ITIM AT PULA [ ON HOLD]

By ClaraSaejo

39.7K 1K 86

Ito ay kwento ng isang lalaking tao na piniling kalabanin ang buong lahi ng mga halimaw para ipaglaban ang pa... More

Overview
Simula ng Lahat
Maia at Elyhenia
Si Lavender
Ang Mga Angkan
Messiah?
Ang mga nilalang sa kapaligiran
Fateful Love
Pagkawala ng pag asa
Unang yugto ng umpisa
Ang nangyayari sa kapaligiran
Extra Chapter - Imahinasyon ni rhodney I
Sa loob ng kanyang munting mundo
Ang tunay na halimaw
Extra Chapter - Imahinasyon ni rhodney II
Ang tunay na halimaw II
Angelic Howl
Ang aming Unang Halik
Ang Pag-gising ng kanyang kapangyarihan
Inlove agad?
Ang Unang Ingkwentro pt.1
Ang Unang Ingkwentro pt.2
Ang Unang Ingkwentro pt.3
Ang Unang Ingkwentro End
Anong bago sa umpisa ng taon?
Tatlong Baliw
Triple Treat
Sumalungat sa kapalaran
Kaibigan
Kalaban sa dilim I
Kalaban sa dilim II
Kalaban sa dilim III
kalaban sa dilim IV
Extra Chapter - Ala ala ng Isang Tao sa Nakaraan
kalaban sa dilim V
Kalaban sa dilim VI
Royal Rumble
" Pagod na Ako"
Extra Chapter - Ang bagay na binigay mo sa akin
Katangian ng isang pinuno
Hangang sa muling Pagbangon

Trouble is a friend

739 22 2
By ClaraSaejo

6:18AM

"He's there in the dark~"

"He's there in my heart~"

"He waits in the winds~"

"He's gotta play a part~"

"Trouble is a friend~...
Yeah trouble is a friend of mine~"

"Oh oh"
"Oh oh"

Ako'y nag e-enjoy na kumakanta habang nakasuot ng headset habang nakapila para magpa photo copy sa xerox machine ng biglang may nakisabay sa aking pagkanta.

Agad ko ihininto ang aking pinapatugtog at inalis ang earphone sa aking tenga sabay tingin sa pinangalingan ng boses.

"Oh problema..pre...ituloy mo lang....ganda ng boses mo ah"

"Alam ko yang kantang iyan eh....mas maganda yung remix...yung palaging ginagamit sa sayaw sa mga videos..mas maganda yun pre..ayun na lang ipatugtog mo"

Hindi pa ako nakakalingon eh tinadtadtad na ako ng pangungusap!.

Paglingon ko sa aking likoran ay nakita ko ang aking kaklaseng lalaki na tulad ko ay nakapila din sa nag iisang free public photo copy xerox machine sa aming paaralan.

Haaa... Sa dami ng maaring maging tao sa likoran ko ay eto pang isang to...umagang umaga eh... Why naman..

"Oh wag mo naman ako titigan ng ganyan...hindi biro..ngayon ko lang nalaman maganda pala boses mo ahha"
Wika niya at ako'y kanyang tinapik tapik sa balikat habang tumatawa ng parang wala ng bukas.

First of all ganito talaga ang default na mukha ko , isang seryosong mukha at mapanindak at ikalawa..alam kong sinasabi mo lang yan para makapag yabang ka sa akin kapag ako'y kumagat sa sinabi mo.

Agad ko hinampas ang kamay niya na tumatapik sakin ngunit hindi siya tumigil at lalo pa niya nilakasan ang pagtapik tapik sa akin.

Touch me not!!!.

Noli me tengene eh!.

Carlo ang pangalan niya, isa sa aking mga kaklaseng lalaki na kung ide-describe ko ay sobrang nakakairita...may pagkamahangin ngunit hindi iyon ang nakaka inis sa kanya.

"Oh..pre bakit tahimik ka pre?....magsalita ka naman~"
Muling wika niya at ihininto ang pagtapik sa aking balikat at pinalitan ng pag sundot sa aking tagiliran.

Isang extrovert na mahilig mag invade ng personal space ng iba...yup...tulad ng ginagawa niya ngayon sakin ngayon.

Tapos soooobrang madaldal at pakealamero at palaging nagmamagaling at loko loko...teka mauubusan na ako ng"  at" sa dami ng reklamo ko sa personalidad niya.

"Oh pre...magpapa xerox ka din?"
Wika ko sa kanya para siya'y pansinin at ng sa ganun ay matigil ang pangugulo niya sa akin.

"Xerox?..bwhahah....photo copy tawag dyan pre..hindi xerox! Sus~"
Wika niya ng may pagmamalaki.

Nakatayo ay pinagtinginan kami ng mga kapwa estudyante sa paligid.

Anong pinaglalaban mo?...nakasanayan ko na tawaging xerox machine ang photo copy at anong point ng pag correct mo sa akin?.

Nainis ay tunalikod na ako sa kanya at muling pinatugtog ang aking pinakikingan na kanta.

Hindi na inalam ang kanyang ginagawa sa aking likoranan ay nagpatuloy na lamang ako sa pakikinig sa aking earphone habang ikinakanta sa aking isipan ang bagong kanta na pinapatugtog ko sa aking cellphone.

Shinjiru koto sore dake de~

bokura doko made mo tsuyoku nareru~
Kimi ga oshiete kureta ~
ano hi kara kawaranu hikari ga~
Tatoe futari wo wakatsu toki ga kitemo ~
Kanarazu mata kimi wo mitsukeru kara-

Lumipas ang ilang segundo lamang ay naramdaman ko na natangal ang earphone sa aking kanang tenga at hindi iyon natangal ng natural at may humugot doon.

Ano nanaman!!!. Kalagitnaan ng best part ng chorus eh!.

"Pre....ano tong pinakikingan mo?, Naiintindihan mo ba ito?..ano to chingchong chang? , Korean?..kpop ba to ewww?"

Japanese yan! Yupak ka!.

"....."

"...."

"Mahilig ka pala sa mga ganyan baduy!, Pangit!"

Pa...pa..pangit?!.

An..anong?!, Magkaiba tayo ng taste sa music! Wag mo i pwersa sa akin ang opinyon mo sa kung ano ang baduy at hindi!....atleast nakikinig ako ng mga musikang masarap pakingan sa tenga,hindi tulad ng mga pinakikingan mong basicaly ay ingay lamang ng singer na dumadada at sinusuportahan lamang ng beat sa backround!.

"Oh de wag mo pakingan!"

Muling humarap sa kanya ay agad ko binunot ang aking earphone sa tenga niya at binawi ito, pinunas ito sa aking damit bago muling ibinalik sa aking tenga.

"Oh bakit ka galit pre...."
Wika niya habang gulat sa aking ginawang agarang pagbawi ng aking kagamitan sa kanyang mga kamay.

Muling hindi siya pinansin ay tumalikod na uli ako at naghintay sa linya kung saan ay pangatlo na ako.

Umaga pa lamang ay pumasok na ako para maabutan ang photo copy/printing machine na walang tao, ito ang nag iisang photo copy machine sa aming campus kung saan ay libreng gamitin ng kahit sino man na walang budget dahil walang bayad ang serbisyo dito ang problema nga lang ay bukod sa self service ang photocopy/printing machine ay marami as in napakarami din ang gumagamit nito kahit na may sapat naman silang pera para gumastos sa mga computer shop sa labas ay mas pinipili pa nilang makipagsapalarang pumila, hindi ko naman siguro sila masisisi dahil bukod sa libre ay nasa loob lamang ng campus namin ang machine.

"Jonathan"

"Jonathan!"

"Oy!....jonathan"

Walang binatbat ang aking earphone sa ingay ng kanyang bunganga.

Hoyyy! Ano nakaka perwisyo ko na hindi lamang sa akin maging sa mga katabi na natin ah!.

"Tumawag si mark! Sabi nanjan na si ser at hinahanap na kami!"
Wika niya sa isang aboridong boses, agad ako lumingon sa kanya at nakitang hawak niya ang cellphone niya.

"jonathan! Nagpapa photo copy ka din ng handouts no? Hindi print?, Pasuyo na lang ako!!"
Wika niya sabay pilit inaabot ang kanyang ipapaphoto copy sa akin.

Anong suyo! Eh sapilitan ang ginagawa mo eh! Ano ka ba? Feeling close!.

"Nakapila ka na eh...maghintay ka na lang.."
Wika ko sa isang naiinis na tono ngunit ako'y hindi lumingon sa kanya.

"Pasuyo na..nandyan na daw si sir rohelyo  eh! Hinahanap na kami, alam mo naman isa ako sa mga nasa morning cleaning duty!"
Wika niya sa akin at pilit ibinigay ang kanyang hawak hawak na mga papel.

Ano namang pake ko! Kasalanan mo iyan, pumasok ako ng maaga para makapila ng maaga para hindi ma late....gawin mo din parte mo!, Ikaw papasok pasok ng alanganin sa oras na itinakda sa task mo.

"Dali na..kapag nalaglag to!"

Wala na lamang akong nagawa kundi hawakan na lamang ang mga papel dahil baka magsilaglagan pa ito at nakagawa na ng away.

"Balik nako classroom ah ,i abot mo na lamang sa akin mamaya"
Wika niya at nagmamadaling umalis.

Haaaaa......umagang umaga eh...

Stress~.

Muli ako tumingin sa aking harapan at hindi napansin ang kasalukuyang nangyayari, nagtipon tipon ang kasalukuyang gumagamit ng photo copy machine at ang dalawa pang nasa kasunudan niya ay tila ba kinukumpol ang printing machine.

Anyare?.

"Tol..pabantay ah..tignan ko lang kung ano nangyayari?"
Wika ko sa aking nasa likoran at siya naman ay tumango.

Dahan dahan ako lumapit sa kanila at tinignan ko kung ano ang komosyon na nagaganap.

"Nag jam...koya, naipit yung papel sa ilalim"
Nakatitig siya sa aking ID lace na sa tingin ko ay inaalam kung anong year ako, gumilid siya para ako'y bigyan ng  dadaanan.

"Ay okey lang..salamat.."
Wika ko sa kanya.

Iba iba ang kulay ng ID lace bawat antas ng taon sa timog foundation at nakagawian na na igalang sa loob ng campus ang may mas nakatataas na schoolyear, parang Seniority privilege.

Patay naloko na...wala akong kaalaman tungkol dito..kung computer base jetprinter eto ay may magagawa ako pero...haa...tignan ko na lang kung ano magagawa ko sa sinaunang printing machine na to.

"Maari mo ba hawakan muna eto, titignan ko kung anong magagawa ko"
Wika ko sa aking nasa harapan at nakangiti niya namang kinuha ang aking hawak na papel at pinatong kasama nung kanya.

"Sige po koya"

Pawang mga nasa mababang taon sa akin ay tumabi sila at binigyan ako ng daan para matignan ang printing/photo copy machine.

Ayon sa aking kaunting kaalaman na nakikita ko sa kung saan saan ay binuksan ko ang naka usling parte ng machine at doon lumabas ang bukanang parte kung saan ay nabubuksan talaga ito at sinadyang lagyan ng siwang para doob kunin ang papel kung sakaling mag jam.

Nice!.....buti naman!.

"Wo..wow!"
Wika ng isa sa mga estudyante sa aking tabi.

"Ang galing mo koya ah"
Wika naman ng may hawak hawak ng aking handouts.

"G..gagana na po ba yan?"
Wika din ng isa pa naming katabi.

"Tignan natin"

Natangal ang na jam na papel ay agad ko ito ibinalik sa  dati nitong pagkakalagay.

"Subukan mo...

"Kayo na po muna kuya..scanning po kasi ako...matagal tagal"

"Ok lang ikaw naman ang nasa una eh"

"Pero..."

Nakangiti ay sinenyasan ko ang pinagbigyan ko ng handouts na muling ibalik niya na sa akin ang aking binigay sa kanya.

"Balik na ako ah"
Wika ko at nanumbalik ako sa aking linya.

Parang isang bayani ay nanumbalik ako sa linya at tinignan ang oras sa aking cellphone.

6:53AM

Instant regret! My gad! Malapit na mag alas syete!.

God! Nagpapakabayani pa ako eh alanganin na ako sa oras!.

Haaa..bahala na makinig na nga lang uli ng music para kumalma kalma naman.

Habang nakikinig sa music ay may isang pamilyar na amoy ang dumaan sa aking ilong.

Isang amoy ng halimuyak na pamilyar na pamilyar sa akin, galing sa isang natural na bango at hindi galing sa artipisyal na bagay tulad ng colone o perfume.

"Oh jonathan, nandito ka"
Kasabay ng familiar amoy ay familiar din na boses ang aking nadinig.

Maia!!.

