Chapter 62

363 14 0
                                    

Pagkatapos ako kausap ng doctor kanina para sabihin ang dahilan ng pagdudugo ko kanina. Masyado daw ako stress at problemado. Inaamin kong marami akong problema pero ang stress? Iniiwasan ko na nga ang iyan para hindi makasama sa baby ko pero sila ang lumalapit sa akin. At mabuti na nga lang malakas ang kapit ng bata sa sinapupunan ko kaya hindi ako nakunan kanina.

Sobrang tahimik ng buong paligid dahil tumahimik na rin si Dante sa pagsasalita. Mukhang napagod na rin dahil hindi ko naman siya kinikibuan ngayon. Doon na siya sa babae niyang may birthday bukas. Psh.

"Dante.." Pati ako ay napatingin nang makita kong tinatawag siya ni kuya Peter.

Kuya, huwag ka magaksaya ng oras para kausapin ang lalaking iyan.

Nakita kong lumabas na si Dante sa kwarto ko ngayon habang nandito ako sa ospital. Curious tuloy ako sa pinaguusapan nila ngayon sa labas.

Nababagot na ako rito dahil wala akong magawa, nakahiga lang naman ako sa kama pero nakita kong pumasok na sa loob si kuya Peter.

"Pwede ka na pala lumabas." Sabi ng kapatid ko.

"Salamat naman. Babagot na ako rito sa ospital." Inalalayan ako ni kuya Peter bumangon sa kama.

"Wala ka magagawa lalo na kung malapit ka ng manganak."

Hindi na ako sumagot pang muli sa kapatid ko.

Simulang lumabas ako ay hindi ko na nakita pang muli si Dante. Mabuti naman naisipan na niyang umalis dahil ayaw ko siyang makita na muna baka matuluyan malaglag ang anak ko.

Huwag kang magiisip ng ganyan, Faye! Hindi mangyayari iyan sa baby mo.

Pagkahatid sa akin ni kuya Peter ay inalalayan na niya muna ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Ang sabi kasi ng doctor kanina hindi pa daw ako pwede kumilos at kailangan ko pa daw ng bed rest. Susunod na lang ako sa payo ng doctor kanina.

Sorry, baby kung naging pabaya si mommy kanina ah. Hindi na mauulit ang nangyari.

Hinihimas ko ang tyan ko at iniisip ko kung ano ang magiging gender ng baby ko. Kahit ano pa siya ay tatanggapin ko dahil anak ko siya. Kahit bakla o tomboy pa siya ay ayos lang. Tatanggapin ko siya ng buong buo.

"Faye, musta na ang pakiramdam mo ngayon?" Tumingin ako sa tao nasa may pintuan. Si mama.

"Okay na po ako ngayon."

"Tumawag si Peter kanina at sabi ang nangyari sayo. Iwasan mo muna ang problema at stress. Kakausapin ko ang papa niyo para sabihin hindi mo muna maasikaso ang kumpanya nating dito hanggang hindi ka pa nanganganak."

"Okay na po ako ngayon. Papahinga lang daw sabi ng doctor."

"Yes, you need some bed rest. Ayaw ko naman mawalan ng apo." Napangiti ako ng pilit kay mama. Kahit hindi sabihin sa akin ni mama ay alam kong gusto niya magkaroon ng maraming apo para may maalagaan siya. Para na rin siguro may makulit at maging maingay ang bahay. Simulang kinasal ang dalawa kong kapatid ay naging tahimik na ang bahay namin.

Hindi na nga ako bumalik sa US para may makasama si mama dito at iyon din ang bilin sa akin ni papa kaya binigay na niya sa akin ang branch namin dito sa Pilipinas. Bakit kasi hindi na lang si papa ang umuwi dito? Para naman makasama niya si mama.

"Mama." Tumingin naman sa akin si mama. "Balak ko po sana pagkapanganak ko ay babalik ako sa US."

"Bakit naman? Iiwanan mo dito ang anak mo?" Kunot noo tanong sa akin ni mama.

"Gusto ko pong sa US kumuha ng masteral. Alam niyo naman po gusto ko rin kumuha ng masteral degree."

"Sige. Ako na muna ang bahala sa anak mo. Basta huwag mo kakalimutan tumawag dito para kamustahin man siya."

Alam kong wala pa. Hindi ko pa nga pinapanganak ang anak ko pero ginagawa ko lang naman ito para sa kanya. Ayaw ko kasi humingi ng tulong sa pamilya ko lalo na kay papa. Gusto ko sariling sikap ang gagawin ko para sa anak ko. At kapag nakita ko na siya ay hindi ko ipagkakaila sa ama niya dahil may karapatan pa naman si Dante sa kanya.

"Thank you, ma."

"Magpahinga ka na. At magluluto lang ako ng pananghalian mo." Umalis na rin agad si mama sa kwarto ko.

Iniisip ko tuloy kung sino ba ang magiging kamukha ng magiging anak namin. Ang ama ba niya o ako? Kahit ang pagiging ugali.

Isa lang ang hihilingin ko, huwag niya sana makuha ang pagiging playboy ng kanyang ama dahil ayaw kong pinagsasabay niya ang mga babae. Dapat isa lang.

Nagising na lang ako noong may gumigising sa akin and I saw mama.

"Bakit po?"

"Dinalhan ka lang kita ng makakain mo." Sabi niya kaya umayos na ako ng upo. Nilagay na rin ni mama ang tray sa harapan ko. "Babalik na lang ako pag tapos ka na kumain."

Magsisimula na sana ako pero may nakita ako dalawang balot ng espasol. Nilagay pa talaga ni mama ang dalawang espasol dito ah.

Sabagay, dito naman ako naglilihi talaga. Ang sarap naman kasi ng espasol.

Kinuha na ni mama ang tray kaya ako ay kinuha ko ang aking phone nakapatong sa side table and I saw 12 missed calls and 2 unread messages. Binuksan ko na muna ang phone log ko at nakita kong si Dante ang tumatawag sa akin kanina pero hindi ko naman sinagot kanina kaso may isang tawag si Dante naisagot, iyon siguro yung sinagot ni kuya Peter kanina habang nasa ospital ako. Nagpasya na akong pumunta sa inbox para basahin ang unread messages.

From Dante;

Ang sabi sa akin ni ate Karen ay pumunta ka daw sa opisina. Bakit hindi mo sinabi sa akin?

From Dante;

Faye, why didn't you answer my calls? I'm worried.

Nilagay ko ulit ang phone ko sa side table at tumayo ako sa pagkahiga ko para kumuha ng libro sa shelf ko. Magbabasa na lang ako ng random book. Maliban sa anime, isa sa pagbabasa ng libro ang hilig ko. Maliban sa manga ay mahilig rin ako sa Greek Mythology. I have collection of Percy Jackson and Olympians series books.

When A Playboy Fell In Love With An OtakuWhere stories live. Discover now