My Guy (series)

By cynthus_writes

532K 5.6K 707

Love is unconditional, it is powerful. Even the person you hate the most, you won’t know what will happen onc... More

My Mom's Other Guy
Other 1
Other 2
Other 3
Other 4
Other 5
Other 6
Other 7
Other 8
Other 9
Other 10
Other 11
Other 12
Other 13
Other 14
Other 15
Final
My Mom's Only Guy
Only 1
Segue way~
Only 2
Only 3
Special Chapter (Coraline's Side)
Only 4
Only 5
Only 6
Special Chapter (Cornell's Side)
Only 7
Only 8
Only 9
Only 10
Only 11
Only 12
Special Chapter (Amelia's Side)
Final
My Offical Guy
Official 1
Official 2
Official 3
Official 4
Official 5
Official 6
Official 7
Official 8
Official 9
Official 10
Official 11
Official 12
Official 13
Official 14
Official 15
Official 17
Official 18
Official 19
Official 20
Final
My Guy Series (Epilogue)
Foolish Hearts (Teaser)
Random Facts

Official 16

5.7K 108 11
By cynthus_writes

Naramdaman ko yung braso ni TJ na nakayakap sa akin. Napadilat ako at nakita ko yung mukha niyang natutulog pa. Gusto kong dumating yung araw na araw-araw kong makikita yung mukha niya pag-gising ko, Yung gwapo niyang mukha ang bubungad sa akin.

Gumalaw si TJ at nilapit pa ako lalo sa kanya kaya naman napangiti ako at yinakap din siya. Siguro ten more minutes, Mamaya na ako babangon dahil bukod sa gusto ko pa ang yakap ni TJ hinahatak pa ako ng kama dahil malamig kahit na may comforter na nakabalot sa aming dalawa ni TJ.

“Babe alam kong gising ka na.”medyo paos na sabi niya kaya naman napadilat ako, Napangiti ako ng sobrang laki dahil sa paos niyang boses. Ganito pala ang boses ng isang Tristan James Gonzales kapag bagong gising yung fresh sa pagkagising.. paos pero sexy.

“I know ten more minutes.”sabi ko sa kanya at yinakap pa siya ng mahigpit bago ako pumikit. I heard him chuckle at yinakap din ako ng mahigpit. Nainggit siya sa yakap ko sa kanya.

“Okay babe, Ten more minutes and after that bangon na tayo.”sabi niya sa akin at tumango naman ako habang nakapikit. Hinalikan niya ang noo ko at siniksik ko pa ang sarili ko sa kanya, Yung tipong mahihiya yung space kaya aalis na lang siya para mas magkadikit pa kami lalo.

Maya-maya narinig ko yung pag-crack ng pinto, Alam kong narinig din iyon ni TJ. Pinakiramdaman ko dahil baka may pumasok sa kwarto ko.

“Shh tulog pa mama mo.”rinig kong bulong ni TJ, Mukhang si Trick yung pumasok. Parang may bumaon sa kama kaya iniisip kong umakyat si Trick sa kama ko.

“Tinignan ko lang kung magkasama po kayo, Nasa ibaba kasi si Ashley kinakain yung cereals ko.”may bahid ng asar yung tono ni Trick, I hope pagsabihan ni TJ dahil hindi ko pa maidilat yung mata ko ng maayos.

“Hayaan mo na papalitan ko na lang bibilhan kita nung mas marami at malaki, Huwag kayong mag-aaway.”sabi ni TJ naramdaman kong tumalon si Trick bago ko narinig yung pag-crack ng pinto indicating lumabas na si Trick.

“Gusto mong sundan pa natin ng isa si Trick? Mukhang mahihirapan tayo kay Ashley at Trick dahil mukhang madalas mag-aaway.”rinig kong sabi ni TJ at tumawa. Mahina ko siyang hinampas gamit yung palad ko na nasa bewang niya.

