Official 20

5.2K 143 15
                                    

Wait for the Final and Epilogue plus Trick and Ashley's story :)

_________________________________

Inanyayahan kong magkape si Tita Thea pero tumanggi siya. Inabot niya sa akin ang isang paper bag na naglalaman ng damit ni TJ. Umupo siya sa kama sa may gilid ni TJ para marahang haplusin ang buhok nito.

Tahimik lang kaming dalawa ni Tita Thea, Tanging ang paghilik ni TJ at ang paghinga naming tatlo lang ang naririnig sa bawat sulok ng kwarto ko. Maya-maya pa ay narinig ko ang pagsinghot ni Tita Thea, Umiiyak pala siya.

“Tita..”tawag ko sa kanya at mabilis niyang pinunasan ang luha sa mata niya bago ako harapin.

“I am sorry po kung nagkaroon ng sakit si TJ dahil sa akin pasensya na po.”panghihingi ko ng tawad pero umiling si Tita Thea sa akin at pinaupo ako sa tabi niya. Umupo naman ako sa tabi niya at hinawakan niya ang kamay ni TJ.

“Tuwing nagkakasakit lang si TJ lagi kong naaalala nung ipinanganak ko siya. He is a premature baby Cornelia.”pagkukwento ni Tita Thea sa akin. Napanganga ako at at nakaramdam ng awa kay TJ sa nalaman ko.

“Maaga siyang lumabas sa akin, Seven Months old palang siya noon lumabas na agad siya. Awang-awa ako sa kanya noon nung nasa loob siya ng incubator. Kung anu-anong apparatus ang nakasaksak sa kanya but he is a strong baby. Himala na lang na nag-survive siya sa loob ng incubator. For us he is a miracle.”nakangiting kwento ni Tita Thea sa akin habang hinahaplos ang buhok ni TJ, Napangiti naman ako at nakaramdam ako ng guilt para kay TJ.

“Pero alam mo Cornelia kung ano yung nakakatuwa? Isang araw bago ilabas si TJ sa incubator niya dahil pwede na siyang iuwi noon may dumating namang baby girl at itinabi sa tabi ng incubator niya. Pansamantala lang daw yung baby doon hanggang sa magising yung mother niya. The beautiful part is yung pinky fingers nila nagsalikop.”may ilang milyong karayom ang tumusok sa puso ko. Ano ba ang reason kung bakit kinukwento sa akin ni Tita Thea ito? Tiniis ko yung sakit na nararamdaman ko at inantay ko ang susunod niya pang sasabihin.

“Alam mo ba kung ano ang nakalagay sa baby tag nung baby girl?”matawa-tawang sabi ni Tita Thea habang pinagmamasdan si TJ at hinahaplos ang kamay niya.

“A-Ano po?”tanong ko kay Tita Thea, Kinuha niya ang kamay ko at itinaas ang pinky finger ko. Nilapit niya iyon sa kamay ni TJ at pinagsalikop ang daliri. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya at tinignan ko siya na para bang..

“Baby Fuentabella.”nakangiting sabi ni Tita sa akin at hindi ako makapaniwala sa sinabi niya sa akin. Naninikip yung dibdib ko, P-Paanong?

“Alam kong maraming Fuentabella pero alam ko at sigurado ako dahil parehas kayo ng mata.”dagdag pa ni Tita Thea sa akin at hindi ko maigalaw yung kamay ko sa kamay ni TJ dahil hindi ko alam. Yung para bang mangha ka na ano.. Basta hindi maipaliwanag.

Nanahimik muli kami ni Tita Thea at maya-maya pa ay nagsalita muli siya.

“I am sorry Cornelia.”sabi ni Tita sa habang nakatitig siya kay TJ pero tumingin din siya sa akin kaya naman napa-kunot ang noo ko. Ako dapat ang humingi ng tawad hindi siya.

“Tita wala po kayong dapat ika-sorry.”sabi ko kay Tita Thea at umiling siya sa akin kasabay ng pagpatong niya sa kamay ko ng sarili niyang kamay na nakahawak sa kamay ni TJ.

“That’s not what i mean Cornelia.”sabi niya sa akin na sinulyapan pa si TJ bago muling ibalik sa akin ang tingin niya.

“Alam kong malaki ang kasalanan sa iyo ni TJ noon pa. Alam ko na sobra-sobra ang dinulot sa iyong sakit ni TJ pero gusto kong humingi ng tawad bilang ina niya dahil may kasalanan din ako.”sabi ni Tita sa akin kaya naman umiling ako sa kanya dahil wala naman siyang kasalanan. Sa tingin ko labas siya sa gulo namin ng anak niya dahil kaming dalawa ni TJ ang may kasalanan dito.

My Guy (series)Where stories live. Discover now