Chapter 6

702 23 0
                                    

Anong source ba pinagsasabi nito? Imposible naman si Mich ang magsabi sa kanya. Alam ko galit ang kaibigan ko kay Dante.

"Ano ba pinagsasabi mo diyan? Kung wala kang magandang sasabihin, mauuna na ako sayo." Hinawi ko ang kamay niya sa pisngi ko bago maglakad palayo sa kanya.

"Papayagan mo ba ako kung papatunayan ko sayo na kaya ko magbago, Faye?"

"Ano ba hirap intidihin sa sinabi ko sayo kanina? Hindi ikaw ang type kong lalaki."

Pagpunta ko sa school ay hindi na sumunod sa akin. Mabuti na lang kung ganoon dahil ayaw ko ng gulo at pagusapan ng mga babae rito sa campus.

"Good morning, Faye." Napangiti ako sa bumati sa akin.

"Morning, Angel."

"Hindi mo yata kasama pumasok ngayon si Mich ngayon."

Come to think of it, hindi ko pa nga nakikita si Mich ngayon. Siya palagi ang nauuna kong nakikita sa tuwing pumapasok ako sa school.

"Baka nasa classroom na siya ngayon." Sabi ko sa kanya.

Sabay na kami ni Angel naglakad papunta sa classroom namin pero may tili ng mga babae kami narinig. Kaya napalingon kami ni Angel sa likod, as usual dumating na si Dante.

"Kyaaa! Ang gwapo talaga ni Dante."

Gwapo? Saan banda? Baka naman malabo na ang mga mata nila at kailangan na nila magpacheck up.

Kahit kailan hindi ako nagugwapuhan kay Dante. Kahit noong unang apak ko sa high school ay hindi ako nagkagusto kay Dante.

"Let's go, Angel. Malapit na magsimula ang unang klase natin."

"Mabuti pa nga."

Pagkatapos ng morning class namin. Ano pa nga ba maasahan kay Dante, tulog siya sa klase ni mr. Martinez at mukhang ayaw niya talaga makinig.

Pero himala hindi pumasok si Mich ngayon na hindi nagpapaalam sa akin. Ni wala ngang text sa akin ang babaeng iyon. Ano kaya ang nangyari sa kanya?

"Ano kaya nangyari kay Mich ngayon?" Tanong ni Angel sa akin habang naglalakad kami papuntang canteen.

"Hindi ko alam. After school ay pupuntahan ko siya sa kanila."

"Sama ako sayo." Tumango na lang ako kay Angel at umupo na kami sa bakanteng table.

"Ano ang gusto mong bilihin? Ako na ang bibili ng makakain natin." Sabi ko sa kanya sabay tayo.

"Burger at fries. Water na lang drinks ko."

Pumila na ako para makaorder na agad. Marami kasi pagpipilian na makakain dito sa canteen pero yung iba ang mahal. Kaya doon lang ako mura para may ipon pa ako. Gusto ko kasi sariling pera ko ang pang gastos sa pangcosplay ko pero dahil wala pa naman akong trabaho kaya iipon muna ako sa allowance ko.

Bumalik na ako sa table namin na dala ko ang inorder kong pagkain at nilapag ko na.

"Thank you, Faye."

"You're welcome." Umupo na ako sa harapan ni Angel para magsimula na kumain. "Sa daming school sa Pilipinas, bakit ang school namin ang napili mong pasukan?"

"Dito rin kasi nagaral si mama kaya dito na nila ako pinag enroll. Hindi naman ako nagsisi na dito magaral dahil nakilala ko kayo ni Mich."

"Sweet. Masaya rin naman kami na naging kaibigan ka namin."

"Paano pala kayo nagkakilala ni Mich?"

"Kababata ko si Mich. Simulang pre-school ay magkasama na kami pero hindi ko inaasahan pareho ulit papasukan namin ngayong high school."

"Friendship goal. Baka kahit sa college ay pareho pa rin kayo ng school."

"I don't know. Kasi pagkagraduate natin ay susunod ako kay papa sa states."

"Aw, pagkagraduate pala natin nang high school ay maghihiwalay na kayo ni Mich."

"Hindi naman. Magbabakasyon naman ako rito kapag bakasyon ko." Sabi ko habang umiinom ng tubig.

"Pero alam na ba niya?"

"Yup, matagal na rin kasi plano kong sumunod kay papa after graduation. At alam rin ni Mich na kung gaano ko gusto makasama si papa."

Hindi ko naman sinabing papa's girl ako pero mas close talaga ako kay papa kaysa kay mama. Simulang bata ako ay si papa na ang palagi kong kasama at kakampi.

"Nandito ka lang pala." Lumingon ako dahil familiar sa akin ang boses na iyon.

"Ano nangyari sayo? Nagaalala ako sayo dahil hindi ka pumasok kanina."

"Sorry kung hindi ko sinabi sayo agad. Nagkaroon kasi ng emergency sa bahay, sinugod namin si mama sa ospital."

"Ano nangyari? Kamusta si tita?"

Sana walang mangyaring masama sa mama ni Mich.

"Ang sabi ng doctor na kailangan na ilabas ang baby brother ko, kung hindi pareho sila ni mama mamatay."

Oo nga pala, buntis pala ang mama ni Mich.

"At nakausap ko na rin ang mga teacher natin kaninang umaga at sinabi ko sa kanila ang dahilan kung bakit ako absent kanina."

Kilala ko si Mich, hindi siya yung estudyante na aabsent na walang dahilan.

"Balak sana namin ni Faye na bisitahin ka sa inyo para alamin ang nangyari." Sabi ni Angel kay Mich.

"Oo, nagaalala talaga ako sayo pero mamaya after school dadalaw na lang kami kay tita."

"Samahan ko kayo papuntang ospital. Papalitan ko kasi si dad mamaya. May pasok pa kasi siya mamayang gabi."

Ang mga magulang ni Mich ay isang doctor at nurse. Mukhang may balak naman itong kaibigan ko na sumunod sa kanila at maging doctor o nurse rin balang araw.

Ako naman, ang pangarap ko maging isang game developer. Pangarap ko iyon simulang bata ako. Ang gumawa ng sariling laro galing sa ating bansa.

Pagkatapos ng afternoon class namin ay buong araw hindi ako ginulo ni Dante at hindi ko nga siya nakita kaninang lunch break kahit sa mga klase.

Wala naman akong pakialam sa kanya kung saan siya nagsusuot.

Pumunta na kaming tatlo sa ospital kung saan sinugod ang mama ni Mich kaninang umaga.

"Papa, musta na po si mama?"

"Maayos na ang mama mo ngayon pero ang kapatid mo ay under observation dahil mahina ang heartbeat niya."

Gosh. Sana walang mangyaring masama sa kapatid ni Mich. Matagal na niyang pangarap na magkaroon ng kapatid, kaya noong sinabi sa kanya ng mga magulang niyang magkakaroon na siya ng kapatid ay laking tuwa niya.

"Everything's fine, Mich." Sabi ko at niyakap ko ang aking best friend.

"I know. Alam ko naman palaban ang kapatid ko katulad ng kanyang ate. Naniniwala akong malalampasin niya ang lahat na ito at makakasama niya kaming lahat hanggang sa paglaki niya."

When A Playboy Fell In Love With An OtakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon