Official 11

7.5K 138 36
                                    

Nakatitig lang ako kay TJ at Trick na masayang-masayang naglalaro at hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang sinabi sa akin ni Ashley. Iniisip ko pa rin ang pagdating ng panahon na susukuan ako ni TJ. There is a part of me na sinasabing wag sumuko na aantayin ko ang paghingi niya ng tawad na ano kung sumuko siya it’s his loss pero ang sabi ng puso’t isipan ko.. Tama na. Tama na dahil wala ng patutunguhan ang pagiging matigas ko.

Napabuntong hininga ako kasabay ng pagdesisyon kong sumusuko na ko, I surrender! Binalik ko ang tingin ko kay Ashley na tahimik lang na nagha-hum sa tabi ko at napangisi ako.

“Ashley.”tawag ko kay Ashley, Napatigil siya sa pag-hum at napatingin sa akin.

“Yes?”tanong niya sa akin habang inii-sway ang dalawang maliliit niyang paa.

“Thank you.”pasasalamat ko sa kanya at ngumiti naman siya sa akin, Matalinong bata. Napakatalinong bata ni Ashley at yung sinabi niya sa akin may point kaya nakumbinsi niya akong sumuko na.

“Still i hate you, Don’t just say you love him. Prove it.”and it hit me. Ito yung sinabi ko kay TJ kagabi, Narinig kaya ni Ashley ang sinabi ko? Napangisi ako ulit at tumango sa kanya.

“I will.”sabi ko kay Ashley at binuhat ko siya, Nagpipiglas pa siya at inupo ko siya sa hita ko saka yinakap na parang teddy bear.

Napatigil ang pagpipiglas ni Ashley sa akin, Naging relax siya habang nakaupo sa hita ko.

“May Father and Son basketball game ang mga boys di ba? Paano ang girls? I am sure may activity para sa atin di ba?”tanong ko kay Ashley, Napatingin siya sa akin. Napansin ko ang pagkislap ng mata niya habang nakatingin sa akin. Dahan-dahan siyang tumango.

“Cooking Contest po.”sagot niya sa akin ng nakangiti, Napangiti naman ako sa kanya at kinarga ko siya tulad ng pagkarga sa kanya ni TJ ng tumayo kami.

“Then let’s practice, Si Daddy mo at si Trick nagpa-practice tayong dalawa rin kailangan.”sabi ko kay Ashley at mas lalong lumaki ang ngiti niya sa akin.

“Saan ang punta niyo?”tanong ni TJ na humarang talaga sa daraanan namin ni Ashley para makalabas kami sa Court. Dalawa sila ni Trick na humarang sa amin at pawis na pawis silang dalawa.

“Kailangan naming magpractice sa Cooking Contest, TJ. Para ito sa Family Day sa sabado.”sabi ko kay TJ at napatango naman siya habang nakangisi.

“Uh-huh and you Ashley, Bakit naman biglang nagbago ang ikot ng mundo? Ang sabi mo sa akin kagabi..”tinakpan ni Ashley ang tenga ko pero naririnig ko pa rin ang katuloy na sinabi ni TJ.

“..you hate her.”gusto kong tumawa pero pinigilan ko, I want to pretend na hindi ko narinig ang sinabi ni TJ.

“I never said that Daddy, Aalis na kami kailangan naming mag-practice ni Mommy.”at inirapan ni Ashley si TJ bago tanggalin ang kamay niya sa tenga ko saka siya kumapit sa leeg ko.

“Alis na po tayo, Practice!”sigaw ni Ashley kaya naglakad na kami, Tawa naman ng tawa si TJ ng iwan namin ni Ashley. Nilingon ko pa siya na tawa ng tawa, Nag-apir pa sila ni Trick bago bumalik sa paglalaro ng basketball.

Pumunta kami ni Ashley sa bahay para magpractice sa pagluluto para sa Mother and Daughter activity sa Family Day. Yung lulutuin namin iyon na rin ang kakainin namin sa Dinner. Tinuro ko kay Ashley ang mga herbs and spices lalo na ang mga mahahalagang utensil sa kusina. Ako naman ang talagang magluluto habang si Ashley ay parang assistant.

My Guy (series)Where stories live. Discover now