Official 7

7.2K 84 13
                                    

Inis na inis akong pumasok sa loob ng building ng Couture Philippines. Alam kong nasa auditorium na sina Shiela at Guia para asikasuhin ang ramp ng mga models ng Couture para sa Fashion showcase.

“Huling rarampa si Eliza dahil sa kanya ang Finale.”rinig kong boses ni Shiela sa loob ng auditorium pagpasok ko.

Tinignan ako ng ilang models na nakakakilala sa akin ng makita nila akong pumasok, Some of them greet me pero yung iba hindi dahil busy sa pag-practice.

“Good Afternoon, Miss Fuentabella.”bati sa akin ni Eliza ng makita niya ako sa backstage, I also greet her. Pinatapos ko muna ang practice at pagsusukat sa mga models bago ko sabihin kay Shiela at Guia ang lahat ng pasabog ko.

“GGC.”sabi ko sa kanilang dalawa habang nag-aayos kami ng mga sketches na tatahiin bukas. Napatingin naman silang dalawa sa akin.

“Ha? Ano?”sabay na sabi nila sa akin, Huminto ako sa ginagawa ko at tinignan ko sila.

“GGC ang may hawak ng Fab, Ang kompanya na sinuggest sa atin ni Laura na pwedeng mag-supply sa atin ng mga tela.”sabi ko sa kanilang dalawa, Na-shocked naman silang dalawa. Hindi ko alam kung sa gulat dahil alam ko o talagang nagulat lang sila.

“GGC? You mean the Gonzales Group of Companies?”gulat na sabi ni Guia, Tinignan ko si Shiela para malaman ko kung may reaksyon ba siya pero parang hindi na siya nagulat. I don’t want to assume but i think she know everything including about the GGC.

“Yeah, Ang galing ano? Paano kaya nalaman ni Laura ang exact day na magkakaroon ng aberya ang Factory na pinagkukuhaan natin ng tela? Timing na timing kasi siya.”parinig ko kay Shiela na ngumisi. Gotcha! Sinasabi ko na nga ba at may kinalaman siya dito. Nung una hindi ko napansin i thought Laura is a life saver pero hindi pala sa tingin ko nag-kontsabahan sila ni Shiela para magkita kami ni TJ.

“That’s what you called destiny Cornelia.”nakangising sabi sa akin ni Shiela habang nakatingin siya sa mga sketches bago niya ko tignan saglit. Gusto kong matawa ng sarkastiko sa pinagsasabi ng bestfriend ko. Destiny? That’s bullsht!

“Destiny? Or more than a set up Shiela.”sabi ko kay Shiela habang nakatingin sa kanya. Bumalik ang tingin niya sa akin dahil alam na niya ata na may alam din ako.

“What do you mean Cornelia?”tanong sa akin ni Shiela habang nakatitig sa mata ko. Ngumisi ako sa kanya tulad ng pagngisi niya sa akin.

“Kung si TJ lang naman ang pag-uusapan, Shiela. It’s not Destiny.”sagot ko sa kanya at kumunot ang noo niya bago tumawa.

“Did you met Tristan earlier? Nakita mo siya sa building ng Fab?”matawa-tawang sabi sa akin ni Shiela kaya naman imbes na ako ang matuwa, Naaasar ako. Why so cunning Shiela?

“Silence means Yes.”at lalong humalakhak si Shiela. Napabuga ako ng hangin sa sobrang inis ko, Bakit ko ba naging bestfriend ang babaeng ito?

“Oo nga pala tumawag yung academy, Papuntahin na raw doon si Trick para sa late enrollee. Special Treatment na ang gagawin sa anak mo kaya sana naman sumama ka sa pag-enroll.”sabi ni Shiela sa akin bago umalis, Napatingin naman ako kay Guia na halatang naguguluhan din.

“May alam ka ba dito? You gave me the address.”sabi ko kay Guia at mabilis siyang umiling.

“I don’t know, Nakausap ko si Laura siya yung nagsabi sa akin ng tungkol dito sa Fab and i don’t know na GGC pala ang humahawak sa Fab.”sabi sa akin ni Guia at napakagat ako ng labi ko. Hindi muna ako magsususpetsa ngayon kahit na talagang duda na ako sa nangyari kanina. Pababayaan ko ang nangyari ngayon pero kapag nalaman kong may naglalaro na sa akin dito peste! Lintek lang ang walang ganti.

My Guy (series)Where stories live. Discover now