ITIM AT PULA [ ON HOLD]

By ClaraSaejo

39.7K 1K 86

Ito ay kwento ng isang lalaking tao na piniling kalabanin ang buong lahi ng mga halimaw para ipaglaban ang pa... More

Overview
Simula ng Lahat
Maia at Elyhenia
Si Lavender
Ang Mga Angkan
Messiah?
Trouble is a friend
Ang mga nilalang sa kapaligiran
Fateful Love
Unang yugto ng umpisa
Ang nangyayari sa kapaligiran
Extra Chapter - Imahinasyon ni rhodney I
Sa loob ng kanyang munting mundo
Ang tunay na halimaw
Extra Chapter - Imahinasyon ni rhodney II
Ang tunay na halimaw II
Angelic Howl
Ang aming Unang Halik
Ang Pag-gising ng kanyang kapangyarihan
Inlove agad?
Ang Unang Ingkwentro pt.1
Ang Unang Ingkwentro pt.2
Ang Unang Ingkwentro pt.3
Ang Unang Ingkwentro End
Anong bago sa umpisa ng taon?
Tatlong Baliw
Triple Treat
Sumalungat sa kapalaran
Kaibigan
Kalaban sa dilim I
Kalaban sa dilim II
Kalaban sa dilim III
kalaban sa dilim IV
Extra Chapter - Ala ala ng Isang Tao sa Nakaraan
kalaban sa dilim V
Kalaban sa dilim VI
Royal Rumble
" Pagod na Ako"
Extra Chapter - Ang bagay na binigay mo sa akin
Katangian ng isang pinuno
Hangang sa muling Pagbangon

Pagkawala ng pag asa

1K 27 1
By ClaraSaejo

Hindi magiging succesfull ang nararamdaman mo, tao ka lamang,..hindi kayo pwede, mauuna kang mamamatay at hindi kayo sabay tatanda.

Magiging makungkot lang siya sa akin.

"hindi pa naman kami eh, ihinahampas mo na sa akin ang katotohanan agad"
Ngumiti ako.

Ngayon ko lamang naisip ang ganoong bagay, posible ba magkatuluyan ang isang katulad niya at isang katulad ko?, magkaiba kami ng mundo.

Matagal siyang tumanda hindi katulad ko na mabilis lamang, ang isang segundo niya ay isang oras na para sa akin kung iisipin.

Naiinis ako!.

Naiinis ako!.

Muli ko naalala ang mukang pinakita sa akin ni lee nung sabihin niya ang bagay na yun.

Isang nakangiting muka.

Ang yabang niya!.

Sa galit ay bigla ko sinuntok ang dingding ng aking kuwarto.

" ArayY!"

Kasalukuyan akong nakahiga sa aking kama, habang nagmumokmok sa loob ng aking dorm.

Matapos makarinig ng masasakit na salita sa lalaki na nagpakilalang fiance ni maia ay agad ako tumakbo paalis sa lugar na kinatatayuan namin.

Wala akong masabi sa kanyang sinabi kaya tumakbo nalang ako at umalis na talunan.

oo nga, ngayon ko lang naisip .magkaibang nilalang kami ni maia, siya at ako, hindi kami pwede, besides may fiance na pala siya eh, oo hindi ko naisip. wala pala sa itsura ang edad nila, matanda na si maia kung ikukumpara sa akin, ang kanyang panlabas na anyo lang ang bata, .....planong makasama habang buhay...of course meron na siyang ganun.

Naiinis ako sa aking sarili sa pagiging inosente ko.

Mukang naging tragic ang aking first love ah.

Habang nakahiga sa dorm ay nakarinig ako ng katok na nagmula sa aking pintuan.

7:31

Tumigin ako sa aking wallclock.

huh?, sino naman to?.

Agad ako nagpunas ng luha at dali daling tinungo ang pintuan at pinagbuksan ang kumakatok.

" e..e...elena!"
Bumungad sa akin si elena, nakasuot siya ng pangbahay na kasootan.

"hindi talaga nagkakamali ang aking pang amoy"
wika niya.

huh? ano daw?.

"bakit ka tumakbo nung kanina?"
agad niyang tanong at bigla siyang pumasok sa loob ng aking dorm ng walang pahintulot.

amoy? ,inamoy niya ang daan papunta! sa aking dorm! whaat!.

Ano siya aso!!

Wait..pusa pala siya.

Isinara ko ang pinto at tumingin ako sa kanya.

" so jonathan?, whats the big idea?, bakit ka tumakbo kanina?"
Muling tanong ni elena, humarap ako kay elena at ngumiti.

"alam mo na siguro pero lilinawin ko nalang,....may gusto ako kay maia"
wika ko habang nakatingin sa kanya.

"Hahahahhaha, obyus naman!, matagal ko nang alam. teka?, ah!, nagseselos ka no?, nagseselos ka sa sinabi ng aking pinsan!"
bigla niyang wika.

Pinsan!.

pinsan niya yung isang yun!.

" pinsan?, pinsan mo siya?"
nakatingin ako kay elena at sinuri ang kanyang mukha at ikinumpara ko doon sa mukha nung koreano.

Ang layo ah!, at wait what!, half Foreigner na aswang?, ano kaya yun?.

Naglakad si elena papalapit sa aking kama para umupo.

