Chapter 65

418 17 0
                                    

Nakatinginan lang kaming dalawa ni Dante pero ang kinagulat ko na lang ay bigla na lang niya akong sinunggaban ng halik sa labi ko.

Pinalibot ko ang braso ko sa leeg niya dahil lumalambot na ang tuhod ko. Ramdam ko rin ang kanyang braso nakapalibot sa beywang ko para mas lumapit ako sa kanya.

"How about you? Do you love me too?" He asked between our kiss.

Pero ako itong hindi makasagot sa tanong niya. Hindi ko alam pero bigla naging blanko ang utak ko. At ramdam ko rin humiwalay na siya sa akin.

"Hindi mo ko minahal kahi--"

"Sa tingin mo ba sasagutin kita at ibibigay ko sayo ang sarili ko kung hindi kita mahal? Utak din paganahin, Dante. Grumaduate kang magna cum laude ah." Nakita ko naman ang pagsimangot nito sa akin.

"I don't feel it, Faye. You always rejected me kaya iniisip ko baka ayaw mo na sa akin." Hindi na ako sumagot sa kanya dahil muli ko siyang hinalikan sa mga labi nito.

"I'm always jealous everytime I saw you with other girls. Nawawala lagi sa utak ko ang pagiging babaero mo."

"Simulang nahulog ako sayo ay hindi na ako tumitingin sa ibang babae. Simulang niligawan kita, may nakita ka bang babae kasama ko maliban sayo?" Mabilis naman akong umiling sa kanya. "See? Wala ako ibang babae maliban sayo, Faye. Seryoso kasi ako sayo kahit noon pa pero hindi mo naman iniisip iyon."

"Sorry. Ayaw ko lang kasi masaktan."

"Hindi lang naman ikaw nasasaktan dito dahil ako rin."

"I love you, mr. Dante Gonzales. Kahit isa ka pang dakilang babaero ay mamahalin pa rin kita pero subukan mong magsama ng ibang babae ay puputulin ko ang ugnayan nating dalawa at hindi mo na makikita pang muli si Dale."

"Hindi mo pwedeng gawin iyan sa akin."

"Try me, Dante. Try me. Lalayo kami ng anak mo."

"Please, don't do that. Hindi ko kayang mawala kayong dalawa." Niyakap niya ako ng mahigpit para bang sinasabi niyang huwag ako aalis sa tabi niya.

At muli akong hinalikan ni Dante para bang wala ng bukas. Isang mapusok ang halikan naming dalawa sa loob ng kanyang opisina.

"Are you free tomorrow?" Muli niyang tanong sa akin.

"Oo, Sabado naman bukas. Bakit?"

"It's our 4th anniversary." Napasinghap ako dahil nakalimutan ko na ang tungkol sa anniversary namin. "You forgot?"

"I'm sorry."

"It's okay. Yayain lang kita kumain sa labas. Dinner." Nakikita sa mga mata nito ang kalungkutan. Hinawakan ko ang magkabilaang pisngi nito dahil nagtatampo ang boyfriend ko.

"Sorry talaga. Hindi ko sinasadyang kalimutan ang anniversary natin."

"I said it's okay. Alam ko naman busy tayo sa trabaho pero ang mas importante ay meron pa tayong oras para kay Dale." Ngumiti ito ng pilit sa akin.

"Dinner date, isn't?" Tumango siya sa akin. "Okay, pick me at 6pm tomorrow. Pero paano naman si Dale?"

"Ang plano ko doon na muna siya sa bahay the whole day para makasama naman niya sila mama."

"Nagkaayos na ba kayo ng mama mo?" Ang pagkaalam ko kasi hindi siya pinapansin ng kanyang mama kahit noong maliit pa siya. Pinapansin lang siya kapag nandoon si kuya Paul sa kanila.

"Yes, naging maayos na ang pakitungo sa akin ni mama simulang nagkaayos kami ni kuya."

Masaya kung ganoon. Wala na pa lang problema dahil okay na sila ng kanyang mama.

"Alam kong marami kang ginagawa ngayon at ibibigay ko lang naman sayo yung merge contract kaya hindi na kami tatagal ni Dale."

"Huh? Hindi mo naman sinabi kasama mo pala si Dale."

"Wala kasi si mama kasi bumisita siya kay ate Kath ngayon kaya sinama ko na lang siya kanina." Sagot ko sa kanya. Nakita kong nagaayos siya ng kanyang mga gamit.

"Let's go. Kain tayo ng lunch at sigurado akong gutom na ang batang iyon." Hinawakan na niya ang kamay ko at sabay na kami lumabas ng kanyang opisina.

"Nakakatampo ah. Ikaw palagi ang gusto makasama si Dale kahit ako itong kasama niya. Gusto ko bumawi sa kanya dahil ilang taon ako wala sa tabi niya."

"Hindi pa siguro sanay ang bata. Hayaan mo kapag nasanay na si Dale ay baka ikaw na ang hanap-hanapin niya."

Noong nakarating na kami kung saan sina Dale at ate Karen kaya lumapit na sa amin ang anak namin.

Pagkarating namin sa tapat ng elevator ay sakto ang pagbukas ng pinto kaya sumakay na kami sa loob.

"Let's have family dinner sometimes." Sabi ni Dante.

"Huh? Para saan naman?"

"Hindi ba last time nagkaroon ng family dinner. Ang pamilya mo lang ang kasama natin. This time kasama na rin ang pamilya ko and talk about our wedding."

"Wedding agad? Hindi ka pa nga nagpropose sa akin."

"Yes, I know pero ikaw pa nga nagsabi kanina doon rin naman ang punta natin. Alam ko rin naman excited na ang parents natin magpakasal tayong dalawa. Especially, your mom. Hindi ko makalimutan noong tanungin niya ang kung kailan ang kasal natin." Namula ako sa kwento ni Dante. Hindi ko makalimutan ang pangyayaring iyon dahil kakasagot ko lang sa kanya noong panahong iyon. Excited naman kasi masyado si mama.

Hindi ko nga rin alam kung ano ang ginawa ni Dante kung bakit tanggap siya agad ng mga magulang ko kahit alam nila isang certified playboy si Dante. Bigla na lang Welcome to the family.

"And besides, you used Gonzales as Dale's last name." Ngumisi ito sa akin.

Tama naman si Dante, nilagay ko sa birth certificate ni Dale ay Dale Gabriel Gonzales imbes na Silva dahil hindi pa naman kami kasal ni Dante.

"Ano ang magagawa ko? Ikaw ang ama ni Dale at magiging Gonzales rin naman siya."

"Nothing. Nagulat lang ako ginawa mo iyon." Sabi niya at tumingin naman siya kay Dale sabay ngiti. Pareho sila ng anak niya ng ngiti kaya naiinis ako. Matalino rin naman si Dale katulad namin ni Dante pero mabuti na nga lang hindi siya tamad magaral katulad ng ama niya.

"Mommy, daddy. Magpapakasal na po ba kayo at magiging one big happy family na tayo katulad ng mga kaibigan ko?" Tanong ni Dale sa amin. Kaya napatingin naman ako kay Dante.

"Soon, lad. Hindi ko pa kasi niyaya ang mommy mo magpakasal sa akin but soon. Makakasama na tayo sa isang bahay."

"Yaay! Hindi na ako makapag hintay mangyari iyan!" Ngumiti lang ako sa mag-ama ko. Masaya na ako kapag makita kong masaya ang anak ko. Ayaw ko mawala ang ngiti sa mga labi nito.

Bumaba na rin kami sa elevator noong nakarating na kami sa may parking lot.

When A Playboy Fell In Love With An OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon