Chapter 68

423 16 0
                                    

Nasa harapan lang ako ng laptop ko ng may kumatok sa pinto ng opisina.

"Come in." Sagot ko habang tutok na tutok sa laptop dahil abala ako sa trabaho ko ngayon.

"Ma'am, hindi pa po ba kayo uuwi ngayon? Masyadong late na rin po at ang sabi rin ng security ay nasa labas daw si sir Dante." Napakurap ako sa sinabi ng sikretarya ko. Wala akong alam susunduin ako ni Dante ngayon.

"Sige. Uwi ka na at susunod na rin ako." Pinatay ko na ang power ng laptop ko at inayos na rin ang mga gamit ko sa table.

Pagkalabas ko sa building ay may nakita akong lalaki nakaupo sa stairs at halatang hinihintay ako ni Dante ah.

Lumapit ako sa kanya at tinutok ko ang kanyang pisngi para dahilan lumingon siya sa akin.

"Ano ang ginagawa mo rito? I mean hindi mo na lang ako hinintay sa loob ng kotse mo o sa lobby."

"Para madali mo ko makita." Ngumiti ako sa kanya. Madali ko rin naman siya makita kung nasa lobby rin siya maghintay, wala na rin naman tao ngayon sa kumpanya.

"Hindi mo naman sinabi sa akin susunduin mo ko ngayon. Kung alam ko lang tinapos ko sana agad ang trabaho ko."

"Nasa condo na ako kanina but our son called me." Kumunot ang noo ko. Bakit naman kaya tatawag si Dale sa kanya? Sa anong dahilan? "Sinabi niya sa akin hindi ka pa daw umuuwi. It's already 11:55pm, Faye. Hindi mo naman sinabi kay Dale hindi ka uuwi ngayon."

"I'm sorry. Kinausap ko na rin naman si mama na hindi ako makakauwi ngayon dahil may importante pa akong tinatapos."

"Pwede mo naman ipabukas ang trabaho mo dahil noong tumawag si Dale sa akin kanina ay umiiyak siya. He's worried. Akala ko ba gusto mo makabawi sa kanya sa mga taon na wala ka sa tabi niya? Pero inuubos mo ang oras mo sa trabaho." Pinagbuksan na niya ako ng pinto sa passenger's seat at umikot na siya sa kabilang side para sumakay na siya sa driver's seat.

He's right. Inuubos ko ang oras ko sa trabaho kaysa bumawi kay Dale.

"Kailan pala uuwi si tito?" Tanong nito habang nagmamaneho.

"Bukas pa ng hapon ang balik ni papa."

"Sa bahay gaganapin ang family dinner kasi iyon ang gusto ni mama at iwas gastos na rin daw kung sa restaurant pa tayo kakain. Susunduin ko na lang kayo sa Sabado ah."

"Okay." Dumungaw na ako sa labas ng bintana.

"And I will introduce you to my little sister." Napatingin ako bigla. May kapatid pa pala siyang babae? Ang pagkaalam ko dalawa lang sila kuya Paul.

"May kapatid kang babae? Bakit hindi ko iyon alam? Ang pagkaalam ko kayo lang ni kuya Paul ang magkapatid."

"Hindi namin inaasahan ang pagdating niya. Dad have no idea mama was pregnant. Nagulat na lang si dad noong sinabi ng doctor buntis si mama." Sabi nito. Nakita ko na ang mama ni Dante and she looks young. Maaga daw siya nabuntis kay kuya Paul noon kaya maaga din siya nagpakasal sa papa ni kuya Paul.

"Ano name niya?"

"Kelly. She is a year older than Dale." Patango tango na lang ako sa kanya.

"Tatlo na rin kayo magkapatid pero ang dalawang kuya niya ay may anak na." Natatawang sabi ko.

"At least ako ikakasal na ako sa ina ng anak ko pero si kuya hanggang ngayon single dad pa rin."

"Wala bang balak maghanap si kuya Paul na tutulong sa kanya kay Kota?"

"Wala siyang balak. Ang sabi kasi niya sa akin noon priority na lang daw niya ang pagtuturo at si Kotaro."

Wala na siguro oras si kuya Paul maghanap ng babae para may kasama siya sa buhay. He is not getting younger anymore. Siguro nga meron siyang anak ngayon pero kailangan pa rin niyang may kasama sa buhay na pwede tumulong sa kanya sa pagalaga kay Kotaro. I hope someday he will find someone.

Nang nakarating na kami sa tapat ng bahay ay bumaba na ako ng kotse.

"Faye." Humarap ako kay Dante noong tinawag niya ako. "Huwag ka na muma pumasok mamaya ah."

"Bakit naman?"

"Para naman may oras ka kay Dale. Ako na bahala sa mga trabaho na hindi mo natapos ngayon." Ngumiti ito sa akin at sumakay ulit sa kanyang kotse. Napansin ko ang pagbaba ng bintana sa passenger's seat side. "See you on Saturday."

See you on Saturday?

Ibig sabihin ilang araw ko siya hindi makikita dahil gagawin niya din ang trabaho naiwan ko kanina.

"Huwag mo sana pabayaan ang sarili mo ah. Ingat na sa pagbalik mo ng condo. I love you."

"I love you too." Tinaas na niya ang bintana at pinatakbo na rin niya ang kanyang kotse.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay may narinig akong hikbi. Sino naman ang umiiyak? Napatingin ako sa may sofa and I saw Dale.

"Dale?" Nilingon naman ako ng anak habang tulo ang sipon nito. "What's wrong, baby? Why are you crying?"

Teka nga bakit gising pa rin ang batang ito? Ang akala ko pa naman pagtawag niya kay Dante kanina ay natulog ulit siya pero mukhang hindi. Hinintay ba niya ang paguwi ko?

"Mommy." Lumapit siya sa akin sabay yakap sa binti ko. "I almost call a police because you are not here yet. Bakit ang tagal niyo pong umuwi?"

"I'm sorry, baby." Lumuhod ako sa harapan ni Dale at kinuha ko ang panyo ko para punasan ang luha niya pati ang sipon. "Hindi na mauulit ang ginawa ni mommy ngayon."

"I want to sleep beside you, mommy."

"Okay, let's go." Hinawakan ko na ang maliit na kamay ni Dale at pumanhik na kami pareho sa taas patungo sa kwarto ko. May sariling kwarto kasi si Dale.

Pinatulog ko na muna si Dale sa kama ko bago pa ako pumasok sa banyo para maghilamos at magpalit ng damit. Nang matapos na ako magpalit ng damit ay tumabi na ako sa anak ko.

Kahit sinabi ng mga tao matured na kung magisip si Dale sa edad niya ngayon pero para sa akin ay siya pa rin ang baby namin ni Dante. Kung pwede nga lang ay huwag na muna lumaki ang anak namin dahil alam ko balang araw ay magkakaroon na rin siya ng girlfriend.

Bakit ba ako nagiisip ng ganoong bagay? Masyado naman ako advance kung magisip.

For pete's sake Dale is only 4 years old. Ang bata pa niya at matagal para sa ganoong bagay.

When A Playboy Fell In Love With An OtakuWhere stories live. Discover now