Final

9.2K 65 3
                                    

“Coraline bilisan mo ma-late ka sa pagpasok.”sigaw ko sa kapatid ko na nasa kwarto pa rin niya habang hinahanda ko ang mga gamit ko at yung sketch na ginawa ko kaninang madaling araw, Wala pa kong matinong tulog. Tatlong oras lang ako nakatulog actually hindi kasi talaga ako makatulog dahil sa pesteng lalaking yun.

Habang naghahanda ako tumunog ang phone ko, Tinignan ko kung sino ang tumawag pero walang pangalan sa phone book. Napataas ang kilay ko at sinagot ang tawag.

“Hello.”sagot ko habang naka-ipit sa ulo at balikat ko ang phone, Nag-aayos pa rin ako ng gamit ko.

“Cornelia anak.”nanigas ako sa kinatatayuan ko, Napatigil ako sa ginagawa ko at naibagsak ko ang sketch book na hawak ko.

“D-Dad?”iyon lang ang lumabas sa bibig ko, Nanuyot ang lalamunan ko at nahirapan akong huminga pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko.

“Anak.”lalo kong nanghina ng sabihin niya ang word na “anak” How could he say that? Alam ko ang tungkol sa pangangaliwa niya, Tanga siyang ama. Mahina at higit sa lahat walang kwenta, Silang dalawa ni Mom. Bagay nga sila dahil parehas silang tanga.

“Buhay pa pala kayo.”cold na sabi ko sa kanya na nasa kabilang linya, Siguro naman hindi siya ganoon katanga kung bakit malamig ang pakikitungo ko sa kanya.

“Anak magkita tayo nila Coraline sa isang restaurant, Kasama ko ang Mom mo magkita tayo.”nagulat ako. Tumalon ang puso ko, Nakaramdam ako ng tuwa.

“S-Saan yan Dad?”excited ang tono ko, I may sound so childish but i am still a daughter of my parents.

“Cassa Maria.”sabi ni Dad, Napangiti naman ako. Don’t tell me nagkabalikan na sila?

“We’ll be there, I promise.”sabi ko at napaluha ako sa saya, Finally hindi magiging malungkot ang Christmas namin ni Coraline. Buo na ulit ang pamilya namin.

“Be safe.”sabi ni Dad at tumango naman ako kahit na hindi niya ko nakikita, Sobrang saya ng nararamdaman ko.

“Sige Dad, Bye.”sabi ko at binaba ang phone ko, Tinignan ko si Coraline na umiiyak sa may pintuan.

“Shh Coraline, Nagkabalikan na ata si Mom at Dad.”sabi ko sa kanya ng nakangiti, Ngumiti rin siya at niyakap ako ng mahigpit.

“Mabubuo na ba ulit ang pamilya natin? Babalik na tayo sa dati? Yung masayang family.. Yung kumpleto?”tanong niya kaya naman tumango ako, Hindi naman siguro kasama ni Dad si Mom for any negative reasons di ba?

“Tara na wag ka ng magpalit baka after this ihatid kita sa school.”sabi ko sa kanya at kinuha ko ang sketch book saka nilagay sa bag, Sabay kaming lumabas ni Coraline sa Unit namin. This time we’re not the serious one as always, There are smiles that painted at our faces and this is not the usual ones. Tinawagan ko si Shiela at Guia saying na may dinner kami with Mom and Dad.

“Hey Cornelia! Na saan ka na ba?”tanong ni Shiela sa akin, Napangiti naman ako habang kausap ang bestfriend ko.

“Medyo male-late ako sa pagpasok, Dadaan kasi kami ni Coraline sa Cassa Maria nandoon si Dad at Mom.”nakangiti kong sabi kay Shiela, Sure akong naka-loudspeaker dahil rinig na rinig ko ang humming ni Guia.

“What?! Are you freakin’ serious? Magkasama ang Mom at Dad niyo?”rinig kong gulat na sabi ni Shiela, Expected ko na.

My Guy (series)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin