My Guy Series (Epilogue)

5.5K 85 14
                                    

Malakas ang hangin habang naglalakad at nagmumuni-muni sa dalampasigan ng La Fuentel Hotel and Resort si Cornelia. Tulad ng napag-usapan nila ni TJ sa Irio Island ang Honeymoon destination nilang dalawa.

Maaga kasing nagising si Cornelia dahil sa sinag ng araw na tumagos sa kurtina ng madalim nilang kwarto ni TJ. Napapangiti nalang si Cornelia habang iniisip niya ang mukha ni TJ na bumungad sa kanya pag-gising niya kanina. Tulog na tulog pa rin kasi si TJ at halatang pagod na pagod ito. Naka-apat na rounds kasi silang dalawa at naalala niyang bumigay talaga si TJ sa kanya matapos isigaw ang pangalan niya na may kasama pang “i love you”.

“Babe.”napalingon si Cornelia at doon niya nakita ang asawa niya na papalapit sa kanya. Lalong lumaki ang ngiti ni Cornelia nang makita niya kaya sinalubong niya ito, Agad siyang yinakap ni TJ ng mahigpit at nginitian.

“Bakit di mo ko ginising?”tanong ni TJ sa kanya, Umangat ang ulo ni Cornelia para tignan ang gwapo niyang asawa na messy ang buhok. Ang hot lang nitong tignan lalo na’t dalawang butones ng suot nitong puting polo ang nakabukas.

“Ang sarap kasi ng tulog mo saka alam kong pagod na pagod ka.”sagot ni Cornelia at natawa si TJ para itago ang hiya niya dahil unexpected ang pagbagsak ng katawan niya kay Cornelia sa sobrang pagod, Bumigay nga kasi talaga siya.

“Nag-breakfast ka na?”pagse-segueway ni TJ sa asawa. Napahagikgik na lang si Cornelia dahil halatang iniiwas ng asawa niya ang usapan kaya hinayaan na lang niya.

“Hindi pa inaantay kasi kita, Ano kain tayo? Saan mo gusto?”tanong ni Cornelia kay TJ at humigpit ang yakap ni TJ kay Cornelia. Pasalamat sila at konti palang ang tao sa beach kaya hindi sila masyadong PDA.

“Sa loob na lang ng café sa Hotel.”sabi ni TJ at pinagsalikop nila ang kanilang kamay papasok sa loob ng Hotel kung saan sila magii-stay for almost one week of honeymoon. Habang papasok sila sa loob ay nagkwe-kwentuhan sila tungkol sa lugar na gusto nilang puntahan muli.

“Maganda sa Valley Fort gusto ko ulit puntahan iyon.”sabi ni Cornelia kay TJ at tumango si TJ kahit na masaklap ang nangyari sa kanya sa Valley Fort noon nag-fieldtrip din sila sa naturang isla.

“Sige after breakfast let’s go there.”sabi ni TJ at hinalikan ang gilid ng noo ni Cornelia habang papasok sila sa loob ng café para kumain.

“Two servings of Tuna Sandwich and a cup of coffee, Ikaw anong gusto mo babe?”tanong ni TJ sa asawa niya habang tumingin sa menu si Cornelia. Tinuck-in ng babaeng server ang buhok niya sa likod ng kanyang tenga, Nagwa-gwapuhan kasi ito kay TJ.

“Cheese bread and chocolate deluxe.”nakangiting sabi ni Cornelia sa server. Pagkakuha ng order nila’y umalis na ang babae ng tahimik.

“Speaking of coffee, Napuntahan niyo ba yung Coffee Bar dito sa Irio?”tanong ni TJ kay Cornelia at nanlaki ang mata ni Cornelia.

“Yup! The best yung café latte nila doon, Puntahan din natin tonight?”excited na sabi ni Cornelia, Bigla namang nanggigil si TJ sa asawa niya saka niya ito hinalikan ng mabilis sa labi.

“Sure Mais este Miss Minchin este Babe.”pang-aasar ni TJ sa asawa niya na sinamaan siya ng tingin dahil sa mga names na itinawag sa kanya.

“Ang cute mo talagang maasar ano?”natutuwang sabi ni TJ at nag-role eyes na lang si Cornelia sa kanya. Eto na naman si TJ sa kanyang Asar-Lambing moment, Hilig talaga ni TJ ang asarin siya tapos lalambingin tapos aasarin tapos lalambingin ulit.

“Ang cute mo rin mag-role eyes tapos kapag umirap ka pa? Manggigigil talaga ako tapos uubusin ko hininga mo sa halik na may kasamang i love you.”nakangising sabi ni TJ sa asawa niya. Mabilis na napatingin si Cornelia kay TJ at natawa sa sinabi nito. Kinilig siya, Sa tawa na lang dinaan.

My Guy (series)Where stories live. Discover now