" well, anak siya ng tito kong nakapang asawa ng koreana sa korea ,ngunit nauwi rin sa divorce ang kanilang relasyon, napiling kunin ng tito ko ang kanilang anak dahil sangol pa lamang si lee ay nagpakita na ng senyales na hindi siya tao, si lee ay isa sa mga karibal ko sa trono, pero hindi siya interesado na mamuno sa angkan"
magulong pagpapaliwanag ni elena.

Kaagaw niya sa trono ibig sabihin!, prinsipe yung isang yun!.

No way.....

Galit ba sa akin ang tadhana at lalo pa pinapataas ang balakid sa aking harapan... I mean what?...normal na ka uri ni maia is one thing pero isa pang nobilidad?!..prinsipe?....juice colored!.

Mas lalo akong na depress sa sinabi ni elena dahil sa aking nalaman.

Off course wala na akong pag asa, prinsipe pala ang aking karibal eh, bukod sa pagiging cute niya ay may mataas pala siyang posisyon.

"pero teka?, bakit siya nandito?"
tanong ko kay elena.

" Hmmp! yun. buti naman at naisipan mo itanong yan, actualy hindi rin alam ng angkan namin na naririto siya, ang alam nila ay nasa korea siya at doon gumagawa ng kalokohan"

Kalokohan?.

Ah...so?, parehas kayong runnaway?, magkadugo nga kayo!.

" ah, by the way jonathan, alam niya na nag e-espiya ako sa timog alam niya ang plinaplano ko dahil isa siya sa mga tao na pinagkakatiwalaan ko"

" nagtawag ka ng back-up?,"

" nope, sabi ko naman sayo dati na sekreto ang aking ginagawang pag e espiya, ang rason niya kaya siya naparito ay para protektahan ang mahal niya, at wala ng iba, wala siyang paki sa aking plinaplano at ayaw niyang makipag participate,"

" ano?"

Protektahan...ipaglaban.....mukang 100 years too early pa ako para makipag kumpetensya sa kanya...

.
.
.
.

" pero ok lang yun, dahil hindi niya naman layuning pigilan ako sa aking ginagawa"

Matapos niya magsalita ay nanahimik ako.
matapos makita ni elena na kasalukuyan akong ukupado habang nagiisip ay humiga siya sa aking kama.

Haaa...parang knight in shining armor ah..isang lalaking ipaglalabannang kanyang mahal hangang sa huli.

Wala ako kumpara sa kanya....

" elena...."

"Hmm? Anong problema?"

" posible bang maging couple ang isang tao at aswang?"

Anong sinasabi ko?.

Nakatalikod ako kay elena ng tanungin ko siya, hindi ko magawang humarap dahil  alam ko na ang kanyang sasabihin.

Nakarinig ako ng kakaibang tunog at tunog ng tila ba napupunit na damit na nangaling sa aking likoran kung saan nandoon si elena.

Haharapan sana ako ng bigla akong nakaramdam ng mabigat na bagay na dumagan sa akin.

Kasalukuyang naka anyong malaking pusa si elena habang ang isa sa kanyang mga matatalim na kuko ay nakatutok sa aking leeg.

"GRRRrrrr"

Nagkatitigan kami ni elena ng matagal at maya maya pa ay nanumbalik na siya sa anyong tayo, tumalikod siya at muling humiga sa aking kama sabay balot ng aking kumot sa kanyang hubad na katawan.

"balak mo bang ligawan si maia?"
wika niya habang nakatingin sa akin.

Para siyang lumpia sa kasalukuyan niyang itsura.

"......."
hindi ako nagsalita dahil bukod sa hindi ako makatingin sa kanya ay wala naman ako masasabi.

"dati yun...."

" dati?,...haha? ano nangyari?"
natatawa niyang tanong.

"wala rin ako mapapala eh"
bulong ko sa aking sarili.

" ano?, hindi ko marinig?, lumapit ka kaya dito sa akin"
naiinis na wika ni elena.

Parang lugar naman niya to, ang lakas maka utos hagisan kita ng bawang eh.

Dahan dahan akong naglakad palapit at umupo sa kama habang nakatalikod sa kanya.

"sagot doon sa tanong mo kanina kung pwede maging magkasintahan ang aswang at tao ay ....depende.."
wika ni elena ng may mahinang boses.

depende?.

"Anong depende?, so may posibilidad kung ganon?"

Niloloko niya ba ako?, kanina lang ay nagalit siya ng malaman niyang balak ko sanang ligawan si maia tapos ngayon sasabihin niya sa akin ang bagay na yan?.

depende?.

Bigla niya tinapik ang aking balikat.

"Depende para sa aming mga nilalang na matagal ang buhay"
Nakangiti niyang wika.

N..ngumiti siya?.

"Sa inyo?"

"Oo, kami ang maiiwan eh, kayong mga tao ang mauuna, kami ang maiiwan kaya naka depende na sa amin kung iibig ba kami sa isang nilalang na maikli lamang ang buhay ...,kung magiging sapat na ba sa amin ang hindi makasama hangang sa pag tanda ang nilalang na mahal namin.....sagot sa tanong mo kung pwedeng magkaroon ng relasyon ang isang aswang at ang TAO na tulad mo ay...pwede...pwde jonathan"

Anong pwede? Pinapagaan mo lamang ba ang aking loob?

"Pwede?..Kahit na maikli lang ang buhay naming mga tao?,kahit na mauuna kaming tumanda?..ok lang ba yun, paano naman ang naiwan namin?, maghahanap ba sila uli o habambuhay na silang na sa kalungkutan"

Bigla ko naalala ang kinnara sa aking report.

hindi na si elena ang aking kausap nun mga oras na yun ngunit ang aking sarili na.

Kinaka usap ko ang aking sarili kung tama ba na isipin ko na pwede ba ang relasyon ng dalawang nilalang na hindi naman magkasamang tatanda.

Nilalang na magkaiba, pwede ikumpara sa tao at sa isang hayop tulad ng aso, para sa kanila siguro kami ang aso at sila naman ang mataas na uri ng nilalang, kung ganun...hindi din pantay ang tingin nila sa amin...kung ganun..parang alaga lamang kami kung sakaling....Haaa ewan!

" jonathan, alam mo masyado ka nag iisip ng mga bagay bagay na hindi kailangan, kung ako sayo mag fo-focus muna ako sa kasalukuyan, nasa panganib ang buhay mo dahil sa banta ng mga aswang, may natuklasan ka na kakaiba sa katawan mo... pero ano ang iyong nasa isip?, love life?..iniisip mo kung paano mo ipapasok ang iyong **** sa ***** ng isang babae pero sarili mong buhay at kinabukasan ay wala ka pake?"
natatawang wika ni elena.

A..anong sinabi niya?.

N..nabingi ako doon ah.

******?

****?

"S..sorry"
Nawika ko na lamang.

Nagkaroon ng katahimikan sa amin. Isang matagal na katahimikan.

" pero,...hindi naman masamang mag isip ng ganyan, parte yan ng pagiging nabubuhay na nilalang natin eh, magkaiba man tayo ay parehas rin tayo jonathan, nabubuhay na nilalang rin tayo, nakakaramdam ng pag ibig at gustong subukang umibig at ibigin, ayun ang ibig sabihin ng buhay"

Nung mga oras na yun ay doon ko lang napansin ang pagka mature ni elena, doon ko lang naramdaman ang pagiging matanda niya.

Haa..oo nga mas matanda pala siya sa akin. At mas maraming karanasan sa ibat ibang bagay.

"Dagdag na kasagutan sa tanong mo kanina, at sa aking sariling pananaw kung bakit ko sinabing pwede ang relasyon ng dalawang magkaibang nilalang...you see hindi naman importante kung sino ang mauunang tumanda sa inyo, ang importante ay ang oras na pinagsamahan niyo, ang oras na masaya kayong dalawa, at ang ala alang mananatili at hindi mabubura, well masakit nga talaga kapag nawala na ang isa ngunit i'm sure...worth it yun"
wika ni elena.

Tumaas ang balahibo ko sa aking narinig.

Kasalukuyang nagbibigay inspirasyon ang isang hubad na babae sa aking harapan ngayon.

Elena.

Ang lapit niya sa akin.

Elena.

Habang naka upo sa kama ay tumunog ang aking cellphone na nasa aking bulsa.

Ngumiti si elena at biglang humiga.

Agad ko eto kinuha at sinagot ang tumatawag.

*Pareng Dante*

si dante ?, ano problema nito?.

- hello?, ano problema?.

- Ah!, tol nasa tapat ako ngayon ng apartment mo.

- ha!, bakit naman?, anyare?.

- Ah...yung flashdrive ko kasi, nagkapalitan tayo kanina, sa tingin ko ay nakuha mo yung akin by accident nung sabay tayong nagsaksak sa laptop.

- ah!,...ganun ba!.

- oo eh, may kailangan pa naman akong iprint na files para bukas.

- ah.. sige tol!, pasensya na sa abala, sige jan ka lang sa baba ah, hahanapin ko lang saglit yung flashdrive

- di na kailangan tol nasa pinto na ako pabukas nalang

- pinto? eh? Dante!, teka lang..

"J..J..jonathan!, si dante ba yang kausap mo?"
biglang wika ni elena, bigla siya bumangon sa pagkakahiga at agad niyang dinungaw ang aking cellphone.

- Eh? sino yun?, babae?, boses ba ni elena yun!.

Anak ng tipaklong bakit niyo na rerecognize ang boses ng bawat isa!.

Biglang tanong ni dante sa kabilang linya at agad bumukas ang aking pituan na nakalimutan ko i lock nung pumasok si elena.

" eh?"

"ha!"

" hii!"

Kasalukuyan kaming nakatingin sa isat isa ng makapasok si dante sa loob ng aking dorm.

Nakatingin ako kay dante habang nakatingin si dante kay elena, habang nakatingin si elena sa akin.

"..."

"......".

"......."

*tik tak*

*tik tak*

Wari mo ay bumagal ang galaw ng oras...7:51, kasalukuyang tunog lamang ng wallclock ang maririnig sa aking dorm, tahimik ang paligid.

Awkward.

Misunderstanding!.

Misunderstanding!.

Gulat na nakatingin si dante kay elena dahil kasalukuyan kaming magkatabi ni elena sa aking kama, walang suot si elena dahil sa nangyari kanina, bukod pa doon ay mistula bang nakayakap siya sa akin dahil sa ginawa niyang pagdungaw sa aking cellphone nang nabangit ko ang pangalan ni dante.

Paano ko kaya maipapaliwanag ang ganitong bagay.

" .pp..pre?, o..ok ka lang?"
Wika ko kay dante na halos mamuti na.

Biglang tumalikod si dante at humarap sa pintuan. si elena naman ay agad tumalikod sa harapan para itago ang kanyang hubad na katawan kay dante.

