Only 5

8.7K 81 8
                                    

Limang araw na ang lumipas simula ng kasal ni Ashlyn at Jason, Limang araw na rin ang lumipas simula ng may nangyari ulit sa amin ni TJ. Hindi ko pa siya tinatawagan dahil nagre-reflect ako sa pagkakamaling nagawa ko. Yung tanga-tanga kong desisyon, Ngayon pinapangako ko sa sarili ko na hindi na mauulit iyong padalos-dalos kong desisyon.

Nagbura ako ng sobrang line sa iniisketch ko, Thursday ng umaga wala pa sila Guia at Shiela sa Boutique kaya habang wala pa sila eto ang perfect time para magi-sketch ng mga designs ko at mag-self reflect ako. Tatlo na ang kinuha sa akin ni TJ, Ang masaya kong pamilya, si Mom at ang puri ko. Ano pa kaya ang susunod niyang kukunin? Binitawan ko ang mechanical pencil saka ako sumandal sa swivel chair ko at pumikit.

Yung pagkuha ni TJ sa masaya kong pamilya at kay Mom, Choice niya iyon pero yung pagkuha sa puri ko alam ko namang aksidente iyon eh pero matatawag pa bang aksidente kapag dalawang beses na nangyari? Hindi naman ako pwedeng magreklamo sa kanya dahil di ba nga kailangan kong umarte na mahal ko siya kahit na hindi para lang masaktan ko siya.

Napatigil ako sa pagiisip ng sumakit ang puson ko. Napadilat ako at napayuko saka ito hinaplos, Gutom lang ata ako saktong pagtayo ko sa swivel chair ay pumasok si Shiela sa loob ng Boutique kaya lang masakit talaga ang puson ko.

“May Food kang dala?”tanong ko kay Shiela inabot niya sa akin ang Oatmeal Cookies na nilalantakan niya, Infairness bumabalik ang slim ng katawan ni Shiela.

“Oh my gosh Cornelia!”tili ni Shiela kaya naman napalingon ako sa kanya at tinuro niya ang skirt ko saka nanlaki ang mata ko. Sht! Meron na ko.

“Peste! Puti pa naman ang suot ko.”asar na sabi ko at pumasok ako sa banyo, Pinahiram naman ako ng napkin ni Shiela at ng buti na lang may damit kami dito everytime na nago-overnight work kami dito sa Boutique.

“So Confirm, Cornelia is not preggy.”sabi ni Shiela sa akin at nag-smirk ako. Sabi ko naman kasi hindi ako mabubuntis, Ang kulit nilang dalawa ni Guia kesyo magkakabunga raw. Now that i have my Menstrual Period i feel relieved dahil hindi nga ako buntis.

Pero did you heard about implantation?biglang sabi ni Shiela kaya naman napatingin ako sa kanya ng seryoso as if naman alam ko iyon. Doctor kasi ang Mother ni Shiela sa isang Hospital while her Father owns the A towers at dahil only daughter lang si Shiela she manages their A Towers and her Mother Continue to work at that certain Hospital.

“Well hindi pa nga, I heard na implantation occurs when a fertilize egg is moving to uterus to attach a lining at alam mo ba kung anong nangyayari?”nakasmirk na sabi ni Shiela while eating her Oatmeal Cookies, Bigla naman akong nakaramdam ng kaba sa sinasabi niya.

“Bleeding.”nanlaki ang mata ko at napa-ubo ako sa sinabi ni Shiela, Dumating na rin si Guia with Colton as always. Kinabahan ako bigla sa sinabi ni Shiela kaya napatitig lang ako sa kanya while she ate the last bit of the first pack of her Oatmeal Cookies.

“But hindi tayo sure diyaan Cornelia, Malay mo menstruation nga talaga at hindi implantation.”sabi niya sabay inom ng diet juice niya at tumayo sa pagkaka-upo sa couch para pumunta sa desk niya.

“Anong pinag-uusapan niyo?”tanong ni Guia at umiling na lang ako bago pumasok sa Office ko, Nanlambot ang tuhod ko at napa-upo sa sahig. Curse you Shiela! Implantation? Is that even possible?! Well stupid Cornelia that is possible! Wala pa ngang Three weeks simula nung may nangyari sa inyo ni TJ tapos nasundan pa ng isa ano sa tingin mo walang mabubuo? Dalawang beses na may nangyari sa inyo ni TJ at ano sa tingin mo walang magbubunga? Ugh this can’t be! Once na may nagbunga talo ako, Talong-talo.

My Guy (series)Where stories live. Discover now