“Shut up TJ, Huwag muna bata pa si Trick at Ashley mas mahihirapan tayo magkakaroon ng agawan sa atensyon.”sabi ko kay TJ at napadilat ako ng mata ko. Nakangisi lang siya habang nakatingin sa akin.

“Kaya perfect kang maging asawa ko, Mrs. Gonzales.”sabi niya sa akin kaya naman inilingan ko na lang siya saka ako bumangon. Suot ko yung malaking white shirt ni TJ habang siya naman naka-boxer lang.

“Sandali kukuha lang ako ng damit sa cabinet, Diyaan ka lang malamigan ka.”sabi ko kay TJ habang balot pa siya ng comforter. Nung natutulog nga kasi kami balot yung katawan tapos labas yung ulo naming dalawa.

“My considerate and thoughtful soon to be Mrs. Gonzales.”sabi ni TJ kaya naman napatawa ako sa sinabi niya bago ko halungkatin yung damit ko at nag-suot ng short, Siyempre kailangan ko munang hubarin yung t-shirt ni TJ bago ako magsuot ng sarili kong t-shirt.

“Oh, Bihis ka na babe.”sabi ko sa kanya saka ako kumindat sa kanya sinuot naman niya agad yung T-shirt niya saka yung pants niya bago siya tumayo sa kama. Yinakap niya ako ng mahigpit mula sa likod nang isasarado ko na sana yung closet ko.

“Ang bango mo.”bulong niya sa tenga ko kaya naman napangiti ako. Isasarado ko na sana ng tuluyan ng hawakan niya yung hawakan, May inabot siya sa may bandang ibaba kung saan nakalagay yung mga panyo ko.

“Bakit may ganito ka?”tanong niya sa akin kaya naman kumunot yung noo ko habang hawak niya yung panyo. Iyon yung panyo na naalala kong naging inspiration ko sa unang dress na dinesign ko.

“Ha? Matagal na sa akin iyan Highschool palang ako nasa akin na iyan, Bakit? Kilala mo yung may-ari?”tanong ko sa kanya at humarap ako sa kanya. Nakatitig lang siya sa panyo at binuklat niya, Nagtataka naman ako kung bakit parang may hinahanap siya sa sulok. Ngumisi siya at may dinukot sa bulsa ng pantalon niya.

“Alam mo bang ganito ang mga panyo ko simula nung pagkabata ko at ako lang sa mundo ang merong ganitong panyo, There’s a TG initial in every left down corner. Now tell me paano ka nagkaroon nito?”tanong niya sa akin kaya naman agad akong napasinghap. Napatakip din ako ng bibig ko sa sinabi niya. K-Kanya iyang panyong iyan? S-Siya yung lalaking nag-abot sa akin niyaan nung iniyakan ko yung ex-boyfriend ko nung Highschool?

“Bakit?”tanong niya sa akin kaya naman agad kong binaba ang kamay ko sa bibig ko. Napatawa naman ako at hindi ko alam kung saan ko ilulugar yung kilig at saya na nararamdman ko.

“Naalala mo yung sinabi mo sa akin kagabi na nagsisisi ka na hindi tayo nagkita ng mas maaga?”pigil ang tawa kong tanong sa kanya pero sobrang laki ng ngiti ko. Sino ba naman kasi mag-aakala na siya lang pala yung damuhong iyon?

“Oo, Bakit don’t tell me-”at napatalon ako, Siguro sa sobrang excited napatalon ako habang tumatawa. Kunot ang noo niya pero nakangiti siya dahil halatang may clue na siya.

“Binigay mo sa akin iyan noon dahil iyak ako ng iyak tapos ininsulto mo pa ako dahil ang ingay kong umiyak tapos ang panget ko pa!”sabi ko sa kanya at sinamaan ko siya ng tingin pero pigil ang ngiti ko kasi natutuwa ako na nagkita na pala talaga kami dati.

“Sht! Ikaw yung dahilan kung bakit ako napaglitan ni mama, Bakit ba hindi kita agad ginawang girlfriend noon? Ang tanga ko naman.”matawa-tawa niyang sabi sa akin kaya naman agad ko siyang yinakap ng mahigpit, Ganoon din ang ginawa niya sa akin.

