Special Chapter (Cornell's Side)

8.4K 66 7
                                    

“Natatakot ka ba?”tanong sa akin ni Kristelle, Ang girlfriend ko. Ang babaeng pumigil sa akin sa pagtalon ko sa 55th floor ng isang building na saktong pag-aari pala nila.

“No i am not but I feel nervous Telle.”sabi ko sa kanya agad naman niya kong yinakap mula sa likod ko habang naka-upo ako sa couch ng tinutuluyan kong apartment.

“Kung ako ang nasa posisyon mo siguro kakabahan din ako, Cornell.”sabi niya sa akin kaya napangiti ako. I am glad that Kristelle is at my side when i felt that the world is a big burden to me. My First Love died and left me, And the woman I used to loved.. Amelia also left me akala ko katapusan ko na but then she appeared right in front of me.

“Kinakabahan ako sa mangyayari Telle, Si Cornelia iyon eh.”sabi ko sa kanya, Si Cornelia iyon eh. Ang anak ng babaeng mahal ko mula noon hanggang ngayon, Ang babaeng kahit wala na sa mundo eh mahal ko pa rin..

  

“Yeah, She’s Cornelia. You’re first love’s daughter.”sabi ni Kristelle sa akin na may tono ng pagkaselos, Hinawakan ko naman ang kamay niya at tiningala ko siya.

“Yes she is my first love but don’t be jealous Kristelle, You are my true love.”sabi ko sa kanya at napangiti naman siya sa sinabi ko.

“Pero natatakot ako sa sasabihin ni Cornelia sa akin, Natatakot din ako kung sakaling makaharap ko na si Brenda feeling ko ang sama-sama kong bestfriend sa kanya.”dagdag kong sabi kay Kristelle, Brenda is my First Love at the same time bestfriend naman siya ni Amelia. The three of us are bestfriends since childhood. 

“Cornell hindi ka masamang bestfriend dahil sa loob ng dalawampu’t isang taon inalagaan at minahal mo na parang anak mo si Cornelia kaya hindi ka susumbatan ni Brenda kung sakaling magkita kayong dalawa sa kabilang buhay.”sabi ni Kristelle sa akin at tinabihan ako sa pagkakaupo sa Couch. Yes hindi kami ni Amelia ang tunay na magulang ni Cornelia, As i said we’re bestfriend before.

“Cheer up Cornell, Daraan nga pala dito si Laura para sabayan tayo sa dinner tonight.”sabi ni Kristelle at nakangiting napatango naman ako sa kanya na tumayo para pumunta sa kitchen para maghanda ng dinner namin tonight. Si Laura nga pala ang younger sister ni Kristelle, Napapikit naman ako ng mga mata ko at sumandal sa couch.

=======
=======
 

“Brenda!”sigaw namin ni Amelia sa labas ng bahay ni Brenda, We have no other choice but to break the main door para makapasok kami sa loob.

 

“Shit Cornell! Bren is inside! My bestfriend is inside!”nagpapanic na sigaw ni Amelia kaya naman nasigawan ko siya. 

 

“Shut up!”sigaw ko at napatahimik naman siya pero ang bilis ng mga hinga namin dahil siguro napatakbo kami dito at natatakot na rin kami sa gagawin ni Brenda. Pinatabi ko si Amelia at pinagsisipa ko ang Main Door, I have no other choice but to break it.
 

Sa sumunod na sipa ko tumilamsik ang pintuan papasok agad naman kaming pumasok ni Amelia sa loob ng bahay ni Brenda, Shit! Bakit ba kailangan bumukod siya sa bahay nila ngayon? Hindi ba alam nila Tito at Tita pati na rin ng kapatid niya ang pinagdaraanan niya?! Hinanap ko sa buong kabahayan si Brenda habang si Amelia ay agad na tumakbo paakyat sa kwarto ni Brenda.
 

My Guy (series)Where stories live. Discover now