Chapter 63

377 17 0
                                    

4 years later...

It's good to be back. Natagalan lang ako ng balik sa Pilipinas dahil ang dami ko pang ginagawa sa US at hindi naman ako pwede hindi bumalik ng Pilipinas dahil naghihintay sa akin ang anak ko.

Habang naglalakad ako palabas ng airport ay may isang bata ang tumatakbo papalapit sa gawi ko kaya napangiti ako sa kanya.

"Mommy.." Lumuhod ako sa harapan ng anak ko sabay halik sa pisngi niya. His name is Dale Gabriel. Ayaw ko man aminin pero wala nakuha sa akin si Dale dahil kamukha niya ang kanyang ama pero ang sabi naman ni mama sa akin sa tuwing tumatawag ako ay matalinong bata daw si Dale. I'm so happy to have him kasi siya ang inspiration ko.

"Hi, baby. Did you miss me?" Binuhat ko siya pero napansin ko para bang bumibigat na siya ngayon ah. "Mukhang bumibigat na ang baby ko."

"Walang ginawa ang batang iyan kundi ang kumain ng kumain." Parang nanigas ang buong katawan ko noong marinig ko ulit ang boses niyang iyon. Tiningnan ko ang tao nasa harapan ko ngayon, ang ama ni Dale. Halatang close din ang mag-amang ito. "Ako pala ang nautusan ni tita na sumundo sayo at gusto rin ni Dale sumama kaya sinama ko na rin siya sa pagsundo."

"Naisturbo ka pa tuloy. Alam ko naman marami kang ginagawa sa kumpanya niyo." Sabi ko at kinuha naman niya ang mga gamit ko.

"It's okay, ipapaliban ko na muna ang trabaho ko para lang masundo kita ngayon." Sagot naman nito. Wala pa rin pinagbago ang lalaking ito. Kahit 4 years na rin pero siya pa rin talaga nilalaman ng puso ko. "How are you?"

"I'm fine but tired." Napapakurap na ako para labanin ang antok ko.

"Halata ngang pagod ka dahil napapakurap ka diyan." Binuksan na niya ang pinto sa passenger's seat at kinuha na niya sa akin si Dale. "Matulog ka na habang wala pa tayo sa inyo. And Dale, huwag ka maingay para makatulog ang mommy mo ah."

"Okay po."

Nakadungaw lang ako sa labas habang nasa biyahe kami ngayon. Siguro nga inaantok ako pero ayaw ko naman matulog. Gusto ko pagmasdan ang mga nadadaanan namin dahil sa tagal kong nawala ay wala pa rin nagbago sa Pilipinas.

"Sabi ko sayo matulog ka habang nasa biyahe tayo." Sabi niya habang ang tingin nasa daanan.

"I'm fine. Mamaya na lang ako sa bahay magpapahinga. Gusto ko rin humiga sa malambot na kama para kumportable ako."

Hindi na siya sumagot pang muli dahil ang seryoso niya habang nagmamaneho ng kotse niya. Ngayon ko lang nakitang ganito kaseryoso si Dante. Hindi kasi halata kaya niya maging seryoso sa isang bagay at kahit apat na taon na kami magkarelasyon ay hindi pa rin ako sanay na maging seryoso si Dante.

Hindi nga ako makapaniwalang aabot ng apat na taon ang relasyon namin.

Ang huling balita ko sa mga kaibigan namin ay naging doctor na si Mich ngayon. Si Angel naman ay ang balita ko bumalik daw siya ng Japan para doon magtrabaho at hindi lang iyon sinundan siya ni Shawn sa Japan. Doon na rin nagpakasal last year. Sina Nathalie at Eren naman ay nagpakasal na ang dalawa bago pa ako pumunta ng US at may isa silang anak na babae. Her name is Melody and she is 2 years younger than Dale pero close ang dalawa. Si Louie, wala akong balita sa lalaking iyon. Hindi ko nga alam kung may naging girlfriend ba siya o wala.

"Ano pala balita sa kaibigan mo?" Tumingin ako sa kanya noong tanungin ko siya.

"Kay Louie? Ayun nasa France siya ngayon dahil doon siya nagtatrabaho at ang pagkaalam ko hanggang ngayon single pa rin." Sagot nito. So, wala pala siya naging girlfriend. 4 years na rin ah. "At bago siya umalis ng bansa ay umamin siya kay Mich na gusto siya ng kaibigan ko."

Namilog ang mga mata ko sa aking narinig. Sabi na nga ba, eh. Tama ang hinala ko noon.

"Bakit ngayon lang? Kailangan pa masaktan ang kaibigan ko bago niya narealize gusto niya rin si Mich. Grabe siya ah." Nakasimangot na sabi ko sa kanya. Pero masaya rin ako para kay Mich. Dream come true na.

"Siguro nga nahuli lang si Louie bago niya napansin na may gusto niya kay Mich at siya nga rin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring boyfriend si Mich. Sinisiraan kasi ni Louie si Mich sa mga lalaki na gustong mangligaw sa kanya."

"Grabe naman."

Tumingin ako kay Dante dahil napansin kong nakatingin siya sa akin habang naipit kami sa traffic.

"Ikaw, kailan mo ko sasagutin?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

"Sasagutin? Hindi ba apat na taon na tayo magkarelasyon? Huwag mong sabihin nakalimutan mo na, Dante. Magaaway tayo ngayon."

Ang tungkol sa aming dalawa ni Dante ay apat na taon na nga ang relasyon namin at wala naman masyadong nangyari maliban sa pagdating sa buhay namin si Dale. Maaga nga lang dumating si Dale sa amin pero hindi naman ako nagsisi.

"I mean, marriage proposal. Almost a year na kita tinatanong tungkol sa pagpakasal." Binalik niya ulit ang tingin sa daanan noong nag-green na ang stoplight.

Tinanong nga ako noon ni Dante sa marriage proposal pero thru video call. Siyempre, papakipot na muna ako kahit may anak na kami at ayaw ko noon. Sa video call siya magpropose sa akin, hindi sa totoong buhay. Ano siya sinuswerte?

"Batukan kaya kita diyan? Sa video call ka nagpropose sa akin."

"Okay, I'm going to propose you again. Be ready, Faye. Yes or yes lang ang isasagot mo sa akin." Sabi nito at tinuro ang likod. Ang tinuturo niya ay si Dale siguro dahil ang anak lang naman namin ang tao sa backseat. "May anak na tayo kaya hindi ka pwede humindi."

Do you think that I am going to say no?

Lokohin ko kaya ang lalaking ito sa araw ng pagpropose niya sa akin. Nakaisip pa naman ako ng kalokohan ngayon.

Hindi ko na namalayan nandito na pala kami sa tapat ng bahay namin kaya bumaba na kami ng kotse. Si Dante na ang nagpasok ng mga gamit ko sa kwarto ko.

"I have to go para magpahinga ka na rin." Hinalikan niya ako sa ulo bago pa siya tumingin kay Dale. "Dale, watch over mommy and tell me kung hindi siya nagpapahinga ah."

"Okay po.." Ginulo ni Dante ang buhok ng kanyang anak. "But daddy, laro po tayo ulit ah."

"Sure, lad. Kung hindi busy si daddy."

Malalagot pa ako nito kung hindi pa ako magpapahinga ngayon. May taga bantay na kung hindi ako magpapahinga kaya nagpasya na ako magpahinga.

My god, I missed my bed.

When A Playboy Fell In Love With An OtakuWo Geschichten leben. Entdecke jetzt