Chapter 53

340 12 0
                                    

Bumaba na ako pagkatapos ko magayos at nakita ko na nga si Dante nakaupo sa sofa habang naghihintay sa akin. Kung ano ang suot niya kanina ay iyon din ang suot niya ngayon.

"I'm done and ready to go." Sabi ko para kunin ang atensyon dahil tulala siya kanina. "What's wrong?"

"Nothing." Tumayo na ito sa kinauupuan nito. "Let's go. Ang sabi ng papa mo ay gamitin ko na lang ang isang kotse dito para hindi na tayo gumastos sa pamasahe ng cab."

"Okay."

Sumakay na ako sa passenger's seat habang si Dante naman ang nasa driver's seat. Marunong na rin naman siya magmaneho dahil nagaral na siya magmaneho noong 19 years old pa lang siya.

Ang tahimik dahil wala sa amin gustong magsalita as in awkward ang buong sasakyan. Ang ginawa ko na lang ay inabala ko na ang sarili sa pag-browse ng internet kahit nga facebook ko ay binuksan ko na rin pero nakakapagtataka ang daming notifications. Binuksan ko iyon para alamin at sa daming notifications pero isa lang naman pinanggalingan ang lahat na iyon. Clinick ko para alamin na talaga at bumungad sa akin ang in a relationship with Dante Gonzales. Oh my gosh!

"Ano ito?" Pinakita ko sa kanya yung status pero hindi naman niya inabalang tingnan.

"Girlfriend na kita kaya normal lang naman ibahin ko na ang status natin, Faye."

"Sabagay."

Binasa ko na rin ang mga nag-comment sa relationship status namin ni Dante. Ang unang una ngang nag-comment si Mich, eh pero may iba akong hindi kilala. Baka kaklase ni Dante sa Japan.

Michelle Lopez: OMG! Bes, sinagot mo na pala si Dante. Congrats.

Angel Arikawa: Congrats, girl!

Nathalie Abuel: May love life na siya hahaha! Congrats sa inyong dalawa at sana tumagal pa kayo ng ilang taon.

Louie Aguilar: Siguraduhin mo lang hindi mo papaiyakin si Faye, ah. Congrats sa inyong dalawa.

Shawn Mendoza: Congrats! :)

And the rest hindi ko na kilala. Marami rin nag-likes at reacts sa status namin ni Dante.

"Mukhang hindi pa alam ni kuya Paul nangyari ah."

"Bihira na lang magbukas ng facebook si kuya dahil sobrang busy niya sa trabaho."

"High school pa rin ba ang tinuturuan niya hanggang ngayon?" Tanong ko kay Dante.

"Yep, iyon kasi ang gusto niya. Masaya kasi siya kapag high school ang tinuturo niya at ang sabi niya naalala daw niya tayo."

"Dante.." Sumulyap siya sa akin pero binalik rin niya ang tingin sa kalsada. "Nagsisi ka ba sa nangyari?"

Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Isa lang ibig sabihin noon nagsisi talaga siya sa nangyari kanina. Napatingin ako ng kunin niya ang isang kamay ko nakapatong sa lap ko.

"Faye, I feel guilt dahil hindi tama ang nangyari-- Wala pa nga tayong trabaho. Kahit noong unang may mangyari sa atin pero sabi mo nga sa akin hindi na natin naibabalik ang lahat." Nalulungkot ako dahil nagsisi talaga siya sa nangyari pero ako, hindi. Kahit kailan ay hindi nagsisi. Hindi ko nga magawang magalit sa kanya. Siguro mahal ko siya. "Pero..."

Tumingin ako sa kanya at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"Pero kapag nagkaroon ng bunga ay handa akong panagutan ka." Tumingin na siya sa akin ng nakahanap na siya ng parking lot dahil nandito na kami sa tapat ng restaurant.

"Paano kung wala?"

"Eh, maghihintay na lang tayo kapag kinasal na tayong dalawa." Hinaplos niya ang pisngi ko bago pa kami bumaba ng kotse.

Pagpasok namin sa loob ng restaurant ay kinausap ni Dante ang isang waitress sinamahan niya kami kung saan ang pamilya ko.

"Nandito na pala sila Faye." Bungad ni papa sa amin.

"Sorry kung late po kami." Sabi ni Dante at pinagtulak niya ako ng upuan.

Nagsimula na rin kaming kumain dahil nagorder na pala bago pa kami dumating ni Dante.

"Congrats pala sa inyong dalawa. Sinagot mo na pala si Dante kanina, Faye." Hindi na ako nagulat kung paano nila nalaman ang tungkol doon. It's either sinabi ni Dante sa kanila kanina o nakita nila ang status namin sa facebook.

"Salamat po, tita."

"Ang hinintay na lang natin ang graduation ni Dante. Kailan nga ulit ang graduation mo?" Tanong ni papa.

"Next month pa po." Napatingin ako kay Dante. Next month na pala ang graduation niya. Kailangan ko na magpabook ng flight papuntang Japan.

"Nandito na rin naman tayo, bakit hindi natin pagusapan ang tungkol sa kasal niyong dalawa." Naibuga ko ang iniinom kong tubig at naubo na rin sa sinabi ni mama.

"Kasal agad, ma? Kakasagot pa lang ni Faye kay Dante kanina tapos kasal agad. Hindi naman yata ako papayag mauunahan ako ni bunso magpakasal. Naunahan na nga ako ni kuya, eh."

"Kailan niyo ba balak magpakasal ni Steve, Kath?" Tanong ni papa. Hindi pa nga nagpropose sa kanya si kuya Steve.

"Hindi pa po siya nagpropose sa akin, pa."

"Oh? May balak ba siyang yayain ka magpakasal? Baka naman hindi talaga siya handa magpakasal sayo, Katherine." Sumimangot naman si ate Kath sa sinabi ni mama.

Hindi ko alam kung kasal ang pinaguusapan ngayong gabi. Si mama kasi ang pasimuno noon.

"After your graduation, ano ang balak mo, Dante?" Pagiba ni papa ng topic.

"Babalik po ako ng Pilipinas para maghandle ng kumpanya namin. Sa akin po kasi pinasa ni dad ang kumpanya. Hindi pwede kay kuya dahil mas gusto pa niya ang magturo."

"That's good. Anyway, next time let's have a family dinner again. Kasama na ang pamilya mo, Dante."

"Sige po. Sasabihin ko na lang po sila tungkol diyan."

Pagkatapos kumain ay abala pa rin ang paguusap sina papa at Dante tungkol sa business. Mga lalaki nga naman talaga. Business talaga ang gusto pagusapan. Alam ko rin naman tinuruan na si Dante kung paano humawak ng kumpanya noong high school pa lang kami. Nalaman ko rin kapag bakasyon pala niya ay umuuwi siya sa Pilipinas to train dahil iyon ang pinagusapan nila ng papa niya. Desidido nga talaga si Dante humawak ng kumpanya nila.

"Wala ka bang balak tuparin ang pangarap mo, Faye?" Tanong ni mama from nowhere. Nginitian ko lang si mama.

"Maybe next time. Kapag may naipon na po akong pera ay babalik ako sa pagaaral to fullfil my dream."

"Anong pangarap iyon?" Bulong ni Dante para dahilan na tumingin ako sa kanya.

"I want to be a game developer. Pero wala rin naman may gustong humawak ng kumpanya namin kaya hindi ko na muna tinupad."

When A Playboy Fell In Love With An OtakuWhere stories live. Discover now