Chapter 20

467 17 0
                                    

Dante's POV

Napakamot ako ng ulo habang hinihintay ko si Louie. Pero bigla kong naalala ang sinabi ni Faye kanina. Kailangan kong kausapin si Louie tungkol dito dahil ayaw ko rin makitang nalulungkot si Faye.

Ugh, ano na ba ang nangyayari sa akin? Hindi naman ako ganito dati ah. In love na talaga ako kay Faye.

Naramdaman ko na ang presensya ni Louie kaya napalingon ako sa kanya.

"Ang lalim ng iniisip mo ngayon, Dante. May problema ba?"

"Wala naman problema pero may gusto sana akong sabihin sayo."

"Ano naman iyon?"

"Kung kinausap ka ni Mich ay pumayag ka kasi ayaw kong makitang malungkot si Faye. Alam mo naman kung gaano importante sa kanya si Mich."

"Ano na naman ako binabalak niya?" Binigyan ko lang na kibit balikat ang kaibigan ko. Ayaw ko naman sabihin kay Louie na may plano si Mich na umamin sa kanya sa araw mismo ng birthday niya. "Alam mo naman ayaw kong umasa si Mich."

"Oo pero hindi ko naman pwedeng sabihin kay Faye na kausapin niya si Mich para sabihin na may alam kang may gusto siya sayo."

"Talagang tinamaan ka na kay Faye. Paalala ko lang sayo, Dante ayaw sayo ng kuya niya. Paano pa kung malaman ng pamilya ni Faye ang tungkol sayo? Isang babaero. Once a playboy is always a playboy."

Ang sakit naman magsalita ni Louie parang hindi ko siya kaibigan. Hindi man lang ako suportahan.

"Hindi ko rin alam. Ang alam ko lang ay nagkakagusto na ako kay Faye. At tungkol sa mga kapatid niya ay ako na ang bahalang kumausap sa kanila."

"Dante!" Pareho kami ni Louie napalingon na may tumatawag sa pangalan ko. "Mabuti't naabutan kita."

"Ano ang kailangan mo sa akin?"

"Pwede ba kitang makausap?"

"Okay. Ano ba ang gusto mong pagusapan natin?"

"Tungkol kay Faye." Kunot noo akong nakatitig kay kuya. "Alam mo naman kung gaano kahalaga sa akin si Faye dahil tinuring ko na siyang kapatid ko."

Kapatid? Psh, huwag ako dahil alam ko naman may gusto rin ang kapatid ko kay Faye. Pero sinabi sa akin ni Faye na may anak si kuya kay Ana sa dati nitong nobya na dati ko ring nobya.

Hindi na ako papayag na makuha ulit ni kuya ang babaeng mahal ko.

Mahal mo? Mahal mo na ba si Faye?

Pero ang alam ko lang ay gagawin ko ang lahat para maging masaya si Faye.

"Huwag na huwag mong papaiyakin si Faye dahil kapag nalaman kong umiyak siya ng dahil sayo ay uuwi ako ng Pilipinas."

"Naku, sir. Malalagot na muna sa akin si Dante."

"Mabuti pang bantayan mo itong kapatid ko, Louie."

"Makakaasa kayo sa akin, sir."

"Thank you." Umalis na agad sa harapan namin ang kapatid ko kaya nilingon ko si Louie.

"Ayos ah. Nakahanap ka ng kakampi. Ako itong kaibigan mo at hindi man lang ako suportahan sa gusto ko."

"Kilala kita, Dante."

"Oo na. Balik na tayo sa pinaguusapan natin kanina."

"Susubukan ko pero hindi ako mangangakong hindi ko siya i-reject kung may balak siyang magtapat sa akin."

"Thank you, pre."

Bubuksan ko na sana ang pinto ng unit ko na tumunog ang phone ko kaya kinuha ko iyon sa bulsa. Nakita kong may text message galing sa secretary ng student council. Nawala sa isip ko na vice president pala ako ng SC.

May gaganaping meeting bukas kaya kailangan maaga nandoon na. Sigurado akong paguusapan ang tungkol sa school festival.

Maid-butler cafe.

Iniisip ko pa lang ang magiging itsura ni Faye kapag naka maid outfit siya. Paniguradong cute siya.

Tumuloy na ako sa pagpasok sa loob ng unit ko at nilapag ko ang bag ko sa sofa bago pumasok sa kwarto ko.

Kumuha na ako ng makakain sa ref at iinitin ko lang sa microwave pero muling tumunog ang phone ko kaya kinuha ko iyon sa dining table.

Mommy's calling...

Agad kong sinagot ang tawag ni mama.

"Hello, ma?"

"Son, are you going home tomorrow? Tumawag ang kuya mo na pupunta siya dito bukas kaya ang gusto na pumunta ka rin para maging kumpleto tayo."

Friday naman bukas at kinabukasan ay wala naman kaming pasok.

"Okay, ma. Uuwi po ako bukas para sa inyo." Wala na rin naman ako magagawa dahil matagal na rin ang huling uwi ko sa amin. Hindi nga ako umuwi noong bakasyon dahil marami akong inaasikaso.

"Thank you, son." Binaba na ni mama ang tawag kaya binalik ko na ulit ang phone ko sa dining table para ituloy ang iniinit kong pagkain.

Pagkatapos ko maghugas ng pinagkainan ko ay nag-impake na ako ng dadalhin ko bukas. Galing sa school ay deretso na ako sa bahay. Doon na ako mag-overnight at sa sabado ako babalik rito.

Nagising ako kinabukasan kaya nagasikaso na ako para makapasok na sa school. May meeting pa kasi kami mga SC officers.

Pagkarating ko sa school ay dumeretso na ako sa student council room. Marami pa ang wala dahil si Faye pa lang ang nandito.

"Good morning, Faye."

"Morning."

"Ano ba ang gagawin at nagpatawag ka ng meeting ngayong araw?"

"Ang sabi kasi ni ms. Morales kahapon ay kailangan natin pagusapan ang tungkol sa school festival. Kasama ang ibang section." Tumango na lang ako sa kanya at umupo na sa tabi niya. "Napansin ko lang parang ang dami mo yatang dala ngayon. Ano meron?"

"Uuwi kasi ako sa amin mamaya. Pagkatapos ng klase natin ay dederetso na ako sa bahay at doon na rin mag-overnight."

"Kaya naman pala ang dami mong dala. Akala ko pa naman ay naglayas ka na."

Mukha nga talaga akong naglayas nito dahil ang dami ko talagang dala ngayon. Hindi ko nga alam kung bakit para bang wala na akong balak bumalik sa condo ko.

Dumating na ang ibang members ng SC kaya pinaguusapan na namin ang lahat tungkol sa school festival kahit ang activities na gaganapin. Kasali na doon ang basketball.

Parang gusto kong sumali sa basketball ah.

Napansin kong may inabot sa akin ang sikretarya namin na isang form. Form iyon ng mga sasali sa basketball at mukhang nabasa niya ang iniisip ko.

Isusulat ko na sana ang pangalan ko sa form pero nakita ko ang pangalan ng kapatid ko. Kasali rin pala siya sa basketball. Tsk.

Ang alam ko ay para sa estudyante lang itong activity na gaganapin sa school festival. Sigurado akong pinilit siya ng taga basketball team na sumali.

When A Playboy Fell In Love With An OtakuWhere stories live. Discover now