When Brats Meets The Badass

By KingX-Tian

24.7K 5.4K 3.9K

Isang retreat house ang muling binuksan makalipas ang isang taong pagkakabakante para sa mga kabataang may pa... More

Disclaimer
Author's note
Characters
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30.1
Chapter 30.2
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69

Chapter 34

197 20 0
By KingX-Tian

Rainne's Point of View.

Two days had passed at okay na ang mga papel para makalipat ako ng section. Nakapag-alam na rin ako kina Winter, even Thunder and Philippe. At si Derek? Hindi pa rin siya nakikipag-usap. Hinayaan ko na lang din siya. Hindi ko siya pipilitin kung ayaw niya.

I already told them what happened. Na may nakakita sa ginawa namin at kailangan kong gawin 'to to save them and of course Carla. Syempre ayaw nilang pumayag sa naging desisyon ko pero wala na silang magagawa. They were shocked. They even blamed themselves. Sana raw ay hindi na lang kami gumanti.

Gan'un talaga, laging nasa huli ang pagsisisi. Pero sa kabilang banda. Okay din naman na ginawa namin ang bagay na 'yon. It will serves as lesson para sa mga Queen na 'yon. Na hindi lahat ay matatakot sa kanila. We're exemption.

Ngayon ay nasa harapan na ako ng pintuan ng room nina Drei. Gusto pa sana akong ihatid ng tatlo but I refused. Alam kong nalulungkot sila at kung pasasamahin ko pa sila ngayon, may posibilidad na mag-iyak pa sila rito. Ayaw kong makita sila ng mga tao rito na nasa gan'ung sitwasyon.

Rinig na rinig ko ang mga ingay nila mula sa loob ng room. Kahit hindi ko sila nakikita ay masasabi kong napakagulo nila. Parang may fiestang nagaganap.

Hindi na ako nag-intindi pang kumatok. Tuluyan ko nang binuksan ang pintuan. Kasabay ng pagpasok ko ay ang pagtahimik naman nila. Nang sandaling mapadako ang tingin ko sa kanila ay sa'kin na lahat nakabaling ang mga mata nila.

Okay, Rainne. Welcome to hell.

___

Winter's Point of View.

Hindi ko na alam kung ilang beses na akong humugot ng buntong hininga ngayong umaga habang paulit-ulit na nililingon ang upuan ni Rainne. Hoping na nag-cr lang siya at maya-maya'y nandiyan na para makipagkwentuhan at makipagtawanan ulit.

Nalulungkot ako. Kahit pa sabihin na nandiyan lang siya at nakakasama namin siya bahay. Iba pa rin 'yong lungkot dahil hindi naman namin makakausap. Hindi ako sanay na wala siya. Ngayon pa lang na hindi namin siya kasama ay sobrang laking kakulangan na sa'min.

Kaya pala iba ang mga kilos niya these past few days. Hindi ko siya makausap ng maayos. Kapag kinakausap ko siya madalas siyang tulala na parang ang dami niyang iniisip. Tinatanong ko naman siya pero wala naman siyang sinasabi. Ngiti lang ang sinasagot niya sa'kin.

Idagdag pa natin ang nangyari sa kanilang dalawa ni Derek. Kahit wala kaming alam sa nangyari. Alam namin na may problema silang dalawa. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ayaw niyang sabihin sa'min. Pero naiintindihan naman namin siya. Siguro may malalim lang siyang dahilan kung bakit ayaw niyang ipaalam.

Tumayo na ako nang matapos ang second subject namin. Lumapit agad ako kina Aviana at Cloud na ngayon ay nag-aayos na rin ng gamit nila. Hindi ko naman sinasadya na mapatingin sa pwesto nina Thunder at Philippe, hindi nila kasama si Derek ngayon. Mukhang hindi na naman pumasok.

Bukod kay Derek na hindi ko alam kung bakit umiiwas sa'min simula nang matapos ang Acquaintance Party. Pati silang dalawa'y hindi na rin namin masyadong nakakasama.

Ano bang nangyayari sa'min? Bakit kami nagkakaganito?

Lalabas na sana kami ng room nang lapitan naman kami ni Carla, "I'm sorry for what happene--

Hindi ko na siya pinatapos pa sa sasabihin niya, "Again, Carla. Wala kang kasalanan, okay? This is for all of us kaya niya ginawa 'yon. Let's just hope na maging okay siya du'n."

Tumango lang siya.

"Anyway, mamayang 1pm na pala ang audition para sa Glee Club. Mr. Magyaya is expecting you and Philippe para magjudge at pumili sa mga mag-aaudition. So, good luck." Umalis na rin siya pagkatapos niyang sabihin 'yon.

This whole week nga pala ang simula ng audition sa lahat ng Club.

Then, Cloud and Aviana complemented me for hearing the news. Pero kahit na gan'un ay hindi pa rin nawawala ang lungkot sa mga mata nila.

Dumeretso na kami sa canteen para kumain.

"Okay lang kaya si Rainne ngayon?"

Parehas kaming natigil sa pagkain ni Cloud at sabay na tumingin kay Aviana. Mabilis kong iniwan ang kinakain ko at lumapit sa kaniya ng mapansin kong umiiyak siya.

"Shh. Ano ka ba? Of course okay lang siya du'n. We know, Rainne. She's a tough woman. Kayang kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya kapag may gumulo sa kaniya d'un." Hindi siguradong sagot ko. Alam ko rin namang may kahinaan si Rainne dahil tao lang din naman siya. It's just that, wala akong mahanap na salita na pwedeng makapag-pagaan ng sitwasyon namin ngayon.

"H-how can we know? Hindi naman natin siya makakausap kahit sa bahay?" Pinahid niya ang luha niya. "Bakit kasi ngayon niya lang sinabi sa'tin eh! Dapat nagawan natin ng paraan para hindi siya nakalipat d'un!"

"Kailangan niyang gawin 'yon, Aviana. Kasi kung hindi, malalagot tayo. Hindi lang tayo. Pati si Carla,"

"Aviana, alam mo tumigil ka na. Nakakahawa ka, e!" Ngayon ay si Cloud naman ang umiiyak dito. Ano ba naman 'tong dalawang 'to? Baka pati ako umiyak na rin dahil sa ginagawa nila!

Hindi ko na nga napigilan ang sarili ko na maluha. "Ano ba naman kayo? Tumigil na nga kayo."

Mabuti na lang ay kakaunti lang ang kumakain ngayon sa canteen. May ilang tumitingin sa'min at siguro nag-iisip na sila kung anong nangyayari sa'ming tatlo.

Pinahid ko na ang luha ko at parehas na hinawakan ang kamay nilang dalawa. "Girls, we have to be strong para kay Rainne. Kailangan natin sumunod sa gustong mangyari ng Drei na 'yon para hindi siya pahirapan ng lalaking 'yon. Huwag muna tayong makipag-usap sa kaniya." Mas hinigpitan ko ang kapit ko sa kanila. "Pero gagawa tayo ng paraan para madelete ang video na hawak nila. Kailangan nating gumawa ng plano para mabawi natin si Rainne sa kanila. This is our next mission."

This time, magiging maingat na talaga kami.

___

Pagkatapos naming kumain ay dumeretso na kami sa Music Hall dahil nga sa audition para sa Glee Club. Sinamahan na rin ako ng dalawa dahil wala naman daw silang sasalihang mga Club.

Ngayon lang din pumasok sa utak ko kung bakit kaming dalawa ni Philippe ang napili ni Mr. Magyaya na magjudge at pumili sa mga mag-o-audition. Wala bang ibang old members na pwedeng gumawa n'un? Saka baka maiinggit sila sa'min dahil baguhan lang kami ay ito agad ang gagawin namin.

Marami ng estudyante ang nasa Music Hall ng dumating kami. Sinalubong naman kami ni Carla, kasama niya si Mr. Magyaya.

Binati nila kami at ganun din ang ginawa namin.

"Where's Philippe? Hindi niyo ba siya kasama?" Mr. Magyaya asked. Kung hindi lang siguro niya ako tinanggap agad sa Glee Club at inilagay bilang judge ay baka nairapan ko na siya ngayon. It's obvious naman kasi na hindi namin siya kasama.

"Parating na rin po siguro siya mamaya." Tumango na lang siya bago nagpaalam na aalis.

Habang naglalakad papunta sa gilid ng stage ay binigyan ako ni Carla ng papel at ballpen. Dito ko raw ililista ang mga mapipili ko mamaya. Pinaupo ko naman muna si Aviana at Cloud. Biniro ko pa sila na mag-audition pero gan'un na lang ang pagtanggi nila. Baka daw bumagyo kapag nagsimula silang kumanta. Natawa na lang ako sa kanilang dalawa.

Five minutes before magsimula ang audition and yet hindi ko pa nakikita si Philippe. Wala kahit anino niya.

"Nasabihan mo ba si Philippe about dito?" tanong ko kay Carla.

Tumango naman siya, "Yes. Actually siya ang una kong sinabihan bago ka."

Kung gan'un. Bakit wala pa rin siya hanggang ngayon? Masyado namang paimportante ang baklang 'yon. Kung saan-saan pa siya pumupunta.

Ilang estudyante na ang tumapak sa stage para mag-aaudition pero hindi pa rin nagpapakita si Philippe. Sumasakit na rin ang ulo ko dahil ako lang ang naglilista ng nakakapasok habang si Carla naman ang nag-a-assist sa kanila. Bukod sa'ming dalawa, may iilan rin namang member ng Club ang tumutulong. Sabi sa'kin ni Carla, maraming member ng Club ang nawala dahil mga grumaduate na sila. Kaya ngayon, naghahanap sila ng mga bagong members.

At siguro 'yon din ang sagot sa tanong ko kung bakit kami ang napili ni Mr. Magyaya na mag-judge. Kasi wala silang ibang choice.

Kaya siguro tinanggap rin kami agad ni Philippe kahit hindi naman kami nag-audition.

Kanina ko lang din nalaman na bukod sa pagiging SSG Vice President ni Carla ay kasali rin siya dito sa Glee Club. Ang talented rin naman pala ni Carla.

___

Five hours ang itinagal ng audition bago kami natapos, at sa tagal ng audition na 'yon ay hindi talaga nagpakita ang magaling na si Philippe. Masasabon ko siya kapag nakita ko siya mamaya!

Maraming nakapasok kaya sobra-sobra ang pasasalamat ni Mr. Magyaya sa'ming mga tumulong. Nagpaalam na rin naman kami pagkatapos.

Nagkakatawanan na kaming tatlo habang naglalakad sa hallway, hindi katulad kanina na sobrang lungkot namin. Wala rin naman kasing maidudulot kung malulungkot kami sa paglipat ni Rainne. Lalo lang siyang mahihirapan kapag nakita niya kaming gan'un.

Ilang sandali lang ay nakauwi na kami. Si Thunder ang una naming nakita. Nakahiga siya sa sofa at mukhang pagod na pagod.

Sabay naman kaming tumingin ni Cloud kay Aviana na ngayon ay nakasimangot.

"Ikukuha na ba kita ng kutsilyo, Aviana?" Pagbibiro ko.

"Yes, please." Natawa naman kami sa sinabi niya. Galit pa rin talaga siya kay Thunder dahil sa ginawa nito sa kaniya.

Umakyat na rin agad kami sa kwarto. Hindi pa man ako nakakapasok ay nakita kong lumabas si Philippe sa kwarto nila. Nagulat pa siya ng makita ako.

Tinaasan ko siya ng kilay bago lumapit sa kaniya. Sasabunin ko lang naman siya dahil sa hindi niya pagsipot kanina. Pero bago pa ako makapagsalita ay inunahan na niya agad ako.

"Derek is sick. At kailangan kong alagaan ang kaibigan ko. I know your upset pero kailangan ko siyang unahin."

Natahimik na lang ako sa sinabi niya.

Si Derek may sakit?






Continue Reading

You'll Also Like

115K 7.1K 5
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
5.6M 278K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
18.9K 658 19
Cassette 381 Series #2 The moment Lyon Violet Marquez realized that her appearance did not pass the society's created beauty standards, she held onto...
20.1M 840K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...