Prologue

3.7K 72 6
                                    

Faye's POV

Nagmamadali na ako ngayon dahil late na ako sa first class ko. Hindi kasi nag-alarm ang cellphone ko kanina at nagising na lang noong tumawag ang best friend kong si Mich.

Hindi pa pala ako nagpapakilala ako nga pala si Eugene Faye Silva, isa lang naman akong normal na magaaral at isa rin akong otaku. Kaya lang naman ako late nagising dahil anong oras na ako natulog kakanood ng anime. Kapag nalaman ni kuya Peter ito lagot ako. Sermon na naman ako.

"Good morning, mama." Bati ko kay mama sabay halik sa pisngi. Isang housewife ang mama ko.

"Oh. Hindi ka ba kakain na muna?" Tanong ni mama sa akin.

"Nagmamadali na rin po ako, eh." Kumuha na lang ako ng pancake at lumabas na sa bahay namin.

Teka nga lang familiar sa akin ang nangyayari sa akin ngayon ah. Para yung mga bida kapag nahuhuli sila sa pagpasok. Kung totoo nga lang sila baka magkaroon na ako ng sarili kong reverse harem. Baliw lang ako.

Dahil hindi na rin ako nakaabot sa first class ko kaya sa susunod na lang ako papasok. Isa pala akong 3rd year high school student at sa hindi nagyayabang pero top honor ako simulang 1st year pa ako. Gusto ko kasi maging proud ang pamilya ko sa akin kaya ginagawa ko ang lahat na best ko.

"You're late." Sabi sa akin ni Mich habang uupo ako sa desk ko.

"Sorry. Hindi nag-alarm ang phone ko kanina."

"Hulaan ko, kaya ka late nagising dahil sa anime." Ngumiti lang ako sa kanya. Ang class pala namin ay ang English at ang teacher namin ay wala ng iba kundi si Paul Martinez. Crush kong teacher. Hindi lang iyon kapit-bahay pa namin siya at kaibigan ni kuya Peter.

Ang saklap nga sa daming paaralan sa Pilipinas dito pa talaga siya nagtuturo sa school namin. Hayst... Buhay nga naman parang life.

To be honest, okay lang naman ang umabsent ngayong araw dahil first day of school pa lang naman at introduce yourself lang ang gagawin namin buong araw.

"Good morning, class." Ayan na, si sir Martinez. Gosh, ang gwapo niya talaga sa long sleeve at ang ayos pa ng buhok niya. Mahihimatay yata ako.

"Bes, hinay hinay lang ah. Baka mahimatayin ka." Bulong ni Mich sa akin. Katabi ko kasi siya.

Dahil mabait naman si sir Martinez ay walang seating arrangement kaya katabi ko si Mich simulang 1st year kapag si sir Martinez na ang teacher namin.

"Panira ka ng araw. Tumahimik ka na nga lang diyan." Sagot ko sa kanya.

Isa't isa na nagpapakilala ang mga kaklase ko dahil meron rin kaming bagong kaklase.

"Hi, guys. I'm Michelle Lopez but you can call me Mich."

"Hobby, ms. Lopez?" Tanong ni sir Martinez.

"Sir? Ano po..." Napakamot ng ng ulo ang best friend ko. "Dancing. Mahilig po ako sumayaw kaya active ako sa mga dance competition." Tumango lang si sir Martinez kaya umupo na si Mich sa upuan niya.

"Okay, next." Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko ng makita kong nakatitig sa akin si sir Martinez.

"Bes, huwag ka pahalatang may crush ka kay sir M." Panira talaga itong si Mich kahit kailan.

"Hello. I'm Eugene Faye Silva, you can call me Faye dahil ayaw kong may tumatawag sa aking Eugene para kasing pang lalaki yung pangalan. Hobby ko naman um, drawing at cosplaying."

"Kapag nagkaroon tayo ng school festival rito at magkaroon ng cosplay competition ay ikaw ang isasali namin, ms. Silva."

"Sir, huwag naman po. Hindi naman po ako ganoon kagaling sa cosplay. Hobby ko lang talaga iyon. Hindi naman po ako professional cosplayer katulad ng ibang tao." Nahihiya ako. Sigurado akong namunula na ang pisngi ko.

When A Playboy Fell In Love With An OtakuWhere stories live. Discover now