Official 15

5.7K 122 9
                                    

Warning: Medyo SPG.. Magpagkasaya muna kayo guys may final wave pa ako bwahaha! *insert evil laugh here xD*

5 Chapters to go plus the final, the pre-epilogue, the epilogue and the bonus chapter for Trick and Ashley's story. Yes meron silang sarili i'll post it after this Guy Series kaya please wag muna kayong bumitaw dahil ayoko pa kayong pakawalan, That's how much i love you guys!

________________________________


Pagod na pagod kaming apat habang pauwi kami sa bahay. Halos alas-siyete na kami naka-alis sa Academy dahil tinapos pa ang Fireworks Display sa Closing ng Family Day. Masaya naman kami dahil sulit ang pagpunta namin doon, First place kami ni Ashley sa Mother & Daughter Cooking Contest habang Champion sa Baskteball game si TJ at Trick. Nung Fam-Marathon naman nag-jogging kaming apat nang sabay-sabay imbes na tumakbo hindi namin iyon sineryoso at nag-enjoy lang.

Nagkaroon ng Calamansi Race na laro para sa buong Family, Mayroon ding activity ang mga kids dalawa lang ang sinalihan ni Ashley at Trick. Isang Game Quiz kung saan nanalo si Trick at second place si Ashley. Muntik na nga umiyak si Ashley kung hindi lang binilhan ni TJ ng chocolate para hindi umiyak. Mayroon ding activity na puro parents lang ang kasali tulad yung sack race at yung kakainin yung isang mansanas habang nakatali yung kamay sa likod.

“Gusto niyo bang kumain muna?”tanong ni TJ sa dalawang bata sa likod, Walang sumagot kaya naman nilingon ko silang dalawa na magkasandal habang natutulog. Natawa naman ako kaya naging curious si TJ sa dalawang bata kung bakit ako natawa.

“Ano yun?”usisa ni TJ habang nagmamaneho na titingin pa sa likuran kaya naman agad ko siyang pinigilan dahil baka mabunggo kami, Nagmamaneho siya. Safety first dahil kasama namin yung dalawang bata.

“Magmaneho ka na lang please?”matawa-tawa kong sabi kay TJ at napailing na lang siya. Hindi siya makatingin sa rear mirror dahil pinigilan ko rin yung mata niya. Pang-asar lang pero imbes na maasar siya natawa lang siya ng mahina.

“Nagugutom ka na ba?”tanong ko kay TJ habang nagmamaneho siya. Sinulyapan niya ako sandali kaya naman pinanlakihan ko siya ng mata natawa naman siya sa ginawa ko.

“Oo, Bakit ipagluluto mo ko ulit? Balak ko sanang kumain tayo sa labas kaya lang tulog na yung dalawa halatang pagod na pagod.”sabi ni TJ kaya naman ngumiti ako sa sinabi niya. Napaka-thoughtful talaga niya at kanina pa siya thoughtful. Pawis na pawis kami ni Ashley noon after nung Cooking Contest dahil tanghaling tapat kami nagluto kahit na may roof naman. Biruin mo ba naman lumapit sa amin at pinunasan kaming dalawa ni Ashley ng pawis.

Tinulak siya ni Ashley dahil nahihiya, Masyado kasing sweet at thoughtful ako naman nginitian na lang si TJ at siyempre nagpasalamat sa kanya hihingi pa nga ng kiss kung hindi na siya tinulak ng tuluyan ni Ashley sa sobrang hiya.

“Doon muna kayo matulog ni Ashley sa guestroom sa bahay para na rin mapagluto kita ng hapunan bago ka rin matulog. Huwag kang matutulog ng gutom.”sabi ko kay TJ at narinig ko ang maliit niyang tawa kaya naman kumunot ang noo ko sa pagtawa niya dahil walang nakakatawa sa sinabi ko, Seryoso pa nga ako eh.

“Kapag naging asawa na pala talaga kita lagi akong busog? That’s a good start babe.”sabi niya sa akin kaya naman napangiti na lang ako at ngumisi. Asawa na talaga? Ang sarap pakinggan sa tenga napapikit ako sa saya dahil paulit-ulit sa tenga ko yung word na asawa. Kasal na lang ang kulang..
 

My Guy (series)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα