Chapter 31

355 18 0
                                    

Hindi ko alam ay bigla akong tumakbo pero tinatawag ni Dante ang pangalan ko kaya lang hindi ko siya nilingon. Hindi ko nga rin alam kung ako dadalhin ng mga paa ko.

Kainis naman! First kiss ko iyon!

Napansin ko nasa tapat na pala ako ng classroom namin at bubuksan ko na sana pero may kamay na humarang sa pinto ng classroom namin. Nilingon ko para malaman kung sino ito but I saw Dante.

"I'm sorry, Faye. Alam kong hindi mo ko mapapatawad ang paghalik ko sayo kanina."

"First kiss ko kasi iyon!" May luhang pumapatak sa mata ko, pati tuloy ako ay maiinis sa sarili. Why I let my guard down? Hinayaan ko na lang nangyari iyon. "Ang gusto ko ibigay ang first kiss ko sa lalaking mamahalin ko habang buhay!"

"Hindi pa ba ako iyon? I mean alam ko naman hindi mo pa ako boyfriend pero wala ka bang tiwala sa akin? Dahil ba isa akong certified playboy?" Nakatingin lang ako sa kanya habang tuloy pa rin ang pagpatak ng luha ko. "Seryoso ako sayo, Faye. Handa akong talikuran kung ano ako dati dahil hindi ko kayang saktan ka. Kapag nalaman ng kuya mo na pinaiyak kita ay malalagot ako sa kanya. Faye, mahal na mahal kita!"

Hindi na ako umimik nang yakapin niya ako pero tuloy pa rin ang paghikbi ko.

Ang puso ko ay hindi matahimik ngayong gabi.

Naguguluhan ako sa nararamdaman ko para kay Dante. Nagkakagusto na nga ba ako sa kanya? O pinapaasa lang niya ako? Ayaw kong masaktan kahit alam ko naman part ng love ang masaktan.

"Hatid na kita sa inyo. And sorry for ruined your night." Pinunasan na niya muna ang luha ko na kanina pang pumapatak. "Lagot ako sa kuya mo kapag nalaman niyang umiyak ka. Punasan mo na rin iyang sipon mo."

Kinuha ko agad ang panyo ko sa bulsa at pinunasan ko na ang sipon ko na kanina pang tumutulo.

"Kainis ka!" Nakita ko lang ang pagngiti ni Dante sa akin. Napapadalas ko na yata nakikitang ngumingiti si Dante sa akin.

Hinawakan na ni Dante ang kamay ko katulad ng dati para bang girlfriend na niya ako o gusto niyang sabihin sa mga kalalakihan na off limit na ako. Proud boyfriend kahit hindi pa kami.

Tahimik lang ako habang naglalakad kami pauwi sa bahay. Sabi ko nga walking distance lang ang bahay ko sa school kahit gabihin ako sa mga school events ay ayos lang pero gusto ako hatid ni Dante hanggang bahay to make sure safe daw ako makauwi.

"Malapit na ang Valentine's day, ano ang plano mo?" Tanong niya ng makarating na kami sa tapat ng bahay namin.

"Wala. Ano ba ang gusto mong gawin ko sa araw ng mga puso? Magpaparty na magisa?" Sabi ko with matching sarcasm.

"Yayain sana kita kumain sa labas after school." Namilog ako mga mata ko. Seryoso ba ito? Niyaya ako ni Dante kumain sa labas on Valentine's Day.

"Saan naman tayo pupunta?"

"Kain lang tayo ng street foods sa labas ng school. Iyon pa lang kasi kaya ng budget ko pero pangako kapag tapos na tayo sa pagaaral ay kakain tayo sa mamahaling retaurant."

"Okay." Patango tango kong sagot sa kanya.

"Walang bawian ah. Tatampo ako sayo kapag binawi mo iyan. Sige, uwi na ako baka wala na akong masakyan na train." Hinalikan niya ako sa pisngi bago pa siya naglakad palayo sa bahay namin.

Napahawak ako sa pisngi ko pero nasira ang moment ko noong may tumikhim sa likuran ko. Paglingon ko ay nakita ko si mama.

"Alam ba ng papa mo na may boyfriend ka na?"

"Mama!" Singhal ko kay mama. "Wala po akong boyfriend."

"Hindi boyfriend pero may pahalik halik pa sa pisngi yung kasama mo kanina."

"Hindi ko naman po siya boyfriend pero kay balak siyang mangligaw."

"May balak mangligaw? Alam ba niyang pagkagraduate niyo ng high school ay sa US ka tutuloy sa pagaaral?" Napatingin ako kay mama na parang gulat na gulat. Hindi ba pwede magkaroon ng mangliligaw sa edad kong ito? Para kasing hindi naniniwala ang sarili kong ina.

"Alam po niya. Handa naman daw po siya maghintay ng apat na taon para sa pagbalik ko."

"Parang gusto ko makilala ang batang iyon. Kilala na ba siya ng mga kapatid mo?"

"Kilala po siya ni kuya dahil half brother siya ni kuya Paul."

"Half brother ni Paul? Pero ang sabi ni Peter ay isang babaero ang kapatid ni Paul pero mukhang hindi naman. Kung lolokohin ka lang niya ay hindi kami papayag."

"Ma, alam ko po ang ginagawa ko. Sinabi ko rin naman sa kanya kaibigan na muna kaming dalawa at pumayag naman siya. Sige po, papahinga ako." Papasok na sana ako sa loob ng bahay namin pero may naalala ako. "Ay, ma. Huling nakausap ko po si papa ay ang sabi niya baka umuwi siya sa Summer."

"Nakausap ko rin siya kahapon."

"Okay po. Good night."

"Hindi ka na ba kakain ng hapunan?"

"Busog pa po ako." Tumuloy na ako sa pagpasok hanggang makarating ako sa kwarto ko.

Tumalon na ko sa kama dahil sobrang pagod ko na kaya hindi na ako nagabalang magpalit pa ng damit. Pero naalala ko ang kissing scene namin ni Dante kanina. Sana nga lang wala nakakita nangyari iyon kanina.

Hindi ko na alam kung ano pa ihaharap ko sa ibang tao kapag mangyari iyon.

Wala kaming relasyon na dalawa.

Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginawa. Dahil ba mahal niya ako?

What if hindi pala totoo ang lahat na ito?

What if pinaglalaruan lang pala ako ni Dante?

What if...

Gulong gulo na ang utak ko ngayon. Ano ba nangyayari sa akin? Hindi naman ako ganito dati bago pa ako kausapin at lapitan ni Dante.

Itutulog ko na lang ito baka makalimutan ko na ang nangyari kanina. Hindi kinuha ni Dante ang first kiss ko.

Yakap yakap ko si Conan, ang plushie na binigay sa akin ni Dante noong isang araw. Gabi-gabi ko na nga ito katabi matulog, eh.

Pagpikit ko ng mga mata ko ay doon na ako dinalaw ng antok.

When A Playboy Fell In Love With An OtakuМесто, где живут истории. Откройте их для себя