pagaaral."

Tatanungin ko na ba siya kung bakit niya ako nireject noon. Kung may balak naman pala siya mangligaw sa akin.

Tanungin mo na para matahimik ka na.

"Um, sir. Sorry po dahil hindi ko sinasadyang marinig ang pinaguusapan niyo ni kuya kanina." Yumuko ako dahil hindi naman talaga tama ang makinig sa usapan ng ibang tao pero wala akong narinig na kahit anong salita galing sa kanya. "Gusto ko lang po malaman kung bakit niyo ko nireject noon kung may balak naman pala kayo ligawan ako pagkagraduate ko?"

Wala akong sagot natanggap kaya inangat ko ang tingin ko sa kanya. Nakatitig lang sa akin si sir Martinez, walang expression sa mukha pero nawala rin naman iyon agad.

"Yes, I'm planning to court you after your graduation but when I found I have a son. Doon ako magisip kung matatanggap mo ba ang pagkakaroon ko ng anak sa ex girlfriend ko. I don't intention to hurt you, Faye. I'm so sorry. At sa nakikita kong seryoso si Dante sayo at ayaw ko na maulit ang nangyari noon. Dante and my step father hate me because of what happened before."

"Sa tagal na panahon pala may gusto rin kayo sa akin. At hindi lang iyon may alam ang magaling kong kuya." Hindi tuloy alam kung matutuwa ba ako o mas lalong masasaktan dahil sa natuklasan ko ngayong araw.

"Simulang 1st year high school ka pa lang ay nagkagusto na ako sayo. Alam kong mali dahil teacher mo ko at estudyante kita. Nahalata iyon ni Peter dahil nahuli niya akong nakatitig sayo sa malayuan."

Ano iyon stalker lang ang peg? Gumaganern si kuya Paul ah.

Kaya pala may nakita akong picture ko sa desk niya noong nagpasa ako ng seat work namin dati sa Math.

"Kung hindi po sana ako umamin sa inyo noong Christmas break baka tinuloy niyo po ang plano niyo noon."

"I don't think so. Faye, this is my last week in this school dahil next week ay aalis na ako papuntang Japan. Hindi ko na rin iniisip na pwede kita ligawan kapag nagbabakasyon ako rito." Sabi niya pero nakayuko lang ako. I can't help not to cry right now. Akala ko kasi okay na. Tanggap ko na ang lahat pero nasasaktan pa rin ako dahil si mr. Martinez ang first love ko, eh. "Faye, promise me one thing."

Pinunasan ko na muna ang luha ko bago tumingin sa kanya at pinapakalma ko na muna ang sarili baka mahalata niyang umiiyak ako.

"Ano po iyon?" Kalmado kong tanong. Mabuti na lang hindi ako napipiyok.

"Kahit kilala mong isang certified playboy ang kapatid ko ay mahalin mo rin siya katulad ng pagmamahal niya sayo. Once he fell in love ay seryoso at loyal siya sa isang babae."

"Alam niyo pong may gusto sa akin si Dante?" Bigla ko naalala tinanong pala ako ni mr. Martinez kung umamin na sa akin si Dante.

Malamang alam niya. Tanga mo din, Faye.

"Yes. Hindi ko alam kung masabi ba niya sayo na humingi siya sa akin ng tulong para kausapin ang may ari ng paaralan na ito dahil gusto niyang makasama ka manood ng fireworks display sa rooftop kahit pinagbabawal na pumunta doon. Pumayag ang may ari ng school kung mag aaral ng mabuti si Dante. Hindi niya kami binigo ng kapatid ko dahil lahat ng quizzes at seat works niya ay pasado. At hindi lang iyon dahil nagpapasa na rin siya ng homeworks."

Naalala ko nga iyon. Nasabi nga sa akin ni Dante ang tungkol doon. Totoo ang sinabi ni mr. Martinez na nagaaral na ng mabuti si Dante at hindi na nga siya tulog sa klase ni mr. Martinez.

"Mahal ka ng kapatid ko." Nakangiting sabi niya at pinatong pa niya ang kanyang kamay sa ulo ko. Ano ako, aso? Kuya Paul naman! "Sige. I have to go. May kailangan pa akong asikasuhin sa faculty. At baka tapos na rin ang practice ni Dante ngayon puntahan mo na siya."

Pinanood ko si mr Martinez nagpapalakad palayo sa direksyon ko.

Mahal ako ni Dante? Pero ang alam ko lang ay may gusto siya sa akin, hindi mahal. Iyon kasi ang sinabi niya noon.

Naglakad na ako pabalik sa classroom para kunin ang mga gamit ko pero nagulat ako ng makita ko si Dante nakaupo sa isang upuan. Mukhang hinihintay niya ang pagbalik ko ah pero ako dapat ang maghihintay sa kanya sa gym.

"Tapos na kayo magusap ni kuya?" Namilog ang mga mata ko dahil alam niyang naguusap kaming dalawa kanina. "Huwag ka na magtaka kung paano ko nalaman dahil hinanap kita kanina pagkatapos ng practice namin dahil wala ka rito sa classroom. Sa hindi inaasahan ay nakita ko kayo ni kuya naguusap. Hindi ko alam kung ano ang pinaguusapan niyong dalawa at mukhang seryoso."

Tumayo na siya at kinuha na rin niya ang kanyang bag.

"Pero Faye, hanggang ngayon pa rin ba ay mahal mo ba si kuya?" Biglang tanong niya sa akin.

"Sinabi ko naman sayo kahit nireject ako ni kuya Paul noon ay siya pa rin ang first crush ko and also my first love."

"Sabi ko nga rin sayo kahit ilang beses mo ko tanggihan ay hindi ako susuko sayo. Gagawin ko ang lahat para mahalin mo rin ako." Sabi ni Dante habang nakatitig sa akin na seryoso.

Gagawin ko ang lahat para mahalin mo rin ako.

Talaga bang mahal ako ni Dante?

"M-Mahal mo ko?"

"Hindi ba obvious? Sabagay sinabi ko sayo noon ay gusto kita hindi mahal. Pero ngayon sinabi ko na sayong mahal kita dahil masaya akong kasama ka."

Mahal ako ni Dante. Sana nga totoo. Sana tama ang sinabi mr. Martinez na seryoso at loyal si Dante kapag siya ay na in love sa isang babae.

"Tara na. Hatid na kita sa inyo bago pa ako uuwi sa condo." Nauna na siyang lumabas sa classroom kaya kinuha ko na agad ang gamit bago sumunod sa kanya.

When A Playboy Fell In Love With An OtakuWhere stories live. Discover now