" nagambala ko kayo so..sorry, jo..jonathan, bukas ko nalang kukunin yung aking flashdrive"
dahan dahan siyang naglakad pa labas ng pinto at tahimik rin itong isinara mula sa labas.

" j..j...j..jonathan!"
naiinis na wika ni elena at bigla siya tumayo sa pagkakahiga.

Agad niya ako binanga at nagdulot iyong ng sabay naming pagbagsak sa sahig.

" teka!, teka!, kakausapin ko siya bukas!, sasabihin ko na misunderstanding lamang ang lahat!"
pagrarason ko habang tila ba kinakalmot niya ako habang nakadagan siya sa akin.

aray!, aray!; talagang pusa tong isang to ah!.

" paano mo ipapaliwanag ang nangyari, nagpapa low profile ako para hindi mapansin ngayon ay nanganganib ang aking disguise!"
wika niya habang patuloy sa pagkalmot.

Disguise! ..eh bakit kasi ah!.

"ako na bahala, kaibigan ko siya, siguradong papakingan niya ako, teka in the first place bakit ka kasi humiga sa kama ko?"

" saan ako higiga?, sa sahig? ang dumi kaya!, wala naman kasing upuan tong kuwarto mo!, Papa upuin mo ang isang prinsesa sa sahig?!"
tuloy siya sa pagrereklamo.

Nainis ako at agad ko hinawakan ang kanyang dalawang kamay na kumakalmot sa akin.

" ako na ang bahala sabi eh!"
Wika ko at muling bumukas ang pinto ng aking apartment at muling nagpakita si dante.

" on second thought kukunin ko na ngayon yung flashdrive, kailangan ko kasi i print agad yung nilalaman nun eh, jonat-"
hindi naituloy ni dante ang pagsasalita ng makita kami ni elena na nakahiga sa sahig. ng may kahina hinalang posisyon.

Hawak ko ang dalawang kamay ni elena habang nakadagan si elena sa akin ng hubad off course.

Sa lokasyon ni dante ay hindi kita ang maseselang bahagi ng katawan ni elena. pero sapat na ang kanyang nakita para mataranta siya.

"GaaaaaHh!, s...sorry kung naistorbo ko kayo!"
sigaw ni dante at muli siyang lumabas ng pinto at padabog na etong sinara.

"...."

"...".

Panandalian kaming nanahimik ni elena.

" elena sa tingin ko ay kailangan mo na umuwi, ako na ang bahala kay dante bukas, wag ka mag alala"

"sige, oo nga, kailangan ko na talaga umalis, pupunta pa ako sa lugar ng magkakambal, mainam na rin na malaman nila ang pagkakakilanlan ng pinsan ko"

Tumayo kami sa pagkakahiga at nagtungo ako sa aking aparador para kumuha ng ipapahiram na damit sa kanya.

"oh, ibalik mo nalang bukas"
wika ko at sabay abot sa kanya.

" salamat"
wika niya matapos makuha ang damit.

Dahan dahan niya isunot ang aking ibinigay na kasuotan, matapos ay lumabas na siya sa aking dorm.

Hmmm....ipapakilala niya ang kanyang pinsan sa dalawang magkakambal huh?.

So ayun ang purpose niya, ipakilala na pinsan niya ang bagong transfer student at ipa alam na isa itong aswang.

*******

Kinabukasan.

Maaga akong pumasok ng paaralan dahil isa ako sa mga taong naka assign maglinis.

Ako pa lamang ang tao sa aming classroom, hawak ang walis ay nag umpisa akong maglinis ng silid aralan.

Habang nagwawalis ay may biglang humawak sa aking balikat kasabay ng nakakakilabot na pakiramdam na aking naramdaman sa aking likoran.

"Pa~Re~ng jonathan~, mag usap tayo"
agad ko narinig ang boses ni dante na tila ba nangigigil.

Paa...paano niya alam na maaga ako ngayon?. stalker ba siya?, stalker ata siya eh!.

"bakit parang nabigla ka ata aking ka~i~bi~~gan ,alam ko ang schedule mo at alam kong cleaner ka ngayon kaya inagahan ko din, kailangan ko ng paliwanag mo Jo Na than!"
wika niya.

Nung mga oras na yun ay mas nakakatakot pa si dante sa mga tiktik na nakita ko sa simenteryo.

Nag sign of the cross ako bago binitawan ang walis na aking hawak.

Naglakad kami ni dante papunta sa likod ng school campus kung saan ay halos walang tao.

Hawak ang nakatiklop na kamao ay humarap sa akin si dante.

"jonathan, explain yourself!, sabi mo susuportahan mo ako?, ano yung nakita ko kagabi?"
wika ni dante na nakangiting aso.

o..oi!,. easy lang easy lang.
Wag mo ako sasapakin dadanak ang dugo dito, malamang dugo ko.

" magpapaliwanag ako dante!, magpapaliwanag ako!"
nalilito kong wika dahil dahan dahan siyang naglalakad papalapit sa akin habang naka sara na ang kanyang kamao.

"ano pa ang kailangan mo ipaliwanag, kitang kita ko na kagabi, lately ay naghinala na ako kasi palagi na kayong nag uusap na malayo namang mangyari pero nangyari, naisip ko na coinsidence lang pero, hindi ko na kayang pang magsinungaling sa aking sarili dahil sa aking nakita kagabi, sigurado ako may relasyon nga kayo"
Bigla ako napapikit ng bigla siya kumuha ng bwelo na tila ba ay susuntukin na ako sa mukha.

