Other 10

9.8K 91 16
                                    

“Sige kakausapin ko na lang si Ashlyn at Jason na pumunta sa bahay bukas para sukatan mo sila, Wag ka na ulit aalis ng biglaan nakakahiya sa dalawa.”sabi nitong mokong na ito. Tinawagan ko ulit siya may kailangan kasi ako sa kanya. Napatawa naman ako sa sinabi niya, May hiya pa pala siya sa katawan akala ko kasi wala na dahil sa ginagawa niya kadiri siya pumapatol sa may asawa.

“Oo na sunduin mo ko sa Boutique tumirik ang kotse ko nasa Car Repair sa susunod na araw ko pa makukuha.”sabi ko sa kanya, Kailangan kong mapa-oo ang gagong ito. Hindi siya deserving sa respeto ko kaya naman ilang beses ko na siyang pinapaliguan ng mura at pinatay sa isip ko.

“Oo na pasalamat ka at hindi ako masyadong busy bukas saka may lakad daw si Amelia.”sa sinabing niyang iyon napatight fist ako. Confirm na Confirm talaga na kabit siya ng nanay ko, Sa bibig na niya mismo lumabas ang pangalan ni Mom.

“Sino si Amelia?”kunwaring hindi ko alam na tanong ko sa kanya, Tumawa naman siya hindi nakakatawa ang mga pinag-gagawa niya nakakasuklam.

“I forgot Amelia ang pangalan niya and you too had the same surname maybe the both of you are related.”sa sinabing niyang iyon ay napatawa naman ako, Tumawa ako habang naiiyak.

“Haha baliw ka ba? Matagal ng patay ang magulang namin, Ulila na kaming lubos ng kapatid ko at ang alam ko wala kaming kamag-anak na iba.”sabi ko sa kanya natawa naman siya.

“Chill ang defensive mo meron ka ba ngayon?”tanong niya natigilan ako sa defensive na word. Nagagalit na ko ng sobra hindi ko na kaya ang galit ko nagpapadyak ako ng tahimik para mapigilan ko ang galit ko.

“Hello Cornelia still there?”tanong niya, Inayos ko ang sarili ko pati ang boses ko.

“Ang sarap mong patayin! Tama ka meron ako.”pagsisinungaling ko sa kanya, Paano kasi kahit na ayusin ko ang boses ko hindi ko magawa dahil nasisigaw pa rin ako sa galit sa kanya bwisit siya mamatay na siya.

“Sige na magpahinga ka na bawal mapuyat magkasak-”hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil binabaan ko na siya ng phone. Agad akong nag-log in Laptop ko at nag-search ng email ng isang Sikat na Newspaper Agency may ibibigay lang akong scoop sa kanila na sure akong kahihiyan para sa isang Tristan Gonzales.

Gumawa ako ng dummy email address at nilagay ko ang email address ng Newspaper Agency. I send them a scoop about Tristan’s relationship siyempre hindi ko sinabi na may asawa ang karelasyon niya kahihiyan para sa pamilya namin dahil damay kami dito. I smirk as i press the enter kagimbalgimbal na morning ang mangyayari bukas i swear! Humiga na ko sa kama ko at pumikit habang nakangiti, First time kong matutulog ng nakangiti.

Maaga akong gumising para ipaghanda ng agahan si Coraline, Good mood talaga ako dahil sa show na mangyayari mamaya and i am expecting everyone to know this. After kong maghanda ay dumiretso agad ako sa Boutique namin pagpasok ko akala ko magiging okay ang morning ko hindi pala sumalubong agad ang isang bwisit sa Boutique ko na prenteng naka-upo sa Couch. Wow lang ha bahay niya ‘to? Punyeta siya.

“Wag mo naman akong titigan mamaya matunaw ako eh, Ang gwapo ko ba?”sabi niya umiling na lang ako at nag-role eyes.

“Tigilan mo ko wag mong bwisitin ang umaga ko, Good mood ako ngayon.”sabi ko sa kanya well nabwisit na niya ko ng makita ko siya. Pinipilit ko lang maging Good mood dahil sa pagsabog ng sikreto niya.

“Talaga bakit? Nakausap mo ko kagabi? Sabi na may gusto ka na sa akin.”sabi niya nawala ang ngiti sa labi ko, Binato ko siya pin cushion.

My Guy (series)Where stories live. Discover now