Chapter 17

472 18 0
                                    

After a week, back to school na ulit. Naging memorable sa akin ang new year's eve dahil hindi ko alam na may nararamdaman sa akin si Dante, isa siyang babaero.

"Bes, hindi mo na ako pinansin pagkatapos nangyari sa rooftop noong new year's eve."

"Umamin sa akin si Dante. Inamin niya sa akin ang lahat."

"So, bye bye na ba sa kuya niya at hello pag-ibig sa kababatang kapatid?"

"Baliw ka talaga. At may kasalanan ka sa akin. All these days, may alam ka pala na si Dante ang kasama ko noong pumunta ako sa anime event."

"Sorry." Nag-peace sign pa sa akin si Mich. "Hindi kasi ako tinitigilan ni Dante kaya sinabi ko sa kanya ang plano mo. Sa harap-harapan ko pa nga mismo siya bumili ng ticket para sa meet and greet kay Nathalie Abuel. My god, Faye. Nakikita kong seryoso si Dante sayo."

"Kung dati ay sobrang galit mo sa tao."

"Inaamin kong babaero si Dante pero mukhang sayo pa tinamaan ang dakilang babaero. Handang gawin ang lahat para lang maging masaya ka."

Totoo ang lahat na sinabi ni Mich sa akin. Handa ngang gawin ni Dante ang lahat para maging masaya ako.

"Musta pala ang paguusap niyo ni mr. Martinez, bes?"

"Okay naman. As usual, rejected ako."

"Ouch. Bakit naman?"

"May isang dahilan pa kasi si mr. Martinez kaya siya pupunta ng Japan. Hindi ang trabahong inapplayan niya."

Magsasalita pa sana si Mich pero biglang pumasok na si ms. Morales sa classroom namin.

"Good morning, class."

"Good morning, ma'am." Sabay-sabay naming bati sa kanya pero lahat kami nagtataka dahil iba ang aura niya ngayon kumpara noon. Goodvibes.

"Nandito ako ngayon dahil may bago kayong kaklase." Sabi ni ms. Morales. Rinig ko ang bulungan ng mga kaklase kong babae.

"Sana lalaki."

"Sana gwapo."

Ang mga lalaki naman...

"Sana maganda."

"Sexy."

Ang lalandi at manyak talaga nila. Hindi ang pagaaral ang inaatupad nila. Hay naku.

"Pasok ka na." Alok ni ms. Morales sa tao nasa labas. Laking gulat ko na lang nang makita ko kung sino.

"Hello, everyone. My name is Nathalie Abuel."

Totoo ba ito? Kung isang panaginip lang ito ayaw ko na magising pang muli.

"Hindi ko inaasahang magiging kaklase natin si Nathalie. Isang normal na paaralan lang naman ito pero may celebrity tayong kaklase." Bulong ni Mich sa akin. Hindi ito panaginip, totoong nasa harapan ko si Nathalie.

"Nathalie, dito ka sa tabi ko. Bakante ito!" Tawag ko sa kanya.

"Faye, nakaupo ako rito." Sabi ng kaklase ko.

"Lumipat ka ng upuan mo." Sabi naman ni Mich.

Wala na rin magawa ang kaklase namin kaya lumipat na nga siya ng pwesto. At sobrang swerte ko na naging kaklase ang isang sikat na cosplayer.

"We meet again, Faye." Sabi ni Nathalie. Pero kyaah! Naalala niya ang pangalan ko.

"Oo nga, eh. At hindi ko inaasahan magiging kaklase kita ngayong pasukan."

"Hi, ako nga pala si Mich. Best friend ni Faye." Nilahad ni Mich ang kanyang kamay sa harapan ni Nathalie.

"Hi, Mich. Nice to meet you." Nakipagkamayan naman si Nathalie kay Mich.

"May isa pa kaming kaibigan pero bukas pa siya makakapasok." Sabi ko sa kanya. Nakatanggap kasi ako kahapon na text galing kay Angel at ang sabi niya ay bukas pa daw siya makakapasok kasi mamaya pa ang balik nila.

"I see. I can't wait to meet your friend."

"Hindi lang iyon. Magkakasundo kaming tatlo dahil pareho kaming anime lover." Sabi ni Mich.

"Great. Ang akala ko nga ako lang ang anime lover sa papasukan ko hindi pala because I saw Faye's here and then, marami pa pala."

"Tatlo lang kami sa section na ito pero hindi ko lang alam sa ibang section." Sabi ko naman.

"Dumagdag pa ako. Kaya apat na tayo sa section."

"Whoa!" Napatingin ako kung saan galing ang boses. Kay Dante.

"Hi. We meet aga--" Pinutol ni Dante ang sasabihin ni Nathalie.

"Shh. Walang pwede makaalam na nagkita tayo noong anime event." Pabulong ni Dante kay Nathalie.

"Why not? Ano naman masama kung malaman ng iba ang tungkol doon?"

"Masisira ang pangalan ko sa lahat."

"Dakilang babaero kasi si Dante." Sabi ni Mich.

"Pero nagbago na ako para kay Faye."

"Seryoso ka na ba diyan, Dante?" Tanong ni Louie. As usual basag trip na naman ang kaibigan ni Dante.

"Basag trip ka talaga kahit kailan, Louie. Siyempre seryoso ako kay Faye kahit ilang beses pa niya ako i-reject."

Nagsibalikan na ang mga kaklase ko sa kanya-kanyang upuan nila noong pumasok na sa classroom namin si mr. Martinez. Siya kasi ang first teacher namin.

"Good morning, class. Sorry kung late ako ngayon dahil may inasikaso pa ako." Nilibot niya ang paningin sa buong klase at huminto saglit sa direksyon ko pero tumingin siya agad sa katabi ko. "We have new classmate. Can you stand up and introduce yourself?"

Tumayo naman agad si Nathalie.

"Pwede po bang dito na lang, sir?"

"Sure."

"My name is Nathalie Abuel, isa akong cosplayer."

"I see. Another cosplayer. Welcome to our section, ms. Abuel."

"Thank you po." Umupo na ulit si Nathalie sa kanyang upuan.

"And class, bago tayo magsimula sa lecture natin ay may gusto lang akong sabihin sa inyo. Aalis na ako sa susunod na buwan."

"Eh? Bakit po, sir?"

"Nag-apply kasi ako sa Japan last year at pasado ako."

"Kailan po ang alis niyo?"

"I don't know yet pero nandito pa rin naman siguro ako sa darating na school festival natin."

"Mamimiss namin kayo, sir."

"Mamimiss ko rin naman kayo dahil mababait kayong lahat."

Nang nagsimula na magturo si mr. Martinez, lahat kami ay nakikinig sa kanya kahit nga rin si Dante nakikinig din. Talagang ginawa niya ang kanyang pinangako sa may ari ng paaralan na magaaral na siya ng mabuti.

Pagkatapos ng morning class namin ay niyaya namin ni Mich si Nathalie na kumain sa canteen

"Bakit pala dito ang naisipan mong pasukan? I mean, marami namang paaralan sa Pilipinas." Tanong ni Mich kay Nathalie.

"Dito kasi ako kumuha ng scholarship."

"Scholarship?" Takang tanong ko. Isang sikat na cosplayer si Nathalie.

"Yes, pang gastos ko sa cosplay yung allowance nakukuha ko."

"Ano work ng parents mo?"

"Isang tindera ang mama ko habang si dad naman ay isang mechanic." Sagot naman niya sa tanong ni Mich.

My god, ang akala ko ay mayaman si Nathalie dahil isa siyang kilalang cosplayer.

When A Playboy Fell In Love With An OtakuDonde viven las historias. Descúbrelo ahora