Habang nakapikit ay ihinanda ko na ang aking sarili sa matatangap na sakit kahit wala naman akong kasalanan, naramdaman kong tila ba dumaan ang kanyang kamao sa aking leeg ngunit hindi ito tumama sa aking katawan.

Huh?.

Dahan dahan ko iminulat ang aking mga mata at nakitang kasalukuyang nagdudugo ang kamo ni dante.

Sinuntok niya ang puno sa aking likoran, kasalukuyan siyang nakatingin ng masama puno na tila ba ay nakatingin siya ng masama sa kanyang sarili at hindi sa akin.

"to...tol?"

" napakatanga ko at sinabi ko sayo ang nararamdaman ko kay elena, hindi ko naisip na baka may gusto ka rin sa kanya, siguro nung sinabi ko sayo na liligawan ko si elena ay napilitan ka ng unang mag tapat, o baka kayo na nga at tinatawanan mo na ako ng nakatalikod"

Nakatingin pa rin ako sa kamao ni dante na tila ba nakabaon na sa punong kahoy sa aking likoran.

"t..tol!, nagdudugo yang kamao mo!, "

Gasgas at may paltos ang kanyang kamao sa lakas ng pagtama neto sa puno, hindi ko maisip kung gano kalakas ang pwersa ng tumama ito sa puno o kung gaano ito kasakit kapag tumama sa tao pero, alam ko na purong galit ang ginamit ni dante ng suntukin niya ang puno, hindi sa akin kundi sa kanyang sarili.

Kung nakaderekta man sa akin ang suntok na yun ay nalamang pinagtatawanan na ako ni sir fiore sa infirmary.

" pagtawanan mo ako tol, ang tanga ko...."
bigla siyang natawa habang dahan dahang inalis ang kamao sa puno.

"tol, hindi mo pa ako pinagsasalita, "
nainis ako at bigla ko siyang sinuntok. at tumama iyon sa kanyang mukha.

Kumpara kay dante ay hindi ako athletic , ako yung tipo ng tao na nerdy ang dating at hindi kadalasang gumagawa ng physical labour.

Ngunit naging sapat na ang pagsuntok ko sa kanya para makuha ang kanyang atensyon.

" magkatropa tayo tol!, maniwala ka sa akin, hindi kami ganun ni elena, hindi ko man maipapaliwanag ang sayo ang nakita mo kagabi sa ngayon ,pero, tol please maniwala ka sa akin, wala kaming relasyon ni elena"
malakas at malinaw kong wika. tila ba sumabay ang kapaligiran sa aking gustong ipahatid sa aking kaibigan. umihip ang malakas na hangin sa paligid at tila ba dinaanan kaming dalawa ni dante.

Tahimik kaming nakatingin sa isat isa , habang pinapakiramdaman ang bawat isa. maya maya pa ay biglang napangiti si dante.

"totoo?"

" totoo tol!, totoo"

" virgin pa si elena?"
nahihiyang tanong ni dante.

V..v..virgin?, aba!, hindi ko masasagot yan!. pero kung ang tinatanong niya ay kung may nangyari na ba sa amin ay!, omG!, wala!.

" hindi kami ganun tol ano ba, may rason kung bakit siya nakahubad kagabi, at hindi dahil doon sa iniisip mo!"

Porn pa more!!, hoy highschool pa lamang tayo!, iba na iniisip mo!, kung mahal mo talaga ang isang tao ay makasama mo lang ay ok na na!, no need ng intimacy palibasa kasi tambay sa pornh*b.

" totoo?"

" totoo nga tol! maniwala ka naman sa akin, kay maia lang ang puso ko at wala ng iba!"

" totoo?"

" oo nga totoo!"

"Weh..di nga tol"

"Aba ewan ko sayo!"

Dahan dahang napangiti si dante sa aming kulitan.

Maya maya pa ay sumemplang ang ngiti niya at bigla siyang natawa. Nahawa ako dahil sa kakengkoyan ng kanyang mukha at natawa na din ako.

" b...bwahahahah!,ano bang pumasok sa isip ko! ang corny!, ang chezzy! nating dalawa dito!"
wika niya habang tumatawa.

" oi, grabe ka naman tol, sa puso ko galing ang aking sinabi!"

" Ewww! galing sa puso?, tol, wag ka na magsalita mas lalo na akong na co-cornihan sa ginawa natin!, "

"hahahahhaha"

"ahahahahahha!"

Nagtawanan kaming dalawa ng magkaliwanagan kami.

" ah...dante yung kamay mo"
bigla kong wika sa kamao ni dante na nagdudugo.

Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang kalagayan ng kanyang kamao.

" ow sh!t , tol!, samahan mo ako sa infirmary!"
pabigla niyang wika.

Nilisan naming dalawa ang aming kasalukuyang lugar at pumunta sa infirmary, matapos ay iniwanan ko si dante sa infirmary at nauna na akong dumeretso na ako sa aming klassroom.

Matapos makatapak at makabalik sa klassroom ay agad akong sinalubong ng masasamang tingin galing sa aking mga kaklase.

Mga kaklase na tulad ko ay cleaners rin.

Haaa...nakalimutan ko ituloy ang paglilinis kanina.
.
.

*******

Culture First period.

Tulad nga ng anunsyo ng aming guro kahapon ay may bago kaming kaklase, si Lee Jong, na ayon kay elena ay kasalukuyang gamit ni lee ang surname ng kanyang ina.

Naging normal naman ang aming klase tulad ng dati at kasalukuyan kaming nagbabasa ng libro na ipinababasa sa amin ng aming guro.

"tol, nagsisilbing center of atensyon si lee ah, itumba kaya natin!"
wika ni dante sa akin.

Ewan ko kung guni guni lamang ang aking nakita ngunit tila ba kumidlat ng saglit ang kanyang mata.

Ano yun?

nasa good mood siya ah?. ibig sabihin naging maayos ang lahat.

Haaaa!, pero bakit parang 24/7 naman ata na romance ang nasa isip niya!, Ibang iba kapag nagbibinata ah ...teka?, binata rin naman ako ah.

Ay oo nga ako rin pala.

" wag ka mag alala dante, may gusto sayo si elena,"
naiwika ko.

Biglang ngumiti si dante sa aking sinabi.

"hehehe salamat, pinapalakas mo ang aking loob"

" hindi.. i mean talagang may gusto siya sayo dante"

" salamat talaga"

tumigin ako sa kanya at nakitang abot tenga, hindi!, hindi abot tenga kundi 360 ang kanyang ngiti!. abot likod!.

" by the way tol, labas naman tayong magkakatropa mamaya, libre ko kayo ni rhodney"
pagaalok ni dante.

Hmmm?, ok?, ang alok niya ah, oo matagal na kaming hindi nagbabarkada trip ah.

Ok naman once in a while..

"mamaya...after school sa burgerQueen tayo"
wika ko.

" ok!, sige tol, ibulong mo kay rhodney"
nakangiti niyang wika.

" pssst!, rhodney!"

Humarap si rhodney sa akin.

"Mr jonathan!, at Mr dante!, gusto niyo ba mag report ulit!, ang ingay niyo ah!"
Biglang wika ni maam supersonic.

"mr.rhodney ikaw rin!, gusto mo magreport rin kasama silang dalawa?"
pahabol ni maam supersonic.

" ehh?!, bakit ako nasama!"
pagrereklamo ni rhodney.

Nagsitawanan ng saglit ang aming mga kaklase.

******

Lunchbreak.

Magisa akong naglalakad sa hallway ng bigla akong sabayan ni maia sa paglalakad.

Haaa..as soon as nabunutan na ako ng tinik sa lalamunan sa issue nung kagabi ay nanumbalik ang isa ko pang agam agam.

ang tungkol sa aking sariling love life.

,wala akong lakas ng loob para magsimula ng usapan sa aming dalawa..

Nung kanina sa klase ay hindi ko magawang tumingin sa kanya. at ngayon na katabi ko siya ay parang gusto ko siyang layuan.

"matamlay ka ata jonathan.."
wika ni maia habang kasabay ko siyang naglalakad.

Wala akong lakas ng loob na sabihin ang nararamdaman ko, at mas lalo pa nawala ang confidence ko sa sarili dahil sa nangyari kahapon.

"ok lang ako,"

" hMmm..by the way jonathan, nasabi na sayo ni elena kagabi ang tungkol sa pinsan niya no?"

Ah...oo, si lee, isang hinayupak na aswang galing korea.

Tumango ako.

" sinabi niya na ba lahat lahat ang tungkol kay lee?"
muling tanong ni maia.

lahat lahat?, the fact ba na fiance ka niya ganun?, aba no need.

" yup!, lahat lahat"
wika ko ng may blankong mukha.

" ok!, i guese hindi ko na kailangan pa ipaliwanag ang lahat"

Oo, alam ko na!, wag mo na lagyan ng asin ang aking sugat!.

" ok ka lang ba talaga jonathan?, parang hindi ikaw ang kausap ko ngayon ah, may nangyari ba?"
mas lalo niyang inilapit ang kanyang sarili sa akin. at nagdikit ang aming mga balikat na iki nabilis naman ng tibok ng aking puso.

Dati ay hindi ko siya nakaka usap at masaya na ako sa pagsulyap sulyap lang sa kanya, ngunit bakit ngayon na nakaka usap ko na siya at nagagawa ko ng maglakad kasama siya ay tila ba mas lalo siyang napalayo sa akin.

" Hmmm, interesting ah"
biglang wika ni lee na nasa likoran na pala namin.

Ni-hindi ko man lang naramdaman na naglakad siya papalapit sa akin.

Agad na pa atras si maia sa biglaang pagsulpot ni lee.

"to think na maghahanap ng laroan ang aking fiance habang nag lalaro ng school~schoolan sa paaralang to ah"
natatawang wika ni lee.

" anong ibig mong sabihin?"
agad na tanong ni maia kay lee.

"hahaha, yang laroan mo i mean, or maybe pet..."
natatawang wika ni lee sabay turo sa akin.

Itinaas ni maia ang kanyang kamay at nagulat ako ng bigla niyang sampalin si lee sa aking harapan.

" ayus ayusin mo yang pananalita mo, kaibigan ko yang nilalait mo!"
galit na wika ni maia.

Hawak ni lee ang kanyang nasampal na pisngi ngunit nagawa niya pang ngumiti.

"Hoooo~"
Hinimas himas ni lee ang nasampal na parte.

"wag mo mamaliitin ang mga tao, sila ang lahi na naghahari sa kasalukuyang mundo"
pahabol na wika ni maia.

"Hooo?, realy?, tignan nga natin kung sila ang hari sa mundo..?"
biglang akong tiningnan ni lee sa mata, at doon ko nakita na tila ba balak niya akong patayin.

Agad namang humarang si maia at pumunta sa aking harapan.

Hindi nagtagal at nagkaroon na ng mga tao sa aming paligid, mga osyosero at osyosera.

" ano yun!, ano yun!, '

" oi!, love triangle ata oh!'

" oi!, love triangle"

"Hiii!"

Wika ng mga taong nasa paligid.

" tara na jonathan"
wika ni maia at bigla niyang hinawakan ang aking kamay at hinila ako paalis habang si lee naman ay naiwang nakatayo.

A..anong nangyari?.

Akala ko ba fiance ni maia si lee?. bakit niya ako pinagtangol?.

"ok lang ba yun?"
tanong ko kay maia.

" yung ano?"

" si lee,..ok lang ba na sinampal mo siya?"

" ah..ayun ba?, tama lang sa kanya yun, mayabang siya at naiinis ako sa kanya, kitang kita mo naman diba?, walang sa kanya yun makapal naman ang kanyang muka"

" hindi yun..i mean, diba...fiance' mo siya"

Matapos ko magsalita ay huminto ng saglit si maia.

" nope!, siya lang may sabi nun, wala kaming relasyon tulad ng sinabi ko sa klase, kakilala ko lang siya"

Sa kalagitnaan ng bagyo ay may sumikat na araw, na tumunaw sa bagyong nananalasa sa kalupaan.

Ayun ang kasalukuyang tagpo sa aking puso, tila ba nagliwanag ang aking emosyon na nababalot ng dilim matapos ko marinig ang sinabi ni maia.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad hangang nakarating kami sa aming base of operation.

*LunchBreak*
karatula.

Matapos naming makapasok ay nakita naming naghihintay na ang dalawang magkambal kasama ng aming leader.

Sabay kaming naglakad ni maia papunta sa kanila at umupo sa upuan.

Habang kumakain ay nagkaroon kami ng usapan tungkol sa maari naming maging hakbang sa susunod na linggo, natalakay namin ang existence ng isang misteryosong libro na maari naming gamitin panlaban sa mga aswang ng kanlurang angkan.

Isang libro na naglalaman ng maraming sekreto tungkol sa mga mangangaso at sa kanilang mga sagradong armas, kasalukuyan pang hindi alam ang kinalalagyan ng libro kaya wala pa kaming lead kung saan hahanapin.

Kasalukuyan pa nangangalap si elena ng impormasyon tungkol sa nasabing libro pero ayun sa kanyang inisyal na impormasyon ay isang lalaki daw na nasa kanyang 20s ang kasalukuyang nagmamay ari ng libro.

Sumunod na tinalakay namin ay ang galaw ng aming mga kalaban, mga aswang ng timog at kanilang mga kakampi, patuloy pa rin sila sa paghahanap sa pumaslang sa isa sa kanilang mga pinuno, ayon kay elena ay napansin niya na imbis lumakas ang prisensya ng mga taga timog ay humina eto, sa tingin ni elena ay paraan eto ng timog para i pa'en ang kanilang hinahanap sa isang patibong, muli niya kaming binalaan na mag ingat lalo na kapag gabi dahil hindi namin alam ang maaring plinaplano ng angkang timog sa ngayon.

Matapos pag usapan ang tungkol sa libro at sa kanluran ay sinabi ni maia ang nangyari kanina sa aming tatlo ni lee.

"Hmmm, as expected hostile pa rin siya sa mga tao"
mahinhin na wika ni elena.

"pabayaan muna natin siya sa ngayon, magkakaroon tayo ng problema kapag sumama' ang loob niya sa atin, baka bigla niya akong isumbong sa aking mga magulang kapag nagkataon"
pahabol niya.

" elena ano plano?"
nag aalalang tanong ni maia.

" wag muna natin siyang pansinin, makisabay lang tayo sa kanya, total, ikaw lang naman ang rason kung bakit naririto siya eh"
wika ni elena habang nakatingin kay maia.

"haaa...so in love na in love siya kay maia?"
biglang tanong ni maam fiore.

" i wont say love,..pero-"
hindi naituloy ni maia ang pagsasalita.

" hohooo, worst case scenario i a,alay natin si maia para manahimik yung lee na yun, tan tan tanan! tan tan tanan!, ako ninong ah~" kasalan na..be happy maia~"
wika ni sir fiore habang ikinakanta ang wedding march na kanta.

Imbis na tumawa ay biglang nalungkot at sumimangot si maia sa kanyang ginawa.

Agad naman binatukan ni mam fiore kanyang kuya.

" aray! , nagpapatawa lang naman ako ah!, Mukang genuinely inlove naman yung lee na yun kay maia, malay mo maging masaya siya sa bruskong bansot na iyon!"

Bruskong bans- ano?!.

"Wala akong oras sa mga bagay na kinukinsiderang leisure, hindi ko deserve maging masaya habang hindi pa natatapos ang misyon ko"
seryosong wika ni maia napansin ko na nag iba ang tono ng kanyang pananalita nung mga oras na yun ay tila ba seryosong seryoso si maia.

Ang kanyang mga mata na walang buhay ay nagkaroon ng nag aalab na galit.

Kita sa kanyang mga mata ang kanyang pagkaseryoso sa kanyang sinabi.

Siniko ni elena si sir fiore at nagkatinginan silang dalawa, sinenyasan ni elena si sir fiore na kausapin si maia at humingi ng tawad sa kanyang sinabi.

Nagulat ako ng maintindihan ni sir fiore ang senyas ni elena sa kanya na parang may sarili silang lengwahe na alam.

Wah

" maia!, biro lang yun!, biro lang yun, leee pweee, siguradong mas better pa ako dyan!"
pabirong wika ni sir fiore na kahit ginawa niyang biro ang kanyang sinabi ay nagawa naman netong baguhin ang sitwasyon.

Dahan dahang nanumbalik si maia sa dati.

Nawala ang tensyon sa silid at nanumbalik ang magaan na paligid.

" hahaha, wag ka mag alala!, kapag kinuha ka niya ay aagawin kita sa kanyang mga kamay!,"
pahabol ni sir fiore na sa tingin ko ay biro niya lamang ngunit iba ang naging dating neto kay maia.

Biglang napangiti si maia.

" hoy, dont go overboard, male fiore, gusto mo paslangin kita ngayon din!"
naiiritang wika ni elena.

Sir fiore.....

Haaa...nung nawala ang pangamba ko kay lee ay nanumbalik naman ang pagseselos ko kay sir fiore.

Tuloy tuloy ba ako magkakaroon ng problema?.

Nakalimutan ko na na may hoots pala si maia sa kanya.

" ah...by the way, eto si lee oh"
wika ni elena sabay pakita ng cellphone niya sa magkakambal, na sa tingin ko ay litrato ni lee ang nasa screen.

" my gawd ang cute! niya!"
halos sabay na wika ng magkakambal.

r..realy? sir fiore.

Natawa si maia sa naging reaction ni sir fiore.

Realy, si sir fiore lang ang kayang magpangiti kay maia ah, nakaka ingit naman.

Matapos ang aming diskusyon ay napagpasyahan ng dalawa na manumbalik muna sa klassroom para masinsinang maka usap si lee, sinabihan ako ni elena na mas mainam muna na hindi ako magpapakita habang kinakausap niya ang kanyang pinsan kaya naiwan muna ako sa loob ng infirmary kung saan ay tangi ko lang kasama ay si sir fiore dahil kasalukuyang nakikipag digma ang kanyang kapatid sa CR dahil sa tingin ko ay kasalukuyang nananalasa ang isang bagyo sa kanyang tiyan.

Naka upo ako habang nagbabasa ng isa sa mga medical book na nasa infirmary habang abala naman sa pag ce-cellphone ni sir fiore.

Hmm....

Hmmm..

Leporipixvirus.

Nymphomania.

Alzhiemer Dementia.

Uhg?, ang weird naman ng mga pangalan na to, siguro mas complicated ang pangalan ng sakit kapag mas malala?.

" by the way jonathan"
nagsalita si sir fiore habang abala sa kanyang cellphone.

"huh?, ano yun?"

"kinakamusta ka pala ni lilac"

" Hmmm si lilac? ano sabi niya?"
nakangiti kong tanong.

Tumingin siya sa akin bago niya basahin ang nakasulat sa kanyang cellphone.

" pakamusta naman kay jonathan, pakisabi rin na bibisita ako jan kapag nagkaroon ng oras"
natatawang wika ni sir fiore.

" ehh?, nagbibiro ba siya?"
agad ko namang tanong.

" hindi oi, seryoso yun sayo, hahahaha"

" tumatawa ka pa ah, grabe ka naman sir, sabihin mo nga sa kanya na dont bother"

" hmmm, hindi ko masasabi yun, ikaw ang kumausap sa kanya ah"
natatawang wika ni sir fiore na sa tingin ko ay pinag tritripan lang ako.

" oh!, offline na siya"
pahabol ni sir fiore.

" by the way jonathan, put lilac aside, may gusto ka kay maia diba?"
nag iba ang ihip ng hangin ng mapunta kay maia ang aming usapan.

Teka?, bakit niya tinatanong sa akin ang bagay na eto?.

Bigla siyang ngumiti.

" gusto mong tulungan kita?, advice and stuffs, ako ang magsisilbing personal support at wingman mo if you like"
wika niya.

Balak niya ako tulungan?.

Natatawa ako.

Ngayon alam ko na ang naramdaman ni dante nung nakita niya kami ni elena last time, kahit na misundetstanding lang yung kay dante.

Mabait si sir fiore, maasahan siya bilang isang matandang kaibigan.

Kuya ang turing ko sa kanya.

pero insensitive siya.

Ngumiti ako bago nagsalita.

" ako na ang bahala, salamat sa alok pero, kaya ko sarili ko"
wika ko.

Oo, kasi masakit magpatulong sayo lalo na at ikaw ata ang gusto ni maia.

Thats just too cruel dont you think?.

Hindi ako gusto ng gusto ko pero ang gusto ng gusto ko ay ang tumutulong sa akin?

.
.
.
.
.

Continue Reading

You'll Also Like

62.2M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
24.6M 990K 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...
1M 62.4K 78
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
73.2K 2.7K 36
Geca Rella, a die hard fan of a romance and mafia novels that full of red flag male leads. Highest Ranking: #2 in Reincarnation #13 in Fantasy #1 in...