Official 14

6.1K 107 7
                                    

“Coraline..”tawag ko pa ulit sa kanya at inalis niya ang tingin niya kay TJ, Napunta sa akin ang tingin niya saka ako inilingan bago siya nag-decide na hatakin ang maleta niya palabas ng bahay. Agad akong umalis sa harapan ni TJ at sumunod kay Coraline pababa.

“Coraline! Coraline sandali.”sabi ko sa kanya at napatigil siya sa paglakad saka ako nilingon. Inayos niya ng tayo ng maleta niya saka ako hinarap.

“Ano ate? Ipapaliwanag mo sa akin kung bakit kasama mo ang kabit dati ni Mommy na ama ni Trick?”mangiyak-ngiyak na sabi niya sa akin. Agad akong lumapit sa kanya pero umatras siya kaya naman nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko, Hindi ko maatim na nasasaktan talaga si Coraline

“Coraline please makinig ka.”sabi ko sa kanya at umiling-iling siya sa akin. Napatingala siya sa itaas kung saan nandoon si TJ na nakatingin lang sa amin, Lumapit ako sa kanya saka ko siya yinakap pero tinulak niya ako ng mahina. Doon na ako todo nasaktan sa ginawa niyang pag-tulak sa akin dahil parang sinasabi niya na sa akin na tinataboy na niya ako bilang ate niya.

“Ate nakalimutan mo na ba? Nakalimutan mo na ba na siya ang dahilan kung bakit tayo nasira? Siya ang dahilan kung bakit nasaktan ako, ikaw, si Daddy at si Mommy? Nakalimutan mo na ba kasi kung oo ipapaalala ko sa iyo na naging miserable tayo!”sigaw niya habang patuloy sa pag-agos ang luha niya, Tumulo na rin ang luha ko sa nakikita at naririnig ko kay Coraline.

“Ate marami siyang sinaktan! Anong ginawa niya bakit ganoon mo lang siya tinanggap? Bakit parang ang bilis at ang dali lang ate? Bakit?”tanong niya sa akin at napaluhod siya kaya naman agad ko siyang dinaluhan. Marupok ang kapatid ko, Sobrang rupok ni Coraline at sa tingin ko mukhang mali na nakipag-balikan ako kay TJ pero papanindigan ko ang ginawa kong makipag-balikan sa kanya. Papanindigan ko si TJ dahil mahal ko siya, Ama siya ni Trick at kailangan namin siya ng anak ko.

“I thought..”agad kong inilagay ang palad ko sa pisngi niya at pinunasan ang luha niya. I know she needs me after all at tulad ng pagka-kailangan niya sa akin, Ganoon din kami ni Trick kay TJ.

“Trick needs him, I need him too Coraline and i am sorry dahil nasaktan kita pero hindi ako nagso-sorry dahil mahal ko si TJ. Hindi ako nagso-sorry dahil tinanggap ko si TJ.”sabi ko kay Coraline at napayuko na lang siya habang umiiyak. Yinakap ko siya ng mahigpit para maibsan yung sakit na nararamdaman niya. Hinimas ko rin ang likod niya para hayaan siyang umiyak at ilabas ang lungkot niya.

“Ate sinaktan niya tayo.. Siya ang dahilan kung bakit nawalan ako ng magulang sa murang edad, Siya ang dahilan kung bakit hindi ko magawang mahalin ng buo si CJ dahil magkapatid silang dalawa, Siya rin ang dahilan kung bakit muntik ng magkapamatay si Daddy at higit sa lahat siya ang dahilan kung bakit naging miserable si Mommy sa huling oras niya sa mundo.”napa-awang ang labi ko sa sinabi niya at hinarap ko siya. Anong ibig niyang sabihin sa huling sinabi niya? Dahilan nang pagiging miserable ni Mom sa huling oras niya sa mundo? Anong ibig sabihin niya?

My Guy (series)Where stories live. Discover now