“Favorite na panyo ko pa naman ito dati, Ayaw ko pang ibigay sa iyo pero ang ingay mo gusto kong isalaksak sa bibig mo.”matawa-tawa niyang kuwento sa akin kaya naman inangat ko ang tingin ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Talagang isasalaksak niya sa bibig ko yung panyo?

“Pero teka bakit ka ba umiiyak noon?”tanong niya sa akin kaya naman yinakap ko na lang siya ng mahigpit saka sinandal yung ulo ko sa balikat niya.

“Naghiwalay kami ng Ex ko nung araw na iyon, Yung first boyfriend ko.”sabi ko sa kanya at nilagay niya yung kamay niya sa likuran ko saka iyon himas pababa at pataas.

“Ayos lang iyan, Nakilala mo naman ako kaya wag kang maghinayang sa mga ex mo.”sabi niya sa akin kaya naman napangiti na lang akong tiningala siya, Gwapo talaga!

“Nababaliw na siguro ako noon dahil hindi kita naging girlfriend agad, Shet! Sayang.”matawa-tawa niyang sabi sa akin kaya yinakap ko siya ng mahigpit habang nakatingin sa mukha niya.

“Pero promise ang cute mo kanina lalo na nung tumalon ka, Gusto kitang ibulsa.”matawa-tawa pa niyang dagdag sa akin bago halikan yung labi ko. Napangiti na lang ako dahil matagal na pala kaming pinagkikita pero hindi kami magkita-kita.

“Teka may naalala pa ako, Alam mo yung party kung saan mo nakilala si Mom?”tanong ko kay TJ at tumango naman siya bago sumagot.

“Hmm.. Bakit?”tanong niya sa akin kaya naman napatingin muna ako sa ceiling bago ko siya sagutin.

“Sinabi kasi sa akin ni Mom through the letter na kung hindi ako pumunta ng Paris that time, Ako sana ang papapuntahin niya sa party. Ako sana ang makikita mo.”sabi ko sa kanya at natawa siya sa sinabi ko, Pati ako rin natawa. I guess people tend to fall in love to the wrong person, Hindi sila makapaghintay na dumating yung perfect timing para sa tamang tao para sa kanila. Masyado silang nagmamadali kaya they end up with the wrong person at dahil doon may masasaktan.

Isa kami ni TJ sa nagmadali kaya hindi siguro namin nakita yung isa’t-isa. Marami na sigurong beses kaming nagkakasama sa iisang lugar ng hindi namin alam pero hindi namin pinapansin yung isa’t-isa kasi nasa iba yung focus namin, Nagmamadali kasi kami. Ayan sa pagmamadali naming dalawa may nasaktan, may nasira at hindi perfect ang simula.

Sa sobrang katangahan siguro naming dalawa nainis na yung tadhana kaya ayan pinaguntog na niya kaming dalawa para magkakilala kami. Siyempre kapag nauntog ka masasaktan ka kaya ayan! Dulot ng katangahan at pagmamadali nagkaroon ng sakitan.

“Hindi man perfect yung simula, Tapusin natin ng perfect Cornelia.”sabi niya sa akin at hinalikan ako sa noo, Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Tama hindi nga perfect yung simula, Tapusin na lang naming dalawa na perfect.

After ng munting lambingan namin ni TJ ay bumaba na kaming dalawa, Naabutan pa namin si Trick at Ashley na parang may pinagtatalunan.

“Ay ang tanga!”sabi ni Ashley at napa-facepalm pa, Pinagmasdan muna namin sila ni TJ para malaman namin kung ano yung pinagtatalunan nila.

“Tsk! Ang kulit mo naman hindi nga sabi ang dila ang nakakalasa ng pagkain.”pamimilit ni Trick kay Ashley. Nag-role eyes na lang si Ashley at patuloy na hindi naniniwala kay Trick mukhang may pinagtatalunan silang dalawa at may kinalaman sa academics.

