Sea You Again [COMPLETED]

By LexInTheCity

12.6K 649 685

(R-18) May dahilan kung bakit gustong-gusto ni Sharla ang dagat kahit sa totoo naman takot na takot din siya... More

▪️Itineraria▪️
Hello
1. What's Up?
2. You Alright?
3. Not Too Bad
4. Happy Birthday!
5. Let's Go
6. Tata For Now
7. Where Is She?
7. Where Is She? (2)
8. Please Don't Fall
8. Please Don't Fall (2)
9. Get Lost
10. I'm Sorry
10. I'm Sorry (2)
11. Good Evening
12. Let's Have A Dip
12. Let's Have A Dip (2)
13. Let's Play!
13. Let's Play! (2)
14. Goodnight, Best Friend
14. Goodnight, Best Friend (2)
15. Sleep Tight (1)
15. Sleep Tight (2)
15. Sleep Tight (3)
16. No, I'm Not Sleepy
17. Call Me Maybe
17. Call Me Maybe (2)
18. Nice To See You Again
18. Nice To See You Again (2)
19. Back to the Future
19. Back to the Future (2)
20. The Past and the Precious
20. The Past and the Precious (2)
21. You Drive Me Crazy
22. Against All Odds
22. Against All Odds (2)
A Friendly Reminder
23. Stay Strong
24. Goodbye To You
24. Goodbye To You (2)
▪️Save Our Ocean
Epilogue (Part 1)
Epilogue (Part 2)
Epilogue (Part 3)
Epilogue (Part 4)
▪️Acknowledgment
▪️R-D 4 UR NXT ADVENTURE?
▪️Want More?

16. No, I'm Not Sleepy (2)

176 12 10
By LexInTheCity

Nang maalimpungatan si Sharla, mga bandang 4:30AM, no'n niya lang napagtantong nakatulog siya. Bago mataranta, napukaw ang atensyon niya nang mapatingin sa mukha ng binata. Nakahiga lang naman siya sa lap ni Kren habang nakatitig sa mukha nito. Dahil sa may liwanag pa rin ang bonfire at unti-unti nang sumisikat ang haring araw, kitang-kita pa rin niya kung gaano kakinis ang mukha ng binata sa moreno nitong kutis. Matangos ang ilong at mahahaba ang pilik nito sa mata na ngayo'y tila ba'y nakatitig sa kawalan. Siguro, pinagmamasdan niya ang dagat. Nawala siya sa pokus nang maalala ang unang beses na nakilala niya si Kren. Kagabi lang kasi niya nalaman na ang inabot nitong libro sa kanya ay sariling akda nito. Hindi tuloy namalayan ni Sharla na napabulong siya. "Heh, writer daw. Wala naman sa mukha," singhal nga nito.

Nagulat tuloy siya nang biglang mag-reply sa kanya si Kren, "Heyyyy, you're awake. And look at you, staring at this handsome face."

Bukod sa nagulat, nahirapan siyang bumangon. She felt so exhausted. 'Yung parang any moment susuko na 'yung katawan niya. Gusto pa niyang matulog.
"Sorry Kren nakatulog ako," tipid niyang sagot nang tuluyang makabangon.

"Okay lang," diretso pa rin ang tingin niya sa dagat.

"No, that's not okay. Dapat sabay tayong nagbantay. Nakakahiya sayo. Sorry talaga."

"Okay lang talaga. I know kung ga'no ka kapagod and I'm sorry dahil dinala ko pa kayo sa islang 'to."

"No, it's my fault. At kung may pinaka pagod sa atin, ikaw 'yon."

"Okay then, you owe me one."

"Sige na matapos lang ang usapang ito. Pero wala ka naman bang ibang naramdaman na kahit ano kagabi? O suspicious na tunog?"

"Meron."

"Ano? 'Yung babae, bumalik siya?"

"Ingay from that tent," natatawang sabi nito nang ituro ang tent nina Manzo at Beej.

"Really?" Bakas sa mukha ni Shar ang pagiging dissappointed. "Okay na. 'Wag mo nang ituloy."

"Curious lang ako. What makes you like Manzo?"

"I don't know. Maybe, dahil matagal na siyang nandyan sa buhay ko at nasanay na ako na lagi ko siyang nakikita or nakakasama. We've been through a lot... together."

"Ah kala ko dahil sa abs niya. Meron din kasi ako no'n."

"Loko ka talaga, Kren."

"I guess there's nothing too dangerous nor place too far for the one you love," seryosong sagot ni Kren.

Hindi naman maintindihan ni Sharla kung bakit 'yon sinabi ng binata at kung sinong tinutukoy nito. Kaya naman tinitigan niya ito na para bang naghihintay na ituloy nito ang sasabihin.

"So hindi ka na galit sa akin?" he asked instead.

"Ewan. Siguro.... Isusulat mo ba 'to sa susunod mong libro? 'Yung mga nangyayari dito sa isla?"

Patuloy ang kuwentuhan ng dalawa hanggang sa tuluyan nang magpakita ang haring araw. Nakagawa na rin si Kren ng isang improvised na sibat mula sa isang mahabang kahoy na nakuha nila kahapon sa kakahuyan at sa isang matulis na bato. Natigil lang ang usapan nila nang tumayo na si Kren mula sa pagkakaupo at saka lumapit sa dagat. Nang halos dalawang metro na ang layo nito sa kanya, saka na hinubad ni Kren ang suot na pang itaas. Dala-dala ang ginawang sibat, sumugod ito sa dagat para manghuli ng mga isda na maaari nilang makain ngayong umaga.

Nang makita na naman ni Sharla ang hubad at malapad na likod ng binata, naalala na naman niya ang mga eksena nila kagabi. Una, nang nandun sila sa kabilang pangpang at pangalawa nung nasa loob naman sila ng tent. She knew na lust lang naman ang nararamdaman niya para sa binata pero mali pa rin iyon. Si Manzo lang dapat ang minamahal niya. And she was Manzo's first love. But she couldn't stop thinking about her last night with Kren. How he kissed her. 'Yung ramdam na ramdan niya ang passion ng binata. Yung bawat hawak at haplos sa kanya ng binata kagabi, hinahanap-hanap niya iyon ngayon. Kaya sa halip na maupo sa harap ng mga abo at uling na naiwan ng bonfire kagabi, sinundan niya si Kren sa dagat. Napansin naman agad siya ni Kren.

"Shar, 'wag ka na sumunod, mababasa ka lang," pigil ng binata.

"'Yaan mo na, nakakahiya naman kasi sayo, baka hindi ka pa mag-share."

"Parang tanga 'to. Dun ka nga lang, ako na bahala rito."

"Gusto ko ring ma-try manghuli ng isda gamit 'yang ginawa mong sibat," sabi na lang niya kahit sa totoo lang tinatamad siyang tumayo at ayaw rin niyang tumubog sa dagat ng ganitong kaaga.

"Sure ka ba? You better remove your top and pants, bukod sa mabigat 'yan 'pag nabasa, matagal 'yang matuyo at mahihirapan kang kumilos."

"Ahh... gano'n ba? Ano ba 'tong napasok ko?" bulong niya sa sarili. Naalala niya ang skinny-dipping nila kagabi.

"Sabi sa 'yo ako na lang," asik ng binata rito.

Hindi naman papayag si Shar na hahayaan na naman niyang mag-isa si Kren. Hinayaan na nga nito itong magbantay mag-isa kagabi. Sa dami na ng nangyari, confident na siyang mag-tupis this time. It was the red bikini Beej likes. Paborito rin kasi iyong isuot ni Beej noon. Hinubo niya ang pants na pinabigat ng mga buhanging kumapit dito at iniwang suot ang pang itaas. Mabilis siyang lumapit kay Kren at tumigil lang nang pigilan siya ng binata.

"Teka, d'yan ka lang."

"Ano na naman Kren, tutulungan na nga kita di ba?"

"Just stay right there. Tinatakot mo lang ang mga isda. Not helping."

Pero bagkos na tumigil doon sa kinatatayuan niya, mas pinili na lang niyang bumalik sa harap ng tent. Feeling kasi niya wala na siyang ginawang tama. Naririnig niyang tinawag siya nang ilang ulit ni Kren bago pa manaig ang katahimikan sa pagitan nila. She's obviously tired. Ayaw na niyang makipagtalo kay Kren. Sa letseng self-pity na naman siya nakapokus. Tapos, sabay pang lalabas ng tent sina Manzo at Beej habang nagtatawanan. Sabay pa siyang binati ng dalawa. She felt the intimacy between the two but before she could even comment on that, dumating si Kren na may dalang ilang piraso ng isdang nahuli niya.

"Wow," bati ni Beej dito. "Ang galing mo talaga, Kren."

"Ayos bro, dapat ginising mo agad ako kung manghuhuli ka pala."

"Ayos lang pre, maaga pa naman, na-bore lang ako kaya naisipan kong manghuli na. Tulungan nyo na lang akong mag-ihaw nito."

May mga pagkakataong feeling ni Shar ay out of place siya. This is one of those. Pumasok na lang siya sa loob ng tent at kunwari ay may kukunin sa bag niya. Pero ramdam niyang may sumunod sa kanya. She didn't even want to know who the hell was that.

Continue Reading

You'll Also Like

24.6K 1.3K 41
Have you ever had a dream about someone you don't know, a person you don't recall ever meeting, a dream that left you depressed when you woke up? Wel...
5.8M 185K 22
May isang pinaniniwalaang alamat ng Karagatan na kung saan may mga sirenang nagbabantay ng mahiwagang Perlas sa Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran n...
4M 135K 27
Isang misyon, isang hindi inaasahang pagtatagpo at isang pagkamamali na magiging dahilan ng pagbabago ng plano. Paano maitutuwid ang isang pagkakama...
9.7M 297K 65
Claire Cassidy doesn't show her face , doesn't socialize with people and always prefer to be alone, these are the reasons why she was branded as the...