Tuminin ako sa aking gilid, sa kanan kung saan ko nadinig ang boses ni maia at laking gulat ko ng malamang nakatutok ang mukha niya sa akin kung saan ilang sentemetro na kanang ang lapit namin sa isat isa.

Ang lapiiiit niya!.

"Problema jonathan?"

"anong ginagawa mo dito, 7:00 na ah..."
Wika ko naman sa kanya.

"Magpapa photo copy din sana dito kaso ang haba ng pila eh...balak ko lumabas nalang at doon magpa photo copy"

Sa labas? TekA? Hindi ba at?...anong oras na ba?.

"Teka....malapit na nag 7:00 ah..o 7:00 na.."

"Hmm?, 7:00 na jonathan...mala-late naman si sir eh diba sabi niya kahapon? I think 30mins late or so..sabihin nalang natin may 28 minutes pa tayo.."
Wika sa akin ni maia.

Wait what?.

Kahapon?..sinabi niya?.

Nakita ang confuse na mukha ko ay bigla siya napa isip.

" Ay pasensya na...i think lumabas kayo ni dante nung time na sinabi niya yun eh.."
Muling wika ni maia.

Tekaaaa...mala-late...ibig sabihin..alam din ni carlo ang tungkol dito?.

Walang hiya talaga yung hinayups na yun! Ginawa pa akong katawa tawa ah!.

"Magpapa photo copy ka diba?, Mahaba pa ang pila dito.....nasa pang 7th ka pa..tara..ilibre nalang kita..doon tayo sa labas samahan mo nalang ako"
Agad na wika niya sa akin at ako'y hinawakan niya sa kamay.

haaa...haaaaa~!.

Hinila niya ako!.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kasalukuyang nasa labas ng campus kasama si maia ay hindi ko mapigilan ang mabilis na pagtibok ng aking puso.

May mga development ng nagaganap!.

Hindi lamang sa nadidinig ko na sa kanyang labi ang aking pangalan ay nagawa ko na din hawakan ang kanyang kamay at ang lambot nito my gad!...at ngayon ay kasama ko siya yes! Kaming dalawa lamang...sa labas ng school campus.

Haaa...ang sarap magkaroon ng isang crush ....ang sarap sa pakiramdam...heaven~.

Lalo na kapag kasama mo ang crush mo.

Para akong lumulutang sa ere tuwing napapasulyap ako sa kanya, ang babaeng aking hinahangaan.

"Oh jonathan, maaga pa naman eh wala pa iyon"
Wika niya at mula sa kanyang dalawang kamay ay may dala dala na pala siyang supot ng palamig.

Ha...ha! Bumili siya?!.

"Pineapple o lemon?"
Wika niya sa akin habang pinagpipili ako sa kung saang inumin ang aking gustong kunin mula sa kanyang kamay.

"Le..le...lemon"
Wika ko ngunit para sa akin ay kahit anong ibigay niya ay ok naman.

"Haaa...lemon din gusto ko eh, dibale na ..oh jonathan"
Wika niya at inabot niya sa akin ang palamig na malugod ko namang tinangap kahit nagdadalawang isip ako na kunin na lamang ang pinya.

"Ano..tara na....doon oh..mukang walang halos tao doon"
Wika ni maia sabay turo sa isa sa mga computer shop sa paligid ng aming campus.

Muli niya hinawakan ang aking kamay at ako'y muling hinila.

Haaaa..napapadalas na ang paghila ng mga babae sa akin ah!.

Matapos ng isang napakagandang event ng aking buhay ngayong umaga sa photo copy shop ay nanumbalik na kami papasok sa campus sabay na naglakad sa malawak na open field ng paaralan at sa mga hallways ay napa isip ako kung mag jowa ang tingin sa amin ng mga nakakasalubong namin.

Hawak ang ipi-naprint ni maia sa kanyang kaliwa ay naging libre ang kanan niya.

Hawak niya ang kamay ko gamit ang libreng kamay niya, yung kanan! Habang hawak ko naman ang mga papel sa kaliwa na kahit nahihirapan na ang kaliwa ko eh pilit pa din ito lumalaban para mahawakan ni kanan ang kamay ni maia.

You can do it kaliwa....

Your sacrifice wont be in vane.

Ang lambot talaga ng kamay ni maia.

Tuloy tuloy sa paglalakad ay nakarating na kami sa tapat ng pinto ng classroom at sakto namang ngalay na ngalay na ang aking kaliwa kaya dahan dahan na itong nagparaya at tinulungan ang kanyang pagod ng kapartner na kaliwa.

You can rest now kaliwa... You've done far enough.....good work soldier.

Pinagmasdan ko ang loob ng classroom at nakitang wala namang kakaiba, lahat sila ay abala sa kanya kanya nilang ginagawa tuwing umaga.

Sana nakita nila na magkahawak kami ni maia ng kamay.

"Tara jonathan..."
Wika ni maia at nauna na siyang pumasok sa koob ng klassroom, pinagmasdan siya hangang makarating sa kanyang upuan kung saan ay nandoon na naghihintay ang kanyang mga kabarkadang kapwa pocketbook nerds ay agad niya niyakap isa isa ang kanyang mga besties.

Napa isip na lamang ako na hinding hindi talaga sila naiiba sa aming mga tao, isang normal na tao at ginagawa ang mga normal na gawain ng isang tao, ano nga ba ang besehan para tawaging isang halimaw ang isang nilalang?.

Ihinakbang ang paa ay ako'y pumasok na din sa loob ng aming classroom, sinulyapan ang aking pwesto kung saan nakitang naroroon na sina rhodney at dante.

"Yow tol!, Morning!"
Agad na bati sa akin ni dante ng ako'y makita na naglalakad papalapit sa kanila.

"Oh ano yan..ang dami naman niyan?"
Wika ni rhodney habang nakatingin sa akin dala dalang mga handouts at ang photo copy nito.

Hawak hawak ang mga handouts ay naalala ko ang mga photo copy ni carlo na pinilit niyang ipasuyo sa akin.

Sisingilin ko siya dito!.....hindi biro lang..kung may dapat maningil ay si maia iyon..kaso sabi niya ay ok lang..

"Mga tol wait lang..."

"Ohhh wer ar yu going!"
Wika ni rhodney.

"Y are yu runnin!"
Wika ni dante.

Loko loko.

Inilapag ang bag sa aking upuan ay nagtungo muna ako sa kinalalagyan ni carlo sa bandang gitnang parte ng classroom.

" Oh pre...."
Wika nang ako'y makarating sa kanyang kinalalagyan.

Sa pwesto niya ay may sarili din siyang trio kung saan ay binubuo ng mga katulad niyang mahahangin at mga kupal.

"Good good..."
Wika niya ng may pag mamataas, inilapag ang handouts sa kanyang table ay imbes na salamat ang aking matangap ay nainis pa ako dahil sa biglaang pagiging arogante niya.

Biglang nag skyrocket ang ugali ah nung kasama niya na ang mga katulad niyang epal.

Umalis na lamang ako at naglakad pabalik sa aking puwesto kung saan naroroon naghihintay ang aking dalawang kaibigan.

"Anong problema tol!, Inaano ka ba nung tatlong epal?"
Tanong ni dante nung ako'y makabalik na sa aking upuan.

"Nagpasuyo sakin si carlo.....nasa morning duty cleaning kasi siya eh"
Wika ko naman.

"Ha?...si baby girl elena at ang grupo niya ang nasa morning cleaning duty!, Anong sinasabi mo..kararating rin lang nila carlo ilang minuto bago ka dumating tol"
Pagpapaliwanag ni dante sa akin.

Baby girl ele-

Ha!!!!!.

Teka!...ibig sabihin....tengene nakaka ilan na sa akin ya. Ah!...ang kapal ng mukha hindi na nahiya!.

Kalma lang jonathan...kalma lang...your a better person..its best to leave it at that..

At ganun ganun na nga ay hinayaan ko na lamang ang mga nangyari at lumipas ang ilang minuto ay dumating na ang aming homeroom teacher na si sir rohelyo at kasabay din ang kanyang pamangkin na aming class president.

"Dali andyan na si sir!"

"Uyy sis! Kaya na yan!"

"Tabi...uupo na ako!"

"Balik na tayo sa upuan!"

"Tol tara!"

"Mamaya na yan nandian na si sir!"

Matapos makita ang pagdating ng aming homeroom teacher ay agad nagsipiglasan ang aking mga kaklase sa kani kanilang grupo at nanumbalik sa upuan nila at naghanda na sa umpisa ng klase.

Matapos makapaghanda ay nag umpisa na nga ang aming homeroom at ang unang period ng aming klase.

Usualy ay may sinusunod na schedule ang aming mga guro kung saan ay pare parehas sila ng gagawin, kung lecture sa araw na ito ay lecture lang lahat ng subject, kung physical o may activites ay lahat ng subject ay puro activities lang, stratehiya ito ng faculty para mabawasan ang siksikan sa mga pasilidad ng aming paaralan dahil sa sobrang populated ng aming campus ay kung may gagamit ng stadium ay hindi pwedeng magkasabay sabay kaya nilagyan nila ng coding ang education system ng paaralan.

At ngayong araw na ito ay puro lecture lamang kami kung saan magsasalita lamang sa harap ng blackboard ang aming mga guro maghapon magdamag.

Yup...isang nakaka booring na portion.....sana physical activities nalang...

Nag umpisang magsalita si sir rohelyo ngunit nang magsimula siya ay bigla akong nakaramdam ng antok.

Nakadungaw ako sa bintana ay nag umpisa akong mawala sa aking imahinasyon at hindi na nakapag focus sa klase.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
MWF Morning class
PE 7:00-9:00am
Science 9:00-11:00
Lunchbreak 11-1:00
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

10:48AM

Nakatingin sa madilim na kalangitan at sa mga sanga ng puno sa ibaba habang binabayo ng malakas na hangin sa kapaligiran, tanghaling tapat kung saan ay dapat naghahari ang araw sa alapaap ay kasalukuyan itong nakukumutan ng makapal na ulap na nagpipigil sa pagkalat ng mga liwanag sa kapaligiran.

"Nakalimutan ko magdala ng payong.."

Malakas ang ihip ng hangin na tila ba may bagyong parating, nakabukas ang mga bintana ng aming silid aralan at nakapatay ang air-conditioning ng classroom ngunit kahit na ganoon ay hangin pa lamang galing sa labas ay nagkapagbibigay na ng ginaw sa aking balat.

Tuwing ganito ang panahon ay may palagi akong nararamdamang kakaiba eh.

Yung pakiramdam na nagbibigay sa akin ng kumportableng feeling na hindi ko maintindihan kung bakit.

Yung tipong kapag ganito ang panahon eh mas gugustuhin ko na lamang na nasa bahay ako, sa loob ng aking kuwarto, naglalaro ng video game o nagbabasa ng libro habang humihigop ng mainit na chocolateng inumin, oh di kaya naman ay matulog o tumunganga lamang habang nakikinig sa music na may catchy na tono.

Ganoong pakiramdam...habang inaalala ang mga masasayang pangyayari noong bata pa ako.

Noong bata pa ako...

Ang sarap maging bata muli ah....

Walang gaanong problema.

Walang stress.

Naglalaro lamang maghapon.

Habang nakatingin sa kawalan ay naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa aking kaliwang pisngi.

"Mister dela cruz!"

"Mister dela Cruz!"

"......"

"Psst! Tol! ..tol!"
Bigla ko naramdaman ang kalabit ni dante sa aking kanang braso.

Dahan dahan ako humarap sa kanya at nakita ang namumutla niyang mukha, kasalukuyang nakatayo si dante na hindi ko man lang napansin at nang tumingin ako sa buong classroom ay nalamang lahat pala ng aming mga kaklase ay nakatayo at ako na lamang ang hindi, habang si mam super sonic ay nakatitig ng hindi maintindihan sa akin.

A..anong problema?.

Muli ko inikot ang aking ulo sa loob ng aming classroom at nakita ang isang dalagang nakabihis ng formal na kasuotan, itsurang may mataas na katungkulan ay nagbibigay siya ng makapigil hiningang datingan.

Hindi alam kung sino siya ay agad akong napalunok ng laway sabay tayo sa aking inuupuan kung saan tumama ang aking 'ano' sa sulok ng armchair.

"GaHhh!"
Pasigaw ko habang hawak hawak ang parte na tumama.

Namimilipit sa sakit dahil sa pwersa ng pagtama sa biglaan kong pagtayo ay kasalukuyan akong nakayuko.

"Will you pay atensyon mister dela cruz"
Wika ng aming guro,dumungaw ako at nakita siyang  nakangiting anghel pero sa likod nito ay hindi maitatago ang kanyang demonyong naiinis na pagmumuka.

"Jonathan..n...nasa harap tayo ng school superintendent...."
Wika ni dante sa nauutal na pananalita.

Is...school super ano?.

Muli ako tumingin sa lugar kung saan ko nakita ang babae at nakita kong nakatingin siya sa akin ng nakangiti na mukang naiirita.

Isang babae na sa tingin ko ay ka edad lamang ng magkakambal, matangkad lamang ng kaunti si mam fiore ay halos nagbibigay sila ng parehas na datingang elegante pagdating sa pagiging babae, although kay mam fiore ay panglabas lang dahil walang elegante sa kanyang totoong ugali hehe.

Anyways.....siya?! Ang superintendent? Ang bata naman! I mean..matanda na pero usualy ang mga superintendent ng isang organisasyon o institusyon ay mga...ano diba?....old women and men?..ganun?......hindi isang babae na parang supermodel na may artistahing datingan.

Siya?.


"ERERHHHM!"
Wika ni mam supersonic habang nakatitig sa akin.

Oooops!.

Agad ko na inayos ang aking tayo kahit ramdam ko pa din ang consequences ng aking naging action.

Napakabata naman niya hindi ako makapaniwala, uhhmm..pero if you think about it.....mayaman eh, ayon sa aking maliit na knowledge tungkol sa aming school ay hawak ng isang multimillion company ang school namin kung saan sila ang incharge sa lahat ng kailangan ng paaralan, habang ang education system naman ay pinapatakbo ng mga nakahiwalay na organisasyon at staff.

Teka.....mataas ang posisyon....ibig sabihin ba....ang babaeng iyan ay......hindi hindi..tulad sa aking kaalaman at sa sinabi na din ni elena sa akin nung nakaraan ay hindi lahat ng nagpapalakad sa timog foundation ay mga halimaw, pagmamay ari ng angkang timog ang mismong paaralan ngunit ang naghahawak na dito ay mga taong mas masahol pa sa halimaw....mga businessman.

Pero it does not change the fact nga na stronghold ito ng mga taga angkang timog.

Dahan dahan akong tumingin sa kanya ngunit hindi na siya nakita sa kanyang dating kinalalagyan kundi nasa harap na ng aming blackboard, may hawak na chalk at nagsusulat.

*Eunice Alyana  I. Timog*
Isang pangalan ang isinulat niya blackboard.

Timog.....

Ibig bang sabihin...

Nag-umpisa siyang magsalita sa harap ng klase ngunit ang aking atensyon ay agad napunta kay elena at maia.

Kitang kita ko sa kanilang itsura ang pagkagulat at tila ba hindi mapakali habang nakatingin sa kasalukuyang nagsasalita sa aming harapan, doon ko nalaman na tama nga ang aking kutob, ang babaeng nasa aming harapan ngayon ay isang aswang at kung iisipin sa kasalukuyang posisyon niya sa isang organisasyon na pinamumunuan ng mga aswang ay masasabing nasa pinakamataas siya kundi siya ang pinakamataas.

Muli ko sinulyapan ang babae sa aming harapan.

Superintendent....malamang malakas na aswang ng angkang timog? Ngunit......bakit siya naparito? At ano ang balak niya?.

Abala sa sariling kong mundo habang nag iisip ay bigla na lamang nagsipalakpakan ang mga estudyante sa loob ng classroom na agad ko namang ikinagulat hindi alam ang nangyayari ay nakipalakpak na lamang ako.

"Yeheeeyy!"
Wika ko.

"Pssst! Dante anong sabi?"
Sabay bulong sa aking katabi.

"Eh?"
Pagtataka naman ni dante habang pumapalakpak din.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Eunice Alyana ang bagong board director ng aming paaralang timog foundation, mula sa pagiging isang superintendent nakaraang taon ay ngayo'y bigla na lamang na promote  at nalagay na bilang board director.

Matapos ng pagpapakilala niya sa aming classroom bilang bagong school director ay siya'y lumabas na at lumipat sa kabilang classroom, at ayon kay dante ay ginagawa niya uli ang ginawa niya dati nung Siya'y naging superintendent nung nakaraang taon, isa isa niyang pinupuntahan ang bawat classroom sa bawat baitang mula unang section hangang sa huling section ay binibisita niya at siya'y nagpapakilala in person.

Absent ako nung ginawa niya iyon nung nakaraang taon eh.

Siya pala yun..

Ngayon ko lamang nalaman ang ganitong inpormasyon ngunit tila ba napahanga ako sa kanyang dedikasyon dahil kung iisipin ay napakalawak ng campus at napakaraming classrooms sa aming paaralan dahil sa isa kaminsa pinaka populated na schools sa buong lalawigan.