“Sige nga paanong ngala-ngala ang totoong nakakalasa ng pagkain? Ang sabi nga sa science book natin ang dila ang nakakalasa ng pagkain may places pa nga eh.”sabi ni Ashley at si Trick naman inilingan si Ashley. Tumayo si Trick at may kinuha sa bulsa niya.

“Ayan i-try mong ilagay sa dila mo iyang chocolate na iyan para malaman mo kung sweet nga at kapag pinasok mo na sa bandang ngala-ngala mo doon na maglalasa yung tamis kapag hindi mo ginawa yung sinabi ko ibig sabihin ayaw mo lang talaga na may mas matalino sa iyo.”sabi ni Trick at masama ang tingin ni Ashley kay Trick habang kinukuha ang chocolate sa kamay ni Trick. Ngumisi si Trick habang pinagmamasdan si Ashley na gawin yung sinasabi niya.

“Loko yang si Trick pasimple kung magbigay ng chocolate kay Ashley.”bulong sa akin ni TJ kaya naman kinurot ko siya ng mahina sa tagiliran. Ang lakas ng loob niyang pagbintangan yung anak niyang dumadamoves? Ang bata pa ni Trick para ma-inlove!

“Ano tama ako? Learn to observe Ashley, Hindi lahat ng libro nagsasabi ng totoo. Science is about observation.”sabi ni Trick habang nilagay sa kamay ni Ashley lahat ng chocolate na hawak niya kanina bago umalis sa harapan ni Ashley saka nilabas yung PSP niya. Si Ashley naman nakatingin sa chocolate na hawak niya at kay Trick na naglalaro lang ng PSP niya.

Bumaba na kami ni TJ matapos ng pagtatalo na iyon ni Trick at Ashley. Bumaba kami na parang walang nakita, narinig o nalalaman sa pinagtatalunan nilang dalawa. Mukha kasing pagdating ng susunod na mga araw magkakaroon ng Quiz Tournament araw-araw dito sa bahay.

“Oy liit tara na uwi na tayo.”sabi ni TJ kay Ashley saka kinarga nagpa-alam na si TJ kay Trick at tumango naman si Trick kay TJ habang busy sa paglaro ng PSP niya. Eto talaga ang ultimate enemy sa atensyon ni Trick, Ang PSP niya.

Naglakad na lang ako papuntang kitchen nang biglang tumunog ang phone ko kaya naman agad ko iyong sinagot.

“Hello babe.”masayang bati niya sa akin kaya naman napangisi ako at inipit sa tenga ko ang phone habang may kinukuha ako sa refridgerator.

“Hi babe, So bakit ka napatawag kung kakaalis niyo lang ni Ashley?”tanong ko kay TJ mukhang babe talaga ang tawagan naming dalawa. I never imagine myself calling someone cheesy call names like babe, sweetheart, cupcakes and the likes. Noon kasi sa pangalan ko lang tinatawag ang apat na ex ko kasama na doon si Colton.

“Masama bang miss kita agad kahit na kanto lang ang pagitan nating dalawa?”matawa-tawa niyang sagot sa akin kaya naman napatawa na lang din ako habang nilalagyan ng chocolate spread ang whole wheat bread sa mesa para sa almusal ko.

“Ganoon? Punta ka ulit dito sa bahay if you want. I’ll make you again that Cream Truffle Pasta basta ba wag ka ng makalat kumain.”matawa-tawa kong sabi sa kanya at narinig ko ang boses ni Ashley.

“Daddy! Please stop being cheesy you’re too noisy! Nandoon lang si Mommy sa kabilang bahay please? Nag-aaral ako.”rinig kong reklamo ni Ashley kay TJ at narinig ko ang pagtawa ni TJ kay Ashley at inasar-asar pa.

