Official 16

5.7K 108 11
                                    

Naramdaman ko yung braso ni TJ na nakayakap sa akin. Napadilat ako at nakita ko yung mukha niyang natutulog pa. Gusto kong dumating yung araw na araw-araw kong makikita yung mukha niya pag-gising ko, Yung gwapo niyang mukha ang bubungad sa akin.

Gumalaw si TJ at nilapit pa ako lalo sa kanya kaya naman napangiti ako at yinakap din siya. Siguro ten more minutes, Mamaya na ako babangon dahil bukod sa gusto ko pa ang yakap ni TJ hinahatak pa ako ng kama dahil malamig kahit na may comforter na nakabalot sa aming dalawa ni TJ.

“Babe alam kong gising ka na.”medyo paos na sabi niya kaya naman napadilat ako, Napangiti ako ng sobrang laki dahil sa paos niyang boses. Ganito pala ang boses ng isang Tristan James Gonzales kapag bagong gising yung fresh sa pagkagising.. paos pero sexy.

“I know ten more minutes.”sabi ko sa kanya at yinakap pa siya ng mahigpit bago ako pumikit. I heard him chuckle at yinakap din ako ng mahigpit. Nainggit siya sa yakap ko sa kanya.

“Okay babe, Ten more minutes and after that bangon na tayo.”sabi niya sa akin at tumango naman ako habang nakapikit. Hinalikan niya ang noo ko at siniksik ko pa ang sarili ko sa kanya, Yung tipong mahihiya yung space kaya aalis na lang siya para mas magkadikit pa kami lalo.

Maya-maya narinig ko yung pag-crack ng pinto, Alam kong narinig din iyon ni TJ. Pinakiramdaman ko dahil baka may pumasok sa kwarto ko.

“Shh tulog pa mama mo.”rinig kong bulong ni TJ, Mukhang si Trick yung pumasok. Parang may bumaon sa kama kaya iniisip kong umakyat si Trick sa kama ko.

“Tinignan ko lang kung magkasama po kayo, Nasa ibaba kasi si Ashley kinakain yung cereals ko.”may bahid ng asar yung tono ni Trick, I hope pagsabihan ni TJ dahil hindi ko pa maidilat yung mata ko ng maayos.

“Hayaan mo na papalitan ko na lang bibilhan kita nung mas marami at malaki, Huwag kayong mag-aaway.”sabi ni TJ naramdaman kong tumalon si Trick bago ko narinig yung pag-crack ng pinto indicating lumabas na si Trick.

“Gusto mong sundan pa natin ng isa si Trick? Mukhang mahihirapan tayo kay Ashley at Trick dahil mukhang madalas mag-aaway.”rinig kong sabi ni TJ at tumawa. Mahina ko siyang hinampas gamit yung palad ko na nasa bewang niya.

“Shut up TJ, Huwag muna bata pa si Trick at Ashley mas mahihirapan tayo magkakaroon ng agawan sa atensyon.”sabi ko kay TJ at napadilat ako ng mata ko. Nakangisi lang siya habang nakatingin sa akin.

“Kaya perfect kang maging asawa ko, Mrs. Gonzales.”sabi niya sa akin kaya naman inilingan ko na lang siya saka ako bumangon. Suot ko yung malaking white shirt ni TJ habang siya naman naka-boxer lang.

“Sandali kukuha lang ako ng damit sa cabinet, Diyaan ka lang malamigan ka.”sabi ko kay TJ habang balot pa siya ng comforter. Nung natutulog nga kasi kami balot yung katawan tapos labas yung ulo naming dalawa.

“My considerate and thoughtful soon to be Mrs. Gonzales.”sabi ni TJ kaya naman napatawa ako sa sinabi niya bago ko halungkatin yung damit ko at nag-suot ng short, Siyempre kailangan ko munang hubarin yung t-shirt ni TJ bago ako magsuot ng sarili kong t-shirt.

My Guy (series)Where stories live. Discover now