Other 13

9.6K 89 14
                                    

Warning: PG-13 as the Chapter says, I am telling you guys this chapter is really important this is not just because of the Sensitive parts because everything happens for a reason and especially for the first time hindi POV ni Tristan or Cornelia ang mababasa niyo.

He's one of the important Characters and if you read between the lines he would be the key to the Book 3 of MMOG Series ;)

________________________________

“The Machine Gun is wildly drunk and her bestfriend passed out.”sabi ko sa kanila, Ako na lang talaga ang nasa matinong kalagayan. Isang shot lang ang nainom ko lalo na nung nalaman kong pinag-expirementuhan pala ni Finn at Laura ang drinks namin tonight. Alam kong kapag pinaghalo ang ilan sa alcohol ang iba magiging cocktail pero ang iba may kakaibang side effect, Lalo na ngayon kay Machine gun she's wildly drunk at wala sa sarili at kay Tristan na masakit ang ulo.

“Uwi na kami ni Guia.”sabi ni Colton at pagewang-gewang na siya, Si Guia mukhang nasa katinuan pa eh puro juice lang ang ininom eh.

“Sige Marc, Finn and Laura una na kami.”paalam ni Guia, Tumango na lang ako at tinignan ang dalawang taong naglalampungan. Ako na lang talaga ang may wisyo dito, Nice ako na naman ang magdadala kay Tristan sa Condo niya and ihahatid ko pa itong si Miss Machine Gun, Machine gun because her mouth is like one.

“Hey Miss, Let's go home.”sabi ko sa kanya na nakatingin lang sa akin at ngumingiti-ngiti na parang baliw, Ibang klase talaga malasing.

“I don't want to, My beshfriend is here.”sabi niya saka nag-pout, She's cute while pouting but i hate noisy girls they're freaking me out.

“I'll bring the both of you home.”sabi ko, Dadalhin ko na lang yung bestfriend niya sa Condo niya. Una ko siyang binuhat palabas ng Bar at dinala sa kotse ko, Pumasok ulit ako sa loob para kunin yung bestfriend niya pero wala na si Finn at Laura umiling na lang ako at tinapik ko muna si Tristan.

“Tristan.”tawag ko sa kanya habang tinatapik sa pisngi.

“Hmm..”ungol niya, Umiling naman ako. I guess he will stay at my place tonight, Tinatamad na kong dalhin siya pauwi sa condo niya. Binuhat ko muna yung bestfriend ni Miss Machine Gun at dinala sa kotse ko saka ko binalikan si Tristan at inalalayan ko papasok sa kotse ko. How nice! Ginawa nila akong Driver.

Miss Machine Gun is in the shotgun while her bestfriend and Tristan is at the backseat and i am so dumbed! Bakit ko pinagtabi silang dalawa knowing they're both drunk? Ah forget it i am too lazy to switch places. I started the engine and drove away.

=======

=======

“Ang gwapo-gwapo mo!”sabi niya sa akin habang buhat ko siya, Pinipisil pa niya ang cheeks ko kaya pinagtitinginan kami ng Staffs na nasa night shift.

“Hello Sir Marc.”bati sa akin ng isa sa reception, Kilala ko dito siyempre i reside here.

“Is she the owner of this A Towers?”i ask her, Tinignan niya ang babaeng buhat ko at nanlaki ang mata niya.

“Oh My Gosh! Miss Shiela!”sabi niya at nagulantang ang ibang Staffs na gising dito sa Night Shift.

“Where is her room? She too heavy and drunk.”sabi ko sa receptionist, Bakit ba ang bigat-bigat nitong babaeng ito?

“Lulu! Paki-tulungan naman si Sir Marc na dalhin si Miss Shiela sa Condo niya.”sabi ng babaeng kilala ko lang sa mukha na receptionist. Agad naman kaming sumakay sa Elevator at dinala kaming dalawa sa 14th floor where my Condo is also located.

My Guy (series)Onde histórias criam vida. Descubra agora