Official 13

6.3K 115 13
                                    

“Si mama?”rinig kong boses ni Trick kaya napadilat ako, Nakita ko siyang nakatingin sa mga damit ko sa sahig kaya naman napanganga ako. Sht! Yung anak ko!

“Naku Trick, Pagod ang mama mo kaya tulog pa rin hanggang ngayon. Bumaba ka na sa baba para kumain at antayin ang school bus na magsusundo sa iyo kasi parating na iyon, Mag-toothbrush ka rin bago ka umalis.”paalala sa kanya ni Tiray, What the? Nandito rin si Tiray sa kwarto ko? Napadilat ako at nakita ko ang kakaibang ekspresyon ng anak ko.

“Kay papa.”biglang bulalas ni Trick habang nakatingin sa damit sa ibaba, Sht! Naalala ko yung polo ni TJ na nasira ko ang mga butones kagabi.

“Anong sabi mo Trick?”tanong sa kanya ni Tiray at nakita ko ang pag-iling ni Trick.

“Ah wala sige ate Tiray.”sabi ni Trick at umalis na sa kwarto ko. Hindi ko alam kung mananatili akong nagpapanggap na tulog o babangon na ko tutal si Tiray naman kaya lang nahihiya ako dahil baka kung ano na ang iniisip niya.

“Ate anong gagawin ko sa polo? Wala yung mga butones eh.”tanong ni Tiray habang nakatingin sa akin kaya naman napabangon ako, Buti na lang at sinuotan ako ng damit kagabi ni TJ dahil pagod na pagod ako at antok na antok.

“Ah iwan mo na lang diyaan saka yung mga butones paki hanap na lang tatahiin ko, Nandyan lang iyan sa gilid-gilid.”sabi ko kay Tiray at tumango siya sa akin. Napatingin ako sa orasan at alas-sais na pala ng umaga. Tatlong oras palang ang tulog ko kaya pala antok na antok pa rin ako.

“Ay ate nakakatuwa si Sir imbes na sa gate dumaan sa bakod siya lumabas.”matawa-tawang kwento sa akin ni Tiray kaya naman napanganga ako sa sinabi niya. Sht! Nakita niya si TJ kagabi tapos yung damit ko at yung polo niya.

“I know ate, Shh.”sabi ni Tiray habang hawak ang basket ng maruruming damit bago lumabas ng kwarto ko. Fck you TJ! Humanda ka sa akin makikita mo, Ugh!

Bumangon ako at nakita ko ang butones ng polo ni TJ sa side table, Doon pala nilagay ni Tiray ang mga iyon. May nakita pa akong tatlong butones sa kama at nilagay ko sa side table kasama ng mga naipon na butones ni Tiray, Hinawakan ko ang polo ni TJ at inamoy.

 

Ang bango. Anong perfume ang gamit ng lokong ito? Is this his natural smell or his perfume? Umiling na lang ako at kinuha ang sewing box para tahiin ang butones sa polo niya. I can help but to smile all the time habang tinatahi ko ang butones sa polo niya. Nang matapos ko pinalaba ko na kay Tiray dahil ngayon pala siya maglalaba kaya kinuha niya ang mga maduduming damit.

“Yes, release thousand of them in demand na siya sa market.”sabi ko sa isa sa employees ko through the phone dahil hindi ako makakapasok ngayon dahil sa pagod ko.

“Okay, Bye.”at agad kong sinagot ang sumunod na tawag sa linya.

“Bonjour mademoiselle.”at naparolyo ako ng mata ko, Elise Roux.

“What do you want?”tanong ko sa kanya at narinig ko ang pagtawa niya.

“Well since hindi ko kabisado ang lugar, Can you give me a tour?”matawa-tawa niyang sabi sa akin.

“I am a designer, Get a freaking tour guide Elise.”sabi ko sa kanya at tumawa siya.

“I am just joking Crea, Why don’t you join me? Since you’re one of my friends and of course business rivals let’s have a trip for a day, Tour me in the City.”parang batang sabi ni Elise, Sometimes you can’t predict this woman. I don’t know if we’re friends or enemies dahil sa ugali niya.

My Guy (series)Where stories live. Discover now