Chapter 54

343 17 0
                                    

Wow.. I can't believe this nasa ranking ang When A Playboy Fell In Love With An Otaku. Thank you sa suporta at lagi niyo sana subaybayan hanggang sa katapusan. :)

~~~~

Sinundo ako ni kuya Paul nang makarating na ako sa airport ng Japan. Bago kasi ako pumunta dito ay sinabi ko kay kuya Paul na pupunta ako para surpresahin rin si Dante sa araw mismo ng graduation niya kaya siya tuloy ang tumulong sa akin para may matirahan ako rito kahit dalawang araw lang. Dalawang araw lang kasi ang usapan namin ni papa at may kailangan pa akong gawin sa US.

Ngayong araw ang graduation ni Dante kaya sinundo ulit ako nina kuya Paul kasama ang cute niyang anak na si Kotaro.

"Sorry sa isturbo, kuya Paul. Alam ko naman pong kailangan din kayo sa graduation dahil kapatid niyo ang gagraduate." Paghingi ko ng tawad habang sinusundot ang pisngi ni Kotaro. Nakakagigil naman kasi, eh. Ang cute cute talaga ni Kotaro.

"It's okay, Faye. Nandoon na rin naman ang mga magulang namin."

"Um, bakit po pala Kotaro ang pinangalan kay Kotaro? Ang pagkaalam ko po ibig sabihin ng Kotaro ay tiger."

"Tama ka. Pero kaya naman iyan ang pinangalan ni Ana ay dahil Kotaro ang paborito niyang anime character."

Kotaro? As in sa Gakuen Babysitters? Sabagay, ang cute naman ni Kotaro at ng mga babies kaya lang bitin ang anime kaya mas binabasa ko ang manga para malaman ko ang nangyayari.

"We're here." Hindi ko namalayang nandito na pala kami sa parking space ng school nila Dante. Labas pa lang ito pero ang ganda, paano pa kaya ang loob?

Namangha ko ng makita ang loob ng school nila Dante dahil ang ganda. Gusto ko sana libutin pero wala na akong oras.

"Mukhang nagsimula na mag-speech si Dante." Sabi ni kuya Paul kaya nagmamadali na kami sa gym nila.

Wait, si Dante ang nag-speech ngayon? Hindi ako makapaniwala. Ang dating tamad magaral, ngayon ay siya pa ang mataas ang grades para mag-speech ngayong graduation nila. Proud na talaga ako sa boyfriend ko.

Pinapanood ko lang si Dante habang nagsasalita siya sa stage habang ang mga tao ay nagtawanan at iyakan. Ganito naman talaga kapag graduation, eh. Dito natatapos ang lahat. At least hindi masasayang ang lahat na pinaghirapan ng mga estudyante kahit rin ng mga magulang dahil nakapag tapos ang anak nila sa pagaaral.

Pagkatapos ng graduation ceremony ay ang daming kababaihan ang nagpapicture kay Dante. Nagseselos ako dahil ang daming babaeng lumalapit sa kanya.

"Bakit hindi mo pa lapitan si Dante ngayon?" Tanong ni kuya Paul sa akin.

"Mukhang busy pa po siya."

"Tara. Puntahan natin siya." Nauna maglakad si kuya Paul pero sumunod lang ako sa kanya. Nakatago ako sa kanyang likuran at mukhang hindi naman ako nakikita ni Dante. "Dante, I have a surprise for you."

"Huh? Ano iyon?" Bakas sa mukha ni Dante ang pagkagulat ng makita niya ako. "Faye?"

"Congrats, Dante."

"My god. Kailan ka pa nandito?" Niyakap ako ni Dante kahit ang daming pares ng mata nakatingin sa amin. Wala pa rin nagbabago dahil maraming pares ng mata pa rin. Hayst...

"Kahapon pa ako nandito. Kinausap ko si kuya Paul na huwag sabihin sayo kasi gusto kong surpresahin ka."

"This is the best graduation gift. Thank you, kuya."

"Don't mention it, bro. Wala naman akong ginawa at ako lang ang pwedeng tawagan ni Faye para sunduin siya sa airport. Sige, maiwanan ko na muna kayo." Nagpaalam na sa amin si kuya Paul para puntahan ang mga magulang nila.

"May gus--"

"Dante." May isang babae ang lumapit sa kanya at kumapit sa braso nito. Hindi ko alam hanggang dito sa Japan ay may nakarating na pa lang linta. Ang yaman ng linta para magkaroon ng passport at VISA. Tsk.

Kumukulo ang dugo ko dahil ang kapal ng mukha makakapit sa braso ng boyfriend ko.

"Hey, Annika."

"Do you want to come with us? We're going to karaoke after this."

"Sorry, I can't. I'm with my girlfriend right now." Sabi niya doon sa babaeng linta.

Konting konti na lang ay sasabog na ako sa galit. Bwesit! Ayaw pa talaga niya bumitaw sa braso ni Dante.

"It's okay. See you tomorrow." Mabuti na lang naispan na niyang bumitaw sa braso ni Dante.

"Okay." Humarap na ulit sa akin si Dante. "Ano pala ang gusto mong sabihin sa akin?"

"Nakalimutan ko na." Inis na sabi ko sabay irap sa kanya. Naiinis talaga ako. Bakit ko ba nakakalimutang playboy si Dante ah?!

Dahil mahal mo siya.

Pero ito ang isaksak mo sa kokote mo.. Once a playboy always a playboy! Hindi na magbabago iyon.

"Faye, what's wrong?"

"Wala. Ipasyal mo na lang ako dito habang nandito ako."

"What do you mean? Aalis ka ba agad?"

"Oo, kailangan kong bumalik bukas sa US."

"US? Ang akala ko ba babalik ka ng Pilipinas."

"May pinapaasikaso sa akin si papa sa main branch ng kumpanya namin. I still don't know kung branch ba namin sa Pilipinas ako magtatrabaho o sa US."

"Philippines. Faye, sa Pilipinas ka na magtrabaho para naman magkasama na tayo. I miss you so much."

"Ewan ko. Pinagiisipan ko na muna ang tungkol diyan. Pasyal mo na ako dito." Lalong umiinit ang ulo ko ngayong araw. Hindi naman ako ganito dati.

Pinasyal na nga ako ni Dante sa mga magagandang lugar na madalas pinupuntahan ng mga dayuhan. Pangarap ko rin kasi makapunta dito para makita sa personal ang magandang cherry blossom dahil nga hindi Spring season ngayon kaya walang bulaklak ang cherry blossoms.

May isa pa akong gusto sabihin sa kanya kaya nandito rin ako sa Japan pero dahil nangyari kanina ay nasira ang araw ko. Bwesit talaga.

"Ang tahimik mo naman. May problema ba tayo?"

"Wala. Ayos lang ako." Walang gana kong sagot sa kanya.

"Mukhang meron, Faye. Ano ba iyon? Huwag mong sabihin nagseselos ka?" Marinig ko ang pagtawa niya kaya tiningnan ko siya ng masama. "Nagselos ka nga. Kanino? Kay Annika? Huwag ka magaalala hindi naman ako pumapatol sa kapwa."

"Kapwa?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Yes, Annika is a transgender. Lahat kami na kaibigan niya ay nagulat noong inamin niyang transgender siya."

"Kung hindi ka pumapatol sa katulad niya ay bakit hinahayaan mo lang siya kumapit sayo na parang linta!" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya napataas na rin ang boses ko.

"He always do that. Sanay na rin na--"

"Alam mong naiinis ako. Harap-harapan ko pa talaga, Dante! Okay, never mind. Uuwi na lang ako." Tuluyang nasira na ang araw ko ngayon. Bwesit talaga. Magsama sila ng Annikang iyon. I don't care if that Annika is a transgender or not.

"Faye, wait. I'm sorry. I didn't mean to make you jealous." Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Dante at tuloy lang ako sa paglalakad.

When A Playboy Fell In Love With An OtakuWhere stories live. Discover now