Teka..jonathan! Jonathan! Mag isip ka! Aswang yun!....syempre kahit maglakad yung ng ilang kilometro ay hindi yun mapapagod.

Nakatayo at nag iisip ay hindi ko namalayan na nagsi upuan na pala muli ang aking mga kaklase,agad ako umupo at kunwaring tumingin sa blackboard at umastang walang nangyari.

Kakausapin ko mamaya sina elena at maia tungkol dito....mukang may kakaibang nangyayari.

"Ok class, balik tayo! Maikli na ang oras so lets make it short!, Sino ang may copy nung reproductive organ na handouts!"
Tanong ng aming guro at agad nagtaas ng kamay si carlo.

Aba ayos ah ang kapal ng mukha.

Kasalukuyan niya hawak hawak ang papel ba ipi-na print ko.

"Ok...sige recite..simulan mo na mr.varete"

Tumayo siya sa kanyang inuupuan at binuklat ang handouts na kanyang hawak hawak.

"Female reproductive organ....."
Wika niya na tila ba may hinahanap at nang mahanap ito ay nag umpisa na siyang magbasa.

"Main parts of the system is consist of ovary...ovule...tube...pistil"
Nagpatuloy sa pagsasalita si carlo ngunit may napansin akong kakaiba.

Ano daw? Pistil?.

Hindi pansin ang pagtataka ng aming mga kaklase na nakakarinig ng kanyang pinagsasabi ay nagpatuloy siya sa pagbasa sa papel na kanyang hawak hawak.

"Stigma...pollen..filament"
Tuloy tuloy ay maging ang guro namin ay natawa ngunit hinayaan siyang magsalita habang hinuhukay ang sarili niyang libingan.

Takteng pollen yan! Hoy! Akala ko ba magaling ka sa babae, pinagmamayabangan mo pa nga kami dati eh bakit wala kang alam tungkol sa basic parts ng reproductive organ ng isang babae?.

Tuloy tuloy siya sa pagbabasa sa kanyang hawak ng bigla na lamang humalakhak ang sira ulo kong kaibigan na si rhodney.

At kasabay niyon ay nagsitawanan na din ang buong klase.

"Bwhahahahah!"

"Hahaha ano daw pre pistil?"

"Hahahah....sabug ka ba carlo?"

"Haha wala na buwang na"

"I'm sure babae ako pero wala akong stigma o stamen ah"
Natatawang wika ni elena.

Nagsalita ang isa sa pinaka popular na babae sa aming classroom na puno ng charisma ay agad na siya sinundan ng iba pa.

Pinag pyestahan si carlo.

Ako naman ay dahan dahan inilayo ang tingin sa kanya at tinakpan ang aking mukha.

Mukang mali ang naipa photo copy ko ah.

"Pollen ka ba?"

"Huh bakit pre?"

"Kasi pollen down reproductive organ! Hahaha"

"Loks korni hahah"

" Stamen na mena mena eh eh! Waka waka eh eh"

Teka...kung pang bulaklak yun ay...

Biglang naalala na hindi ko tinignan kung tama ba ang naiabot sa akin nung estudyanteng pinahawakan ko ng handouts nung inayos ko yung printer.

Napuno ng halakhak ang aming classroom dahil sa nangyari.

"Pistil! Bwhahaha!"

"Marry anne! May pistil ka ba?"

"Bastos hahah..pisti ka!"

"Pre literal na bulaklak ang hinalungkat ni carlo!"

"Nyahhahaha"

"Bwhahaha"

" At aking kinamay ang bulaklak at nahawakan ang pistil"

"Bastos"

Tuloy tuloy sa pagtawa ang buong klase ng dahan dahan ako tumingin sa kanya at nakitang nakatitig siya sa akin ng may napakasamang titig.

Akoy napalunok ng laway sa maaring mangyari.

Isang napakasamang tingin ang tumambad sa akin galing kay carlo.

Continue Reading

You'll Also Like

62.2M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
13.9K 766 48
"Kasal lang tayo sa papel" he coldly said Nasa hapag kasi kaming dalawa "So" walang pake kong sabi Silent...... "At sana pinunit mo yung papel nayo...
934K 59.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...
2M 72.3K 116
Terrensia Academy. Isang paaralan para sa mga estudyanteng may angking kakayahan at kapangyarihan. Isang akademiya na siyang nakatirik sa mundo ng sa...