Only 1

9.4K 78 7
                                    

Hindi ako dumiretso sa Condo ko dahil gusto kong mawala ang stress ko sa mga pinagsasabi ni Marc, Dumiretso ako sa bahay ng may makita akong pamilyar na kotse sa labas ng gate namin. Nang maaalala ko kay Cornelia yung kotse na yun, Anong ginagawa niya dito? 

Pinark ko ang kotse ko sa harap ng kotse niya at nag-doorbell, Pinagbuksan naman ako ni Manang. Pagpasok ko palang ng gate namin nakita ko si CJ at si Cornelia na naglalaro ng Chess sa may Garden habang nasa labas si mama at papa nagkwe-kwentuhan. Lumapit ako sa kanila at nginitian ako ni mama.

"Oh TJ, Nandito ka na pala sana sinabi mo na nandito ka para pinagluto sana kita ng Dinner."sabi ni mama ng nakangiti habang nakatingin sa akin pero saglit lang kasi bumalik ang tingin niya kay CJ at Cornelia na nagche-chess.

"Sorry CJ but your Queen is mine."sabi ni Cornelia at kinain yung Queen ni CJ gamit yung bishop niya. Napa-kamot naman sa ulo si CJ dahil nakain ang Queen niya, Umupo ako sa tabi ni Mama at Papa saka ko sila pinagmagsdan maglaro.

"Naku TJ, Mukhang matatalo ulit si CJ. Pangalawang game na nila yan magaling palang mag-chess itong si Cornelia."sabi ni Papa napatingin naman ako kay Cornelia at CJ na naglalaro. Kinuha ni Cornelia yung Horse at nilagay sa pwesto nito sabay sabi ng..

"Check."nakangiting sabi ni Cornelia at napa-iling na lang si CJ sa Frustration. Natawa naman si Mama sa pinagagawa ni CJ kasi talo na agad kahit na halos kasisimula palang ata ng laban.

"Grabe ka ate Cornelia, Paano mo nagawa yun?"tanong ni CJ at napakamot pa sa batok niya. Nginitian lang siya ni Cornelia.

"May iba't-iba kasing moves yan, May four moves, five moves at eight moves basta maraming moves. Dipende naman yan sa kalaban kung ano ang gagamitin mong moves."paliwanag ni Cornelia kay CJ.

"Tara laro tayo, Try natin matalo ang Cornelia the Great."loko ko kay Cornelia at napa-role eyes naman siya.

"Parang Great wall of China lang ah, Kaya lang Great wall of Cornelia kasi hindi naman China ang pangalan ko."sabi ni Cornelia sa akin, Umupo ako sa tabi ni CJ at kaharap namin si Cornelia.

"White's First."sabi ni Cornelia sa akin, Anong akala niya hindi ako marunog mag-chess? Ako nga nagturo kay CJ kung paano mag-chess. Umiling na lang ako at ginalaw ang horse ko. Napatingin naman ako kay Cornelia na concentrated na concentraded sa nilalaro namin, Seryosong seryoso siya. Ginalaw niya yung pawn.

Tahimik lang kaming naglalaro hanggang sa naramdaman kong umalis na si Mama at Papa dito sa Garden siguro antok na sila, Si CJ naman nanonood lang sa aming dalawa ni Cornelia hanggang sa humikab si CJ at umalis na rin. Kaming dalawa na lang ang naiwan ni Cornelia ang naiwang naglalaro, Nilagay ko ang move ko at turn na niya. Masyado kaming tahimik kaya binasag ko ang katahimikan na bumabalot sa amin.

"Ayos ka na?"tanong ko sa kanya, Kunot noo siyang tumingin sa akin.

"Of course i am okay, Why?"tanong naman niya, Parang kaninang umaga hindi siya nagwala at nagiiyak sa Boutique niya.

"Nagwala at nagiiyak ka kanina sa Boutique, What happened to you and your sister?"tanong ko sa kanya, She nodded and move her tower.

"Paano mo nalaman na magkasama kami ng kapatid ko?"tanong niya sa akin. Tinitigan ko siya habang nakatingin pa rin siya sa chess board at nilapag sa gilid ng horse ko ang tower niya.

"Shiela and Guia told me so bakit ka umiyak at nagwala kanina?"sabi ko at inalis ang horse ko para hindi makain ng tower niya. It's her turn she move the bishop and ate my Queen, I don't see that coming.

My Guy (series)Where stories live. Discover now