Special Chapter (Amelia's Side)

8.1K 71 3
                                    

“Amelia..”tawag sa akin ni Paul, My Highschool friend at the same time naging Doctor ko. I have a stage four Colateral Cancer and hindi siya magagamot huli ko na nalaman na may sakit ako at kailan lang lumabas ang symptoms sa sakit ko.

“Bakit nandito ka lang mag-isa? Na saan na yung mga nurse?”tanong niya sa akin kaya naman napayuko na lang ako. Gusto kong mag-isa dahil pakiramdam ko ito yung karma ko sa pag-iwan ko sa pamilya ko.

  

“Pinaalis ko muna sila gusto ko kasing mapag-isa.”sabi ko kay Paul at umupo naman siya sa tabing upuan ng wheelchair kung saan ako naka-upo.

“Kamusta naman kayo ng.. ng boyfriend mo?”tanong niya sa akin tinignan ko naman siya saka ako ngumiti ng mapait.

  

“W-Wala na kami.”sabi ko kay Paul at huminga naman ako ng malalim.

“Ayos na rin iyon, Ang galing nga ng timing niya. Yung namomroblema ako kung ano ang gagawin ko kung sakaling mamatay ako without him knowing na may sakit ako, Ano kayang gagawin niya pero buti na lang may minahal na siyang iba kaya sobrang dali lang sa akin.”dagdag ko pa kay Paul at nagulat ako ng punasan niya ang luha na tumulo sa mata ko. Hinawakan ko naman ang kamay niya para ilayo sa mukha ko.

“Ilang taon na ang lumipas Amelia hindi ka pa rin nagbabago, Ikaw pa rin yung Amelia na nakilala ko nung highschool.”nakangiting sabi ni Paul sa akin at ngumiti na lang ako sa kanya.

  

“Don’t tell me may gusto ka pa rin sa akin all these years? Kung ako sa iyo tigilan mo na yan ako yung babaeng puno ng kamalasan sa buhay.”sabi ko kay Paul, I remember way back highschool umamin siya sa akin na may gusto siya sa akin but hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya since ayokong masira ang friendship naming dalawa dahil mahalaga siya sa akin.

“Ano naman kung all these years gusto pa rin kita? Remember na-friendzone ako sa iyo noon? You didn’t take the risk Amelia, Mas pinili mo kasi ang friendship natin.”sabi ni Paul at napatingin lang kami sa papalubog na araw dito sa may Veranda sa Hospital kung saan ako nag-stay dahil napapadalas ang pagsakit ng tiyan ko.

  

“Pero kung hindi ko pinili yung friendship natin ano ka ngayon? Hindi ka magiging Doctor hindi ka aalis ng bansa so that’s great. This is my choice and this is my life full of mistakes.”sabi ko kay Paul habang tinitignan ko ang araw na unti-unting nilalamon ng dilim. Katulad ng araw na iyan ganyan ang buhay ko unti-unti na kong nanghihina at namamatay.

“Amelia..”tawag sa akin ni Paul.

  

“No one will understand me, No one will understand Amelia Serrano. An Orphan child, The Bad Mother and the useless Bestfriend.”

=======
=======

Ilayo niyo sa akin ang batang yan!sigaw ni Brenda na nagsisigaw pagkagising niya dito sa Hospital. Nanlaki naman ang mata namin ni Cornell habang nasa bisig niya ang bagong silang na anak ni Brenda.

 

My Guy (series)Where stories live. Discover now