“Babe aasikasuhin ko lang itong si liit tapos pupunta ako diyaan.”sabi ni TJ at nagpa-alam na kaming dalawa habang ako kumakain. Maya-maya may tumawag na naman sa phone ko hindi ko na tinignan kung sino akala ko si TJ pero mabuti na lang at nagsalita agad dahil muntik ko ng masabi ang babe na tawagan nga ata namin ni TJ.

“Cornelia, Mr. Sy scheduled a meeting tomorrow para pag-usapan ang tungkol sa issue sa utang sa building. Also yung problema sa Pabrika the day after tomorrow natin asikasuhin nila Shiela.”sabi ni Guia kaya naman nagtatango-tango ako habang pinapakinggan ko siyang magsalita.

“Iyon lang ba? Okay sige, Thank you Guia.”sabi ko kay Guia at nagpa-alam na rin siya agad dahil busy sa paghanda ng almusal ni Cean.

“Kausap mo?”tanong ni TJ ng makita niya akong kumakain dito sa counter ng kitchen ng breakfast ko. Kumuha rin siya ng isa sa tinapay na hinanda ko.

“Si Guia, So magpakasal na tayong dalawa dahil mukhang kahit kanto na lang ang naglalayo sa ating dalawa miss na miss pa rin natin ang isa’t-isa.”matawa-tawa kong biro kay TJ at napaisip siya sa biro ko na magpakasal na kaming dalawa.

“Sabi nga ni mama sa akin kanina dito na raw ako sa iyo tumira dahil hindi na niya ako halos ramdam sa bahay.”sabi ni TJ sa akin habang natatawa kaya naman inilingan ko siya bago ako kumain.

“Nga pala sabi pa sa akin ni mama na bumisita ka raw sa bahay kung may oras ka.”sabi ni TJ kaya naman tumango ako sa kanya, Siyempre si Tita Thea kaya iyon.

“Sige pero hindi muna ngayon o kaya bukas nag-schedule kasi ng appointment si Mr. Sy tungkol sa utang ng Couture kaya eto may meeting bukas.”sabi ko kay TJ at napatango naman siya sa akin. Tumayo siya at yinakap ako mula sa likod. Sinandal ko yung ulo ko sa balikat niya dahil naka-upo ako sa high chair sumakto yung height ko sa balikat ni TJ kung saan ako sumasandal kapag nakatayo kaming dalawa.

“So hindi kita maso-solo bukas? Pero don’t worry i will always find ways.”sabi ni TJ natawa naman ako dahil rhyme yung always and ways. Umiling ako sa tanong niya sa akin na hindi niya ko masosolo bukas.

“Kung hindi bukas ngayon na lang may isang buong araw ako para lambingin at solohin ka, Bibigyan ko na lang si Trick at Ashley ng apat na oras, Two hours each sa twenty four hours na magkasama tayong dalawa.”sabi ni TJ kaya naman pinalo ko yung kamay niya dahil sa biro niya sa akin.

“Hindi nakakatawa TJ promise, Wag kang selfish.”sabi ko sa kanya at hinigpit pa niya ang yakap niya sa akin.

“Hindi ako selfish Cornelia sinasabi ko lang kung ano yung gusto ko sa ating dalawa. Ang selfish yung gusto ko akin lang talaga ang atensyon mo pero hindi, Binigyan ko ng four hours ang dalawang bata sa loob ng twenty four hours at sa loob ng twenty hours na natitira na iyon may eight hours kang tulog dipende na lang kung gusto mong umagahan.”sabi ni TJ sa akin sabay kindat kaya naman hinalikan ko na lang siya sa pisngi bilang panggigigil ko sa kanya dahil ang gwapo niya talaga. Ang swerte ko dahil ako ang mahal niya at ako ang ina ni Trick.

Continue Reading

You'll Also Like

45.5K 799 42
Chesca, a strong brave girl who's head over heels towards a guy named Danger. She was the one who courted him and chases him despite of his attitude...
12.2K 1.3K 44
Girl Series #1 Syria Elene Crisostomo -Leyaanaviaaa. Date Started: November 21, 2021 Date Ended: February 14, 2022
2.9M 181K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
2M 25K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...